Chapter 2

1097 Words
Chapter 2: CLOUD ASSUNSION's Point of View "Ma! How many times did I tell you that I don't need any bodyguard?!" singhal ko kay Mama. Nalaman ko kasing naghire na naman siya ng bodyguard. Sakit kaya sa ulo ang bodyguard! Alam niyo 'yun kahit saan may nakasunod, may nakabuntot. Pakiramdam ko wala akong freesom. Hindi ko magawa ang mga gusto ko kasi may mga nakasunod. "But son, that is for your own good! Delikado ang buhay natin ngayon Cloud." Alam ko naman iyon pero kaya ko ang sarili ko. "Ma, I can take care of myself. Malaki na ako. Ang dapat mong bigyan ng pansin ay sina Silver at Gold," patukoy ko sa kambal kong kapatid. "Pero Cloud---" "Ma, that's enough. Please don't worry about me." Hindi ko na hinintay pang magsalita si Mama at umalis na ako  ng bahay at tinungo ang garahe kung nasaan ang kotse ko. Ako nga pala si Cloud Assunsion. Panganay na anak nina Mateo at Monica Assunsion at dahil ako ang panganay ay ako ang tagapagpana ng Assunsion Group of Companies. Maraming hawak na negosyo ang kumpanya namin. Mayroon kaming hotel and resorts, restaurants, malls, real estate. Name it, we have it.  May kambal akong kapatid, they are both girls named Silver Moon and Gold Star. Isa akong BSBA student ( Bachelor of Science in Business Administration) sa St. Mary's University at nasa ikatlong taon na ako. Ilang semester na lang ay graduate na din ako at syempre nakatakdang hawakan ang buong company.  Lately, nalaman kong may nagpapadala kina Mama at Papa na mga death threats kaya ganoon na lang kung mag-alala si Mama sa amin. Naghire si Papa ng mga bodygaurds for us kaso dahil nga ayoko ay maraming sumusuko pagdating sa akin. Inaamin ko namang nagiging salbahe ako sa mga nagiging bodyguards ko kasi nga gumagawa ako ng paraan para sila mismo ang umayaw sa akin. Pagdating ko sa eskwelahan ay agad kong pinark ang kotse ko. Dumeretso ako sa Leisure room, ito ang tambayan namin ng mga barkada ko. Pagpasok ko ay kumpleto na ang mga kolokoy. Lima kaming magtotropa at lahat ay galing sa mga mayayamang pamilya.  "Wow! Ang tagal mo ngayon ah!" sabi ni Storm. Storm Rodriguez, the p*****t one. "Bakit lukot ang mukha mo?" tanong naman ni Thunder. Thunder Filipe, the boy next door. "Nag-usap na naman kami ni Mama about  sa pagkuha ng bagong  bodyguard. Siyempre tumanggi ako, I hate bodyguards." sagot ko sa tanong ni Thunder. "Ano pa bang bago?" sabi ni Rain ng hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa. Rain Chavez, the geek. "Bodyguard na naman? naku madali lang 'yan! Eh di gawin mo 'yung usual na ginagawa mo noon sa mga nagiging bodyguards mo." sabi naman ni Lightning. Lightning Dela Fuego, my partner in crime. Sa totoo lang siya ang kasama ko magprank sa mga nagiging bodyguard ko. "Dami kasing arte ni Mama.I mean masyado siyang nag-aalala sa akin,. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Ang  dapat nilang inaalala  ay sina Silver at Gold," patuloy ko sa kambal kong kapatid. Mga babae kapatid ko at dapat silang dalawa ang pagtuunan ng pansin nila Mama. Nagte-take sila ng self defense class pero it doesn't mean na kaya nila. Hindi tulad ko na kaya ang sarili. "Alam mo Cloud, si Silver puwede mo pang alalahanin pero si Gold? hahahaha! I'll tell you! Mas mabagsik pa siya sa doberman at pitbull namin sa bahay!" sabi ni Thunder habang tumatawa. Ang OA ni Thunder kulang na lang gumulong na siya sa couch. "Tama si Thunder!" pagsasang-ayon naman ni Storm.  "Tama na ang tawa, tara na. Malapit ng magstart ang klase. Baka masabon tayo ng wala sa oras ni Prof. Meneses," sabi ni  Rain sabay tayo at inayos ang mga gamit niya. Kaya tumayo na rin kami at nag-ayos. Mahirap kapag ginalit si Prof. Meneses, nambabagsak bigla iyon. Walang second chance, lalagapak ka talaga kapag nabad shot ka sa kanya. Maingay kaming nag lalakad papunnta  sa Business Department  nang may biglang sumulpot. Humarang siya  sa amin or  I should say sa akin.Isang babae. Kahit na nakakagulat dahil nga para siyang kabute na bigla-biglang sumusulpot ay pinasadahan ko siya ng tingin.  Well, maganda siya, mahaba at wavy ang buhok, maputi at halatang makinis ang balat niya. Maganda ang pares ng kanyang mga mata  at may pinkish cheeks at lips. Balingkinitan din ang hugis ng kanyang katawan.  Pero teka, sino ba ang babaeng ito? ngayon ko lang siya nakita dito sa school. "Ikaw ba si Cloud Assunsion?" tanong nitong babae na agad namang napataas ang isa kong kilay. Sino ba itong babae na nakatayo sa harapan ko?  "Oo bakt? may problema ka ba? sino ka ba?" tanong ko. Parang siga kung makaasta eh. "Ako si MIST VILLAREAL! Ang bago mong BODYGUARD!" sabi niya saka umalis. Tunmalikod siya at naiwan akong napatulala sa nangyari. Pinagmasdan ko ang paglayo niya sa akin, sumasabay ang buhok niya sa kanyang paglakad. Napatingin ako sa mga kasama ko atahat sila nakanganga. Pati sila ay nabigla sa pagsulpot ng babaeng iyon. Wait, what did she said? Bodyguard? bodyguard ko siya? babae ang bodyguard ko? Siya ang bodyguard ko?! "Cloud, sino iyon?" napatingin ako kay Storm na natulala sa papalayong babae. "I don't know. Ngayon ko lang siya nakita," sagot ko. "What did she say? bodyguard?" this time napatingin ako kay Thunder. "Yeah, narinig ko ngang bodyguard. I guess you have a new bodyguard," sagot ni Rain at doon na ako napatigil ng husto. Bodyguard? may bagong bodyguard na naman ako? and worst ay babae pa?  Lutang akong nakarating sa classroom namin. Ni hindi ko nga alam kung pagdating ba namin ay nandoon na si Prof. Meneses. Walang pumapasok sa utak ko for the whole period. Iniisip ko talaga 'yung babaeng iyon. Papaano ko ba mapapa-ayaw siya bilang bodyguard ko? Nabalik lang ako sa planet Earth ng paluin ako ni Thunder sa balikat. Dito ko lang na realize na tapos na ang period at vacant time na namin. "Hoy! Para kang addict diyan. Tulala ka diyan ah. Huwag mo munang isipin ang sexy bodyguard mo," sabi niya at napailing naman ako. Sabay-sabay kaming bumalik sa Leisure room. Kumuha ako ng juice sa mini fridge namin at naupo sa isa sa mga couches doon. Habang nakaupo ako ay naramdaman kong parang may nagmamasid sa akin. I can even feel chills on my spine. Tumingin ako sa window at nakita namang walang tao sa paligid. Bumalik ako sa pagkakaupo at nandoon na naman ang feeling ko. Ang creepy naman ng  nararamdaman ko. Para talagang may nanunuod sa bawat kilos ko. "Storm, diyan nga ako. Dito ka sa puwesto ko," sabi ko at tumayo na. Tumingin naman sa akin si Storm na nasa bed at naglalaro ng mobile games. "Ha? why?"  "I have a creepy feeling kasi. Sige na diyan na ako." Buti naman ay mabilis siyang napakiusapan at nagpalit na kami puwesto. Mag-iisip na naman ako papaano ko papasuko ang bago kong bodyguard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD