Chapter 8

1999 Words
ELLA KINABUKASAN nang magising si Vincent ay kaagad akong nagpaalam kay Lolo Carlos para umuwi muna at kumuha ng damit niya. Sa sobrang pagkataranta ko kasi ay hindi ko na nagawang magdala pa ng bihisan niya. “Babalik ka, Ella.” Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang sinabi ni Lolo Carlos. Nilingon ko siya. “Opo naman. Ikukuha lang po kita ng bihisan. Baka mamaho kayo dahil bukas pa raw kayo puwedeng ma-discharge.” Pagbibiro ko na ikinatawa niya. “Ayaw mo ba talagang magpasama na lang kay Vincent para mabilis kang makabalik dito?” Hirit niya na kanina ko pa tinanggihan. Iniisip ko pa lang na sasakay ako sa sasakyan ng apo niya, parang umuurong na ang puwet ko. Baka mamaya, kung ano na namang pagbibintang ang ibato niya sa akin, mahirap na. Maikli pa naman ang pasensya ko sa mga taong marurumi ang isip— Natigil ako sa lihim na pakikipag-usap sa sarili nang tawagin ni Lolo Carlos ang pangalan ko. “Po?” “Kako, pumayag ka ng ipag-drive ng apo ko para madali ka. Sige na,” nakikiusap ang boses at maging ang mga mata nito. “Hindi na ho, wala ho kayong kasama rito–” “Maraming nurse dito, hindi nila ako pababayaan.” Isang matamis na ngiti ang isinukli ko kay Lolo Carlos. Hindi ako nakatiis, muli akong lumapit sa kaniya at matunog na hinalikan sa noo. Tuwang-tuwa ito sa ginawa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Vincent. Nakita ko ang pag-igting ng panga nito habang nakatingin sa amin ng lolo niya. Alam kong iba na naman ang tumatakbo sa marumi nitong utak. “Mas mainam po na maiwan si Vincent dito kasama n'yo. Sanay po akong bumiyahe. Promise po, babalik ako agad.” “Mas madadali ka sana kung magkasama kayo—” “Mas madadali ako kung aalis na po ako.” Nakangiting sansala ko sa anumang sasabihin nito. Kanina ko pa napapansin na pilit niyang iginigiit na magkasama kaming umalis ni Vincent. “Kung naiilang ka sa apo ko,” tumingin ito kay Vincent. “You don't have to, he's a nice guy. Hindi ba, Vincent?” “Of course, Lolo.” Lihim akong napaismid bago muling nagpaalam kay Lolo Carlos. “Okay, sige. Basta mag-iingat ka sa daan, ha?” “Opo. Basta huwag pasaway sa nurse, hmm..?” “Takot ko na lang sa ‘yo.” Isang ngiti ang iniwan ko kay Lolo bago tumalikod. Nilapitan ko si Vincent para iabot dito ang botelya ng gamot ni Lolo. “Ikaw muna ang bahala sa lolo mo. Gamot niya ‘to, pasuyo kapag wala pa ako. Pakainin mo muna kahit biscuit bago mo painumin niyan.” Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil lumabas na ako at isinara ang pinto. Magaan ang pakiramdam na naglakad ako papalabas sa mahabang pasilyo ng hospital. Ibang-iba sa pakiramdam ko kahapon na sobrang bigat dahil sa tawag na natanggap ko. Mabuti na lamang at naagapan din ang pagdadala kay Lolo Carlos sa hospital. Hindi nagtagal, nakasakay na ako ng dyip papauwi sa bahay. Nagdesisyon akong dumaan muna sa bahay namin para ipaalam sa pamilya ko na maayos na ang lagay ni Lolo Carlos. Dahil kulang sa tulog, hindi ko namalayang nakatulog na ako sa dyip. Nagising lang ako nang sabihin ng driver na nasa Baryo Dimagiba na kami. Pagkabayad ko ay agad na akong bumaba. Naglakad lang ako ng kaunti papasok at natanaw ko na ang bahay namin. Nakita ko si Nanay na may buhat na timba. “‘Nay!” Tawag ko. “Ella!” Iniwan niya ang timba at sinalubong ako. “Kumusta na si Don Carlos?” “Mabuti na po. Kaso bukas pa po siya makakalabas.” “Ah, gano'n ba? Ano ba'ng nangyari at naospital iyon? Kalakas-lakas pa noong punta ko sa bahay niya, e.” Usisa nito habang papasok kami sa loob ng bahay. “Nakakain ng peanut, ‘Nay. Na-allergy siya. E, alam n'yo naman iyon kapag na-allergy namamantal ang buong katawan, e masama iyon kapag napunta na sa mukha ang pamamantal baka mahirapang huminga.” “O, e, bakit hindi mo naman inalam muna kung may peanut ang ipinakain sa kaniya?” “Hindi ko naman ho alam dahil isinama siya ni Vincent na lumabas kahapon. Inilabas niya si Lolo, siyempre kampante naman ako at lolo niya iyon kaya umasa ako na aalagaan niya tapos mapapahamak naman pala. Kaya ayon, nag-away kami–” “Ay bakit? Baka naman hindi niya alam.” Pagtatanggol ni Nanay. “Pero tama ba namang ako ang sisihin niya? Siya ang kasama ni Lolo tapos kasalanan ko raw?” “Ay gano'n? Anong sabi mo?” Napasimangot ako. “Siyempre, tinalakan ko siya, ‘Nay. Kako ‘wag niyang isisi sa akin dahil siya ang kasama ng lolo niya. Basta marami akong sinabi dahil sa sobrang inis, sana nga lang ho natauhan na. Hay, ewan.” “Sus, hamo na. Pagpasensyahan mo na lang at apo naman iyon ng Lolo Carlos mo. At saka…” Sinadya niyang bitinin ang sasabihin. May naglalarong ngisi sa mukha ni Nanay. “At saka ano, ‘Nay?” “Guwapo siya, ‘Nak.” “‘Nay!” Nagsalubong ang mga kilay ko nang humagikhik ito. “Kayo talaga, tanders na’t lahat ang hilig pa rin sa guwapo.” “O, bakit? Hindi ka ba naguguwapuhan sa apo ni Don Carlos? Aminin mo, ibang-iba ang hitsura niya sa mga larawan sa bahay ng Don kaysa sa personal. Parang artista, ‘di ba?” “Sakto lang–aray, ‘Nay!” Reklamo ko nang kurutin niya ako. “Guwapo na kung guwapo pero marumi naman ang utak niya.” “Paano naging marumi?” Napilitan akong ikuwento kay Nanay ang pagbibintang niya sa akin na karelasyon ko ang lolo nito. Sa halip na kampihan, tumawa pa nang tumawa si Nanay. “Ewan ko sa ‘yo, ‘Nay. Makaalis na nga.” Nagmamartsa na akong lumabas ng bahay. Humabol naman ang tatawa-tawa ko pa ring nanay. “Kinikilig lang ako, Anak, ‘to naman. Bibihira lang naman tayong makakita ng tunay na guwapo rito sa atin.” Bakas ang kilig sa tinig nito. Nakasimangot ko siyang binalingan. “Kaya nahahawa si Elma sa inyo, e. Kayo talaga.” “Hamo na’t minsan lang makakita ng guwapo. Pero, ‘Nak, parang bagay kayo.” “Susko, ‘Nay. Guni-guni n'yo lang iyan. Paano naman ako magiging bagay doon, e kulay pa lang namin hindi na uobra. Kape at gatas, ‘Nay.” “Grabe ka naman sa sarili mo. Hindi ka naman maitim, a.” “E, anong tawag dito?” Pinakita ko sa kaniya ang magkabilang braso ko. “Morena. Ang ganda-ganda mo kaya. Sa inyong magkakapatid ikaw ang pinaka malakas ang appeal, hindi mo lang alam iyon.” “Sus, nambola ka pa, ‘Nay. Aalis na nga ho ako, baka maghintay na si Lolo Carlos sa akin. Dumaan lang ako rito para ibilin na pakitingin-tingin ho ang bahay ni Lolo habang wala kami roon at para sabihin na maayos na ang lagay niya.” Pumayag naman si Nanay at sila na raw ang bahala sa bahay ni Lolo. Hindi na rin ako nagtagal at dumiretso na sa bahay para kumuha ng damit ni Lolo Carlos. Pagkatapos kong maglagay ng ilang pares ng damit sa bag ay nagpasya akong magluto sandali para dalhin kay Lolo. Habang nakasalang, gumawa na rin ako ng vegetable salad. Mabuti at may stock pa sa refrigerator niya. Pagkatapos kong ilagay sa tub ang mga niluto ko para kay Lolo ay naligo na rin ako. Hindi na ako nagtagal dahil baka makalimutan ni Vincent ang gamot ng lolo niya. Kaya makalipas ang mahigit isang oras, nakagayak na ako pabalik ng hospital. Nagulat pa ako dahil pagbukas ko ng gate ay nasa labas ang kapatid kong si Elma. Bihis na bihis ito. “Anong ginagawa mo rito?” Kunot-noong tanong ko. “Hi, Ate Ella.” “Anong ginagawa mo rito?” “Ah, e–” “Paalis na rin ako. Umuwi ka na sa atin.” Ini-lock ko na ang bakal na gate at akmang aalis nang pigilan niya ako. “Ate, sasama ako sa hospital.” “Anong gagawin–” “Bibisitahin ko si Lolo Carlos.” Nakangiting sabi niya sabay labas ng kamay mula sa likuran niya. May hawak siyang limang pirasong pulang rosas. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makilala ang mga bulaklak na iyon. At nakumpirma kong tama ang hinala ko nang pagtingin ko sa garden ni Lolo sa gilid ng pader ay wala na roon ang mga bulaklak. Pagharap ko sa kapatid ko ay nakangiwi na ito. “Para kay Lolo naman ‘to, Ate.” Nanggigil na hinila ko ang buhok niya. “Bakit mo pinitas ang mga bulaklak niya?” “Regalo ko sa kaniya ‘to, Ate.” Napailing na lang ako. Wala na rin namang magagawa dahil napitas na niya. Hindi ko na rin siya napigilang sumama sa akin pabalik ng hospital para daw dalawin si Lolo Carlos. Kahit malakas ang kutob ko na hindi si Lolo ang sadya niya roon kundi ang crush niyang si Papa Vin daw. Malamang si Nanay na naman ang nag-chicka sa babaeng ito. Tss… tsss. HABANG daan, rinding-rindi ako sa kapatid ko. Ang dami niyang tanong, pero palaging nauuwi tungkol kay Vincent. Halatang-halata na excited itong makita si Papa Vin daw niya. Kaya paghinto pa lamang ng dyip sa tapat ng hospital ay parang inaasinan na ang puwet nito sa tabi ko. Bumaba kami ng dyip at magkaagapay na naglakad patungo kay Lolo. Bitbit niya ang mga rosas habang ako ay dala ang paper bag na naglalaman ng gamit at pagkain ni Lolo. “Ate, excited na ako…!” Halata ang pinipigilang kilig sa boses nito. “Umayos ka, Elma. Panindigan mong si Lolo Carlos ang ipinunta mo rito dahil kapag hindi ka umayos, pauuwiin kita ngayon na mismo.” “Promise, behave ako.” Isang nagbabatang tingin ang ipinukol ko sa kaniya bago kumatok ng dalawang beses. Pipihitin ko pa lang sana ang seradura nang bumukas iyon at iluwa si Vincent. “What you took so long?” Baritonong boses na bungad nito sa akin. “Nagluto ako ng pagkain.” Itinaas ko ang dalawang paper bag na dala ko. “Puwedeng pumasok?” Walang imik na niluwagan nito ang bukas ng pinto. “Salamat.” Papasok na sana ako nang may humila sa damit ko. Si Elma. Gusto ko siyang kutusan ng mga sandaling iyon dahil puwede ng pasukan ng langaw ang bibig niya sa sobrang awang habang titig na titig kay Vincent. Marahil kagaya ko, hindi rin siya makapaniwala na ganoon kaguwapo ang lalaking laman ng pantasya niya noon pa. Natauhan lamang ito nang pasimple kong sipain sa binti niya. “Si Lolo Carlos ang sadya mo, umayos ka.” Pabulong na paalala ko. Inilapit niya ang mukha sa tainga ko at bumulong. “Ate, grabe… sobrang guwapo pala niya. I think I love him na.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Aayos ka o pauuwiin kita?” Umayos naman ito agad-agad at behave na sumunod sa akin palapit kay Lolo Carlos. “Hi, Lolo Carlos!” Masiglang bati ni Elma na ikinatawa ng matanda. Nagmano ang kapatid ko. “Thank you dahil dinalaw mo ang lolo.” Tuwang-tuwa ang tinig nito at hinayaang umupo sa tabi niya ang kapatid ko. Hinayaan ko silang magkuwentuhan kaya itinuon ko na lang ang atensyon sa pag-aayos ng pagkain ni Lolo Carlos. Maya-maya'y narinig kong tinawag nito ang apo at ipinakilala sa kapatid ko. Hindi maikakaila ang kilig sa boses ng kapatid ko habang kausap si Vincent. Hindi sinasadyang napatingin ako sa mga ito. Nakatingin din pala si Vincent kaya nagtama ang mga mata namin. At hindi ko maintindihan kung para saan ang malakas na kabog ng dibdib ko habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya. Ella, hindi ka puwedeng magka-crush sa kaniya. Hindi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD