bc

STARTED WITH A FORCED MARRIAGE (Bario Girls Series 2)

book_age18+
5.7K
FOLLOW
71.8K
READ
HE
forced
lighthearted
small town
assistant
like
intro-logo
Blurb

Started With A Forced Marriage (Bario Girls Series 2) From our first Collab by my co-authors: Andriegabriel, Miss Flame, Selestika Dreame, Threyang, Mybabieslove and Miss Drey_dreame

BLURB:

"Tandaan mo na ang singsing na ito ang magiging simbolo na hinding-hindi ka magiging masaya sa piling ko."

Sumikip ang dibdib ni Ella pagkarinig sa mga salitang binitawan ni Vincent habang isinusuot ang singsing. Hindi iyon pangako ng walang hanggang pag-ibig kundi isang sumpa.

"But it is for temporary. Dahil hindi ka magiging Del Franco habang-buhay."

"Good. Dahil hindi ko rin gustong maging Del Franco habang-buhay."

__________

Dahil sa mana mula sa kaniyang abuelo, napilitang pakasalan ni Vincent si Ella Marquez. Ang tagapag-alaga ng kaniyang abuelo na tubong Baryo Dimagiba sa probinsya ng Quezon. Ang akala ni Vincent ay may kinalaman si Ella sa desisyon ng kaniyang abuelo dahil ang mga ito ang palaging magkasama. Kaya sinigurado niyang mula sa araw ng pagiging mag-asawa nila ay hindi niya bibigyan ng pagkakataon na maging masaya ang asawa.

Pinahirapan niya si Ella. Ikinulong sa bahay niya.

Ngunit nang makatakas ito, bigla siyang nataranta. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang sundan ang asawa gayong alam naman niya sa sarili na wala siyang nararamdaman para rito kundi galit at disgusto.

Hanggang isang araw, na-realize ni Vincent na unti-unti na siyang nahuhulog sa asawa. Ang tanong, handa nga ba siyang sumugal muli kung hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala niya ang matinding trauma mula sa dating pag-ibig? Pag-ibig na kaniyang tinayaan at sinugalan ngunit sa huli, masakit na kabiguan ang kaniyang nakamtan dahil sa isang ganid na minamahal.

Susubukan nga ba niyang muling sumugal o pakakawalan na lang ang panibagong pag-ibig na walang katiyakan? Lalo pa't ilang beses niyang narinig na sinambit ng asawa ang pangalan ng ibang lalaki....

Paano niya lalaban ang sigaw ng sariling damdamin para sa asawa kung sa tuwing susubukan niyang umiwas ay tila may mahikang humihila sa kaniya para angkinin ito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
ILANG hakbang pa ang layo ko mula sa bakuran ni Lolo Carlos nang tumigil ako. Nakita ko kasi ang matanda na abala sa pagdidilig ng kaniyang mga alagang halaman. Napangiti ako. Sa kabila ng katandaan niya ay hindi pa rin nawawala ang hilig niya sa mga halaman. At alam kong dahil iyon sa namayapa niyang kabiyak, anim na taon na raw ang nakakaraan. Habang pinagmamasdan si Lolo Carlos, bumalik sa isip ko kung paano ko siya nakilala at naging lolo. Limang taon na ang nakalipas mula nang una kaming magkakilala ni Lolo Carlos na akala ko'y napadpad lang dito sa baryo namin. Ngunit kalauna'y nalaman ko na siya pala ang may-ari ng pinakamalaking bahay dito sa baryo namin. Mabilis kong nakapalagayan ng loob si Lolo Carlos, bukod kasi sa mabait ang matanda ay masaya rin siyang kausap. Madaling nag-swak ang mga ugali namin na parehas masaya at kalog. Si Lolo Carlos iyong tipo ng tao na kahit malungkot ay nagagawa pa ring ngumiti at tumawa. Limang buwan na siyang nakatira sa malaking bahay nang malaman ko na rito na siya mag-i-stay for good dahil ayaw na niya ng buhay sa siyudad. Aniya gusto niyang dito na mamalagi hanggang sa huling sandali ng buhay niya. Gusto raw niyang tuparin ang pangako sa namayapang kabiyak na babalikan niya ang lugar na 'to. Ang lugar kung saan nabuo ang pagmamahalan nilang dalawa. Ayon sa kaniya, ang malaking bahay ang naging love nest nila noong nagtatago pa sila sa kani-kaniyang mga magulang. Dito rin daw isinilang ang unang anak nila. Bumalik lang daw sila sa Maynila noong matunton na sila ng mga magulang na dito nagtatago para magsama at bumuo ng sariling pamilya. Hindi ko maiwasang malungkot para kay Lolo Carlos. May sarili siyang pamilya pero hinayaan siyang mamuhay mag-isa. Mayro'n siyang dalawang anak na lalaki at apat na apo. Tatlong babae at isa ang lalaki. Na sa panahon ng pagtatrabaho ko kay Lolo Carlos ay apat na beses ko lang yatang nakita ang mga anak niya at mga manugang. Sa mga apo naman, ang dalawang anak ng bunso niya pa lang ang nakikita kong dumalaw kay Lolo. Iyong dalawang apo sa panganay na anak ay hindi ko pa nakikita ng personal pero sa picture oo. Paano kaya natitiis ng mga anak at apo si Lolo? Sobrang busy ba nila para hindi man lang tingnan ang Lolo nila? Sa loob-loob ko habang pinapanuod pa rin si Lolo Carlos sa ginagawa. Napapailing na naglakad ako palapit kay Lolo Carlos. "Magandang umaga, Lo!" masiglang bati ko nang tuluyang makalapit sa kaniya. "Maganda ka pa sa umaga, Ella." Nakangiting bati rin niya sa akin. "Naks! Ang aga namang mambola ng Lolo Carlos ko." Natatawang kinuha ko sa kaniya ang galadera at ako na ang tumapos sa pagdidilig niya. "Salamat, Ella." "Anything basta para sa poging Lolo Carlos ko." Napahalakhak ang matanda sa sinabi ko. "Kaya gustong-gusto kitang maging apo, e. Hindi ka lang mabait at maalaga, bolera ka rin." "Nagsasabi lang ho ako ng totoo, Lo. Kahit matanda na kayo, gwapings pa rin. May asim pa kayo kaya makakapag-asawa pa kayo." Lalong lumakas ang tawa ni Lolo. "Ang sabihin mo, maasim na. Amoy lupa na ako, Ella." Lumapit ako sa kaniya at pabirong inamoy na lalo niyang ikinahagalpak ng tawa. "Hindi naman ho amoy lupa, a. Ang bango niyo nga, e. Amoy bulaklak." Suminghot-singhot pa ako. "Tumigil ka ngang bata ka. Puro ka kalokohan." "May asim ka pa talaga, Lo." Tumigil ako sa pag-amoy nang makita kong pulang-pula na ang mukha ni Lolo dahil sa kakatawa. Baka masobrahan na at hapuin pa. "Ikaw talagang bata ka, napakakulit mo." Humihingal na siya kaya niyaya kong pumasok na sa loob ng kaniyang bahay. Dumiretso kami sa kusina at ikinuha ko siya ng tubig. "Salamat, Ella." Pasalamat niya matapos uminom. Nginitian ko siya bilang sagot. Mula sa dala kong basket ay inilabas ko roon ang dala kong almusal para sa kaniya. Nagluto si Nanay ng aroskaldo at ipinagtira ko siya. Isinalin ko iyon sa mangkok at inilagay sa tapat ni Lolo. "Kain ka ho muna, Lo. Para makainom na rin kayo ng gamot niyo." "Maraming salamat, Ella." "Basta ikaw, Lo. Sige na ho, kain na kayo habang mainit pa iyan." Napangiti ako nang magsimula ng kumain ang matanda. Nakakatuwa lang dahil palagi siyang maganang kumain. Mula ng magtrabaho ako sa kaniya bilang kasamahin ay mabibilang lang sa mga daliri ko na naging malamya siyang kumain. Kapag talagang masama lang ang pakiramdam niya. Sa loob ng apat na taong pagtatrabaho kay Lolo Carlos, naging magaan ang buhay ko. Bukod sa maayos na pasahod ay hindi siya mahirap alagaan. Actually, hindi naman talaga siya alagaain. Sa edad na otsenta y sais ay malakas pa si Lolo kumpara sa ibang matanda na kasing edad niya. Malinaw pa ang mga mata at isip niya. Kaya pa rin niyang maglakad mag-isa basta may tungkod. Iyon nga lang, may mga maintenance na siya para sa asthma. Hindi ko pinagsisisihan na hindi ko na binalikan ang trabaho ko sa Japan as caregiver dahil masaya ako na si Lolo Carlos ang pinili ko. Wala akong masasabi sa ugali niya. Mayaman pero makatao at hindi ginawang Diyos ang salapi. Wala man lang yatang apo na nagmana sa ugali ni Lolo kaya hinayaan nilang mag-isa ang matanda. Sa isiping 'yon ay napailing-iling ako. Pagkatapos niyang kumain ay pinainom ko na rin siya ng gamot. Bumalik kami sa hardin at doon kami nagkuwentuhan ni Lolo. Naging morning routine na namin iyon sa loob ng ilang taon. "Tumawag pala ang bunso ko, Ella." Natigilan ako sa ginagawang pagpuputol ng kuko sa paa ni Lolo nang marinig iyon. "Hindi pa rin siya tumitigil na hikayatin ako para sumama sa kanila patungo sa US. E, ano ba namang gagawin ko roon? Maghihintay na mamatay?" Mabagal akong nag-angat ng tingin. "Ano pong sabi n'yo?" Umiling ang matanda. "Hindi ako sasama. Na mas gugustuhin ko pang mamatay mag-isa kaysa ang iwanan ang bahay na 'to. Kung gusto nilang umalis, umalis sila pero ako, dito lang ako. Hindi nila maintindihan na rito ko gustong mamatay, sa bahay na ito. Sa bahay kung saan kami nagsimulang bumuo ng mga pangarap ng ina nila." Nakaramdam ako ng simpatya kay Lolo. "Hindi pa naman ho kayo mamamatay, Lo." "Tanggap ko nang doon ako patungo, Ella. Saka nami-miss ko na ang aking kabiyak." Nakakaunawa akong tumango, saka ngumiti. "Basta pangako ho, hindi ho kaya mamamatay na mag-isa dahil nandito po ako, Lo. Saka ang pamilya ko ho." "Salamat, Ella. Mabuti na lang nariyan kayo ng mga kapatid mo. Napupunan ang pagka-miss ko sa mga apo ko." "Huwag na ho kayong malungkot." "Nakakalungkot lang dahil hindi nila ako maintindihan kung bakit mas gusto ko rito sa baryo. Hindi nila maintindihan kung gaano kahalaga sa akin ang bahay na 'to. Dito kami bumuo ng mga pangarap ng kanilang ina." Mataman akong nakinig. "Hindi ko alam kung saan ako nagkulang dahil hindi nila natutunan ang mga pangaral ko sa kanilang magkapatid na hindi lang pera at karangyan ang tunay na nagpapasaya sa buhay ng tao. Bilang ama at lolo nila, disappointed ako sa sarili ko dahil hindi nila natutunan iyon. Ayoko sanang mawala sa mundong ito na hindi nila natututunan iyon kaso paano? Itanggi ko man o hindi, habang patanda ako nang patanda ay palayo nang palayo sa akin ang mga apo ko. Hindi ko na sila maabot, Ella." Hinawakan ko ang kamay ni Lolo upang kahit paano ay pagaanin ang loob niya. "Apat ang apo ko, pero mas madalas pang mamunga ang mangga kaysa ang bisitahin nila ako rito. Alam ko na busy silang lahat pero mano ba namang bisitahin nila ako kahit isang beses sa isang taon. Hindi naman siguro kalabisan iyon, 'di ba?" Hindi ako nakaimik. May point siya pero ang hirap magsalita. "Lalo na si Vincent. Ang nag-iisa kong apong lalaki na walang gusto kundi ang magpayaman nang magpayaman." Tukoy niya sa panganay na apo, anak ng kaniyang panganay na anak na si Sir Vicente. Ilang beses ko nang nakita sa picture ang apo niyang lalaki. "Ewan ko ba sa apo kong iyon. Asang-asa pa naman ako na siya ang magiging malapit sa akin dahil nag-iisang lalaki kaso wala. Puro trabaho at babae ang inaatupag. Akala mo'y may sampung anak na binubuhay kahit ang totoo ay single naman at wala yatang balak magseryoso sa buhay at babae." Umiling-iling ito bago nagpatuloy. "Minsan, napapatanong na lang ako sa sarili ko. Hindi ba talaga ako naging mabuting lolo sa mga apo ko kaya walang lumaking maka-lolo? Nakakalungkot din na hindi nila ako mabisita rito lalo na si Vincent ko." Bakas ang lungkot sa boses at mukha niya. "Hindi naman ho siguro gano'n, Lo. Baka busy lang ho sila. Malay n'yo naman, isang araw dumating silang lahat dito at bisitahin kayo. Bukas, birthday niyo ho." "You think so?" "Oo naman ho, Lo. Baka mamaya i-surprise nila kayo. Malay ho natin, 'di ba?" "Sana nga, Ella. Sana'y maalala ako ng mga apo ko bago man lang magpantay ang mga paa ko." Sinubukan kong ipagtanggol ang mga apo niya pero may parte sa isip ko na sumasang-ayon kay Lolo. Kasi di ba? Anong klaseng apo ka naman para hindi man lang silipin ang lolo mo? Hindi ba nila kayang maglaan ng oras para sa lolo nila gayong matanda na. Ilang panahon na lang tapos ayaw pa nilang paglaanan ng panahon. "Miss na miss ko na ang mga apo ko, Ella." "For sure, miss na rin ho nila kayo, Lo." Mapait na ngumiti ang matanda, saka umiling. "I don't think so, Ella." "Lo." "Nalulungkot lang ako, but it's okay." "Hindi ko ho alam kung paano pagagaanin ang kalooban n'yo pero gusto ko hong sabihin na nandito lang ako para sa inyo." Bumalik ang sigla sa mukha ng matanda at ginulo ang buhok ko. "Salamat, Ella. Maraming salamat dahil nagkaroon ako ng apo sa katauhan mo. Pinupunan mo ang pananabik ko sa kanila." "Salamat din ho dahil nagkaroon uli ako ng Lolo sa katauhan niyo. Dahil sa inyo, nababawasan ang pangungulila ko sa kanila," tukoy ko sa mga lolo at lola ko na namayapa na. "Kung gano'n, biyaya pala tayo sa isa't isa." "Tumpak, Lo." Matamis kaming nagngitian ni Lolo Carlos bago ko pinagtuunan ng pansin ang paggugupit sa kuko niya. Pagkatapos ko sa paa niya ay ang mga kuko naman niya sa kamay ang pinutulan. PAGSAPIT ng pananghalian ay sabay kaming kumain ni Lolo Carlos. Sinamahan ko siya sa balcon ng bahay niya habang nagpapababa ng kinain. Matutulog kasi siya, na nakagawian na niyang gawin tuwing tanghali. Hinintay ko muna siyang makatulog bago ako umalis para mamili ng mga lulutuin ko bukas. Birthday ni Lolo Carlos bukas. Ipagbi-bake ko siya ng cake at ipagluluto ng paborito niyang potchero at dinuguan. Dinaanan ko sa bahay ang bunso kong kapatid na si Elma bago dumiretso sa palengke. "Ate, hindi darating ang pamilya ni Lolo Carlos bukas?" Mayamaya ay tanong ni Elma sa akin. "Hindi ko alam," sagot ko habang pumipili ng mga patatas at carrots. "Sana umuwi sila 'no?" "Sana nga. Ipinagdarasal ko 'yan para kay Lolo pero kung hindi wala naman tayong magagawa." "Sana dumating sila. Ilang taon na nating lololohan si Lolo Carlos pero hindi ko pa nakikita ng personal si Papa Vin. Hay..." Agad akong napatingin sa kapatid ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita ang kislap sa mga mata niya. "Papa Vin?" "Yup! Crush ko kasi iyong apo niya." "Si Vincent?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Lalong tumikwas ang kilay ko nang parang kinikiliting tumango ang kapatid ko. "Ano namang na-crush an mo sa kaniya?" "Looks." Walang kemeng sagot ni Elma na ikinailing ko bago siya talikuran. Pumunta ako sa tindahan ng mga karne. Sumunod siya sa akin at kinulit ako tungkol sa apo ni Lolo Carlos. Crush na crush daw niya ang lalaking 'yon. Napapaismid na lang ako. "Tigilan mo nga ako, Elma. Saka hello? Ni hindi ko naman kilala ng personal ang Vincent na iyon kaya paano kita matutulungan, aber?" Sakay na kami ng tricycle ay panay pa rin ang pangungulit niya. "Malay mo, dumating bukas. Kaya pumayag ka nang sumama ako sa 'yo sa malaking bahay, Ate." Binatukan ko siya. "Ate naman." "Hindi. Tigilan mo iyang kakerihan mo, Elma. Pag-aaral ang atupagin mo, puwede?" Asik ko na ikinairap niya. "KJ mo, Ate. Crush lang makeri na agad?" "Kahit na. Ang bata-bata mo pa para riyan. Mag-aral ka nang mabuti tapos kapag naka-graduate ka na at may maayos na trabaho saka ka na kumarengking." "Oa mo, Ate. Crush lang 'yon 'no?" "Ang tanda na niya para sa 'yo. Saka bakit ka magka-crush sa lalaking walang amor sa sariling lolo?" "Aw! Bakit parang galit ka, Ate?" Pinandilatan ko siya ng mga mata at hindi na muling pinansin kahit panay pa rin ang pangungulit. Nang dumaan ang tricycle sa tapat ng bahay namin ay pinababa ko na siya. Ayaw pa sana niya pero hindi ako pumayag dahil kailangan niyang mag-review para sa exam bukas. Si Elma ay bunso kong kapatid. Labing-pitong gulang, nasa unang taon sa kursong business management. Ang sumunod sa kaniya na si Elissa ay labing-siyam na taon at nasa pangatlong taon sa kursong Edukasyon. Si Evelyn naman na sumunod sa akin ay tapos na at kasalukuyan nang nagtuturo sa pampublikong paaralan sa kabilang bayan bilang isang guro. Bente tres na siya at ako nama'y bente singko. Kaming dalawa ang katuwang ni Nanay at Tatay sa pagpapaaral sa dalawa pa naming nakababatang kapatid. At aaminin ko na malaking bagay sa akin ang nakukuha kong sahod kay Lolo Carlos. Hindi man kasinglaki ng sahod ko noon sa Japan bilang caregiver ay ayos na rin dahil kasama ko ang pamilya ko. Hanggang ngayon ay ino-offer an pa rin ako ng dati kong amo na bumalik sa Japan at sasahuran ng mas malaki pero tinanggihan ko. Bukod sa kasama ko ang pamilya ko at maayos na pasahod ni Lolo Carlos ay sadyang napamahal na sa akin ang matanda. Totoo na dahil sa kaniya, naiibsan ang pangungulila ko sa aking paboritong abuelo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook