ELLA “YOU'RE SO BEAUTIFUL, ATE.” Napangiti ako nang marinig ang papuri ni Valeen. Nakaharap kaming dalawa sa malaking salamin rito sa silid na ukupado ko sa bahay ni Vincent. Tinulungan niya akong pumili ng isusuot ko para sa pag-alis namin ngayon. “Salamat, Val.” Gumanti siya ng ngiti at malambing na umakbay sa akin. “You’re always welcome, Ate. And you know why I love you?” Umiling ako bilang sagot. Hindi ko naman talaga alam kung bakit ganito siya kabait sa akin. “Because you are beautiful inside and out. And I want Kuya Vin realize how lucky he is for having you in his life. You are gold, Ate. Lolo Carlos and I see that.” Nag-init ang mga mata ko. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Damang-dama ko ang sinseridad sa boses niya nang sabihin iyon. Naglalambing siyang hum