Chapter 3:
Mist Villareal's Point of View
Ilang araw ko na ring binabantayan ang subject ko. Dahil ayaw niya ng may sumusunod sa kanya ay ang ginawa ko binabantayan ko siya mula sa malayo. Sa tingin ko nga ay alam niyang may nagmamasid sa kanya kasi hindi siya mapakali. Para bang sinisilaban ang puwet niya.
Paalis na ko ng apartment ko nang tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Sky. Pinapapunta niya ako sa office niya dahil daw may sasabihin siya. Kinuha ko na ang susi ng auto ko at bumyahe na papuntang agency. Pagdating ko doon ay halos ilag sa akin ang karamihan sa mga agents, maging security guard ay ilag sa akin. Mahigpit at masungit ako pero hindi naman ako masamang tao. Pasakay na ako ng elevator nang bumungad sa akin ang mga ilang sakay nito. Nang makita nila ako ay para ba silang nakakita ng multo at kumaripas ng takbo palabas ng elevator. Napailing na lang ako dahil sa mga reaksyon nila.
Pagdating ko sa 25th floor ay nagtaka ako dahil wala ang secretary ni Langit. Mabuti na iyon para hindi mag-init ang dugo ko. Ewan ko ba, kapag nakikita ko secretary niya nanggigigil ako. Pagpasok ko ay nakaupo ng maayos si Sky at may hawak na folder. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at iniabot sa akin ang folder. Kinuha ko ito sa kanya at tiningnan ang laman. Halos lumuwa ang mga mata ko ng mabasa ang mga documents.
"What?! Sky naman eh!" paglulumpasay ko nang mabasa ang laman. Nakalagay dito na kailangan kong pumasok sa St. Mary's bilang isang estudyante para lalong mabantayan ang subject ko.
"Mist, mas maganda itong naisip ko. Mas mababantayan mo ng maigi si Cloud." paliwanag niya. Sa inis ko ay hinmpas ko siya ng folder na hawak ko.
"Sky, I can guard him in my own ways!" sabi ko at ang loko ngumiti lang. Papaano ko ba buburahin ang ngiti nito? ngiti na lang ng ngiti eh.
"Pero Mist, hindi ka ba natutuwa? makakapag-aral ka ulit and sagot pa ng agency natin. Maipagpapatuloy mo na ulit ang studies mo." Natahimik ako sa sinabi niya at napaisip. Two years na din noong tumigil ako sa pag-aaral. Hindi ko na kasi kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.
"And good thing, pareho pa kayo ng kurso ni Cloud. He's also a B.A student. Hindi ka na gaanong mahihirapan pa. Magiging classmate ko na siya. Hindi mo na kailangang magmanman sa malayo. Ginawan ko na ng paraan para hindi ka na mahirapan pa." Paliwanag niya sa akin. Oo nga naman, hindi na ako mahihirapan pa dahil classmates na nga kami ng subject, makakapag-aral ako. Wow! Minsan ibang klase mag-isip din itong si Sky.
"Bwiset ka talaga Sky! Kung hindi lang sagot ng agency natin ang tuition ay hindi ako papayag."
"So papayag ka na?" tanong niya. Napaikot ako ang mga mata ko.
"Obvious ba?" sabi ko at tumalikod na. Bubuksan ko na sana ang pinto niya kaso humarap ako ulit sa kanya. "Nga pala Sky, as what I've said I will guard him in my own ways. Kahit pa mag-classmates na kami. " Saka ako lumabas ng opisina at dumeretso ako sa work space ko. Nang makarating ako sa cubicle ko ay agad kong kinuha ang tablet ko.
"Hohoho!! Candy Crush!" Enjoy na enjoy ako sa paglalaro nang may naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Amoy pa lang kilala ko na.
"Enjoy na enjoy ka diyan ah," sabi ni Sun na nakaupo at sumisilip sa laro ko.
"Ang hirap nga ng level eh. Di ako makaalis."
"Pinabibigay pala ni Sky," sabay lapag ng envelope sa lamesa ko. Bakit di pa niya binigay kanina noong nag-usap kami. Tinigil ko ang paglalaro at binitawan ang tablet. Class schedule ko pala ang laman. Talagang seryoso si Sky sa pag-aaral ko. So dahil libre naman ang ag-aaral ko might as well samantalahin na.
Maaga akong nagising dahil first day ko na sa eskwelahan. Para akong bata na unang beses pa lang papasok. Excited ako pero at the same kinakabahan ko. Pero dahil ako si Mist Villareal, act as a cool person pa din.
Seven o' clock palang ng umaga pero bwisit na bwisit na ako. Mainit na nga, traffic pa. May hudas pang gumasgas sa mahal kong kotse. Kulang na nga lang ay pasabugin ko ang motor niyang bulok dahil sa inis ko. Singit kasi ng singit eh!
"Ano ba?! hindi ka nag-iingat eh! Singit ka ng singit! Kayong mga rider kung saan kayo makakita ng konting space susugod kayo. O ano mangyari ngayon niyan? nagasgasan mo ang kotse ko? bagong bili pa lang ang kotse ko bininyagan mo na?" sunod-sunod kong sabi sa rider na sumingit sa gilid ko at ayun nga nagasgasan ang kotse ko. Hindi naman talaga bagong bili itong auto ko, pero syempre minsan kailangan nating sabihin iyon para medyo makonsensya. Ito kadalasang problema sa mga rider eh. Kahit masikip, ipipilit.
Sa huli ay humingi ang rider ng pasensya at binibigyan ako ng pera pampaayos pero dahil kahit papaano naman ay mabait ako. So, inintindi ko na lang siya at pinaalalahanan. Kaya ang nangyari ito ako ngayon late na sa first day of school ko.
Hinanap ko ang department ko at room. Putek! Sobrang lawak ng pesteng eskwelahang ito. Bombahin ko kaya 'to ng lumiit? Ano sa tingin niyo?
Pagkatapos ng tatlong dekada ay nahanap ko na rin. Late ako ng thirty minutes. Kumatok ako at binuksan ang pinto ng room. Nakita ko ang isang babae na paniguradong siya ang prof ngayon.
"You must be Ms. Villareal?" tanong niya. Obvious ba? mukhang ineexpect na niya ako. Tumango na lang ako bilang sagot. Nakita ko ang subject na nagngangalang Cloud na nakaupo sa gitnang bahagi ng classroom.
"Please introduce yourself," sabi ng prof at ako naman ay napataas ang kilay. Highschool lang? pero sige sabi ng prof. Ayoko namang gumawa agad ng eksena sa unang araw ko sa school.
"My name is Mist Villareal." tapos nakakita ako ng bakanteng upuan sa likuran. Magandang pwesto. Agad na akong pumunta sa likod pero huminto ako ng magsalita ang prof.
"Iyon lang?" tanong niya at lumingon naman ako sa kanya
"Badtrip ako. Wag mo ng dagdagan pa." at umupo na sa likuran. Naiinis pa rin ako dahil nagasgasan ang kotse ko. Naku, bakit iyon ang sinabi ko? di ba ayokong gumawa ng eksena? minsan ang bibig ko walang preno eh. Nakita ko ang prof at ang mga classmates ko ay nakatingin sa akin at nakanganga.