Chapter Fourteen

2604 Words
"Kate! Happy birthday, baby girl!" I just smiled when Denise greeted me. Yumakap pa siya sa akin saka humalik sa cheeks ko. Yumakap na lang din ako sa kaniya. "Salamat, Denise." "Ang gift ko sa'yo? Pagmamahal!" sabi pa niya saka mas yumakap sa akin. Napangiti ako. "Salamat..." Humagalpak ng tawa si Denise. "Charot lang. Siyempre may gift ako sa'yo... Here. White lingerie 'yan," bulong niya sa'kin. "Suotin mo mamayang gabi. Siguradong tuwang tuwa 'yon si Lorden." My cheeks heated. I just chuckled and took the paper bag from her. "Thank you, Denise. I'll wear this tonight and seduce him." Nagtilian sila sa sinabi ko. Nahihiyang tumawa na lang ako at napahawak sa batok ko. "Wow! Go, girl!" sabi ni Nathalie saka yumakap din sa akin. Lumapit sa akin si Luisa. "Hello, Kate... Happy birthday. Here's my gift for you... Camera 'yan. Napansin ko, wala ka pang camera." Napangiti ako at yumakap sa kaniya. "Thank you, Luisa." "Kate, ito regalo namin ni Nathalie. Nag-share kaming dalawa," sabi ni Ayen saka inabutan ako ng mga papel. "Gift certificate 'yan sa mga mall, hehe." I smiled at her. "Thank you, Ayen and Nathalie..." Sunod naman na lumapit sa akin si Kiara. She gave me a key. I blinked and looked at her, confused. "I couldn't think of anything to give you... kaya kotse na lang... Happy birthday, Kate." Halos masamid ako sa sinabi ni Kiara. Gusto ko sanang sabihin na hindi niya ako kailangan regaluhan ng ganoon dahil hindi naman ako marunong mag-drive, pero sinarili ko na lang. I think I really have to learn how to drive now. Nakakahiya naman kung hindi ko gagamitin itong regalo ni Kiara. "Don't be too shocked with that, Kate. Mas sosyal itong regalo ko." Lumapit sa akin si Angel at inabutan ako ng puting handbag. Napakurap ako dahil parang masisilaw ako sa bag na iyon. "T-thank you, Angel." I smiled at her. I could already sense that this handbag was expensive. "That's Gadino bag by Hilde Palladino. It has 39 white diamonds and—" agad naputol ang sasabihin ni Angel. "Wow! Grabe. Mahal nito, ah! This bag costs thirty eight thousand dollars! Mahigit dalawang milyon! OMG ka, Angel! Bakit hindi mo 'ko nireregaluhan ng ganiyan?!" asik ni Denise saka kinwelyuhan si Angel. Napaubo na ako nang tuluyan sa sinabi ni Denise. Dalawang milyon na ang halaga ng handbag na 'to?! My goodness. I would never use this bag! Baka maka-attract pa ako ng mga holdaper. Sunod na lumapit sa akin si Patrice. She was holding a white tiara box made of glass. I just blinked when she gave it to me. "Open it," sabi na lang niya saka ngumiti sa akin. Napalunok ako at binuksan ang box, bahagya pa akong nanginginig. May headband na bumungad sa akin pagbukas ko no'n. It has a leaf design, and it was made of gold... I think. Halos masilaw pa ako dahil doon. "I noticed you like wearing headbands. I'm sorry, I'm not really knowledgeable in fashion stuff, so I just bought the most expensive one in the shop," sabi pa ni Patrice. Lumapit si Faith sa akin saka tiningnan iyon. "Wow, this is Cecily Circlet headband. It costs four thousand seven hundred dollars, and is made of 14 karat gold. I'm sure it will look good on you, Kate." Pakiramdam ko malulula ako sa mga regalo nila sa akin. Hindi ko naman kailangan ng ganitong mahal na mga regalo, pero siyempre, hindi ko rin naman matanggihan. Nag-effort sila para bilhin ang mga 'to. Matapos nila akong bigyan ng mga regalo nila, nagpasalamat naman ako. Halos mapaluha pa ako dahil sa tuwa. I never expected that I would have friends like them in my life. "Ate Kate, ang tabang ng luto ni Kuya Lorden sa spaghetti," sabi ni Monette. Ngayong birthday ko, napagdesisyunan kasi ni Lorden na maghanda. Talagang gumising siya nang maaga para maghanda. He even put balloons, designs, and tarpaulin for my birthday. Inimbitahan niya rin ang mga kaibigan ko na tumulong sa akin noon na sina Aling Merona. Biglang sumulpot si Lorden, may hawak pang sandok at nakasuot pa ng apron. "Matabang ba?" tanong niya pa kay Monette. "Kulang lang yata sa sauce, Kuya Lorden." "Dude... Sabi ko naman kasi sa'yo, ako na lang ang magluluto. Some of you are forgetting that I'm the youngest world-class chef with seven Michelin stars," Draxon bragged. "Wala raw may pake," banat ni Cadence saka tumawa. "Saka okay nang si Lorden ang magluto. Laughtrip nga, e!" Panay pa ang picture niya kay Lorden. "From charismatic mafia boss to understanding househusband! Ipo-post ko 'to! Ipapakalat ko 'to!" Lorden glared at him and kicked his stomach. Halos tumalsik si Cadence pero tila hindi naman siya apektado at tumakbo ulit palapit kay Lorden at panay ang picture. Lumapit naman sa'kin si Lorden saka humawak sa pisngi ko. "Kate, are you having fun?" Titig na titig siya sa akin na parang ako lang ang nakikita. Napangiti ako at tumango. "Oo... Salamat, Lorden." I kissed his cheek. "Hala! Ang lalandi! Tayo rin, Dravis," sabi ni Denise saka umupo sa kandungan ni Dravis. Dravis just chuckled and hugged her waist. Napangiti na lang ako at muling tumingin kay Lorden. Humalik siya sa labi ko bago muling bumalik sa kusina. Mukhang itutuloy na niya ang niluluto. "Sir, do you want me to get water for you?" Napatingin kami kay Katrice na nakatayo lang sa gilid ni Fiero. Tila hindi ito kikilos kung hindi sasabihin ni Fiero. Napangiwi na lang sina Denise habang nakatingin sa dalawa. "Just cigarette," sabi na lang ni Fiero saka isinandal ang likod sa couch at pumikit. Katrice took a pack of cigarettes from her bag and took one. Inipit niya 'yon sa labi niya saka sinindihan ang sigarilyo. Umupo siya sa kandungan ni Fiero pagkatapos at inilagay ang sigarilyo sa labi nito. Napakurap na lang kami habang nakatingin sa kanila. Fiero puffed on his cigarette and looked at us coldly. "What?" he asked and raised his eyebrow. Awkward na tumawa na lang si Denise saka lumapit kay Cadence at bumulong. "Sigurado ka bang mag-amo lang sila?" "Platonic lang daw," bulong din ni Cadence. Natatawang napailing na lang ako. "Hoy, balita ko may girlfriend na raw si Rivero!" biglang sinabi ni Draxon. Naghiyawan naman sila sa sinabi nito. Si Rivero naman ay tahimik lang at nakakunot ang noo sa gilid. "Sino'ng nagkamaling pumatol kay Rivero?" tanong ni Cadence saka humagalpak ng tawa. "Rivero in love? I couldn't imagine," Zevero shook his head and drank his wine. "I'm not in love, asshole." Rivero crossed his arms. "Wow... May girlfriend pero hindi in love. Amazing," komento ni Cadence. "Sabagay, si Draxon nga, e." "Hoy, mapagmahal ako. Hindi ako katulad ni Rivero!" Binato ni Draxon ng unan si Cadence. "Tsk." Rivero hissed. "I don't love that woman... I just need someone who can bear my child," he said in a cold tone. He closed his eyes as his head fell back. "I want her out of my life after that." He smirked and looked at Zevero. "Just like Zevero's situation... How convenient." Napakunot ang noo ni Denise. "Aba, gagong 'to... Hoy, ano ba'ng tingin mo sa mga babae?! Paanakan?" Akmang susugurin ni Denise si Rivero pero pinigilan siya ni Cadence. Napakunot na lang nag noo ni Denise at nagtatakang tumingin kay Cadence. "You don't have to do that, Denise... Trust me, kakainin niya 'yang sinabi niya," natatawang sabi na lang ni Cadence. Umismid na lang si Denise saka yumakap sa akin. "Naiinis ako!" Napatingin si Dravis kay Denise, saka binaling ang tingin kay Xanthos. "I think we should add that to our rules... Anything that upsets Audrina should not be allowed." "Tangina, parang gago," bulong na lang ni Xceron. Tiningnan naman siya nang masama ni Dravis at nagbugbugan na naman sila. Ang saya ng naging araw ko. Lorden really made an effort for today. He always makes me feel special and loved, but he made this day extra special for me. Lalo ko na naman siyang minamahal. "Kate... Happy birthday," anas ni Lorden saka inilapit sa akin ang cake na may kandila pa. "Kate, he baked that cake himself!" sabi naman ni Draxon. Napangiti ako saka hinaplos ang pisngi ni Lorden. Ngumiti rin siya sa akin saka humalik sa noo ko. "Happy birthday, Kate... I'm so happy that you were born. I'm so happy because you exist... I love you so much," he muttered and kissed the side of my eye. "I love you too, Lorden... Salamat nang marami. Mahal na mahal din kita..." Ngumiti na lang ako at pumikit saka nag-wish... Sana magkaroon kami ng masayang pamilya ni Lorden. Sana rin mawala na ang bigat sa dibdib niya nang tuluyan. I blew the candle after that. Everyone cheered for me. Ngumiti na lang ako sa kanila at nagpasalamat saka yumakap sa baywang ni Lorden. "Ops! Hindi pa tapos. Lorden, 'di ba may regalo ka pa kay Kate?" nakangising sabi na lang ni Cadence. "Pinagpuyatan mo 'yon!" Napatingin ako kay Lorden. Tumikhim siya saka napahawak sa batok niya. Inabot niya sa'kin ang paper bag na kanina niya pa hawak. Napangiti ako at agad na kinuha 'yon. Binuksan ko agad at tiningnan ang laman... Plushie ang laman no'n. Mukhang sariling gawa ang plushie dahil kitang kita pa ang mga tahi. Napatitig ako sa plushie. Lalaki iyon at medyo katulad ni Lorden, nakasuot pa ng three piece suit na style ni Lorden... It was poorly made that it kinda looked like a scarecrow... but it was really cute. Nagtawanan naman ang lahat. Napakunot na lang ang noo ni Lorden saka umismid. Bahagyang namula ang tainga, tila nahihiya pa. "M-may iba pa 'kong regalo sa'yo, Kate. For now, iyan muna. S-surprise pa 'yung iba," sabi na lang niya. Napangiti ako at lalong yumakap sa kaniya. "Salamat dito, Lorden! Sobrang cute nito. Iingatan ko si mini Lorden," natatawang sabi ko saka inangat ang plushie. Nagpatuloy na ulit sa kasiyahan... Natigilan lang dahil dumating din ang Black Cross. Halata namang hindi nagustuhan nina Cadence ang presensya nila. Nagbangayan agad sila. "What the f**k is your problem with us, Lettiere? Insecure talaga kayo sa'min," nakangising tanong Kaden. Tumawa nang mapakla si Cadence. "Wow. Kaming Feroci? Mai-insecure sa into? Crazy ka ba?" "Hindi na nakakagulat... We're way better than you guys," sabi pa ni Markus saka ngumisi kay Cadence. "And of course, Lorden trusts us more." "We're his best friends though. Kayo, alagad lang. Pft–" Nagpigil ng tawa si Zevero. I didn't expect him to be this childish. Nagsimula na naman ang bangayan nila. Kulang na lang magsuntukan sila at magbatuhan ng gamit. Parang mga bata. Pinag-aagawan din nila kung sino raw ang mas paborito ni Lorden. Nagpigil na lang ako ng tawa dahil pantay naman silang mahal ni Lorden. I looked at Lorden. I caught him smiling. Tila ba natutuwa na pinag-aagawan siya ng dalawang grupo. Natigilan lang siya nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Tumikhim na lang siya at nagpanggap na cool, kahit huling huli ko na siya. "You're enjoying this, don't you?" I asked, teasing him. "Gusto mo na pinag-aagawan ka nila," panunukso ko pa. "Of course not," pagtanggi niya pa. Natigilan na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at pasimple akong hinila palabas ng bahay. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kaniya. "Lorden, saan tayo pupunta?" "I'll show you my other gift for you." He smiled at me. He guided me to his car and opened the car door for me. I looked at him, hesitant. "P-paano 'yung party? Iiwan na natin sila ro'n?" He just chuckled and kissed my forehead. "They already knew about this. Hindi na nila tayo hahanapin. Let them have fun there... So, let's go?" Ngumiti na lang ako at tumango saka pumasok na sa kotse. Hindi naman nag-aksaya ng oras si Lorden at agad ding sumakay. "Saan tayo pupunta?" tanong ko nang paandarin na niya ang sasakyan. "Hmm... secret, love... You'll see," nakangiting sinabi niya. Napangiti na lang ako at naghintay. Mahigit isang oras din ang naging biyahe namin. Nakarating na kami sa Cavite. Nagtatakang tumingin ako kay Lorden pero hindi na lang ako nagsalita... Hihintayin ko ang sinasabi niyang surprise. Makalipas ang ilan pang minuto, tinigil na ni Lorden ang kotse sa tapat ng isang bahay. Simple lang ang disenyo no'n at hindi rin sobrang laki. May mga ilan-ilan ding kapit-bahay sa paligid. Napangiti na lang ako... ito ang paligid at bahay na tipong tipo ko. Agad na bumaba ng kotse si Lorden. He opened the car door for me and held my hand. I got out of the car and looked at him, confused. He just smiled at me and kissed my forehead. Lumapit na kami sa bahay. He opened the gate and guided me inside. May maliit na garden sa paligid ng bahay. Napangiti ako dahil may maliit na aso pa na nagbabantay sa may pinto. Mukhang kakaayos lang ng bahay na 'to. Pati ang garden, halatang inayos. "If you had noticed, I have been really busy for the past months," Lorden muttered. I looked at him, my eyes widened. What does he mean by that? He guided me inside the house. Agad akong napangiti habang nililibot 'yon ng tingin. Simple lang din sa loob ng bahay. Halatang bago pa ang ilang gamit, pero tila kumpleto na. 'Di hamak na mas malaki ang bahay namin sa Maynila, pero tila mas gusto ko ang bahay na 'to... Simple at tahimik. Napatingin ako kay Lorden. Agad na namuo ang luha sa mga mata ko. "L-Lorden..." "I'm sorry if I have been too busy... I was busy because of this house. I helped in building this, and I prepared everything myself... Even the garden. I know you like a house with a small garden. I also adopted a puppy. I remember you painted a dog before... The puppy was quite a headache though... Sinisira niya ang mga pananim ko," natatawang sinabi niya saka napahawak sa batok. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tuluyang napaluha. Lumapit sa akin si Lorden saka marahang pinahid ang luha ko. Humalik siya sa noo ko saka ikinulong ako sa mga bisig niya. "We'll live a simple life just like you wanted. About my money and riches... I already gave it to Rivero and Miriana before, and I have no plans on taking it back... so, I'm just a simple and powerless guy now. Is that okay with you?" He kissed the top of my head. Napahagulgol ako ng iyak at gumanti nang mahigpit na yakap sa kaniya. "W-walang kaso sa akin, Lorden... A-ayos na ayos lang sa'kin..." panay ang hikbi ko. "Hmm... I'm planning to work and start a small business though. I still need to have a source of income for your needs and wants. I also built an art gallery for you with my remaining money. That's another surprise for you... but I'll show it to you once it's done... and also, I'm no longer the leader of Black Cross. I will no longer be involved with Feroci's operations and missions too. I'll live a safe and quiet life with you from now on." Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at mas lalong napahagulgol ng iyak. Hinaplos niya naman ang likod ko, tila pinapakalma ako. Panay ang halik niya sa ulo ko at panay ang bulong sa akin kung gaano niya ako kamahal. "L-Lorden... salamat... Mahal na mahal din kita." Lorden kissed my forehead. He cupped my cheeks and stared at me. His green eyes were glistening, as if he was about to cry. "I will do anything for you and your happiness. You're my life and my everything... Mahal na mahal kita, Kate. Sobrang mahal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD