Chapter Nine

2901 Words
"Lorden... H-hindi mo naman kailangan parusahan 'yung sarili mo. Sobra ka nang nahirapan... P-please... P-panahon na para sumaya ka naman. 'Wag mo nang parusahan ang sarili mo. H-hindi ba pwede 'yon? Hindi ba pwedeng sumaya naman tayong dalawa pagkatapos ng mga pinagdaanan natin?" tanong ko habang patuloy na lumuluha. Mas lalong napaluha si Lorden. Napahawak siya sa sentido niya at napaiwas ng tingin sa'kin. "I-I can't do that. I can't even face you... I-I... I can't..." Umatras muli si Lorden. Umiling siya saka agad akong nilagpasan at lumabas ng silid. I didn't waste time. I followed him and gripped his forearm. Lorden looked at me with his eyes full of tears... He removed my grip on his arm... gently, as if he doesn't want me to get hurt with his touch. "No, p-please..." I cried hard and shook my head. "P-please, just stay with me, Lorden. 'Wag ka nang tumakbo palayo sa'kin. Please, Lorden... Mahal kita. H-hindi mo na ba ako mahal?" Lorden's eyes softened. "I love you, Kate... More than anything, more than myself... I love you so much that it kills me knowing that you suffered because of me... T-that we lost our child because of me... I-I can't do this... I can't..." Agad na lumabas si Lorden. Umiling ako at agad siyang hinabol. Napahagulgol ako ng iyak nang agad na sumakay ng kotse si Lorden at pinaharurot 'yon... Hindi... Baka kung ano pa ang gawin niya sa sarili niya! "Lorden! Bumalik ka, Lorden!" Napatakip ako sa mukha ko at mas lalong lumuha nang tuluyan nang makalayo ang kotse. Nanginginig ako sa takot. Kahit nanginginig ang mga kamay ko, pinilit kong pumindot doon para tawagan si Markus. Ayokong tawagan sila... pero alam ko na sa ganitong sitwasyon, mas alam nila ang gagawin. "Kate?" "Markus! A-anong gagawin ko? S-si Lorden..." Hindi ako makapagsalita nang ayos dahil sa pag-iyak. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sunod-sunod na hikbi. "Calm down... What's happening, Kate?" tanong pa nito. "N-nakakaalala na si Lorden! U-umalis na naman siya... A-ano'ng gagawin ko, Markus? N-natatakot ako para kay Lorden." Napahagulgol ako ng iyak. "W-wala pang isang buwan... Nakakaalala na siya." Bumuntonghininga si Markus. "That could happen... Calm down, Kate... We will track him immediately. I promise you, we won't let him harm himself again. Trust us with that... Hintayin mo na lang na tumawag ako ulit," sabi na lang ni Markus saka binaba na ang tawag. Sunod kong tinawagan si Cadence na agad naman nitong sinagot. "C-Cad! N-nakakaalala na si Lorden..." Napahawak ako nang mahigpit sa cellphone ko habang pilit na pinipigil ang mga hikbi ko. "H-hinahanap na siya ngayon nina Markus... K-kung mahahanap mo rin siya, sabihin mo naman sa'kin... P-please, Cad." "Nakakaalala na siya agad? Akala ko isang buwan pa 'yon o higit pa... Kaya pala biglang sumakit ang ulo niya kanina... Sorry, Kate. We must have triggered his memory... 'Wag kang mag-alala, hahanapin namin siya at sasabihin agad sa'yo. Trust me, we won't let him harm himself again." Parehas sila ng sinabi ni Markus. Mas lalo akong napaluha... Marami ang nagmamahal kay Lorden. Sana mapagtanto niya 'yon. Sana mapagtanto niya kung gaano kami magiging miserable kapag nawala siya... Hindi ko na yata kakayanin. Hindi ako makatulog kakahintay sa tawag nina Markus at Cadence, wala rin naman akong balak matulog hangga't wala akong natatanggap na tawag mula sa kanila. Palakad-lakad ako sa living room. I kept on biting my nails to ease my nervousness... I don't know what to do anymore. I hate that I'm too helpless in situations like this. I really want to help Lorden. I know he was just too vulnerable right now... Sa ganoong sitwasyon niya, gusto ko na nasa tabi niya ako. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Agad kong tiningnan, naunang tumawag sa akin si Markus. Nagmamadaling sinagot ko ang tawag niya. "M-Markus! Kumusta na si Lorden? Nahanap niyo ba siya?" "Don't worry, Kate. He's with us right now..." "A-ano'ng nangyari? Did he try t-to... to kill himself again?" tanong ko sa nanginginig na boses. "No, Kate. He's... calm, I think. Bantay-sarado kami sa kaniya ngayon. Kaden is currently. He asked me about what happened to him in the past months. He's still in Kaden's room. Mukhang malalim ang iniisip," paliwanag pa ni Markus. Napalunok na lang ako at napahawak nang mahigpit sa damit ko. Gusto ko siyang puntahan... pero pakiramdam ko, aalis na naman siya kapag nakita ako. Baka palalain ko na naman ang sitwasyon. "M-Markus... Bukas, pupuntahan ko si Lorden diyan. S-sa tingin ko dapat hayaan ko muna siya ngayong gabi..." Napalunok ako. "Maipapangako mo ba sa'kin na babantayan niyong maigi si Lorden?" "Of course, Kate. Trust us." Alam kong babantayan nina Markus si Lorden, pero hindi pa rin ako mapalagay. Umupo ako sa kama at napatitig sa cellphone ko. Pakiramdam ko kusang bumigay ang katawan ko at napahiga sa kama saka tumitig sa kisame. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mamuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa aalisin ang bigat sa puso ni Lorden. NANG MAGISING AKO, si Lorden kaagad ang nasa isip ko. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na naghanda para puntahan siya. Tinawagan naman agad ako ni Draxon.. Nasabi ko na sa kanila kagabi na binabantayan na ng Black Cross si Lorden. "Ang yabang ng Markus na 'yon. Ayaw kaming payagan makita si Lorden! Ayaw raw kaming makita ni Lorden, imposible 'yon," pagsusumbong ni Draxon sa'kin. "Nag-iingat lang siguro sila... pero 'wag kayong mag-alala, kakausapin ko sila. Kakausapin ko si Lorden." Napabuntonghininga si Draxon sa kabilang linya. "Kate... Alam ko hindi naman ako kaano-ano ni Lorden o ano man, pero kaibigan ko siya... Alam ko ring sobra sobra na ang pagti-tiyaga mo... pero pagpasensyahan mo na si Lorden, ha. I know you have gone through a lot... I'm sorry about Lorden... He just... he just loves you too much that he thinks he doesn't deserve you. Rivero isn't saying anything about it, but I'm sure he wants to tell you this too." Napangiti ako at napakapit nang mahigpit sa sling bag. "Wala naman akong balak sukuan si Lorden... Mahal na mahal ko siya. Kahit anong mangyari, hindi ako papayag na sirain na naman niya ang buhay niya. Magiging masaya na kaming pareho sa pagkakataong 'to." Desidido ako. Sasaya rin kami ni Lorden... Sisiguruhin ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na pumunta sa penthouse na tinutuluyan ni Kaden. Na-i-send na sa akin ni Markus ang address. Pilit kong hinanda ang sarili ko habang nasa biyahe. Hindi ko alam kung kakausapin ba ako ni Lorden. I'm sure he would just run away from me again. Kung maaari lang ay ikulong ko na siya sa akin at 'wag ng pakawalan, pero gusto ko rin na manatili na siya sa'kin nang kusa. Napabuga ako ng hangin habang nasa tapat ng penthouse ni Kaden. Agad naman akong pinagbuksan ni Kaden nang mag-text ako kay Markus. "Kate... Nandoon siya sa kuwarto ko," sabi ni Kaden habang naglalakad papuntang kuwarto niya. Tahimik na nakasunod lang ako sa kaniya, kinakabahan. Nakita ko sina Markus sa living room. They just simply nodded at me, as if it's their way of motivating me. I just smiled and continued following Kaden. He stopped in front of a closed door. Sa tingin ko nandoon si Lorden. "I don't know if he'll talk to you, but well, you might as well try. Nasa loob lang siya." Tumango na lang ako sa sinabi ni Kaden, pagkatapos no'n ay iniwan niya na rin ako para hayaang makausap si Lorden. Napabuga ako ng hangin saka napahawak sa doorknob. Pumikit ako nang mariin bago pinihit 'yon. Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Lorden na nakahiga sa kama, nakatalikod sa direksyon ko. Kahit nanginginig ang mga tuhod, naglakad pa rin ako palapit sa kaniya. Nakita kong nakapikit siya, pero halata sa mga mata nito ang buong gabing pag-iyak. Tila may kumirot sa puso ko sa nakita. "Lorden..." Halatang natigilan siya nang marinig ang boses ko. He opened his eyes... His tender green eyes made my knees weaker... It pained me even more seeing him like this. I sat beside him. I touched his hand and gently caressed it. "Lorden... 'W-wag ka na namang lumayo sa'kin. Hmm? Kapag ganiyan ka... pakiramdam ko, a-ayaw mo sa'kin, ayaw mo 'kong makasama... o kaya... hindi mo na 'ko mahal. Mas matindi pa ba ang nararamdaman mong konsensya kaysa sa pagmamahal mo sa'kin? Gano'n ba, Lorden?" Nag-alpasan ang luha mula sa mga mata ko. Kahit halatang walang lakas si Lorden, pinilit niyang bumangon saka marahang pinahid ang luha sa pisngi ko. Ang gaan ng kamay niya, tila ba masusugatan ako kapag hinawakan niya. "Kate... Please understand..." sabi nito sa paos na boses. "Understand what? Ano? Dapat kong intindihin at tanggapin na gusto mong mamatay? Ano? H-hahayaan na lang kita? Iyon ba ang gusto mo?" Mas lalo akong napaluha. Nawalan ako ng kontrol sa mga luha ko. Napaiwas ng tingin sa akin si Lorden. "I-I won't... I won't do that again... I won't try to end my own life again... but Kate... We really can't be together. All the bad things that I did to you were unforgivable. Y-you're just too kind for me. You don't deserve a horrible person like me... I can't be with you, Kate. I can't..." Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko, tila magkakasugat na 'yon pero wala na akong pakialam. Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang nanginginig kong kamay. Natigilan siya nang bigla akong tumayo. Humalukipkip ako at tumingin nang masama sa kaniya habang patuloy na lumuluha. "Okay, fine! Sige na! Ayaw mo na sa'kin... Sige na, I don't deserve you, I understand! Sa iba na lang ako! Ayoko na sa'yo!" sigaw ko. Mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Alam kong kanina lang ay sinabi ko sa sarili ko na gusto kong bumalik siya sa'kin nang kusa. Pero sa ngayon, idadaan ko na sa sapilitang paraan. Ayoko na talagang malayo siya sa akin. "K-Kate..." Hinablot ko ang bag ko at agad siyang tinalikuran. Padabog na lumabas ako ng silid ni Kaden. Naabutan ko pa ang Black Cross members na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa'kin, mukhang narinig nila ang mga sinabi ko kay Lorden. Hindi ko na lang pinansin 'yon at agad na umalis. Imbis na sa bahay, kina Denise ako dumiretso. Halatang nagulat pa siya nang makita akong nagpunta sa bahay nila. "Kate... Bakit ka biglang napabisita?" tanong ni Denise saka pinaupo ako sa couch saka tumabi sa akin. Napalunok na lang ako at nahihiyang tumingin sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang namumugto ang mga mata ko. "A-ano'ng nangyari, Kate? Sinong umaway sa'yo at bibigwasan ko!" asik niya saka inangat ang kamao niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka humawak sa braso ko. "M-may hihingiin sana akong pabor sa'yo, Denise." "Sure na sure naman, Kate... Ano ba 'yon? Kahit ano pa 'yan." I gulped once again. "C-can you do a makeover on me? I mean... I-I want to look sexier. P-pupunta ako sa bar ni Cad mamayang gabi," bulong ko. Napakurap si Denise. "Huh? Bakit?" I played with my fingers. "I-I just need to..." I murmured. Denise sighed and tapped my shoulder. "I can do that for you, girlie... But are you sure? Hindi ka comfortable magsuot ng mga sexy clothes, 'di ba?" tanong niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "T-this is the only way I know..." I told her my plan. Halatang nagulat siya, pero pumayag din. Parang na-excite pa. Pagsapit ng gabi, agad akong inayusan ni Denise. Kinakabahan ako buong oras, pero maganda naman ang naging outcome. She made me wear a red spaghetti strap bodycon dress. It was... really short. My cleavage is showing... It made me hesitant for a moment... but I remembered Lorden. "Oh my..." Napatakip si Denise sa bibig niya habang nakatitig sa akin. "Hindi ka na mukhang innocent angel... Daring angel na! OMG! You're so hot!" Napapakamot na lang ako sa batok ko habang panay ang picture ni Denise sa akin. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin... Halos hindi ko rin nakilala ang sarili ko. Napabuga ako ng hangin saka kinuha ang sling bag ko. Nagpasalamat ako kay Denise bago ako umalis. Dumiretso agad ako sa bar ni Cad... Gusto ko kaagad mapaatras. Nasabi naman sa'kin ni Denise na mahigpit ang security sa bar ni Cad at hindi rin tino-tolerate ang harrassment, pero kinakabahan pa rin ako. Napapatingin sa akin ang iba. Lalo akong na-conscious... Siguro hindi bagay sa akin ang ganito. Napailing na lang ako at umupo sa counter. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa sling bag at in-open ang camera. Nahihirapan pa akong itapat 'yon sa sarili ko dahil nanginginig ang mga braso ko. I just looked at the screen and smiled awkwardly. I made sure that the dress I'm wearing is visible. I immediately sent it to Markus' number and told him to show it to Lorden. He even sent a laughing emoji at me. Markus: Okay, I'll show this to him, but Lorden will surely kill me for this. Why do you have to send me this? I still love my life. LOL. Napakurap ako... LOL? Napailing na lang ako at tinapik-tapik ang mga hita ko. Wala pang respond si Markus... Wala bang effect kay Lorden 'yon? Pero sabagay... hindi siya magseselos dahil wala naman akong kasamang lalaki. "Hi, pretty miss..." Natigilan ako nang may lalaking tumabi sa'kin. Nataranta ako at agad na kinuha ang cellphone ko. Halatang nagulat ang lalaki nang basta ko na lang siya hinila saka kinuhanan kami ng picture. I looked at the guy after that and smiled apologetically at him. He looked quite handsome. He seems friendly too. "S-sorry... Pwede ko bang i-send sa ano... sa gusto kong pagselosin?" tanong ko. Napangisi ang lalaki saka kinuha ang cellphone ko. "We should take a better picture if you want him to get jealous, pretty miss." Napapitlag ako nang umakbay sa akin ang lalaki saka tinapat sa amin ang camera. Ngumiti siya roon. Kahit naiilang, ngumiti na lang din ako. Inabot na niya sa'kin ang cellphone ko pagkatapos. "T-thank you," bulong ko na lang. Agad ko namang s-in-end 'yon kay Markus at sinabing ipakita niya kay Lorden. Natigilan ako nang umupo ang lalaki sa tabi ko. He even smiled at me. "Do you mind if I'll order a drink for you?" Hindi ako sumagot at napatungo na lang. Nahiya naman ako bigla... Parang gusto ko na umalis. Pero pumayag siyang mag-picture kaming dalawa, ayoko naman maging rude. "Okay... I'll order a light drink for you since you seem to be a first-timer here." Hindi na lang ako nagsalita dahil um-order na siya para sa'kin. Naiilang ako dahil nakatitig lang siya sa akin... Mukhang okay naman siya, pero hindi lang ako komportable. Inabot niya sa'kin ang drinks ko. Tipid na ngumiti na lang ako at tinanggap 'yon at uminom nang kaunti para naman hindi nakakahiya. Inilapag ko na lang din agad saka napahawak sa braso ko. "Uhm... S-salamat. Aalis na 'ko," bulong ko na lang saka agad na tumayo. Humawak naman siya agad sa kamay ko. "Wait... Pwede bang sumayaw muna tayo kahit saglit?" nakangiting tanong nito. Marahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "H-hindi kasi ako komportable—" "Come on, don't be a killjoy. Saglit lang naman, e." Nahila niya ako sa dance floor. Di hamak na mas malakas siya sa'kin kaya hindi ako nakalayo. Napasinghap ako nang humawak siya sa magkabilang baywang ko saka inilapit ang katawan niya sa'kin. Agad na nagtayuan ang mga balahibo ko. "S-Sir... A-aalis na 'ko," bulong ko saka pilit na itinulak ang dibdib niya. Napasinghap ako nang bumaba ang kamay niya, papunta sa balakang ko. Pilit kong itinulak ang dibdib niya nang bumaba pa iyon. "You know Lorden Levesque... right?" Natigilan ako sa tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin saka mas inilapit ang katawan ko sa kaniya. "Should I just f**k and kill his b***h, then kill him next?" Mas lalo siyang napangisi. "Totoo ba 'yung nabalitaan kong nasiraan na ng bait si Levesque? Ano? Totoo bang mahina na siya ngayon?" Nanginig ang buong katawan ko. Pilit ko siyang itinutulak pero masyado siyang malakas. Namuo ang luha sa mga mata ko dahil sa takot... pero natigilan na lang ako nang may humila sa braso ko palayo sa lalaki. Inilagay ako nito sa likuran niya... likod pa lang alam ko na kung sino. Napahikbi ako nang tumingin siya sa akin. My heart skipped a beat, out of relief. Lorden's jaw clenched, his green eyes went bloodshot, especially when he saw my tears. Muling ibinaling ni Lorden ang tingin sa lalaki. "What the f**k did you just do?" malamig na tanong nito sa lalaki. Natigilan ang lalaki habang halos nakatingala na kay Lorden, dahil siguro 'di hamak na mas matangkad si Lorden sa kaniya. Halata sa mukha nito ang takot nang makita ang galit na galit na mga mata ni Lorden. "Kate, don't look," bulong ni Lorden. Hindi ko sinunod ang sinabi niya... Napasinghap na lang ako nang basta na lang hinablot ni Lorden ang damit ng lalaki at buong lakas itong sinuntok sa mukha saka sinipa nang malakas sa sikmura dahilan para tumalsik ito hanggang sa counter. Pinatunog ni Lorden ang mga buto sa daliri. "I'll f*****g kill you, asshole."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD