HARRY’s POV
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang pinapanuod ko siyang gumalaw sabay sa musikang pumupuno sa bawat sulok ng gym. Her every move makes me want to shiver. Tila ba may demonyong bumubulong sa akin to go to her and pin her on the floor and make love to her until I cannot breathe anymore. Nakakatawa dahil hindi naman seductive dance ang sinasayaw niya kundi mga pamatay na wushu moves. Gusto kong pumipikit para matigil na sa pagtakbo ang napa-kawild kong imagination pero hindi ko magawa.
I don't know what is wrong with me but watching her at this moment made me forget how much I hate her. Yes I so damn hate her. Biruin mo ba naman, ako na pinagkakaguluhan sa kapogian sa eskuwelahang ito ay mapapahiya ng payatot na babaeng iyon? Ngayon ko napatunayan that looks can be really deceiving. At hanep ding maglaro ang tadhana. Sino ang mag-aakalang ang babaeng magpapatikim sa akin ng kahihiyan ay magiging teacher ko pa!
My reveries stopped when I heard her voice. Nagsilapitan kami sa kanya nang sumenyas siya sa amin.
“ Class, asdgbbfuskimm...!” Haa! Hanuraw? s**t. Bakit wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya? My eyes and mind were focused at her flushed face and glistening sweat which were slowly making their way down her neck. Napalunok ako dahil may unti- unting nagigising na bahagi ng katawan ko by just merely looking at her. Napaubo ako nang sunud-sunod nang may bumatok nang malakas sa akin. Pinaningkitan ko ng mga mata si Jacob dahil alam kong siya ang bumatok sa akin ngunit hindi siya sa akin nakatingin. Sinundan ko ang kanyang mga mata. Napalunok ako nang makitang naniningkit ang mga mata ng babaeng kanina ko pa pinagpapantasyahan.
“Narinig mo ba ‘yung sinabi ko, Mr.?” matigas niyang tanong. Since ayoko namang mas mapahiya pa sa mga kaklase kong nakatingin na rin sa akin ay tumango ako at nginisihan siya.
“Talaga lang, ha?”
Ewan ko kumbat bigla akong kinabahan sa nababasa kong paghahamon sa mga mata niya.
Tinaasan niya ako ng kilay sabay sabi ng “Okay, position!”
Nagulat ako nang itulak ako ni Tj papunta sa gitna ng gym samantalang ang babaeng iyon ay sumabay sa mga kaklase kong umupo sa bench. Nagtatakang inilibot ko ang paningin ko sa lahat. Ang walangyang barkada ko naman ay nakatingin sa akin at nagsisingisihan. Napagtanto ko ang lahat ng sumenyas ang payatot na babaeng iyon sa isang estudyanye at pumailanlang ang musikang kanina ay sinasabayan niya ng mga pamatay na moves.
Nagsimulang manigas ang mga kalamnan ko at manlaki ang ulo ko nang sa wakas ay mapagtanto ko ang nakakaasar na sitwasyong kasalukuyang kinakaharap ko. s**t! Kailangan kong i-demo ang mga ginawa niyang movements kanina. Tang-ina this!
“ We're waiting...” nasa boses ni payatot ang inip.Nagsisikuhan at nagtatawanan na rin ang lahat dahil sa itsura kong halos ‘di na makahinga sa paninigas. Kill me now!
Tippi Bar
I HATE HER!!!!
Tawanan nang tawanan ang 5 Kings sa harap ko habang walang tigil ako sa pagmumuryot sa kahihiyang dinanas ko sa klase kanina ni payatot.
“You should've seen his face, baby! That was the most epic face I have ever seen! Pffft! Wahahaa!” pagbibida ni Tj kay Raine. Sinimangutan ko si Tj na lalong napatawa. Nag-apiran naman sina Vince at Apollo habang naghahagikgikan na parang timang. Samantalang pailing-iling at pangiti-ngiti naman si Jake.
“Bakit?! Anong nangyari?” natatawang tanong ni Raine sa akin.
“Eh, kase naman...pffft! Hahaha! Super makatitig sa instructor tapos... tapos....pffft! Ahahaha!” hindi maituluy-tuloy ni Apollo ang pagkwekwento kaya lalong nagdikit ang mga kilay ni Raine.
“He! Inuuna kasi ang pagtawa, eh. Papano maiintindihan iyang kuwento mo? Ganito kasi iyon, Baby Raine...”
Bigla kaming napatingin lahat kay Vince sa ginawa niyang pagtawag kay Raine at kulang na lang ay mabalatan siya nang buhay sa matatalim na tingin ni Tj. Nang mapansin niya siguro ay bigla itong napatikhim and cleared his throat.
“Ahrm! I mean, Raine. Hehe. Ayun nga titig ng titig si Harry dun sa PE instructor namin. Tapos nung tinanong siya kung gusto niyang mag-demo, tumango naman siya. Tapos... tapos...Pfft! Hahahaha!”
Waala na. Isa-isa nang nababaliw ang 5 Kings!
“Ako na nga ang magkwekwento! Napahiya lang naman si Harry dahil antapang niyang in-accept ‘yung challenge ng instructor namin tapos nung nagde-demo na siya halos maglagatukan naman ang mga buto niya sa paggaya ng wushu movements ng instructor namin. Kulang na lang ay magtatambling at magsplit siya roon sa gitna ng gym!” pailing-iling na kwento ni pipi. Aba, improving si Jacob at gusto nang magkuwento dahil sa nakakahiyang karanasan ko.
Napatawa naman si Raine nang malakas kaya ‘di ko napigilang mag-blush. Wow, ayos. Ngayon, hindi lang mga kaklase at barkada ko ang nakakaalam ng most embarrassing moment ko kundi pati na rin si Raine na lihim kong crush. Gf siya ni Tj na barkada ko. Don't get me wrong. Crush ko siya pero hanggang doon lang iyon. Oh, well. Sige, I admit, pinaka-crush ko siya sa lahat ng mga naging crush ko. ‘Di naman siguro masamang magka-crush sa gf ng barkada mo, 'di ba? At dahil sa pabida kong instructor, napahiya ako sa ultimate crush ko. Damn! Tang-ina lang talaga!!!
Now mas nagkaroon ako ng dagdag na galit sa PE instructor kong payatot.
Lintik lang ang walang ganti. At kasabay ng pangakong iyon ay ‘diretso kong tinungga ang kanina pang naghihintay na beer sa harap ko.