ELLA PAGKATAPOS NG NAKAKAPAGOD na mahabang biyahe, sa wakas nakarating din kami ng Maynila. Nakailang stop over din kami dahil sa maya't mayang pag-ihi ni Valeen. Nagyaya rin siyang kumain dahil gutom na raw siya. Bagama't nakakapagod, hindi ako nabagot sa biyahe dahil sa pagiging kwela ni Valeen. Hindi ako napanisan ng laway dahil hindi siya tumigil sa pakikipagkuwentuhan sa akin. Natutuwa ako dahil mabait siya sa akin at ramdam kong welcome ako sa kaniya. Habang kakuwentuhan ko siya, hindi ko naramdaman na malaki ang pagkakaiba ng estado namin sa buhay. Ang sarap lang niyang kausap. Hindi niya ipaparamdam sa ‘yo na hindi kayo pareho ng mundong ginagalawan. “You're smiling. Why?” puna ni Valeen. Saka ko lang na-realize na nakangiti pala ako. “Masaya lang ako.” Pagpapakatotoo k