ELLA APAT NA ARAW PA ANG lumipas bago kami nakahinga nang maluwag dahil sa hatid na balita ng doktor ni Tatay na stable na ang lagay niya. Nagkaiyakan pa kaming magkakapatid at si Nanay nang inanunsiyo ng doktor na stable na ang aming ama. Pakiramdam ko, nawala ang tila batong nakadagan sa dibdib ko sa nakalipas na mga araw. Hindi biro iyong takot ko nitong nakaraan dahil akala ko mawawalan na kami ng ama. Taos-puso kong ipinagpapasalamat sa Diyos na malayo na sa kapahamakan si Tatay. Na binigyan pa Niya kami ng pangalawang pagkakataon para iparamdam sa kaniya kung gaano namin siya kamahal na magkakapatid. Gusto ko pang ibigay ang ginhawa na nararapat para sa kanila ni Nanay. Iyong hindi na niya kailangang pumalaot para manghuli ng isda. Gusto ko pang maranasan nila iyong buhay na wala