ELLA
NANG MAKABABA ng dyip ay patakbo na akong pumasok sa loob ng Madrid Hospital. Halos madapa na ako sa sobrang pagmamadali, idagdag pa ang takot dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko para kay Lolo Carlos.
Sa emergency room ako dumiretso dahil naroon daw si Lolo Carlos ayon sa nurse na kausap ko kanina.
Pagpasok ko pa lang ay ang nag-aalang mukha ni Vincent ang sumalubong sa akin.
Nagtama ang aming mga mata.
"Anong nangyari?" Kaagad na usisa ko kay Vincent.
"Anong nangyari sa kaniya?" Ulit ko nang hindi ito sumagot.
"I don't know."
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong you don't know? Ikaw ang kasama niya, hindi ba?"
"Yes. But I'm not sure what really happened."
"Anong hindi mo sure? Nasaan ba kayo ng mangyari 'to?"
"We dine in a restaurant. And he went to the restroom and didn't return, so I followed him. Then I saw him u-unconscious on the floor." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay frustrated nitong sinabunutan ang sarili.
Makikita ang matinding pag-aalala sa guwapong mukha nito para sa kaniyang lolo.
Hindi na kami muling nag-usap. Nilapitan ko na lang si Lolo Carlos na nakahiga sa hospital bed habang may nakakabit na dextrose at oxygen. He was sleeping peacefully.
Uupo pa lamang sana ako sa upuang nasa tabi nito nang may pumasok na lalaking nurse at lumapit sa amin.
"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" tanong nito.
"Ako po." Mabilis na sagot ko dahilan para mapatingin sa akin si Vincent. "I-I mean siya po." Biglang bawi ko.
"I am his family."
Tumango naman ang lalaki at isinama nito si Vincent palapit sa doktor na naka-duty sa emergency room.
Naiwan ako kay Lolo.
"Pagaling po kayo, Lo. Narito na po ako."
Kinausap ko siya kahit alam ko namang hindi niya ako naririnig dahil tulog na tulog ito.
Masuyo kong hinaplos ang kamay nitong may saksak na swero. "Pagaling ka, Lo. Malulungkot ako kapag iniwan mo 'ko."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi maluha. Sumubsob ako sa may gilid nito at doon pinakawalan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.
Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang maramdaman kong may mga matang nakamasid sa akin. Pasimple kong tinuyo ang pisngi ko bago nag-angat ng tingin.
"Kumusta raw ang lagay ng lolo mo?" Kaagad kong tanong kay Vincent.
"Under observation pa."
"Ano raw ba'ng nangyari?"
"Allergy."
"Ano?!" Bahagyang tumaas ang boses ko. "Bakit mo siya pinakain ng may peanut? Allergy siya roon, Vincent."
"Well I didn't know."
Napailing na lamang ako sa sagot nito. At para hindi na lalong lumala ang inis ko rito, nagpasya akong lumabas mula sa emergency room.
Lumabas ako ng hospital upang sumagap ng sariwang hangin. Inis na inis ako kay Vincent dahil ang lakas ng loob niyang ilabas mag-isa ang lolo nito tapos hindi naman pala kayang intindihin.
Hindi pa ako natatagalan sa labas nang mamataan ko si Vincent na papalapit sa akin.
"I didn't know he had an allergy. Peanut flavor was our favorite before, and I thought till today."
Hindi ako umimik.
"If you have told me about it, maybe he's not in that situation."
"Wow! So kasalanan ko pa kung bakit na-allergy ang lolo mo? Bakit? Sino bang nagyaya sa kaniya na mamasyal? Sino bang nagpakain sa kaniya ng may peanut? Ako ba?" Nanggagalaiting sagot ko.
"No. But it's your fault because you didn't tell me."
"Wow! Iba ka rin eh, 'no? Huwag mong isisisi sa akin ang kapabayaan mo sa lolo mo. Sarili mong lolo hindi mo alam na may allergy sa peanut? O wait, baka hindi mo rin alam na hindi siya umiinom ng soft drinks?"
Natigilan ito at tila nag-isip.
"Hindi mo rin alam, 'di ba? Sabagay, hindi naman na kataka-taka iyon dahil wala ka namang pakialam sa lolo mo, e. Natiis mo nga siyang hindi makita sa loob ng apat na taon, hindi ba?"
Lalo itong nawalan ng kibo kaya sinamantala ko iyon para sabihin ang gusto kong sabihin na matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko.
"Walang araw na lilipas na hindi mababanggit ng lolo mo ang paborito niyang apo. At ikaw iyon, Vincent. Ikaw ang palagi niyang bukam-bibig sa akin at sa pamilya ko. Wala siyang ibang sinasabi kun'di puro papuri para sa 'yo. At kapag tapos na siyang magkuwento, bigla siyang tatahimik at sasabihin na miss na miss ka na niya. Araw-araw kang inaalala ng lolo mo, pero ikaw? Naalala mo man lang ba siya? O kahit ang sumagi man lang siya sa isip mo? Kahit sa panaginip mo?"
Wala pa rin itong kibo.
Kaagad kong pinalis ang mga luhang kumawala sa mga mata ko habang inilalabas ang sama ng loob ko para rito.
"Mahal na mahal ka ng lolo mo. Hindi mo alam kung gaano siya kasaya noong birthday niya dahil dumating kayong lahat, lalo ka na. Apat na taon, Vincent. Paano mo siya natiis na hindi man lang silipin sa loob ng ilang taon? Paano mo natiis na hindi siya bisitahin at batiin ng personal sa tuwing birthday niya? Paano siya natiis ng paborito niyang apo na simula't sapol na pumasok sa nursery school ay hatid-sundo niya kahit gaano ka-busy sa negosyo niya?" Umiiyak na patuloy ko para imulat ang mga mata niya.
"Hindi mo ba naiisip na matanda na siya? Tanggapin man natin o hindi, ilang panahon na lang ang ilalagi niya sa mundong ito. Pero bakit hindi mo man lang maiparamdam sa kaniya na favorite person din siya ng paborito niyang apo? Sobrang nangungulila na siya sa inyo, lalong-lalo na sa 'yo, Vincent. Mahal na mahal ka ng lolo mo. Sana lang alam mo iyon."
Sa nanlalabong mga mata, nakita kong tumungo ito.
"Huwag mong sayangin ang mga panahon na narito pa siya sa mundo. Dahil kapag wala na siya, hinding-hindi na siya babalik muli. Na kahit gustuhin mo pang makabawi, hinding-hindi mo na magagawa dahil wala na siya. Huwag mo nang hintayin iyon, Vincent. Kung mahal mo ang lolo mo, ipadama mo na ngayon bago pa mahuli ang lahat. Huwag kang gumaya sa akin na hindi naalagaan ang sariling lolo bago siya nawala dahil busy ako sa pag-aalaga ng ibang tao para sa kanila. Hindi masarap gumising sa umaga na puno ng panghihinayang sa puso. Buhay pa ang lolo mo, may panahon ka pa para bumawi." Pagkasabi ko niyon ay iniwan ko na siya.
Bumalik ako sa loob. Binalikan ko si Lolo Carlos sa emergency room.
Ibayong galak ang naramdaman ko nang madatnan ko siyang gising na.
"Lolo Carlos!" Sinugod ko siya ng yakap.
Muli akong napaiyak.
"Sshh. Stop crying."
"Pinag-alala n'yo po ako, Lo. Akala ko iiwan n'yo na kami..." Napasigok ako.
Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko. "Alam mo namang darating at darating talaga ang panahon na iiwan ko kayo."
"Not too soon, Lo. Hindi pa ako sawa na alagaan ka."
Tumawa ito. "I know. That's why I love you, Hija. Huwag ka ng umiyak, para ka talagang si Carolina ko." Tukoy nito sa yumaong kabiyak. "Mas'yado kang mag-alala sa akin. At kapag ganiyan ka, parang kasama ko na rin si Carolina ko. Ikaw na ikaw iyon kapag nag-aalala."
Lalong nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang umangat ang kamay nito at pilit inaabot ang mukha ko. Kusa ko iyong inilapit sa kaniya.
"Lolo..."
"I promise you na hindi ako mawawala sa mundong ito na hindi ko naaayos ang buhay mo." Puno ng pangako na saad nito.
"Pero maayos na po ang buhay ko, Lo."
"I know. Pero hindi ako aalis na hindi nasusuklian ang mga kabutihan mo at ng pamilya mo sa akin. Marami pa akong plano sa 'yo at sa apo ko. Aayusin ko pa ang buhay niya."
"Ano po'ng ibig ninyong sabihin?"
Ngumiti ito. "Gusto kong makasiguro na ang babaeng mapupunta sa apo ko ay kagaya n'yo ng kaniyang abuela. Hindi niya iyon matatagpuan sa Maynila--"
"Lolo!" Si Vincent nang makitang gising na ang abuelo.
Gusto ko pa sanang mag-usisa sa sinabi nito, pero hindi ko na nagawa dahil sa pagdating ni Vincent.
Walang imik na umalis ako sa tabi ni Lolo Carlos at nagbigay daan dito.
"I'm so sorry, Lolo." Narinig kong sabi ni Vincent. "Hindi ko po alam na may allergy na kayo sa peanut dahil kung alam ko, hindi ko kayo hahayaang kumain niyon. But still, I'm sorry."
"It's not your fault, Vincent."
"Lolo."
"Nawala rin sa isip ko na bawal sa akin ang peanut kaya sinabayan kitang kumain ng favorite cake mo. I missed those days when we ate your birthday cake every year when you were a kid. Kaya nang niyaya mo akong kumain kanina, nakalimutan ko na. Or should I say na sinadya kong kalimutan dahil gusto kong maulit iyong dati. You know, I really missed my little Vincent."
Natutop ko ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala na sinadya ni Lolo iyon para maulit ang dati sa kanilang mag-lolo.
"I really missed you, my not so little Vincent..."
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagkawala ng hikbi. Pumiyok kasi ang boses ni Lolo Carlos nang sabihin nitong miss na nito ang apo.
Pero bato na lang ang hindi maiiyak sa kasunod na eksena ng mag-lolo.
"I have now realized how much I miss you, Lolo. And I am so sorry. I promise, babawi po ako sa inyo. Babawi po ako..." Garalgal ang boses na sabi ni Vincent bago dumukhang para halikan sa noo ang abuelo.
"Babawi ako, Lo... And please believe me when I say I love you."
Matamis akong napangiti nang yakapin nito ang abuelo.
Mabuti naman at babawi na siya. Mukhang natauhan sa mga sinabi ko kanina...
Sana, sana...
_______
NANG gabing 'yon ay hindi namin naiuwi si Lolo Carlos dahil ini-advice ng doktor na mag-stay muna sa hospital kahit isang araw para mas maobserbahan. Lalo pa't may mga rashes pa rin ito sa katawan.
Kumuha si Vincent ng private room para sa abuelo upang makapagpahinga ng maayos dahil mas'yadong maingay sa emergency room. Dahil sa maya't mayang dating ng mga pasyente.
Nang makalipat kami sa kuwarto, maya't maya akong napapangiti dahil asikasong-asikaso ni Vincent ang abuelo. Ito rin mismo ang nagbuhat mula sa wheelchair para maihiga sa hospital bed.
Kung lagi ka ba namang ganiyan eh di mas maganda. Sa loob-loob ko habang nakatingin sa mag-lolo.
"Magpahinga na kayo, Lo." Bilin nito sa abuelo.
"Kantahan mo ako, Hijo."
"Lo, I can't sing." Bakas ang pagtutol sa boses ni Vincent.
"Of course you can sing. Sing the song that was your childhood favorite."
"But, Lolo."
"Please?" Pakiusap ng matanda na hindi na nagawang tanggihan ni Vincent.
Maya-maya'y nagsimula na itong kumanta.
Greatness as you
Smallest as me
You show me what is deep as sea
A little love, little kiss
A little hug, little gift
All of little something, these are our memories...
Hindi ko alam ang kantang iyon kaya napa-search ako agad. At nalaman ko na A Little Love by Fiona Fung ang kinakanta ni Vincent.
You made me cry
Make me smile
Make me feel that love is true...
You always stand by my side
And I don't want to say goodbye.
Nag-ulap ang mga mata ko nang maya-maya'y sumabay na rin si Lolo Carlos sa kaniyang apo. Sabay nilang kinanta ang kantang iyon.
Thank you for all the love
You always give to me
Oh! I love you...
Parehong nanginig ang boses nila pagdating sa parteng iyon ng kanta. Sobrang na-touch ako sa eksenang iyon.
"Oh, I love you, Vincent." Hanggang sa unti-unting humina ang boses ni Lolo at tuluyang huminto.
Nakatulog na yata ito ngunit patuloy pa rin sa pagkanta si Vincent.
"Oh, I love you, Lolo..." Pagtatapos nito sa kanta at kapagkuwa'y muling hinagkan sa noo ang abuelo. "I'm so sorry, Lo."
Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya. Parang sa isang iglap ay nagbago ang tingin ko sa kaniya.
Bigla siyang lumingon kaya huling-huli niya ako sa ginagawang pagtitig.
"Puwede ka ng umuwi. Ako na ang bahala sa lolo ko."
Umiling ako.
"Matagal pa ang umaga, hindi ka makakapagpahinga."
"Okay lang. Sanay ako sa puyatan."
"Wala kang mahihigaan dito."
"Okay lang. Kaya kong tumayo magdamag."
"Hindi ka talaga uuwi?" Paniniguro nito.
Umiling ako bilang sagot at kapagkuwa'y sumalampak ng upo sa sahig. Nanuot tuloy ang lamig ng semento sa puwetan ko.
Isinandal ko ang ulo sa pader at saka pumikit kahit hindi inaantok. Matagal-tagal na ako sa ganoong posisyon nang magsalita si Vincent.
"Do you want anything?"
Ano raw?
"May coffee shop sa tapat, bibili ako. May gusto ka bang ipabili?" Ulit niya.
Hala! Si Vincent ba iyong nagsalita?