Chapter 6

1904 Words
ELLA BANDANG alas dos ng hapon nang mamataan kong lumabas ng silid si Vincent. Medyo natulala pa ako pagkatapos kong bistahan ang kabuuan nito ngayon. Bihis na bihis at hindi maitatanggi ang taglay na kagwupuhan sa suot na maong pants na tinernuhan ng puting t-shirt. Hakab na hakab sa katawan niya at mamutok-mutok ang muscles. Ngayon ko mas napagtanto na malaki ang pagkakahawig nila ni Lolo Carlos. Siguro mas guwapo siya kung palaging nakangiti at hindi palaging nakasimangot. Huwag na huwag kang magkaka-crush sa Vincent na iyan, Ella. Ang sama kaya ng ugali niya. Sa isiping iyon ay makailang ulit kong pinilig ang ulo ko pero kahit anong gawin ko, tila may humihila sa akin para titigan siya. Mabilis akong bumaling sa ibang direksyon nang makita ko siyang lilingon sa gawi ko. Nagkunwari akong may hinahanap para hindi niya mahalata na napatitig ako sa kaniya. Nagpatuloy ako sa paghahanap kuno nang marinig ko ang mga yabag niya palapit sa akin. At nang malapit na siya, nagmamadali akong tumalikod at akmang aalis nang magsalita ito. "Do you have second thoughts about accepting my offer?" Pumihit ako paharap sa kaniya na gusto kong pagsisisihan dahil bumangga ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. Hindi ko alam na gano'n na siya kalapit sa akin. "Have you had any second thoughts?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Tila napapasong napaatras ako ng dalawa dahil nalanghap ko ang mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko. "Tell me, Ella. Have you had any second thoughts?" Hindi ako sumagot at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Vincent!" Panggigilalas ko nang bigla niya akong hawakan sa likod at hilahin palapit sa katawan niya. Nagdikit ang mga katawan namin. "Feel my body, sweetheart." Nakangisi niyang sabi. Nataranta ako nang maramdaman ko ang p*********i niya na sumayad sa bandang tiyan ko. "Did you feel that, huh?" Tukoy nito sa kaniyang p*********i. "That can bring you to heaven." Doon ako natauhan at malakas ko siyang itinulak ngunit sadyang mas malakas siya sa akin dahil hindi man lang ito natinag. "Are you scared, huh?" Mariin kong itinukod ang mga palad ko sa dibdib niya at muling nakipagsukatan ng tingin. "H-Hindi ako takot sa 'yo." "Really, huh?" "Oo. At tungkol sa tanong mo, hinding-hindi magbabago ang isip ko. Wala akong planong makipag-deal sa kagaya mong balasubas. Mas'yadong matalas ang dila mo." "And you, mas'yadong mataas ang pangarap mo. To think na gusto mong umasenso sa madaling paraan." Hindi ako nakaimik. Unti-unting nabura ang ngisi nito at napalitan ng seryosong mukha. "Let me remind you that I am still your boss, and you have no right to speak to me like that." "Baka nakakalimutan mo na ang lolo mo ang boss ko at hindi ikaw--" "I am still his grandchild, though. I am his family, and I pray you never forget that." Dama ko ang paghigpit ng hawak niya sa mga braso ko. Pinilit kong makawala. "Bitawan mo 'ko." "What if I won't? Magsusumbong ka?" "What is happening here?" Ang tinig ni Lolo Carlos ang nagpaluwag sa pagkakahawak nito sa akin. Hanggang sa tuluyan na niya akong pakawalan na ikinagiwang ng tayo ko. "What is going on, Vincent, Ella?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ng apo niya hanggang sa tumigil ang mata sa mga braso ko. "Sinaktan ka ba ng apo ko?" "H-hindi po." "Sigurado ka, Ella?" "Opo." "Mabuti kung gano'n." Bumaling ito sa apo. "Huwag na huwag mong pakikialaman si Ella dahil mabuti siyang tao at mapagkakatiwalaan." "If you say so, Lo." Balewala nitong sabi. "Anyway, gusto ko po sana kayong yayaing mamasyal habang narito ako. I want to spend more time with you...alone." Napairap na lamang ako nang ipagdiinan nito ang salitang alone. Para namang gusto kong sumama sa pamamasyal nila. Naku, hindi na. Makukunsumi lamang ako sa maya't maya niyang pasaring. Kaya nang imbitahan ako ni Lolo Carlos ay agad kong tinanggihan. Bukod sa ayaw kong sumama dahil sa apo niya ay gusto ko ring magkaroon silang dalawa ng quality time. Alam kong pangarap ni Lolo Carlos iyon. "Ayaw mo talagang sumama, Hija?" Tanong ni Lolo Carlos. "Hindi na po. Basta mag-enjoy kayo, ha?" sagot ko habang nasa mga paa nito ang atensyon ko. Sinusuotan ko siya ng medyas at sapatos. "Mas mag-i-enjoy ako kung kasama ka namin." "Ikaw talaga, Lo. Sa tingin n'yo mag-i-enjoy kayo kung maya't maya kaming nag-aangilan ng apo n'yo? Baka sa halip na mag-enjoy eh maging referee na lang kayo sa amin." "Pasasaan ba't masasanay rin kayo sa presensya ng isa't isa." Doon ako nag-angat ng tingin. "Lo." "Kailangan ninyong masanay sa presensya ng bawat isa." Nagtaka ako. Bakit kailangan naming masanay sa presensya ng isa't isa? Knowing him, hindi naman iyon magtatagal dito sa baryo dahil nasa siyudad ang buhay niya. Nasagot ang tanong ko nang muling magsalita si Lolo Carlos. "Sabi ng apo ko, magli-leave siya sa trabaho para samahan ako rito." "Talaga po?" Tumango ang matanda. "Good for you, Lo. Sa wakas, makakasama mo na ho ang paborito ninyong apo." "Oo nga, Hija. Excited na akong makasama siya ng mas matagal." "Masaya ho ako para sa inyo." "Salamat, Hija. Pero okay lang ba talaga sa 'yo na dumito muna siya?" Napangiti ako at magaang tinapik ang hita nito. "Oho naman. Wala naman hong problema sa akin na narito siya. Huwag n'yo ho akong intindihin dahil kaya ko naman hong pakisamahan ang apo n'yo kahit napakatalas niyang magsalita. Basta, Lo, ngayon pa lang ho patawarin n'yo na ako kung paminsan-minsan ay masasagot ko siya. Paano ba naman kung gaano kayo kabait gano'n naman kagaspang ang ugali niya. Malayong-malayo siya sa 'yo, Lo." Himutok ko na ikinatawa nito. "Walang problema kung masagot mo siya. Pero sana magkagaanan din kayo ng loob sa isa't isa." "Mukhang malabo ho lalo na't iniisip niya na may relasyon tayo." "Oo nga, ano? Mukhang sablay ang ginawa kong pang-aasar sa apo kong iyon." "Siya naman ho ang unang nag-conclude na may relasyon tayo." "Na ginatungan ko pa nang magpamasahe ako sa 'yo. Sablay ang ginawa ko para sa plano ko." "Plano na ano ho?" "Malalaman mo rin sa mga susunod na ara---" Sabay kaming napalingon sa pinto nang biglang bumukas iyon. Sumungaw doon si Vincent na mukhang nainip na sa paghihintay sa lolo nito. "Are you not done yet, Lo?" "Tapos na, Hijo. May pinag-usapan lang kami ni Ella." "Let's go then." Inalalayan kong makatayo si Lolo Carlos. Matikas itong naglakad patungo sa apo habang ako ay nanatili sa kinatatayuan ko. Nilinis ko lang ang mga kalat ni Lolo Carlos bago sumunod sa kanila sa labas. Sa garahe ko na sila naabutan. Pasakay na si Vincent ng kotse nito nang pigilan ko. "What? Wanna come with us?" "Hindi. Ibibigay ko lang sa 'yo 'tong gamot ng lolo mo. Baka gabihin kayo, kailangan niyang uminom ng gamot mamayang 6 o'clock ng gabi." Tinanggap niya ang dalawang botelya ng gamot na iniabot ko sa kaniya. "Huwag mong kakalimutang ipainom iyan sa lolo mo." Bilin ko pa nang isasara na niya ang pinto sa gawi ng driver's side. "I know what to do." Nagkibit-balikat ako at umikot sa gawi ng matanda. Binuksan nito ang bintana. "Enjoy kayo." Bilin ko. "Are you sure you're not coming with us?" Hihirit pa sana si Lolo Carlos pero agad na akong umiling. "Okay. Wala ka namang gagawin, so magpahinga ka na lang muna, Ella." Tumango ako at dumukhang para halikan sa pisngi ang matanda. Kitang-kita ko nang magsalubong ang mga kilay ni Vincent. "Ingat ho kayo. Enjo--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumara na ang bintana sa gawi ni Lolo. At alam kong ang balasubas nitong apo ang salarin niyon. Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka ako pumasok sa loob ng bahay. Tapos naman na akong maglinis kaya naisipan kong balikan ang crochet na ginagawa ko. Nitong nakaraang buwan, ang paggagawa ng mga swimwear ang pinagkakaabalahan ko dahil bentang-benta iyon sa tindahan ni Nanay na malapit sa dalampasigan. Ito kasing baryo namin ay may dagat sa likurang bahagi na medyo nakikilala na ng mga turista. At kapag summer, madalas na ring dagsahin ng mga nag-a-outing. Ang pagko-crochet ang ginawa kong sideline para dagdag income. Hindi na ako magtataka na darating ang araw na makikilala pang lalo ang lugar namin dahil sa magandang pamamalakad ng aming mayor at idagdag pa ang malinis na dagat. Nakakatuwa na kahit mahirap at payak ang buhay ng mga tao rito sa baryo namin ay halos responsable naman. Kaniya-kaniyang sikap para makaraos sa buhay kaya talagang naaasar ako kapag naaalala ko ang tingin ni Vincent sa mahihirap na tulad ko. "Aansenso rin kami, maghintay ka." Naisatinig ko habang abala pa rin sa pagko-crochet. Nalibang ako kaya nakayari ako ng tatlong pares ng bikini. Tuwang-tuwa ko iyong pinicture-an at isenend sa kapatid kong bunso. Mabilis siyang nag-reply. "Sana iyong picture ni Papa Vin ang isenend mo, Ate." Malakas na basa ko sa reply ni Elma. "Gaga." Reply ko. "Picture-an mo, Ate, please? Tapos send mo sa akin, sige na. Sabi ni Nanay ang guwapo raw niya sa personal." May nagpupuso-pusong mata pa sa huli. "Tigilan mo ako, Elma." Pagka-send ko niyon ay hindi ko na sinubukang basahin ang reply niya. Mangungulit lang nang mangungulit ang batang iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya ay tumatawag na siya. Wala sana akong balak sagutin pero sadyang makulit ang babaeng 'yon. "Ano na naman, Elma?" Pagsusungit ko na idinaan na naman niya sa paglalambing na may kasamang pang-uuto. "Hindi. Ayoko." "Sige na, Ate. Kahit stolen shot lang." Hirit pa rin niya. "Ayoko nga sabi. Hindi naman siya guwapo, e. Sakto lang." "Maniwala sa 'yo, e sabi ni Nanay super guwapo raw." "Basta ayoko." "Ate naman..." "Tigilan mo ako, Elma, ha?" Uungot pa sana siya pero pinatayan ko na ng cellphone. Muli kong inabala ang sarili ko. BANDANG alas singko ng hapon nang lumabas ako ng silid at nagtungo sa kusina para magluto. Para may madadatnan si Lolo kung sakaling magutom siya sa pamamasyal nilang mag-lolo. Habang naghihintay sa pagdating nila ay nanuod muna ako ng TV na nasa sala. Pero pasado alas siyete na ng gabi, wala pa rin ang mga ito. Mas'yado sigurong nag-enjoy ang mga iyon kaya wala pa. Sa isiping iyon ay muli kong nilibang sa panunuod ang sarili ko. Hanggang sa gulantangin ako ng malakas na tunog ng telepono. "Hello?" Agad na sagot ko. "Hello po." Anang boses babae mula sa kabilang linya. "Yes po?" "Puwede po bang makausap si Miss Ella Marquez?" Kinabahan ako. "Ako na po ito. Bakit ho? Sino ho sila?" Sunod-sunod na tanong ko. "Nurse po ako rito sa Madrid Hospital---" "Hospital?!" Eksaheradang gagad ko. "Bakit ho? Sinong nasa hospital?" "A certain Carlos Del Franco po." "Ho?! Ano hong nangyari sa kaniya?" Nilukob ng matinding takot at pag-aalala ang puso ko para sa matanda. "Okay lang ho ba siya? Kumusta ho siya?" "Ang mabuti pa po'y pumunta na lang po kayo rito." "Sige po." Pagkatapos niyang sabihin sa akin ang eksaktong kinaroroonan ni Lolo Carlos ay agad ko ng ibinaba ang telepono. Saka may pagmamadaling kinuha sa silid ko ang wallet bago tuluyang umalis ng bahay. Habang sakay ng dyip patungo sa hospital, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa matinding pag-aalala kay Lolo Carlos. Lalo pa't hindi tiniyak ng nurse na kausap ko ang kalagayan niya ngayon. Diyos ko, sana po okay lang siya. Sana po ligtas si Lolo. Parating na po ako, Lo.... Lumuluhang taimtim akong nanalangin para sa kaligtasan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD