Chapter 4:
Cloud Assunsion's Point of View
Nasa kalagitnaan na ng paglelecture si Prof. Clarisa nang may biglang kumatok at bumukas ang pinto. Mukha namang inaasahan na siya ng prof namin.
"You must be Ms. Villareal?" tanong ni Ma'am. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakalugay ang buhok niya. Villareal? sounds familiar. Parang narinig ko na 'yan kung saan.
"Please introduce yourself," laking gulat ko nang pumasok na ang babae at nang makilala ko siya.
Siya?! 'yung babaeng kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot! 'Yung sabi niya bodyguard ko siya. Don't tell me start na ng pagsunod niya sa akin?
"My name is Mist Villareal." Pakilala niya. Kinalabit naman ako ni Lightning kaya napatingin ako sa kanya.
"Cloud, di ba siya ' yung babaeng astigin noong isang araw?" t anong niya at tumango lang ako bilang sagot. Tiningnan ko ulit ang babae at naglakad na siya papunta sa bakanteng upuan sa may likuran.
" 'Yun lang?" tanong ni Ma'am Clarisa. Lumingon siya kay Ma'am at sumagot.
"Badtrip ako. Wag mo ng dagdagan pa." sabi niya at umupo sa likuran. Halatang gulat na gulat si Ma'am sa sinagot ng babaeng ito. It takes 5 minutes bago siya nakamove on at nagpatuloy sa pagtuturo. Napailing na lang si Ma'am habang nagsusulat sa board.
LUNCH BREAK
Lunchbreak na at nauna na kaming lumabas ni Lightning, magkita kita na lang kami sa canteen. Dami kasing kaartehan nila Storm kesyo magpapapogi daw muna sila. Ang bagal pa magsikilos kaya nauna na kaming dalawa doon. Umupo na kami sa usual spot ng tropa. Ilang sandali pa ay sumunod sina Storm.
"Grabe! Di ba siya ' yung so-called-bodyguard mo?" tanong ni Thunder sabay turo sa counter. Ako naman ay lumingon at babaeng nasa counter at tumitingin-tingin ng pagkain. Pinagmasdan ko siya habang bumibili doon hanggang sa makaupo siya sa isa sa mga vacant tables, hindi din naman kalayuan ang pwesto niya sa amin.
"Ang ganda niya Dre! Look at her body. May curve talaga, and the boobs. Wow! I think it fits in my hands!" sabi ni Storm at nagclose-open pa ang loko. Manyak talaga iyang kaibigan namin. Bigla naman siyang binatukan ni Rain.
"Ang baboy mong hayop ka." sabi ni Rain.
"Tama naman eh. She's beautiful. She has an angelic face," pagsasang-ayon ni Thunder sabay kagat ng burger. Ako naman ay agad kong inubos ang iniinom kong juice at tumayo. Time to confront now the mushroom girl. Narinig ko pang nagsalita si Lightning.
"Saan ka pupunta?" hindi ko siya pinansin at dirediretsong nagtungo kay Mist. Paglapit ko sa kanya ay prenteng nakaupo at kumakain siya habang naglalaro ng Candy Crush.
"Mist Villareal," sabi ko at tumingin naman siya sa akin pero pinasadahan lang niya ako ng tingin at bumalik sa paglalaro.
"You said youre my bodyguard. Totoo ba 'yun?" tanong ko. Uminom muna siya ng Vitamilk bago tumingin sa akin.
"Oo." Simpleng sagot niya at bumalik sa paglalaro. Walang manners din siya eh no? kinakausap ako pero ganyan makitungo sa akin.
"I can't believe na isang babae ang kinuha nila para sa akin a sa isang tulad mo pa." bigla siyang tumingin sa akin at nilapag sa lamesa ang hawak niyang tablet. Umayos siya ng upo at tinitigan ako ng maigi.
"Anong masama sa pagiging bodyguard ko? eh ano naman kung babae ako?"
"Kung bodyguard kita, bakit di ka sumusunod sa akin?"
"As far as I know Mr. Assunsion, ayaw mong sinusundan ka. Sa totoo lang wala talaga akong balak buntutan ka kahit saan ka pa magpunta."
"Hindi sinusundan? why are you here?" tanong ko ulit. Come on, kung hindi niya ako sinusundan ay bakit siya nandito? obviously na sinusundan niya ako.
"Kung inaakala mo na sinusundan kita dahil nandito ako, for your information nandito ako para mag-aral. Hindi para buntutan ka. Nagkataon lang na same tayo ng pinasukang school, ng mga prof at ng schedule." Okay bakit same kami lahat? talagang sinusundan niya ako. This is what I don't like about bodyguards, para silang tuta na sunod ng sunod sa amo nila.
"Eh paano mo ako maproprotektahan niyan? kaya mo nga ba akong protektahan? kaya mo bang ibuwis ang buhay mo para sa akin?"
"Cloud Assunsion," nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Sobrang lapit na kulang na lang ay maghalikan na kami. Naamoy ko ang pabangong gamit niya. That sweet scent of strawberry is slowly entering my nose, numbing my senses.
"I have my own ways." sabi niya at kumindat sa akin. Hindi ko namalayang nakaalis na siya.
* dug. dug. *
What was that? I feel strange. Ano ba ito? bigla-bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Ang matamis na amoy niya ay nastuck na sa senses ko.
"Hey, are you okay?" napatingin ako bigla sa nagsalita. It's Lightning, nasa likod niya ang tropa.
"Ha? a ano oo. I'm okay. Don't worry," sagot ko at naupo na sila sa harapan ko.
"What happened? natulala ka na lang bigla diyan," Thunder said at sumang-ayon naman ang lahat.
"Wala naman. Tinanong ko lang siya about sa pagiging bodyguard."
"And?" tanong ni Storm. Pagpasensyahan niyo na may pagkatsismoso 'yang mga kaibigan ko.
"She said she's my bodyguard. So I confront her about sa pagsunod niya and ang sagot niya ay hindi daw niya ako sinusundan. Nagkataon lang na same school, course, at schedules kami."
"Wow ah! Hindi ka sinusundan pero lahat same sched!" sabi ni Thunder. Oo nga naman di ba, hindi niya ako sinusundan pero buong sched ko ay same sa kanya.
"Pero ang ang hot niya talaga. What if I hit her? payag ka Cloud, syotain ko bodyguard mo?" tanong ni Storm at ewan ko ba pero nainis ako sa sinabi niya. Hindi ko maimagine na syota ni Storm si Mist. Parang gusto kong basagin ang mukha niya kapag nagkataon iyon.
"Woah teka lang! Parang may dark aura na ang nakapalibot sayo," biro niya at inirapan siya. Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanila.
"Hey! Saan ka pupunta?" dinig kong tanong ni Lightning. Huminto ako at nilingon sila.
"Sa next class. Mahirap malate sa class ni Prof. Narag," I said at naglakad na palayo. Pagdating ko sa classroom ay nakita ko si Mist na nakaupo at nagtatype sa kanyang laptop. Ilang sandali lang ay pumasok na din sila Storm, halos magkasunuran lang sila ni Prof. Narag. Mahirap malate sa klase niya, kapag nalate ka asahan mo ikaw ang apple of the eye niya for the whole two hours.