CHAPTER THREE

2311 Words
NAGHUHUGAS ako ng mga pinggan nang maramdaman kong tila may mga matang nakamasid sa akin. Agad akong napatingin sa pintuan. Naroon si Vincent, nakasandal sa hamba ng pinto habang nakahakukipkip at naka-ekis ang mga binti. Walang emosyong tiningnan ko siya bago ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. Muntik ng dumulas sa kamay ko ang baso nang maramdaman ko siya sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin kahit gustong-gusto ko na siyang singhalan sa ginagawang pagtitig sa akin. "Sweet Ella, huh?" Pasaring niya pero deadma pa rin ako. "I am a straightforward man, so tell me, are you having an affair with Lolo?" Sa pagkagulat ay nabitawan ko ang baso kaya't nabasag iyon at lumikha ng ingay. "Are you having an affair with Lolo Carlos?" At talagang inulit pa niya. Sa halip na mainsulto ay pinagtawanan ko siya. Halos maluha-luha na ako sa kakatawa dahil sa dumi ng utak niya. Nang humarap ako sa kaniya ay nakita ko ang matiim niyang titig sa akin. Nagtangis ang mga ngipin niya. "Stop laughing, will you?" Lalo kong nilakasan ang tawa ko. Tumigil lamang ako nang tawirin niya ang natitirang distansya namin na halos dumikit na ang mukha ko sa dibdib niya. Sinubukan kong umatras pero wala na akong aatrasan dahil nasa may lababo kami. "Do you having an affair--" "Wala." Maagap na sansala ko sa tanong niyang napaka-malisyoso. Umangat ang sulok ng labi niya at bahagyang lumayo sa akin pero titig na titig pa rin. Nang magtama ang mga mata namin ay hindi ako nag-iwas bagkus nakipagtitigan ako. Mukhang hindi niya inaasahan iyon, dumami ang gatla niya sa noo. "Inuulit ko, may relasyon ka ba sa lolo ko? Tagalog na para mas maintindihan mo." Aba't anong akala niya? Bobo ako! "Hindi ko alam na may pagkamalisyoso ka pala. Sa tingin mo, gano'ng klaseng tao ang lolo mo?" "No. But you?" Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko. "Alam kong alam mo kung gaano kayaman--" "So?" Walang takot na sabi ko. Hmm... Parang gusto ko siyang inisin. "Alam kong mayaman ang lolo mo pero gusto ko lang ipaalam sa 'yo na kung mahal ko man ang lolo mo hindi iyon dahil sa yaman na mayro'n siya." Napasinghap ito. "So tama pala si Jiecell na may relasyon kayo ni Lolo?" "Hindi ko obligasyong sagutin ang mga tanong mo. Pero ito lang ang masasabi ko, matanda na ang lolo mo. Kailangan niya ng kasama, ng mag-aalaga sa kaniya. Kayo ang pamilya niya pero lahat kayo hindi kayang talikuran ang kung anong pinagkakaabalahan niyo para sa kaniya. Lalo ka na, sa loob ng apat na taon ng lolo mo rito ngayon ka lang dumalaw. Anong klaseng apo ka?" Matapang na tirada ko na ikinasingkit ng mga mata niya. "Huwag mong kukuwestiyunin ang pagiging apo ko kay Lolo Carlos. Ikaw ang pinag-uusapan natin dito at ang pagiging madikit mo sa lolo ko. Huwag mong samantalahin ang katandaan niya. Layuan mo ang lolo ko." Matalim ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ngunit hindi ako nagpasindak. At wala ring balak pang itama kung ano ang kaniyang iniisip sa akin. "Kailangan ako ng lolo mo. At isa pa, pinupunan ko lang ang pangungulila niya sa--" "Stop!" Eksaheradong awat niya sa akin. Lihim akong napangiti. Mukhang iniisip niya na pangungulila sa lola nila ang tinutukoy ko kahit sila namang mga apo ang sasabihin ko. "Ako ang pumupuno sa pangungulila niya sa--" "I said stop! God... hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa mo? Sa ginagawa niyo ni Lolo? He's too old for that!" "Kalabaw lang ang tumatanda." Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa disgustong nakalarawan sa mukha niya. Diring-diri ang tarantado. "Hindi ka man lang kinikilabutan sa ginagawa mo?!" "Why would I? Noong nagtrabaho ako sa Japan mas matanda pa sa lolo mo ang--" "Jesus! You're disgusting." Hindi ko na napigilan ang pagngiti na lalong ikinaasim ng mukha niya. "Magkano ba ang ipinangako ni Lolo sa 'yo? Tell me, dodoblehin ko para lang layuan mo siya. Matanda na si Lolo para kayaning makisabay sa 'yo. Mukhang expert ka pa naman." Patuyang sabi niya. Aba't! Iba rin talaga ang tabas ng dila ng tarantadong 'to, a. "Half of his fortune." Walang gatol na sagot ko. "Ano, kaya mo?" "What?!" Halos lumuwa ang mga mata niya sa sinabi ko. "Are you serious?!" "Mukha ba akong nagbibiro?" "I don't believe you! Hindi tanga si Lolo para ibigay sa 'yo ang kalahati ng yaman niya." Exactly. Gusto ko sanang sabihin pero 'wag na lang. Natutuwa pa akong buwisitin ang tarantadong ito. "Kaya mong doblehin? Sabihin mo lang." Palabang sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya at mahinang tinapik-tapik ang malapad na dibdib. "Puwede na kitang pagtyagaan kung sakali." Naningkit ang mga mata niya at inilapit ang sarili sa akin. Pinakawalan ko muna ang kanina ko pa pinipigilang ngiti bago bahagyang tumingala. Matangkad kasi ang lalaki at hanggang kilikili lang niya ako. "Deal?" Panghahamon ko. "I'm not crazy, woman!" "Okay. So tuloy ang ligaya namin ng lolo mo--" Naumid ang dila ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko nang basta na lamang niyang sakupin ang mga labi ko. Hindi iyon masarap kundi masakit. Halik na puno ng pagpaparusa. Inipon ko ang puwersa ko sabay tulak nang malakas sa dibdib niya. Hindi pa siya nakakabawi nang bigay todo ko siyang sampalin. Tigagal ang lalaki habang sapo ang sariling pisngi. "Para iyan sa kabastusan mo! Wala kang karapatang halikan ang mga labi ko! Bastos ka." Eksaheradang sabi ko. Naningkit ang mga mata niya nang makabawi at marahas akong kinabig palapit sa katawan niya. Nahigit ko ang aking paghinga. "B-Bitawan mo 'ko!" "What if I won't?" "Sisigaw ako at malalaman ng lolo mo ang ginagawa mo sa akin. Na gusto mo akong agawin sa kaniya!" Pigil ko ang paghagalpak ng tawa nang lumaki ang butas ng ilong niya sa inis. "Mahal na mahal ako ng lolo mo kaya isang sumbong ko lang maniniwala siya sa akin." Nagsukatan kami ng tingin. "Layuan mo ang lolo ko or else..." "Or else what?" Tiim-bagang siyang binitawan ako pero hindi inaalis ang tingin sa akin. "Hindi ako papayag na makuha mo ang kalahati ng yaman ni Lolo. Over my dead body." Pagkasabi niyon ay nagmamartsang lumabas ng kusina ang lalaki. Nang mawala na siya sa paningin ko ay doon ko pinakawalan ang malakas na tawa. Nadatnan pa ako ni Nanay na tumatawa. "Hoy, Ella. Anong tinatawa-tawa mo riyan?" Sita niya. "May naalala lang ako, 'Nay." Tumikwas ang kilay niya. Halatang hindi kumbinsido. "Anong ginawa mo sa apo ni Don Carlos? Nakasalubong ko siya at halatang galit na galit." Nagkibit-balikat lang ako. Hindi puwedeng malaman ni Nanay ang kalokohan ko dahil tiyak na makukurot niya ang singit ko. ________ KALAT NA ANG DILIM sa paligid nang magkayayaang umuwi ang mga anak ni Lolo Carlos. Nadismaya ako. Buong akala ko pa nama'y dito sila magpapalipas ng gabi para sa matanda pero hindi pala. Sinubukan pa ni Lolo Carlos na pigilan ang pamilya pero mukhang desidido silang umalis na rin ngayon. "Next time na lang, Papa. May mga trabaho pa kami bukas. Kung sana'y sumasama na lang kayo sa amin pabalik ng Maynila e 'di sana hindi kayo napapalayo sa amin." Hirit ni Sir Vanjo sa ama. "Ewan ko ba riyan kay Papa kung bakit mas gusto rito." Sang-ayon ni Sir Vicente. Tumawa ang kanilang ama. "Here we go again, Vicente. Love nest namin ng Mama niyo ang bahay na 'to noong nagsisimula palang kami ng pamilya. I understand na ayaw niyong tumira rito pero huwag niyo na akong piliting bumalik sa Maynila o sumama sa inyo sa US." Binalingan niya si Sir Vanjo. "But Papa--" "None of you can change my mind. Dito ako mamamatay sa bahay na ito." Pinal na sabi ni Lolo Carlos bago isa-isang tiningnan ang mga apo. "Don't worry about me, I'm fine." Sinulyapan niya ako at matamis na ngumiti. "Inaalagaan ako ni Ella, so you guys nothing to worry about. With Ella, I'll be fine." Ramdam ko ang mga nanunuring tingin ng pamilya ni Lolo Carlos. "Come here, Ella." Napilitan akong lumapit kay Lolo. Kagaya kanina, hinawakan na naman niya ang kamay ko, saka binalingan ang pamilya. "I'll be fine here. Pero sana, bisitahin niyo pa rin ako once in a while." "Makakaasa kayo, Lolo," sagot ni Ma'am Jiecell sabay sulyap sa akin. "From now on, dadalasan na namin ang dalaw sa inyo para updated na kami. Mahirap na, nowadays naglipana na ang mga social climber." Alam kong ako ang pinatatamaan niya sa kaniyang tirada. Taas-noo kong sinalubong ang tingin niya. "Don't worry, Jiecell, mababait ang tao sa baryong ito." "Hindi tayo sure diyan, Lo. Nowadays maraming bait-baitan kuno para lang makapa--" "Sa tagal ko na rito wala pa naman akong nai-encouter na abusado. At isa pa, narito si Ella siya ang bahala sa mga ka-baryo namin." Binalingan niya ako. "Hindi ba, Ella?" "Oo naman po." "See? Like I said, I'll be okay with Ella." Lalong tumalim ang tinging ipinupukol ni Ma'am Jiecell sa akin. Na ipinagkibit-balikat ko na lamang. Laking pasalamat ko nang magsilabas na sila ng bahay at kani-kaniyang tungo sa nakaparadang sasakyan. Nakaalalay lang ako kay Lolo Carlos. Humalik sa kaniya ang mga apo at manugang pati ang dalawang anak. Muling nagpaalam bago tuluyang magsisakay sa sasakyan. Pinakahuling nagpaalam si Vincent. Nag-iwan siya ng nagbabantang tingin sa akin bago niyaya ang driver na aalis na rin sila. Hinintay muna namin silang makaalis lahat bago kami pumasok ni Lolo Carlos sa loob ng bahay. "Pasensya ka na pala sa inasal ni Jiecell kanina, Ella." Mayamaya ay hinging paumanhin niya. "Naku, okay lang ho, Lo. Hindi naman ho ako affected dahil alam kong hindi ako gano'ng klase ng tao sa iniisip niya. Kung tumatanggap man ho ako ng pera galing sa inyo iyon ho ay dahil kailangan ko para sa pag-aaral ng mga kapatid ko." "I know. Kaya nga gusto kong humingi ng despensa sa inasal ng mga apo ko. Kung alam lang nila kung gaano ka kabait na bata--" Hindi natapos ni Lolo Carlos ang sasabihin nang marinig namin ang doorbell. Nagkatinginan kami kapagkuwan. "Wait lang ho, Lo. Titingnan ko kung sino." Lumapit ako sa main door at binuksan iyon para lang magulat nang makita si Vincent. "May naiwan ka?" "Wala." Kasing lamig ng yelo na sagot niya. "Bakit ka bumalik?" "Dahil dito ako matutulog." Hindi na ako nagulat sa sagot niya. Napangiti pa nga ako dahil sa wakas, may makakasama si Lolo kahit isa man lang sa mga apo niya. "Bakit biglang nagbago ang isip mo? Kanina, ikaw ang pinakaatat bumalik ng Maynila 'di ba?" "Hindi ko kailangang mag-explain sa 'yo." "Why not?" Halos mag-isang linya ang mga kilay niya. "Anong why not? Sino ka ba? Ha?" "In the future, magiging lola mo na ako kaya matuto kang igalang ako, Vincent." Kulang na lang ay malaglag ang panga niya. "Are fvcking kidding me?!" "Mukha ba akong nagbibiro, apo?" "No way!" Dilat na dilat ang mga mata niya. Lalo tuloy akong ginanahang inisin siya. "Yes way! So weither you like it or not, magiging lola mo ako, apo." "Baliw! Hindi kita matatanggap na lola." "Okay lang. Hindi rin naman kita trip maging apo." Matalim niya akong tiningnan. Parang gusto na yata niya akong sakalin ng mga sandaling 'yon. Tawang-tawa na ako kaya tinalikuran ko na siya at bumalik sa tabi ni Lolo Carlos. Hindi pa man lumalapat ang puwet ko sa couch nang may humila sa braso ko. Si Vincent. Siya ang umupo sa tabi ni Lolo. Hindi ko nakitang nagulat ang matanda sa pagbalik ng apo niya. "Bakit ka bumalik?" "Na-flat po ang gulong ng sasakyan ko, Lolo. Nagmamadali na sina Valeen kaya nagpaiwan na lang po ako. Gabi na kung aayusin pa ang gulong ko." Napalabi ako. "Mabilis lang magpalit ng gulong lalo na kung may extra ka. Kahit nakapikit kaya kong gawin iyon." Pagsisinungaling ko. Sabay na tumingin sa akin ang mag-lolo. Nakita kong kinindatan ako ni Lolo, kung bakit hindi ko alam. "Hindi ko hinihingi ang opinion mo." "Aw! Baka lang kailangan mo." "Thanks but no thanks." Muli akong napalabi nang marinig ko ang sinabi sa matanda na dito na siya magpapalipas ng gabi. Agad namang pumayag si Lolo Carlos. Nang sumunod na sandali ay mukhang sinadya ni Vincent na kausapin nang kausapin ang lolohin para mawala ang atensyon sa akin. Akala yata niyang affected ako, hindi niya alam ay tuwang-tuwa pa ako dahil sa wakas nakausap din nang matagal ni Lolo ang paborito niyang apo, ayon sa kaniya. Iniwan ko silang dalawa. Pumasok ako sa isang bakanteng kuwarto at sinimulang linisin. Bandang alas syete ng gabi nang matapos ako. Dumiretso ako sa kuwarto ni Lolo at kinuha ang gamot niya. Dala ang gamot at isang basong tubig ay binalikan ko silang mag-lolo sa sala. "Pasensya na sa abala pero oras na para uminom ng gamot." Agad namang ininom ni Lolo ang gamot niya. "Thank you, Ella." Matamis akong ngumiti. Siyempre, sinadya ko na naman iyon para mambuwisit. "Bukas na lang ulit ang chicka, bawal mapuyat ang lolo mo." "Maaga pa. Nagkukuwentuhan pa kami ni Lolo." "Sorry, Vincent. Pero kailangan nang magpahinga ng lolo mo." Giit ko na sinang-ayunan agad ng matanda na labis kong ikinatuwa. "Bukas na natin ituloy ang kuwentuhan, apo." Aniya sa apo at tumayo na. "Let's go, my sweet Ella." Nagkatinginan kami ni Lolo nang umubo si Vincent. Waring nasamid ng sariling laway. "Good night, apo." "Good night, Lo." Paubo-ubo pa ring sagot ni Vincent sa abuelo. Hindi pa man kami nakakalayo ni Lolo nang tawagin ako ni Vincent. "Yes, apo?" Ngising-aso kong sabi nang balingan siya. "Kung gusto mo na ring magpahinga, malinis na ang katabing kuwarto ng lolo mo." "We need to talk." Mariin niyang sabi. "Bukas na lang. Magpapahinga na kami ng lolo mo. Saka may gagawin pa kami kaya good night na, apo." Dinig ko ang malakas niyang pagsinghap bago ko inakay si Lolo na mahinang tumatawa sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD