ELLA
"LET'S MAKE A DEAL." Seryosong saad ni Vincent nang hindi ako umimik.
"Leave my Lolo Carlos alone, and I'll pay you money. And I'll f**k you every night."
Literal na bumilis ang kabog ng dibdib nang ulitin niya ang sinabi.
"Just say yes, and I will f**k you right here, right now."
Ibayong pagtitimpi ang ginawa ko upang 'wag siyang patulan. Kahit gusto ko nang paduguin ang nguso niya dahil sa kaniyang mga pinagsasasabi.
"What?" Asik niya nang hindi pa rin ako kumibo. "Pumayag ka lang, sisiguraduhin kong masasarapan ka. Iyong klase ng sarap na hahanap-hanapin mo."
Hindi pa rin ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kaniya.
"What? Ayaw mo?"
Pagak akong tumawa na lalo niyang ikinainis. Mariin niyang hinawakan ang magkabilang braso ko.
"How much do you want, huh? C'mon, name your price--"
"Pasensya na pero hindi ko ipinagbibili ang katawan ko." Kapagkuwa'y inipon ko ang buong lakas ko at marahas na tinabig ang mga kamay niya.
"Ella."
"Excuse me." Iyon lang at tinalikuran ko na siya.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang muli siyang humarang sa daraanan ko.
"Paraanin mo 'ko."
Ngumisi lang siya. Iyong ngising mapang-insulto.
"Paraan sabi."
Hindi siya natinag.
"Ayaw mo sa offer ko? Why? Dahil alam mo na mas malaki ang makukuha mo sa lolo ko? Ganiyan ba talaga kayong mahihirap? Ginagawang collateral ang katawan para lang makaahon sa kahirapan?"
Natameme ako. Hindi dahil guilty ako kundi masakit iyong mga salitang binitawan niya.
"Bakit hindi ka makasagot? Dahil totoo ang sinasabi ko, hindi ba?"
"Bahala ka sa gusto mong isipin. Basta ako hindi magpapakapagod para magpaliwanag sa mga taong sarado ang utak na kagaya mo."
"Bakit mali ba ako? Hindi ba totoo na kaya ninyong gawing collateral ang katawan ninyo para sa pera?"
"Huwag mong nilalahat. At kung may kagaya ko mang mahirap na gumagawa ng sinasabi mo, sigurado ako na may malalim na dahilan iyon at hindi lang gustong magkapera."
Pagak siyang tumawa. "Really, huh? Ano pa bang rason ninyo bukod sa pera? Tell me."
Pag-ibig. "Bakit? Kapag sinagot ko ba iyang tanong mo, maniniwala ka sa sagot ko?"
Mapang-insulto siyang tumawa. "No."
"O, iyon naman pala, e. Bakit nagtatanong ka pa? Hindi ako mag-aaksaya ng panahon para mag-explain sa taong kagaya mo."
"What do you mean?" Kunot-noo niyang tanong.
"Wala." At nilampasan ko na siya.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang lingunin ko siya.
"What?" Angil niya.
"Wala lang. Gusto ko lang sabihin na mas pipiliin ko pa rin ang lolo mo kaysa sa 'yo. Bakit? Dahil kahit matanda na siya, alam niya iyong salitang respeto. Ni minsan hindi niya ako trinato nang kagaya ng ginawa mo. Dalas-dalasan mo ang dalaw sa lolo mo para naman maturuan ka niya kung paano rumespito sa kap'wa mo. Hindi kasi nabibili iyon." Pagkasabi ko niyon ay tuluyan ko na siyang iniwan.
Hindi ko na nakita kung ano ang naging reaksyon niya sa huling sinabi ko. Totoo naman. Hindi nabibili ng salapi ang respeto.
At para mawala ang badtrip ko sa apo ni Lolo Carlos, inabala ko na lamang ang sarili ko. Pumunta ako sa mga bulaklak niya at nag-exercise.
Pinagpapawisan na ako nang maramdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil paglingon ko nakita ko si Vincent sa veranda na nakatayo paharap sa puwesto ko.
Sayang ang guwapo pa naman sana kaso ang sama ng ugali. Hindi bale na lang. Isang pamatay na irap ang ibinigay ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Laking pasalamat ko dahil makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang kurimaw na iyon sa veranda.
May kinse minutos pa akong nag-exercise bago tumigil dahil ipaghahanda ko pa ng almusal si Lolo Carlos.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay sa kusina na ako dumiretso. Pinagluto ko si Lolo Carlos.
Naghahain na ako nang matigilan ako dahil sa suwabeng amoy na biglang nanuot sa ilong ko.
Pinigilan kong lingunin ang may-ari ng suwabeng amoy na iyon. Si Vincent.
Kunwaring hindi ko siya napansin. Pagkatapos kong maglagay ng dalawang plato, baso at mga utensil ay patay-malisya akong lumabas at pinuntahan si Lolo Carlos sa kaniyang kuwarto.
"Kakain na." Sabi ko kasabay ang tatlong magkakasunod na katok.
"Kakain na po." Muli akong kumatok pero wala pa ring sagot.
"Carlos Del Franco, bangon na po." Tawag ko sa pangalawang pagkakataon.
Nang wala pa rin akong makuhang sagot, pumasok na ako. Para lang makita si Lolo Carlos na prenteng nakaupo sa malapad na kama habang nakatingin sa kung ano.
Sinundan ko ang tinitingnan niya at awtomatiko akong napangiwi nang makita na sa monitor pala ng CCTV nakatuon ang atensyon niya. At kasalukuyang ang eksena namin ng apo niya sa kusina kanina ang pinapanuod niya.
"You two look good together."
Mabilis ang ginawa kong pagbaling kay Lolo. "Ano ho iyon, Lo?"
"Wala." Sagot niya na sa monitor pa rin nakatutok ang mga mata.
Nagtaka ako kung bakit nakangiti siya habang nanunuod sa angilan namin ng apo niya, eh wala namang kangiti-ngiti roon.
"Wala lang. Gusto ko lang sabihin na mas pipiliin ko pa rin ang lolo mo kaysa sa 'yo. Bakit? Dahil kahit matanda na siya, alam niya iyong salitang respeto. Ni minsan hindi niya ako trinato nang kagaya ng ginawa mo. Dalas-dalasan mo ang dalaw sa lolo mo para naman maturuan ka niya kung paano rumespito sa kap'wa mo. Hindi kasi nabibili iyon."
Dinig na dinig ko ang sinabi ko kay Vincent kanina dahil naka-unmute ang CCTV.
"Nice one, Dear."
"Sorry ho, Lo."
Sabay na sambit namin ni Lolo Carlos.
Medyo tinamaan ako ng hiya dahil sa inasal ko sa apo niya.
"Sorry ho, Lo." Muling hingi ko ng paumanhin.
"Sorry for what?"
"Sa sinabi ko ho sa apo ninyo."
Tumawa ito. "He deserve it."
"Lo."
Nakuha ko ang ibig niyang sabihin nang tapik-tapikin ang kama sa gilid niya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
Nakangiting kinuha niya ang kamay ko at marahang pinisil.
"Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa akin."
"Pero parang nabastos ko ho siya, Lo. Apo n'yo pa rin ho siya at yaya n'yo lang po ak--"
"Don't ever say that, Ella. Alam mong hindi yaya ang tingin ko sa 'yo."
"Opo."
"Hindi ka yaya para sa akin kundi apo ko na rin. Hindi man tayo magkadugo pero hindi basehan iyon para hindi kita mahalin. Mahal mo ako kaya mahal din kita, dear. At iyong sinabi mo sa apo ko, dapat lang iyon sa kaniya dahil siya ang unang nambastos sa 'yo. Hindi mo siya babastusin kung hindi ka niya binastos."
Na-touch ako kaya napahilig ako sa balikat ni Lolo. Tunay na hindi lahat ng mayayaman ay masama ang ugali. Isa si Lolo Carlos sa magpapatunay niyon. Isa siyang Don pero may mabuting puso at mababang-loob lalo na sa mas mababa sa kaniya.
"Salamat ho, Lo. Kaya ako'y sa 'yo, e."
"Basta ikaw, Ella. Kapag may iba pang ginawa sa 'yo ang apo ko sabihin mo agad sa akin. Ako ang bahala sa 'yo. Maliwanag?"
"Maliwanag pa sa sikat ng araw, Lo."
"Good."
Natatawang inakbayan ako ni Lolo habang ako nama'y nakayakap sa beywang niya. Nasa ganoong puwesto kami nang bumukas ang pinto at bumungad ang natitigilang si Vincent.
"Yes, Vincent?" Si Lolo.
Tumikhim muna ito bago sumagot. "Tatawagin ko sana kayo. Gusto ko sana kayong makasabay sa pagkain, pero mukhang busy pa kayo rito."
"Gano'n ba?"
Tumango ang huli. "Hindi bale na, Lo. Excuse me." Iyon lang at kinabig na nito ang pinto pasara.
Naiwan kaming nagkakatinginan ni Lolo at sabay na napangiti bago sabay ding sumunod kay Vincent.
Magkaagapay kami ni Lolo na nagtungo sa kusina. Nadatnan namin doon si Vincent na mag-isang kumakain.
"Akala ko ba gusto mo akong kasabay? E, bakit nauna ka ng kumain, Apo?" Puna ni Lolo.
"Akala ko mamaya pa kayo lalabas kaya nauna na ako." Sandali lang nitong tinapunan ng tingin ang abuelo at nagpatuloy sa pagkain.
Napasimangot ako. Nauna pa talaga siyang kumain ng inihanda ko para sa lolo niya. Balasubas talaga.
Para bigyan ng moment ang dalawa, hindi ako sumabay kumain kahit nagpumilit si Lolo Carlos. Gusto kong makitang masaya ang matanda at alam kong ang maka-bonding ang nag-iisang apong lalaki ang magpapasaya sa kaniya ngayon.
Iniwan ko sila sa dining at inasikaso ko ang mga ibang gamit sa dirty kitchen. Sa pagod na rin ay hindi ko na iyon natapos ligpitin kagabi.
Pagkatapos kong magligpit, binalikan ko ang dining. Wala na roon ang mag-lolo at malinis na ang mesa nang datnan ko.
Hinugasan ko lang ang pinagkainan nila, saka ini-ready ang gamot ni Lolo Carlos. Hindi ko na siya kailangang hanapin dahil palabas pa lamang ako ng kusina ay dinig na dinig ko na ang malutong at buhay na buhay na tawa ni Lolo Carlos.
Napangiti ako habang nakatanaw sa dalawa na nasa hardin. Masayahing tao ang pagkakakilala ko kay Lolo pero hindi ako manhid para hindi maramdaman na kakaiba iyong tuwa sa tawa niya ngayon habang nakausap ang apo.
"Kaya nga madalas kang makurot ng lola mo noon. Sa inyong lahat ikaw ang pinakamakulit." Dinig kong sabi ni Lolo.
"Hindi ko makakalimutan iyong pingot ni Lola sa akin na halos matanggal ang tainga ko, Lo."
"Dahil ke bata-bata mo pa marunong ka ng makipagbasag-ulo."
"Hindi ko naman kasalanan, Lo. Sila ang nag-uumpisa ng away, lumalaban lang ako."
"Kow. Ang sabihin mo, loko-loko ka rin noong bata ka pa."
"I admit. Nagbago naman ako habang lumalaki, Lo."
"Siya nga ba?"
Napangiti ako. Mukhang hindi kumbinsido ang matanda sa sinabi ng apo.
Ilang sandali ko pang hinayaan na magbalik-tanaw ang dalawa bago ako nagdesisyon na lapitan sila.
"Mahal na mahal ko ang lolo mo, Vincent. Sobrang miss na miss ko na siya." Naulinigan kong sabi ni Lolo habang papalapit ako sa gawi nila.
"I know. At alam ko na hanggang ngayon, walang pumapalit kay Lola diyan sa puso n'yo. Walang puwedeng pumalit kay Lola sa buhay n'yo. Hindi ba, Lo?" Sinulyapan pa ako ni Vincent habang sinasabi iyon sa abuelo.
Mukhang nagpaparinig na hindi ko mapapalitan ang lola niya.
"Hindi ba, Lo? Lola Carolina is your great and true love."
"Yes."
Kitang-kita ko ang pagngisi ni Vincent nang tumingin sa akin. Tila ba sinasabi ng ngisi niya na 'See? Hindi mo mapapalitan ang lola ko.'
Nagkibit-balikat lamang ako at ipinaalam kay Lolo ang presensya ko.