Prologue
Prologue
Mateo Assunsion's Point of View
"Please maawa ka na Cheng. Hayaan mo na ang pamilya ko. Ako ang may atraso sayo kaya sa akin ka gumanti," nanginginig sa takot ang lalaki habang si Cheng naman ay nakangiti lang at tila nag-eenjoy sa reaksyon ng lalaki habang nakatutok ang baril niya dito. Nakita ko naman ang asawa niya na nasa isang sulok at umiiyak habang yakap-yakap ang isang sanggol.
"Dapat noon pa lang inisip mo na iyan Villareal. Hindi mo dapat tinakbo ang pera," sabi ni Cheng at pinadulas ang dulo ng baril niya sa ulo ng lalaki pababa sa kanyang leeg.
"Nagipit lang ako, manganganak ang asawa ko ng oras na iyon. Wala akong kapera-kapera. Wala akong maibambayad sa ospital. Parang awa mo na huwag mo ng galawin ang mag-ina ko. Ako na lang, ako na lang ang patayin mo," pakiusap niya ngunit alam kong hindi siya pakikinggan ni Cheng. Kilala ko siya noon pa man. Isang baliw, a psychopath, sugo ng impyerno.
Ako na matalik niyang kaibigan ay nagawa niyang maipit sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko akalaing mapapasok ako sa ganitong mundo. Mundo na nababalot ng dilim at puno ng karahasan. Kung hindi lamang dahil sa kanya sa inaakala kong tulong niya hindi ako mapipilitan dito. Sabi nga nila wala ng libre sa panahon ngayon. Lahat ng bagay may kapalit. Ito ang kapalit ng pag-asenso ko, ang kawalan ng kapayapaan.
"Two hundred thousand pinambayad mo lang sa ospital? come on Fredrico, where is the damn money?" tanong niya at ramdam kong ubos na ang pisi ng pasensya niya. Ganyan siya kawalang puso. Naaawa ako sa kapalaran ni Frederico, alam kong nagipit lang siya. Isa siya sa mga miyembro ng grupo at ang report sa amin ay itinakbo niya ang pera matapos niyang makipagdeal sa isang senador. Nang malaman ito ni Cheng ay talaga namang nagalit siya. Mahirap magalit ang isang Reynold Cheng.
"Maniwala ka sa akin Cheng!" sigaw niya ngunit bingi si Cheng para pakinggan ang pagmamaka-awa niya. Walang anu-ano'y umalingawngaw ang isang nakakabinging tunog kasunod nito ang pagbagsak ng katawan ni Frederico at pag-agos ng masaganang pulang likido mula sa ulo nito.
"Fredirico!!" napatingin ako sa asawa niyang gulat na gulat at yakap-yakap ang anak niya. Walang anu ano'y binaril din ni Cheng ang babae at natumba ito. Dito na pumaibabaw ang iyak ng sanggol na tila nagtatangis sa pagkawala ng kanyang magulang.
Nakakabingi, tumatagos sa puso ang panaghoy ng sanggol. Nakita kong babarilin din ni Cheng ang sanggol pero agad ko itong pinigilan.
"Cheng huwag! Walang malay ang bata. Please lang wag mo ng idamay ang sanggol," sabi ko at nilapitan na ang sanggol. Kinuha ko ito at dahan dahang iniugoy hanggang sa kumalma ito.
"Bahala ka na diyan Mateo. Ayokong makitang muli ang batang iyan. Bahala ka na kung saan mo itatapon ang mga katawan," sabi ni nito at tumalikod na.
Nakakaasar, wala akong magawa kung di ang sumunod lang. Nang makaalis siya ay agad kong tinawagan ang iba kong tauhan para sila na mag-asikaso ng mga bangkay samantalang ako ay dinala ang bata at umalis na sa lugar na iyon.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano o saan ko dadalhin ang bata. Ayokong dalhin siya sa bahay ko dahil baka lalo lang siyang mapahamak. Sa magpapaneho ko ay nakarating ako sa medyo liblib na lugar. Dito may nakita akong maliit na bahay. Bumaba ako at binuhat ang bata. Pagdating ko sa tapat ng pinto ay kumatok ako. Nakailang katok pa ako bago ako nakarinig ng sagot mula sa loob.
"Sandali lang!" sigaw ng nasa loob. Dito ko na ibinaba ang sanggol saka ako umalis. Sa malayo ay tanaw ko ang pagbukas ng isang babae ng pinto at doon niya nakita ang sanggol. Binuhat niya ito at saka sila pumasok sa loob. Bago ako umalis ay tiningnan ko pa ang karatulang nakalagay sa may tarangkahan nila.
Little Hope for Angels Orphanage
Sa paglipas ng taon ay lalo akong nalulubog sa kumunoy ng kasalanan. Hindi ko man gusto ko ay wala akong magawa. Kapag sinabi ni Cheng na patayin ay kailangang patayin kahit pa kaibigan o kamag-anak mo pa yan.
"Cheng, ayoko na! Hindi ko na masikmura ang mga pinagaga mo!" sigaw ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya. Matagal ko ng pinag-iisipan ito, matagal ko ng gustong makawala sa mga pangil niya. May pamilya akong dapat protektahan.
"Baka nakakalimutan mo Mateo, hindi ka aasenso kung hindi dahil sa tulong ko," sabi niya habang sumisimsim ng whiskey.
"Tulong? pinagbabayaran ko ang tulong na bigay mo. Pinagbabayaran ng konsensya ko," sagot ko sa kanya.
"Mateo, lumalambot ka ata. Hindi kailangan ng konsensya sa mundo natin. Alam mo kung ano ang maari kong gawin sa iyo at sa pamilya mo," banta niya sa akin. Pero hindi ako magpapatinag, kailangan ko ng makaalis dito.
"Cheng, kung inaakala mo na ikakanta kita at ang buong grupo sa mga awtoridad huwag kang mag-alala hindi ko gagawin iyon," sabi ko.
"Sige lang pagbibigyan kita sa hiling mo, pero ito tatandaan mo hindi kita patatahimikin."
Iyon na ang huling pag-uusap naming dalawa. Sa mga unang araw ng pag-alis ko sa Black Handkerchief ay kahit papaano naging matiwasay. Naging tahimik na ang pamumuhay ko. Pero sabi nga ang lahat ay may hangganan. Ika nga tapos na ang maliligayang araw ko.
Isang taon mula nang kumalas ako sa grupo ay nagsimula na akongb makatanggap ng mga death threats. Laging may nag-iiwan sa akin ng isang itim na panyo na may nakaburdang maliit na puting paru-paru at kalakip nito ay ang isang sulat. Nakasaaad dito na hinding-hindi niya ako patatahimikin, na pupuntiryahin niya ako at ang mga anak ko.
Hanggang sa pati ang asawa ko ay nakakatanggap na ng mga sulat. Kitang kita ko kung paano siya natakot sa mga pambabantang natatanggap namin.
"Mateo ano bang nangyayari? bakit tayo pinagbabantaan?" tanong niya habang balisa siyang nagpapalakad lakad sa kuwarto namin.
"Hindi ko din alam. Mukhang may mga maitim na balak ang ilang share holders natin," pagsisinungaling ko. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin sa asawa ko ang tungkol sa grupo. Mas lalong gugulo kapag nagkataon.
"Papaano ang mga anak natin? hindi ko kakayanin kapag napahamak ang mga anak natin Mateo." wala na akong naisagot pa kaya niyakap ko na lang din siya. Kahit ako hindi ko alam ang gagawin ko kapag mapahamak ang mga anak ko.
"Ikukuha ko kayo ng mga bodyguard. Bawat isa sa inyo ikukuha ko kayo ng mga bodyguard." iyon na lang ang sinabi ko.
Sa una ay okay naman sa pamilya ko na mayroon silang bodyguards. Ipinaliwanag ng asawa ko sa kanila ang sitwasyon namin kaya hindi naman sila gaanong nagtaka pa pero ang panganay ko mukhang nagkakaroon ng problema.
"Ma, Pa ayoko ng bodyguard. I can take care of myself okay? don't worry about me," sabi ng panganay ko at napabuntong hininga na lang ako.
"Anak hindi puwedeng lahat na lang ng iha-hire ni Papa mo na bodyguard ay aayaw na lang bigla dahil sa mga pinagagawa mo sa kanila," sabi ng asawa ko.
"Please Ma, ayoko talaga ng may sunod-sunod sa akin. Sa lahat ng pupuntahan ko may nakasunod. Kulang na lang yata pati bathroom susundan din ako. Wala na kong privacy, wala na kong personal space." at lumabas na siya ng study room, naiwan na lang kaming mag-asawa.
"Mateo hindi ko na alam ang gagawin diyan kay Cloud. Masyadong matigas ang ulo," at naupo na lang siya.
"Hindi natin siya puwedeng pabayaan Monica. Sa ayaw at gusto niya ay ikukuha ko na naman siya ng bodyguard."
"Ay teka!" nagulat ako nang bigla siyang tumayo at kinuha ang bag niya. May kinalkal siya doon at inilabas ang isang flyer.
"Dito tayo maghire ng bodyguard para sa kaniya," at pinakita sa akin ang flyer. Dito nakalagay ang isang pangalan ng agency.
Scarlet Security Agency