Chapter 2

969 Words
TRIXIE’s POV Naningkit ang mga mata ko nang makita ko siyang nakangisi sa akin. “Anong itinawag mo sa akin?!” Halos mag-usok ang ilong ko sa pagpipigil ng galit. Kahit gusto ko nang sapakin ang guwapong pagmumukha niya ay nagdadalawang isip akong gawin. Kalma, Trixie, kalma. Ayokong pumatol sa maaangas na mga estudyante dahil naalala kong hindi na ako pulis ngayon kundi isang guro. “I said you-are-a-stupid-bi-AWW!” Nagulat ako nang bigla itong binatukan ng kasamang babae. Nag-iisa lang siya sa grupo ng kalalakihang iyon. “Raine, what did you do that for?!” Asar na nilingon nito ang babae. “Hanggang ngayon siraulo ka pa rin. No wonder, iniwan ka ni Mae!” Kitang-kita ko ang pagnguso ng bakulaw. Sinulyapan ko ang iba pa nilang kasamahan. ‘Yung nasa tabi ng babae ay may malalamig na mga mata, ‘yung dalawang kasamahan ng mga ito ay pilyo ang mga ngiti, at ang pinakahuli ay isang tila walang pakialam sa mundo na busy sa pakikinig sa ipod nito. Isang salita lang ang pwedeng pang-describe sa mga estudyanteng kaharap ko. Guwapo. “Mag-sorry ka,” masungit na utos ng babae kay bakulaw. Nakita ko na aangal pa sana ito ngunit pinagtaasan lang ito ng kilay ng babae. “Sorry!” labas sa ilong na sabi nito sa akin at tuluyan na akong nilampasan kasunod ng grupo nito. Binangga pa ng walangya ang balikat ko. The girl who whacked his head smiled at me with apology. Sinuklian ko naman iyon ng isang tipid na ngiti. “Miss, okay ka lang?” May isang nagtanong mula sa mga estudyanteng lumapit sa akin nang makaalis ang grupo. “Sino ba ‘yung mga iyon?” I asked her. “Hay nako, Miss na halatadong transferee, makinig ka. Kung gusto mo ng tahimik na buhay dito sa SBU, umiwas ka sa grupo ng 5 Kings. Mga seniors sila rito. ‘Wag kang haharang-harang sa daan nila. Kahit babae ay pinapatulan ng mga iyon. Alam mo, saka lang bumabait ang mga iyon kapag kasama ‘yung gf ni TJ. Pero kapag wala siya, parang may naglalakad na mga demonyo dito sa SBU kapag dumaraan sila.” Nananakot ang boses nito. Tumaas ang kilay ko sa narinig. 5 Kings = demonyong mga estudyante? Napangiti ako. Mukhang ‘di ako mabo-boring sa eskuwelahang ito, ah? SBU Gym Lumapit ako sa grupong alam kong naghihintay sa akin. Hindi muna ako magpapakilala. Gusto ko munang mag-obserba. “What are you doing here?! Bawal dito ang freshman!” Napalingon ako sa nagsabi niyon. Napangisi ako nang masulyapang ‘yung bakulaw pala ang nagsalita na nakahalukipkip at nakayuko sa akin. Wow, siya na ang matangkad. Tinaasan ko siya ng kilay. Biruin mo nga naman, talaga sigurong itinakda na magkikita pa kami ah. I am really surprised na ganito kabilis. “Klase ko ‘to,” maangas kong sagot sa kanya. Ngumisi siya na may kasama pang pag-iling. s**t, bakit tumataas ang balbon ko sa bakulaw na ito? “Ang angas mo para sa isang baguhan, ah? Baka ‘di mo ako kilala,” puno ng panunuya niyang sabi na nagpalingon sa mga kasamahan niyang estudyante roon. Nakita kong pinapalibutan na nila kami. “Tama, ‘di nga kita kilala. At nagiging maangas ako depende sa sungay ng kaharap ko. Isa pa, ‘di ako interesadong makilala ka,” tinapatan ko ng ngisi ang ngisi niya. “Woow!” hiyawan ng mga estudyante sa paligid. “Hindi interesado?! If I know, nagpapapansin ka lang. Baka nga sinadya mo pa ‘yung pagbangga sa akin kanina para lang magpa-cute. Ngayon, andito ka na naman. Tell me, sino ba sa 5 Kings ang kursunada mo?” nilingon nito ang mga kaibigan. “Sa aming lima, tatlo ang nangangailangan ng bedwarmer. Oh, baka naman sa akin ka lang talaga nagpapapansin ha?” he taunted me. Napatawa ako nang malakas nang marinig ang sinabi niya na nagpawala ng ngisi niya at nagpanganga sa mga estudyante na nanunuod sa munti naming palabas. Tawa pa rin ako nang tawa nang maramdaman kong umangat ang mga paa ko sa sahig dahil kwinelyuhan na pala niya ako. “Why are you laughing, b***h?” Salubong na ang kilay ng bakulaw at naniningkit na ang mga mata niya. I smirked at him and gave him my coldest glare. Nawala ang paniningkit ng mga mata niya at unti-unti kong naramdaman na nakaapak na ako sa sahig kahit kwinekwelyuhan pa rin niya ako. “Talaga palang pati babae pinapatulan mo,” I said in a deadly voice. He didn't say anything but I felt na napahiya siya dahil humigpit ang mga kamay niya sa kwelyo ko. Niyuko ko ang kaliwang balikat ko kung saan nakahawak ang isang kamay niya. “I'm giving you five seconds to remove your ‘dirty hands, bitchass.” Pinakadiinan ko ang huling salita patungkol sa kanya. “One...” lalong humigpit ang kapit ng kamay niya when I started counting. His eyes were telling me to show him what I've got. Fine. Pagbigyan. “Five!” pwes ‘di ko na papagurin ang sarili ko sa pagbibilang. I grabbed his hands, twisted the fingers I held at nang tuluyan siyang makabitaw ay sinikmuraan ko siya at ibinalibag. “s**t! s**t! s**t!” maanghang niyang mura habang namimilipit sa sakit. Napatanga ang lahat. Papalit-palit ang tingin nila sa aming dalawa. Sinulyapan ko ang mga kaibigan ng bakulaw. Tatlo sa kanila ay nakangisi habang nakayuko sa kaibigan. ‘Yung isa naman ay amused na nakatingin sa akin. I smirked at him at niyuko ang lalakeng namimilipit sa sahig. “’Di ko ugaling magpa-cute sa demonyo.” I raised my brows at him at naglakad na papunta sa harap. “That's a movement for self-defense which you will learn from one of our meetings. Pass your classcard to Miss Pink over there.” Itinuro ko ang babaeng tinutukoy ko. “By the way, I'm Trixie Ostreano, your PE 4 instructor. Tomorrow we will formally start with our classes. Goodbye, class.” Walang lingon-lingon na lumabas ako ng gym. First day of classes really sucks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD