Chapter 18

1805 Words

ELLA DIS-ORAS na ng gabi, pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Ilang linggo na akong ganito, hindi makapagkatulog sa gabi. Nagsimula ito noong nalaman ko ang gustong mangyari ni Lolo Carlos para sa aming dalawa ni Vincent. Hindi ko alam kung saan galing iyong guilt na nararamdaman ko. Dahil pakiramdam ko, nakikipagsabwatan ako kay Lolo Carlos kahit hindi naman. Katunayan, maraming beses ko nang sinubukang sabihin kay Vincent ang tungkol doon para alam niya kung ano ang tamang gawin kaso sa tuwing susubukan ko, naduduwag ako. Naduduwag ako dahil sa dalawang kadahilanan. Una, ayokong masira ang magandang samahan nilang dalawa ni Lolo Carlos dahil tiyak na makakasama sa kalusugan niya iyon. Hindi naman kaila sa akin na sa pagdaan ng mga araw, napapansin ko ang unti-unting paghina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD