CHAPTER FOUR

1735 Words
"ELLA, SANDALI!" Mabilis akong napalingon kay Lolo Carlos nang marinig ang sinabi niya. "Sandali sabi! Baka marinig tayo ng apo ko." Kulang na lang ay malaglag ang panga ko nang tumawa si Lolo Carlos na animo'y kinikiliti. At kung malisyoso ang makakarinig sa kaniya ay tiyak na iisipin na may ginagawa kaming kababalaghan ngayon. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko si Lolo Carlos. Kumindat siya na para bang gusto niyang sakyan ko ang gagawin niya. "Baka marinig tayo ng apo ko. Hintayin muna nating matulog, Ella my sweet!" Sinadya pa niyang lakasan ang boses. Tutop ang bibig na lumapit ako kay Lolo matapos kong i-lock ang pinto. Hmm. Mukhang iisa ang nasa utak namin ng alaga ko, a. Inutusan niya akong umupo sa tabi niya. Tumalima naman ako. "Lo." "Sakyan mo lang ako, Hija." Anas niya habang ngising-aso. "Don't worry, sagot kita. Gusto ko lang mang-inis ng apo ko." "Pero, Lo." "Ay, 'wag naman diyan! Nakikiliti ako diyan, Ella!" Eksaheradong sabi niya na ikinatawa ko nang mahina. "Baka masakal ako ng apo niyo, Lo." "Hindi iyan. Ako ang bahala sa 'yo basta sakyan mo lang ako." Pangungumbinsi niya. Para kaming mga bubuyog na bulungan nang bulungan. Tamang-tama pala ang ginawa kong pang-aasar sa Vincent na iyon kanina dahil pareho kami ng naisip ni Lolo Carlos. Hindi ako tinigilan ni Lolo Carlos hangga't hindi umuoo sa plano niya. "Sagot mo 'ko, Lo, ha?" "Oo naman. Sagot kita. Hindi ko lang nagustuhan iyong ginawa niya sa 'yo kanina. Matanda na ako, oo, pero hindi ako bingi at lalong hindi ako bulag, Ella. Sa edad kong ito, malakas pa ang pakiramdam ko kung may nangyayaring hindi tama sa loob ng pamamahay ko. At hindi mo deserve ang ginawa ng mga apo ko kanina. Lalo na si Vincent na hinalikan ka pa." Nanlaki ang mga mata ko. "Alam mo, Lo?" Anas ko. "Of course. At tama lang na pinatikim mo siya ng sampal." Umawang ang bibig ko. "Hala, Lo, sorry po." Tumawa lang ang matanda. "Buti nga sa kaniya." "Aw! The best ka talaga, Lo. At dahil diyan, pumapayag na akong inisan ang apo niyo." Malawak ang naging ngiti ni Lolo at sinabing simulan na namin ngayong gabi. Inalalayan ko siyang humiga para masahihin ang kaniyang mga binti. Gabi-gabi kong ginagawa iyon bago siya matulog. Umupo ako sa paanan ni Lolo. Gusto kong humagalpak ng tawa nang magsimula siyang mang-asar. "Ang sarap naman niyan, Ella." Kinindatan niya ako. Ibang klase talaga 'tong si Lolo. "Masarap ba talaga?" Pagsakay ko habang minamasahe ang kanang binti niya. "Sobrang sarap. Ang galing mo talaga. Ah- 'yan ganiyan nga." "Ganito?" "Ya-yan! You're the best, Ella. Ang husay ng palad mo! Pero dahan-dahan lang ang hagod..." Napahagikhik ako sa pinagsasasabi ni Lolo. Very convincing, kaloka! "Ang halay niyo ho, Lo." Anas ko habang pigil ang malakas na tawa. "Ituloy mo lang-- teka, ni-lock mo ang pinto?" Tumango ako. "Ay ba't mo ni-lock, hindi siya makakapasok. Buksan mo muna." Tumalima naman ako. Napapailing ako nang bumalik sa tabi ni Lolo Carlos. Nakikinita ko na kung paano uusok ang ilong ng Vincent na iyon. Napaka malisyoso pa naman ng lalaking 'yon. Isipin ba namang may relasyon kami ng Lolo niya, jusko. Otsenta y uno na ang lolo niya habang ako ay bente singko pa lang. Hay naku talaga! Muli kong minasahe ang binti ni Lolo. Nang matapos ako sa kanan ay kaliwa naman ang minasahe ko. Maging ang mga paa niya ay minamasahe ko rin at sarap na sarap siya roon. Gumiginhawa raw ang pakiramdam niya kapag ginagawa ko iyon. "You are doing great, Ella. Ang sarap talaga..." Maharot na tumawa si Lolo. Lalo pa niyang nilakasan ang boses. "Ganiyang hagod ang gusto ko. Matagal-tagal ko na ring hindi naranasan ang ganito dahil nauna na sa langit ang aking kabiyak." Tukoy niya sa pagmamasahe ko. Halos maihi na ako sa panty nang humagikhik si Lolo Carlos. Totoong hagikhik na iyon dahil sinadya kong hawakan ang tuhod niya kung saan napakalakas ng kaniyang kiliti. "Ella! Jusko ka, 'wag diyan!" Awat niya habang nagpapapadyak dahilan para muntik na akong tamaan sa mukha. Mabuti na lang at nakaigpaw agad ako paalis ng kama. "Muntik na ako ro'n, Lo." Anas ko. "Ikaw kasi. Huwag sa tuhod. Halika na rito, masasahihin mo na ulit ang paa ko." Bumalik ako sa paanan niya at muling nagmasahe. Dinamihan ko ng efficascent oil para madulas hagurin. Medyo kinakabahan na ako, lalo na nang magsimulang magbilang si Lolo kasabay ang malakas na kalabog sa kabilang silid. Ang silid na ukupado ni Vincent. "Ang galing talaga ng kamay mo! Sige pa, Ella!" Ngumisi siya at itinuloy ang pagbibilang. "Lima... anim... pito--" Hindi pa man umaabot ng sampu nang biglang bumukas ang pinto. "What the hell?!" Galit na bungad ni Vincent sabay hablot sa braso ko. "You're disgusti--" kusa siyang natigilan. Malamang nakita niyang pareho kaming nakadamit ni Lolo at amoy efficascent ang kuwarto. "What the--" "Yes, Vincent?" Si Lolo. "Why? Is there anything wrong?" Bahagyang bumangon si Lolo. "No. I-I thought..." "You thought what?" Marahas na bumuga ng hangin si Vincent bago matalim na tumingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit kasi ang lakas ng boses mo, Lo? Abot na abot sa kabilang kuwarto. Akala ko kung napapa'no na kayo rito." Utot mo! "Nasasarapan lang ang lolo mo sa pagmamasahe ko. Lalo na kapag sa paa niya." "I'm not talking to you." Angil niya bago muling binalingan ang matanda. "Lo, ayaw niyo bang kumuha ng legit na masahista? Iyong mas magaling at katiwa-tiwala sana?" Aba't! Gago 'to, a. "Excuse me? Hindi mo ba narinig na sarap na sarap ang lolo mo? Akala ko ba abot sa silid mo?" Napaatras ako nang humarap siya sa akin na sobrang dilim ng mukha sabay turo sa pinto. "Get out!" "Hindi pa kami tapos ng lolo--" "To hell I care! Just leave!" Abot-abot na ang kaba ko dahil naglalabasan na ang ugat niya sa panga. Kuyom na rin ang mga kamao niya. Nyay! Nanay ko! Humihingi ng saklolong tumingin ako kay Lolo Carlos, aba't kumindat lang. "Leave." Muling utos ni Vincent. "Ano bang problema mo, Vincent? Bakit mo pinapaalis si Ella, hindi pa siya tapos sa pagmamasahe sa akin." "Lo, ako na lang ang magtutuloy." Nagkatinginan kami ni Lolo. "At kailan ka pa natutong magmasahe, ha?" "Lo, sige na. Palabasin niyo na ang babaeng 'yan." Sabay baling sa akin. Kasing talim ng bagong hasang kutsilyo ang tinging ipinupukol niya sa akin. Dahan-dahan na akong umaatras dahil mukhang kaya niya talaga akong sakalin. "Sige na, Ella. Lumabas ka na muna." Sa wakas, nakahinga din ako nang maayos. May pagmamadali akong lumapit sa pinto. Palabas na ako nang muling magsalita si Lolo Carlos. "Salamat sa masarap na masahe, Ella." Pagharap ko, nakatingin ang mag-lolo. "Walang anuman." Mapang-asar akong nag-flying kiss kay Lolo Carlos na ikinatawa ng matanda. Habang ang kaniyang apo ay simangot na simangot. "What was that, Lo?" Nadinig ko pang tanong ni Vincent. "Nagpapamasahe ako. Bakit ka napasugod? At kailan ka pa natutong magmasahe, aber?" Naulinigan kong sagot ni Lolo Carlos bago ako tuluyang umalis sa labas ng silid. Dumiretso ako sa silid ko. Napangiwi ako dahil sa kalokohan namin ni Lolo Carlos. Patay ako nito... ______ NASA KASARAPAN pa ako ng tulog nang gulantangin ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto ng silid ko. Sino ba ang istorbong iyon? Pupungas-pungas kong hinagilap ang cell phone ko at tiningnan ang oras. "Anak ng-- alas sais pa lang, a." Napaiktad ako nang muling may kumatok. Mas malakas na kaysa sa una. Kulang na lang ay gibain ang pinto. Babangon na sana ako nang maalala ko na kapag ganitong oras ay sarap na sarap pa ang tulog ni Lolo Carlos. Pinaka maaga na niyang gising ang alas siyete. At kung mapapasarap nang todo ay alas nuebe na siya gigising. Kaya malamang na ang apo niya ang katok nang katok sa labas dahil tatlo lang naman kami sa bahay na 'to. Huh! Bahala ka sa buhay mo. Manigas ka riyan. Kaya sa halip na tumayo at buksan ang pinto ay umayos pa ako ng higa. Nagtakip ako ng unan sa mukha at nagtulog-tulugan. Napangiti ako nang sa wakas ay tumigil na siya sa kakakatok. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang biglang bumukas ang pinto at may padaskol na humablot sa unang nakatakip sa mukha ko. Nagkunwari pa rin akong tulog. "Hey!" Inuyog niya ang balikat ko. Ni wala man lang ka-gentle-gentle. "Hey!" Kunwa'y pupungas-pungas akong dumilat. Na parang gusto ko na lang ulit pumikit nang sumalubong sa akin ang maasim na mukha ni Vincent. "Yes, apo?" Naging kasing-asim ng mangga ang mukha niya. "Hindi mo ba naririnig ang pagkatok ko?" Nakaangil niyang tanong. "Good morning." "Hindi ako nakikipaglokohan. Hindi mo ba narinig ang pagkatok ko?" "Hindi, kita mong kagigising ko lang." "Tss! Get up. Nagugutom ako." Demanding? "E, 'di kumain ka. Ang daming pagkain sa refrigerator, tira sa mga dala niyo kahapon. Iinit mo na lang." "Inuutusan mo ako?" Halos mag-isang linya ang mga kilay niya. "Hindi. Sinasabi ko lang na kung nagugutom ka e 'di kumain ka." "Ano pang silbi na nandito ka kung hindi ikaw ang gagawa rito? Ano ka, amo?" Umariba na naman ang talas ng dila ng lalaking ito. Bumangon ako at mapang-asar na ngumisi. "Hindi mo ako maid. I am your future grandma. Be nice to me, apo." "Ella!" Nagbabanta niyang sabi. "Lola Ella. Matuto kang rumispeto." "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo. Hindi isang kagaya mo ang papalit sa puwesto ni Lola sa puso ni Lolo. Sobrang layo mo sa abuela ko." "Malayo talaga dahil nasa heaven na siya at nasa earth pa ako." Pamimilosopo ko sabay alis sa kama. Binuksan ko ang pinto at akmang lalabas nang hablutin niya ang braso ko. Medyo masakit kaya napaigik ako. Agad niyang pinakawalan ang braso ko, marahil napansing nasaktan ako. "Sorry." Walang ka-sincere sincere niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kaniya kaya kita ko kung paano siya mapatiim-bagang. Bumakas ang bibig niya na animo'y may sasabihin pero hindi itinuloy. Bahala ka nga! Iniwan ko na siya at nagtungo ako sa kusina. Napapitlag ako nang may bultong tumabi sa akin. "Leave Lolo alone." Baritonong boses na utos niya dahilan para mapatingin ako. "Matanda na siya para sa kagaya mo. If you want money and s*x, I'll give you that. Just leave my Lolo alone." Kulang na lang ay literal na malaglag ang panga ko. Money and s*x, ibibigay niya? Gago, virgin pa ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD