CHAPTER TWO

1849 Words
KINABUKASAN, maaga akong gumising para ihanda ang mga paborito ni Lolo Carlos. Eksakto namang tapos na ako sa potchero nang dumating si Nanay Emilda para tulungan ako sa kaunting handa ni Lolo Carlos. "Ako na rito sa dinuguan, Anak." Presinta ni Nanay. "Sige nga ho, 'Nay, para masimulan ko na ang cake." Sang-ayon ko at kinuha ang mga gagamitin ko sa pagbi-bake. Nang sumunod na mga sandali ay pareho na kaming naging abala ni Nanay. Nasa pagde-design na ako ng cake nang matapos si Nanay sa mga ginagawa niya. "Ano pang gagawin ko, 'Nak?" "Okay na ho, 'Nay." Nakangiting sagot ko. "Salamat ho sa tulong." "Wala iyon. Tulog pa ba si Don Carlos?" Natawa ako. "Marinig ka, 'Nay. Alam niyo naman na ayaw niyang magpatawag ng don, e." "Hamo na. Nakasanayan ko na iyong itawag sa kaniya." Mas lumapit si Nanay sa akin at bumulong. "Parating ba ang pamilya niya?" Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko ho alam pero sana ho, 'Nay." "Naku, sana nga." "Ella?" Natigil kami sa pagbubulungan ni Nanay nang marinig ko ang pagtawag ni Lolo Carlos. "Ella?" "Lo, nasa kusina po ako!" Malakas na sagot ko para marinig niya ako. Dali-dali kong tinapos ang pagde-design sa cake at mabilis na itinago para hindi niya makita. Surprise kasi iyon kaya secret muna. "Ella." Bungad ni Lolo Carlos pagpasok sa kusina at agad na nginitian si Nanay nang makita. "O, Emilda, nandito ka pala." "Oho. May ibinigay lang ho ako sa anak ko, Don Carlos." "Ayan ka na naman sa Don Carlos na iyan, Emilda. Huwag nang don at tayo nama'y pamilya na rito sa baryo." "Pasensya na kayo kay Nanay, Lo. Ang kulit lang ho talaga." "Alam ko na kung kanino ka nagmana." Nagkatawanan kaming tatlo. Alam kong naghihintay si Lolo na batiin namin siya ni Nanay pero sinadya ko na huwag muna. Kunwari'y nakalimutan ko na. Niyaya ni Lolo Carlos si Nanay na magkape sa balcon na agad niyang pinaunlakan. Nang maiwan ako sa kusina ay dali-dali kong inayos ang mesa. Nagkabit ako ng happy birthday, naglagay din ako ng ilang piraso ng iba't ibang kulay ng lobo. Pagkatapos kong ayusin ang mesa ay sinilip ko sina Nanay at Lolo. Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan nilang dalawa. Inihanda ko na rin ang cake. Nilagyan ko na ng kandila sa gitna. "Yes! Perfect!" Tuwang-tuwa ako nang sa wakas ay matapos na ako. Naka-ready na lahat nang puntahan ko sa balcon sina Lolo Carlos. "Let's go, Lo. Late breakfast is ready." Anunsiyo ko at inalalayan siyang makatayo. Kahit sa paglalakad ay inalalayan ko na rin siya hanggang sa may pinto ng kusina. Nauna akong pumasok. Si Nanay ang umalalay sa kaniya. May pagmamadali kong sinindahan ang kandila. Eksaktong nakasindi na nang pumasok si Lolo Carlos at Nanay. Puno ng sigla at tuwang kinantahan ko si Lolo Carlos ng birthday song na agad na sinabayan ni Nanay. Maluha-luha ang matanda nang matapos namin siyang kantahan. "Happy birthday, Lo!" Masayang bati ko at lumapit sa kaniya. "Make a wish then blow your candle." Pumikit siya ng ilang sandali bago nagmulat, saka hinipan ang kandila. "Yehey! Sana matupad ang wish mo, Lo!" Ibinaba ko ang cake sa mesa at niyakap ko siya. "Happy birthday, Lolo Carlos! Wish ko para sa 'yo ay long life at good health of course!" Hindi na ako nagulat nang kabigin niya ako at mahigpit na niyakap. Malungkot akong napangiti nang maramdaman ko na nabasa ang balikat ko. Umiiyak ba siya? Nasagot ang tanong ko nang lumayo sa akin si Lolo at nakita kong basa ang pisngi niya. "Why are you crying, Lolo?" Malambing kong tanong sabay tuyo sa pisngi niya. "Thank you, Ella. I really appreciate it. You're such a sweet girl, Hija." "Anything for you, Lolo Carlos." Naluluhang ngumiti ang matanda at hinagkan ako sa noo. "Ibang klase ka, Ella. Hindi ako nagsisisi na para sa 'yo ang wish ko." "Para sa akin ho?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo ang daliri sa sarili. Nakangiting tumango ang matanda. "Bakit naman ho para sa akin, Lo? Sana ho para sa sarili niyo na lang ho." "Basta. Sobra-sobra na ang ginagawa mo para sa akin kaya tama lang na para sa 'yo ang winish ko. Don't worry, in time matutupad ang wish ko na iyon." "Lo." Nagtaka ako nang tila kumislap ang mga mata niya at ngumiti. "Bakit parang nakakatakot ho ang wish niyo para sa akin?" "Hindi nakakatakot iyon." "Sure ka ho, Lo?" Tumango siya at lalong lumawak ang ngiti na ipinagtaka kong lalo. "E, bakit ngiting-ngiti ho kayo?" "Because it surely happen when the perfect time comes." Puno ng kasiguraduhan niyang sabi. "Hindi ko muna puwedeng sabihin sa 'yo baka mausog. Basta isa lang ang masisiguro ko, para sa ikabubuti mo iyon." Napangiti na lang ako at pinaupo na siya para kumain. Lalo akong natuwa dahil naging maganang kumain si Lolo. Hindi siya pumayag na hindi kami kasabay ni Nanay kaya napilitan na rin kaming kumain. "Cake, Lo." Alok ko. "No, thank you. I'm full, Ella--" Napatigil si Lolo sabay baling sa gawing pintuan nang may mag-doorbell. Maging kami ni Nanay ay napatingin din bago nagkatinginan. Muling tumunog ang doorbell. "Ako na ho ang magbubukas ng pinto, Lo." Presinta ko, saka tumayo at lumapit sa main door. Sumilip ako sa bintana at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang anak ni Lolo na si Sir Vicente. Nandito sila... Napapitlag pa ako nang muling mag-doorbell. Dali-dali kong binuksan ang pinto. "Magandang araw po, Sir Vicente." Bati ko sabay yuko bilang paggalang. "Same to you. Where's Papa?" Pormal niyang bati. "Nasa kitchen po--" Napahinto ako sa pagsasalita at lihim na natuwa nang makita ko ang pagparada ng tatlong sasakyan sa tapat ng bahay. Bumukas ang mga pinto niyon at kani-kaniyang baba ang sakay. Napatulala na lang ako nang makita ang tatlong sopistikadang babae na minsan ko nang nakita. Agad ko ring nakilala si Ma'am Vera na asawa ni Sir Vicente. Maging si Ma'am Joana na asawa naman ng bunso ni Lolo na si Sir Vanjo. Hala! Kumpleto sila? Agad namang kumontra ang isip ko. Hindi pala kumpleto dahil wala iyong anak ni Sir Vicente na si Vincent. "Puwede ba kaming pumasok?" Natauhan ako sa tanong na iyon ni Sir Vicente. "Ay, pasok po kayo. Pasok po, tuloy po!" Nilakihan ko ang bukas ng pinto. "Thank you." Pasalamat ni Sir Vicente bago pumasok. Kasunod niya ang asawa at kapatid na bahagya lang na tumango sa akin. Bigla akong nanliit nang ang mga anak nila ang dumaan sa harapan ko. Sa kanilang tatlo, si Ma'am Valeen lang ang nakangiti. Bunsong anak siya ni Sir Vicente at Ma'am Vera. "Who is she?" Tanong ni Ma'am Jeimie, ang bunso ni Sir Vanjo habang nakatingin sa akin. "Ako po si El--" "She's Ella. Lolo Carlos maid." Maagap na sagot ng panganay na anak ni Sir Vanjo sa sariling kapatid. "Caregiver not a maid, Jiecell." Pagtatama naman ni Ma'am Valeen sa pinsan. "Whatever. Let's go to Lolo." Magkakaagapay na pumasok ang tatlo. Hindi pa man nakakalayo nang bumaling sa akin si Ma'am Jiecell sabay hagis ng kung ano. Na kung hindi ako alisto ay tumama sana iyon sa mukha ko. "Kunin mo ang mga dala namin sa kotse." Utos nito at agad na tumalikod. Humihingi ng despensa ang mukha ni Ma'am Valeen bago sumunod sa pinsan. Hinabol ko sila ng tingin at napailing na lamang. Nang mawala sila sa paningin ko ay saka ako lumabas ng bahay at lumapit sa mga kotse. Gamit ang inihagis na susi ay binuksan ko ang kotseng binabaan ni Ma'am Jiecell kanina. Marami pala silang dalang pagkain para kay Lolo. Tss! Mabuti naman naisipan nilang dalawin ang matanda. Sa loob-loob ko bago isa-isang ibinaba ang mga pagkaing naroon. Ako rin ang naghakot ng mga iyon papasok sa bahay. Pabalik na ako sa kusina nang matigilan ako. Narinig ko kasi ang tawanan mula roon. Pasimple akong sumilip. Nang makita kong nagkakasiyahan sila ay pumihit na ako at lumabas. Sa balcon ako dinala ng mga paa ko. Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa pagkakaupo nang marinig ko ang ugong ng sasakyan. Awtomatikong napatingin ako sa labas. May sasakyang pumarada sa hulihin ng sasakyan ni Ma'am Jiecell. Napatayo ako nang makitang bumaba mula sa passenger side ang isang matangkad at mestisong lalaki. Kasunod niya ang isang lalaking nasa edad kuwarenta siguro. Habang papalapit sila sa akin, hindi ko maitatanggi ang lakas ng appeal ng mestisong lalaki. Mas gumugwapo siya habang papalapit. Kung siya si Vincent Del Franco, ibang-iba pala ang hitsura niya sa picture at sa personal. Di-hamak na mas guwapo pala siya sa personal. Palihim kong pinilig ang ulo ko nang malapit na sila sa akin. "Good--" Magsasalita pa lang sana ako nang lampasan niya ako at basta na lang pumasok sa loob. Nagmistula akong hangin sa paningin ng bastos na lalaking iyon. Hinabol ko siya ng tingin at talagang dire-diretso na papasok. "Walang modo!" Inis na naisatinig ko para lang magulat nang may tumikhim sa likuran ko. Ang kasama pala ng lalaking iyon. "Pasensya ka na sa boss ko." Hinging paumanhin ng lalaki, saka nagpakilala. Siya raw si Edison, driver pala siya ng lalaking 'yon. "Okay lang ho. Tuloy na ho kayo." Nagpaunlak naman siya. Sinamahan ko siya sa kitchen. Nadatnan ko ang pamilya ni Lolo Carlos na kumakain. "Ella, halika." Tawag sa akin ni Lolo Carlos nang makita ako sa bungad ng pinto. Naiilang ma'y lumapit ako sa kaniya. Hindi nakaligtas sa akin ang mga mapanuri nilang tingin nang hawakan ni Lolo ang kamay ko. Ramdam ko ang matiim na tingin mula sa dalawang apo ni Lolo Carlos. Kay Vincent at Ma'am Jiecell. "Gusto kong ipakilala sa inyo si Ella, siya ang nag-aalaga sa akin dito. Alam kong ilan sa inyo ay kilala na siya dahil apat na taon na siya sa tabi ko." Ani Lolo at tumingala sa akin. "Ella, please meet my family." Isa-isang pormal na ipinakilala ni Lolo Carlos sa akin ang buong pamilya niya. Nakaramdam ako ng matinding pagkailang nang si Vincent na ang pinalapit niya sa amin. "Ella, siya naman ang nag-iisang apo kong lalaki. Si Vincent. Hijo, please meet my sweet Ella." Natameme ako nang abutin ni Lolo Carlos ang kamay ni Vincent at ipinatong sa kamay kong hawak pa rin niya. Kaya ang nagyari, nasa pagitan ng mga palad ni Lolo ang kamay namin ni Vincent. "Nice to meet you, Ella." Baritonong boses na sabi ni Vincent. "Nice to meet you." Pasimple kong binawi ang kamay ko sa kanilang mag-lolo. Lalo akong nailang nang mapansin ko na lahat sila ay sa akin nakatutok ang mga mata. Nang mga sandaling 'yon, pakiramdam ko ay isa akong spicies na inilagay sa microscope at sinuring mabuti. Hindi ko kinakaya iyong tension. Na mukhang naramdaman ni Lolo Carlos kaya sinalo niya ako. "Salamat sa pagdating ninyo ngayon. Hindi niyo alam kung paano niyo ako pinasaya." Tumingin siya kay Vincent. "Lalo ka na, Vincent. Salamat dahil naalala mo pa ako." "Of course, Lolo." Nakangiting sagot ni Vincent sa abuelo bago sumulyap sa akin. Sulyap na naghatid ng mas matinding tension dahil hindi ko gusto ang nabasang pagbabanta sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD