Chapter 20

2175 Words

ELLA “V-VINCENT.” Nauutal na anas ko sa pangalan niya. Hindi ko maintindihan, pero bigla akong nailang sa mga titig niya. Pakiramdam ko iba ang emosyong nakapaloob sa mga matang iyon. Emosyong ngayon ko lang nakita at kayhirap pangalanan kung ano iyon. “Hindi ako sumagot sa tanong ng nanay mo hindi dahil hindi ko alam ang isasagot, kundi gusto kong ikaw ang unang makarinig ng sagot ko.” Seryoso pa rin ang mukha nito kaya mas lalo akong kinabahan. “Sa tingin mo, ano ang tunay na intensyon ko sa ‘yo?” Kung ang pagbabasehan ko ay ang mga magagandang ginawa at ipinakita mo sa akin, doon ako sa positibong intensyon mo. Gusto ko sanang isagot, pero nanatiling tikom ang bibig dahil sa biglang pagsingit ng munting tinig ni Eve sa tainga ko. Ni minsan ba, hindi ka talaga nagduda na baka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD