"Lorden!" I cried hard.
Lorden immediately came out from the kitchen and rushed to me. May hawak pa siyang sandok. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang umiiyak ako.
"Kate, what happened? Why are you crying, love?" nag-aalalang tanong nito saka umupo sa tabi ko at humawak sa pisngi ko.
I sniffled and pointed at the TV. "K-kawawa 'yung mga baby bird. K-kasi kapag tinuturuan sila lumipad, binibitiwan sila ng mommy nila sa himpapawid. P-paano kung mabagsak sila at mamatay?" Mas lalo akong napaiyak. Bumibigat ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko 'yon.
Lorden bit his lower lip and hugged me. "I'm sorry about that, love." He caressed my hair. "Ganoon lang talaga ang mga ibon... I'm sorry if I can't do anything about it."
I just sniffled and hugged him back. Panay naman ang halik niya sa tuktok ng ulo ko at panay ang haplos sa likod ko.
Matagal din bago ako kumalma. Pinatay na rin ni Lorden ang tv para hindi ko na makita ang mga ibon doon. Nang kumalma na ako, nagpaalam muna sa akin si Lorden dahil inaasikaso niya ang niluluto. Pinatay niya raw muna kasi ang kalan at agad na dumiretso sa akin nang marinig akong umiyak.
Napag-isipan kong magpinta na lang muna. Pinili ko na lang na 'wag nang isipin ang tungkol sa mga ibon.
I decided to paint Whitey... it was our puppy. Kulay puti kasi ito kaya iyon ang ipinangalan ni Lorden. Natatawa na lang ako dahil wala raw siyang ibang maisip.
We're finally staying at our simple house here in Cavite. I'm still studying, kaya paminsan-minsan ay doon kami tumutuloy ni Lorden sa bahay namin sa Manila. Lorden started a small hardware store. Paminsan-minsan ay nag-aayos din siya ng mga sasakyan o kotse at mukhang maalam naman siya roon. Dito lang din sa tabi ng bahay namin niya iyon pinatayo... Kumikita iyon nang maayos, medyo hindi ko lang talaga nagugustuhan na madalas, mga babae ang nagiging customer niya.
"Kate... let's eat," he said and kissed my shoulder.
I looked at him and smiled. "Okay."
Naghain na siya, tumulong naman ako sa kaniya. Hinanda ko na rin ang pagkain ni Whitey. Umupo na kami ni Lorden, agad naman siyang humalik sa sentido ko saka sa balikat ko.
Nagsimula na kaming kumain. Napapangiti na lang ako habang nagkukwentuhan din kami. I told her about how my days went. Taimtim na nakikinig naman siya sa akin at napapangiti rin, tila naaaliw.
He gently tucked my hair behind my ear and smiled at me. "I'm happy when you're happy. It's good to see that you're having fun, love."
I smiled at him and hugged his waist. "How about you?" Napasimangot na lang ako nang may maalala. "Puro babae na naman ba ang customer mo sa talyer?" nakangusong tanong ko.
Lorden chuckled, then he kissed my forehead and hugged me back. "Kate... you're the only woman I want in my life... Ikaw lang ang mahal ko... at mamahalin ko."
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para magpigil ng ngiti. "Mahal din kita, Lorden."
Pagkatapos naming kumain, naglambingan muna kami ni Lorden. Nanood kami ng movie habang nakayakap siya sa akin. Tumabi naman si Whitey sa amin kaya natawa na lang ako.
"Kate, babalik na 'ko sa talyer. Just call me if you need or want something, hmm?" He caressed my cheeks.
I smiled at him and nodded. "Okay... Dadalhan kita mamaya ng merienda. 'Wag ka masyado magpakapagod." I kissed his lips.
Hinabol ko na lang ng tingin si Lorden nang lumabas siya. Hindi ko maiwasang mapanguso habang sinisilip siya sa bintana dahil sinalubong agad siya ng mga customers na babae sa talyer.
Tumabi sa akin si Whitey saka sumilip din sa bintana at tumahol pa. I nodded at him and patted his head.
"Tama, tahulan mo sila, Whitey. Inaagaw nila sa'kin ang Papa mo."
Napaismid na lang ako at bumalik sa pagpipinta. Kahit naman anong gawin nila, ako lang ang mahal at uuwian ni Lorden!
Bumalik na lang ako sa pagpinta. Pero pagsapit ng hapon, agad na 'kong naghanda para sa merienda ni Lorden. Siguradong pagod na 'yon at gutom.
Lumabas ako para bumili ng pandesal. Sumilip ako kay Lorden, nakita kong abala siya sa pag-aayos ng gulong. Napaismid pa ako nang makitang babae na naman ang customer niya ngayon. Nakatayo ito sa gilid ni Lorden, kay Lorden pa nakatitig imbis na sa kotse niya. Puro babae na lang ba ang magiging customer niya palagi?
Napailing na lang ako. I don't have to worry because I trust Lorden, but I have to admit, sometimes it pisses me off. Kung dati siguro ay magsusungit si Lorden sa kanila, pero ngayon, mahaba na ang pasensya ni Lorden. I don't know if I like that improvement of him or not.
"Pandesal ba, Kate?" nakangiting tanong ni John, tindero dito sa lugar.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Oo. Twenty pesos ba pandesal. Mainit ba 'yan?" tanong ko pa.
"Alam kong bibili ka ng ganitong oras kaya talagang mainit 'to," nakangising sabi pa ni John.
Napangiti na lang ko. "Salamat."
Nagsimula nang maglagay si John ng pandesal sa plastic. Pasimple pa siyang sumilip sa talyer. "Dami na namang babaeng nakapaligid kay Lorden. Siguro pinapaiyak ka na lang lagi ni Lorden, 'no? Naku, sa ganda mong 'yan, hindi ka dapat ginaganyan."
I just smiled awkwardly at him and scratched my nape. "Uhm... hindi naman. Lapitin lang talaga siya ng mga babae, pero may tiwala naman ako sa kaniya."
"Marami nang nagsabi niyan, pero saan nauwi? Sa lokohan. Sasakit lang ang ulo mo... Ito pala," sabi niya saka inabot ang plastic sa akin na may lamang pandesal. "Libre na 'yan para sa'yo, Kate. Malakas ka naman sa'kin, e." Ngumiti pa siya sa akin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiling. "Nako, hindi na. May pambayad naman ako."
Inabot ko sa kaniya ang bayad. Napapitlag ako nang humawak siya sa kamay ko na may hawak na pera saka umiling.
"Wag na, Kate. Makita lang kita, bayad na bayad ka na," biglang sinabi nito.
Napapitlag na lang kaming dalawa nang maramdamang may matangkad na tao sa likod ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil amoy pa lang, alam ko na kung sino. Humawak ito sa baywang ko saka hinila ako palayo kay John.
"Gusto mo bayaran kita ng suntok sa mukha?" malamig na tanong ni Lorden.
Nagpigil na lang ako ng ngiti. Nahahawa na siya sa salitaan ng iba naming kapit-bahay rito. Minsan kasi nakakainuman niya rin ang ibang tambay rito.
"P-pareng Lorden, grabe ka naman. Nagbibiro lang ako, pare!" tila kinakabahang tumawa si John.
"Hindi ako natutuwa sa biro mo. Tigilan mo ang girlfriend ko," mariing sinabi pa ni Lorden.
"Sorry na pare. Joke lang 'yon!"
Humawak na lang ako sa braso ni Lorden dahil mukha pa rin siyang manununtok. Napatingin siya sa akin at tila lumambot naman ang ekspresyon niya. Nagpunas na lang siya ng pawis saka bahagyang ngumiti sa akin.
"I'm sorry, love. I'm sweaty." He smiled shyly at me.
I just smiled and took the towel from him. I started wiping the sweat on his forehead. He smiled too and hugged my waist. Tila nakalimutan na namin ang paligid.
"Bakit bigla kang pumunta rito? May bibilhin ka ba?" tanong ko sa malambing na boses.
Umiling siya. "I just saw you go here."
"Ihahanda ko lang 'yung merienda mo, hmm? Balik ka na sa talyer. Baka naman basta mo na lang iniwan ang customer doon," natatawang sabi ko na lang.
Humalik siya sa noo ko bago bumalik sa talyer. Dumiretso naman ako sa bahay para ipaghanda ng pagkain si Lorden. Nilagyan ko ng palaman ang pandesal saka gumawa ng orange juice para sa kaniya. Lumabas din ako agad pagkatapos saka dumiretso sa talyer.
Napakunot naman agad ang noo ko nang mapansin na kausap ni Lorden ang customer. Nagbayad ang babae sa kaniya at panay ang ngiti.
"You could be an actor or a model, bakit sa ganito ka pa nagta-trabaho?" tanong ng babae.
Hindi sumagot si Lorden at patuloy lang sa pagpupunas ng leeg niya gamit ang towel. Napaismid ang babae saka nagtanong pa.
"Are you still single? Pwede ko bang mahingi ang number mo?" tanong pa nito.
"I have a girlfriend," agad namang sagot ni Lorden. Tila pigil na pigil sa pagsusungit.
Tila nadismaya naman ang babae. "Oh, is that so? I'm sorry."
Napangiti na lang ako saka lumapit sa kanila. Agad naman napangiti si Lorden nang makita ako at lumapit sa'kin. Tinulungan niya akong bitbitin ang tray na hawak ko. Inayos niya ang mesa at upuan saka itinapat sa akin ang electric fan. Umalis na lang ang babaeng customer niya.
Lumapit ako kay Lorden saka umupo sa kandungan niya. Natigilan lang kami dahil nagreact at naghiyawan ang ilan ding tauhan sa talyer.
"Grabe, boss. Akala ko nandito lang ako para magtrabaho, nandito rin pala ako para mainggit," sabi ni Adrian, isa sa tauhan ni Lorden sa talyer.
Marahang tumawa na lang si Lorden saka yumakap sa baywang ko.
"Ay grabe, sana pala hindi na lang ako nagtrabaho rito kung mamamatay lang din ako sa inggit," banat pa ni Gabby.
Tumingin sa kanila si Lorden. Inambahan pa ng suntok. "Bumalik na kayo sa trabaho," masungit na sabi pa nito.
Yumakap na lang ako sa batok ni Lorden. Kumain na kami ng pandesal na ganoon. Todo react at komento pa ng mga tauhan sa talyer pero hindi na lang pinansin ni Lorden dahil nasa akin ang buong atensyon niya.
Napapangiti na lang ako sa tuwing naiisip ko na pangarap ko lang ang ganito noon. This is the life I ever wanted... a simple, quiet, and happy life. There are times that I still couldn't believe it. I'm finally living the life that I wished for ever since.
"Kate, love..."
Napatigil ako sa pagbabasa ng libro nang pumasok si Lorden sa kuwarto namin. Umupo siya sa tabi ko saka humalik sa noo ko.
"Niyaya nila ako," sabi na lang niya.
Napataas ang kilay ko. "Inuman?" tanong ko.
Tumango namna siya.
"Go ahead. Okay lang sa akin." Humalik ako sa pisngi niya.
"Thank you, love. Saglit lang ako uupo roon." Humalik naman siya sa labi ko. "I love you."
"I love you too," sinabi ko na lang.
Lumabas na siya ng kuwarto. Tinuloy ko na lang ang binabasa ko saka hinaplos ang balahibo ni Whitey na nasa bandang paanan ko.
Makalipas ang halos isang oras na pagbabasa, napabuntonghininga na lang ako saka isinara ang libro.
I suddenly want to eat egg pie, with cheese on top. I bit my lower lip and stood up. Lumabas agad ako ng kuwarto, sumunod naman sa akin si Whitey. Paglabas ko ng bahay, sinilip ko kaagad si Lorden mula sa labas. Nasa gilid lang sila ng gate namin at nag-iinuman.
Nahiya tuloy ako bigla na abalahin siya. Hindi naman siya gaanong nagsasalita pero nakikingiti at nakikitawa rin naman siya sa kwentuhan ng mga kainuman.
Napatingin sa'kin ang isang kainuman ni Lorden. Kinalabit niya agad si Lorden saka itinuro ako. Napatingin naman agad si Lorden sa direksyon ko at napatayo. Lumapit siya sa'kin, inulan naman kami ng tukso galing sa mga kainuman niya.
Naamoy ko kaagad ang alak mula sa kaniya, medyo masakit sa ilong. Ewan ko, naging sensitive ako bigla sa amoy ng alak.
"Lorden... g-gusto ko ng egg pie na may cheese." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "S-sorry... naabala ba kita?"
Humawak siya sa pisngi ko. "Of course not... Hindi ka abala sa akin... Gusto mo ba ng egg pie? I'll buy it for you, hmm? Just wait for me inside." He kissed my forehead.
I just nodded and went inside the house. Sinilip ko siya mula sa bintana. Sumakay siya kaagad ng motor. Nag-alala naman agad ako dahil nakainom siya, baka maaksidente pa siya. Lalabas na sana ako para pigilan siya, pero buti na lang pinigilan din siya ng isang kainuman at nagtawag na lang ng tricycle.
Bumalik din agad si Lorden makalipas ang ilang minuto. Excited na tumakbo ako palapit sa kaniya nang makitang may hawak siyang box. Ngumiti naman siya sa'kin saka humalik sa noo ko bago inilapag sa mesa ang egg pie.
Nadismaya ako nang mabuksan iyon... walang cheese sa ibabaw.
"Kate?" Lorden asked and looked at me.
I bit my lower lip. Tears formed in my eyes. "S-sabi ko sa'yo, g-gusto ko ng may cheese. Wala namang cheese 'to, e," I murmured, then sniffled.
Lorden panicked a little. "Oh, sorry, love. Wala silang ganoon sa binilhan ko. Don't worry, I'll put cheese on top, hmm? I'm sorry, love. Please don't cry." He hugged me and kissed the top of my head.
He wiped my tears and showered shallow kisses all over my face. Then he took the egg pie and went to the kitchen. I wiped my tears and followed him. Kumuha siya ng cheese at grater. Nagkadkad siya ng keso sa ibabaw ng egg pie. Napatigil naman ako sa pag-iyak saka lumapit sa kaniya.
Pagkatapos, ipinakita niya sa akin ang egg pie. "Okay na ba 'to, love? Should I add more cheese?" he asked in a soft tone and kissed my forehead.
I pouted and shook my head. "O-okay na 'yan. Thank you, Lorden."
Kinuha ko sa kaniya ang egg pie saka inilagay sa mesa. Nagsimula na 'kong kumain. Umupo naman siya sa tabi ko saka pinanood akong kumain. He tucked my hair behind my ears and stared at me lovingly.
"I love you so much, Kate," bigla pang sinabi niya.
Napatingin naman ako sa kaniya saka ngumiti. "Mahal na mahal din kita, Lorden. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa'kin. Sorry kung moody ako paminsan-minsan." Yumakap ako sa baywang niya.
Lorden chuckled and kissed the top of my head. "Mahal kita kahit ano pang mood mo."
Napanguso ako. "Mga natutunan mo talaga sa mga kainuman mo, e, 'no?"
Mas lalong napahalakhak si Lorden. "Bakit? Hindi ka kinilig?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko saka hinigpitan ang yakap sa kaniya. "Kinilig," sabi ko sa mahinang boses.
Ang saya ko talaga palagi kapag nasa tabi ko si Lorden. Mahal na mahal ko siya.
PAGSAPIT NG UMAGA, naghanap agad ako ng buko pie naman. Nagtatakang tumingin pa sa'kin si Lorden, dahil siguro hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganoon.
"Buko pie, Lorden... M-may cheese din, tapos may ketchup. Please. Gustong gusto ko talaga no'n."
"Buko pie with cheese and ketchup? Hindi ba sasakit ang tiyan mo no'n?" nag-aalalang tanong niya.
Napahikbi ako. "A-ayaw mo na ba akong pagbigyan? Hindi mo na ba ako mahal, Lorden? K-kagabi mahal mo pa ako, e."
Agad namang yumakap sa'kin si Lorden. "Concerned lang ako, Kate. Baka naman sumakit ang tiyan mo."
Mas lalo akong napaiyak saka napakapit nang mahigpit sa damit niya... natigilan lang ako nang tila maramdaman na tila bumabaligtad ang sikmura ko. Dali dali akong nagtungo sa sink nang maramdamang maduduwal ako.
Agad na lumapit sa akin si Lorden. Tuluyan akong naduwal. Nag-aalalang hinagod ni Lorden ang likod ko.
"Fuck... what's happening, love? Are you alright?" nag-aalalang tanong nito.
"N-nasobrahan lang yata ako sa pagkain kaga—" natigilan ako at muling naduwal.
Hindi na nag-aksaya ng oras si Lorden at dinala ako sa malapit na ospital. Halata sa kaniya ang matinding pag-aalala, muntik niya pang nakalimutan ang isang tsinelas niya.
"Doc... ano po ba ang problema?" tanong ni Lorden sa doktor matapos akong i-test.
"Don't worry, mister. Wala pong sakit o problema kay misis... Buntis po siya."
Natigilan si Lorden sa sinabi nito... maski ako ay natahimik din. Hindi ko matukoy ang nararamdaman ko, pero alam ko sa sarili ko na nangingibabaw ang saya... Magkaka-anak kami. Para akong maiiyak sa saya.
Napatingin ako kay Lorden, hindi ko mabasa ang iniisip niya. Agad akong kinabahan at nakaramdam ng lungkot... mukhang hindi siya masaya.
Ayaw niya bang magka-anak kami?
Tahimik na nakinig si Lorden sa mga bilin ng doktor. Umuwi na kami pagkatapos niyang mamili ng mga kakailanganin ko sa pagbubuntis.
Tahimik pa rin siya hanggang sa bahay, pero todo ang asikaso niya sa akin. Gusto ko siyang tanungin... pero wala yata akong lakas ng loob.
"May gusto ka bang kainin, Kate? Sabihin mo lang sa'kin," anas niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Pumikit na lang ako saka hinigpitan ang yakap sa kaniya. "Inaantok lang ako... Matulog na tayo." Napahikab ako.
Tumango naman si Lorden saka patuloy na hinaplos ang buhok ko. Bahagyang ngumiti na lang ako saka nagsumiksik sa dibdib niya saka tuluyang nakatulog.
NAGISING LANG ako nang maramdaman na wala si Lorden sa tabi ko. Agad akong napabangon nang makitang alas dos pa lang ng madaling araw... Nasaan naman kaya siya ng ganitong oras?
Lumabas ako ng kuwarto... Naabutan ko si Lorden na nasa sala at nakaupo... umiiyak.
Parang dinurog ang puso ko sa nakita. Agad akong lumapit sa kaniya... naramdaman niya naman ang presensya ko at nag-iwas ng tingin, pero agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"L-Lorden... bakit ka umiiyak? S-sabihin mo sa'kin ang problema, hmm?"
Yumakap siya sa baywang ko at umiyak doon. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinaplos ang buhok niya, nagpipigil na mapaluha rin.
"K-Kate... I'm just scared, b-because you're pregnant..." He gripped my night dress. "Does our precious child... deserve to have a father like me?"
Natigilan ako... tila naintindihan ko na ang kinakatakot niya... ang nangyari sa unang anak namin... sinisisi niya pa rin ang sarili niya roon.
"Lorden..." Marahan kong inilayo ang mukha niya sa baywang ko. I touched both of his cheeks and stared at him. "Makinig ka sa'kin, Lorden... You're a great lover, sobra ka magmahal... I'm sure you'll be a great father too. Sobrang saya ko at wala akong pagsisisi na ikaw ang lalaking minahal ko... at tatay ng anak ko."
Mas lalong napaluha si Lorden habang nakatitig sa akin. Napangiti ako saka marahang pinahid ang mga luha sa pisngi niya.
"M-mahal na mahal kita, Kate... ikaw at ang anak natin..." Humawak siya sa tiyan ko at marahang hinaplos 'yon.
"Mahal na mahal din kita" Napangiti ako. "Magpakasal na tayo, Lorden."
Halatang natigilan siya sa sinabi ko. "K-Kate..."
"Alam kong hindi ka pa rin nagp-propose dahil iniisip mong hindi ka deserving para sa akin... a-alam kong ganoon pa rin ang iniisip mo hanggang ngayon... kaya ako na ang magp-propose sa'yo." Ngumiti ako saka dinampian ng halik ang labi niya.
"K-Kate... y-you're not supposed to do this—"
"Will you marry me, Lorden?" pagputol ko na lang sa sinabi niya.
Napakagat siya sa ibabang labi at mas lalong napaluha. Napangiti na lang ako nang yumakap siya sa baywang ko at hindi nagsalita.
"I-I should be the one doing that," bulong niya.
Marahang natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "Okay... I'll take that as a yes."