Chapter Eight

2498 Words
"Ikaw ang nagluto nito?" nakangiting tanong ko kay Lorden. Lalong namula ang mukha ni Lorden. He smiled at me and nodded. I held his hand and tiptoe to kiss him on his cheek. That made his cheeks redder. Halata pang nataranta siya nang bahagya at ipinagtulak na lang ako ng upuan. He even guided me to sit. "Thank you, Lorden," I said and smiled sweetly at him. I looked at the plate. He cooked fried rice and egg for me. Amoy pa lang, masarap na. Mas lalo akong napangiti. Talagang gumising siya nang maaga para lang maipagluto ako. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula noong sinabi niya sa'kin na crush niya raw ako. Ever since that day, he never failed to show me his affection. He was always making an effort for me. Kahit wala siyang naaalala, hindi ko pa rin maiwasan na kiligin sa mga ginagawa niya. Sana lang magtuloy-tuloy ito kahit kapag bumalik na ang alaala niya. "Kate... Masarap ba?" tanong ni Lorden habang titig na titig sa'kin, tila excited sa isasagot ko. Ngumiti ako at nag-thumbs up sa kaniya. Napangiti si Lorden, kulang na lang mangislap ang mga mata sa sinabi ko. Nag-iwas na lang siya ng tingin at nagsimula na ring kumain. Ganadong kumain na si Lorden. Napapangiti na lang ako sa tuwing mapapatingin sa kaniya. Napapatingin din naman siya sa'kin saka napapangiti, pero namumula rin kaagad at tila nahihiya. Pagkatapos naming kumain, agad na ring hinugasan ni Lorden ang mga plato. Nagpresinta ako, pero agad niya 'kong pinigilan. Gustong gusto niya akong pagsilbihan. Sinabi ko na sa kaniya na hindi niya naman kailangang gawin 'yon, pero mapilit siya kaya hinayaan ko na lang. Mukhang gusto rin naman talaga niyang ginagawa ang mga 'to. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Natigilan pa ako nang makita ang pangalan ni Zevero sa caller ID. Isa siya sa mga tao na hindi ko inaasahang tatawag sa akin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at sinagot na ang tawag niya. "H-hello? Zevero?" Nakita kong napatigil si Lorden sa paghuhugas at agad na lumingon sa'kin. "Sino 'yan, Kate?" "Uhm... Best friend mo?" sagot ko, na patanong din. Lorden tilted his head slightly and stared at me with confusion in his eyes. I was confused too. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang best friend niya sa feroci. Almost everyone is claiming that they were Lorden's best friend. "Kate... When can I finally meet with Lorden?" biglang tanong nito. Napangiwi ako sa tanong niya... Oo nga pala, hindi pa nila nakikita si Lorden, si Rivero at Draxon pa lang. Lumayo ako kay Lorden saka nagtungo sa kuwarto para doon kausapin si Zevero. "Is he still not ready yet? I thought you were taming him or something?" tanong pa nito. "Uhm... S-sige, susubukan kong kausapin si Lorden. Sasabihan ko kayo agad kapag sa tingin ko, handa na siyang magtiwala sa iba maliban sa akin," sabi ko na lang. "Okay. Thanks." Binaba na rin agad ni Zevero ang tawag. Napapitlag ako nang pumasok sa kuwarto si Lorden. Umupo siya sa kama, sa tabi ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko. "Kate... Sino 'yung kausap mo kanina? Lalaki ba 'yun?" tanong niya. Bahagyang naningkit ang mga mata niya. I found it cute. I just chuckled and lightly smacked his chest. "Yes, he's a guy... but he's your friend—or best friend." "Wala naman akong best friend kundi si Rivero at Miriana lang. Kung sino man 'yang kausap mo, nagsisinungaling lang 'yan," nakakunot-noong sabi niya pa. Natawa na lang ako saka humawak din sa kamay niya. "Kaibigan mo talaga sila, Lorden. Matagal ka na nila gustong makita... Hindi ka pa rin ba handa na magpakita sa kanila? Ayos lang kung hindi... sasabihin ko kaagad sa kanila. Napalunok si Lorden saka napaiwas ng tingin sa'kin. "M-may tiwala ako sa'yo, Kate. Nagtitiwala ako sa sinasabi mo na kaibigan ko sila," bulong niya... kahit pa halatang ayaw niyang magtiwala sa iba. Napangiti na lang ako saka marahang hinaplos ang kamay niya. "Kung hindi ka pa handang makita sila, naiintindihan ko, Lorden. Huwag mong pilitin ang sarili mo para sa'kin." Lumunok muli si Lorden saka pilit na tinapangan ang mukha. "H-handa na ako, Kate." Mapait na napangiti ako habang nakatitig sa kaniya... Nakakaalala man siya o hindi... iisa pa rin talaga siya... Ano man ang kalagayan niya, ako pa rin ang nasa isip niya. Ako pa rin ang inaalala niya. Napangiti na lang ako at hinaplos ang pisngi niya saka umiling. "Hindi ka pa handa... Okay lang sa akin, Lorden. Kung kailan ka handa... Doon ka makipagkita sa kanila," sabi ko na lang saka dinampian ng halik ang pisngi niya. Namula ang mukha niya. Hindi na siya nagsalita pa at yumakap na lang sa akin. Gumanti naman ako ng yakap saka napapikit. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya palagi. I may sound too reliant on him, but I don't care anymore... I just know I could never live happily without him, and I don't mind. He's my comfort and my happiness. * * * "Good night, Kate." Kinumutan ako ni Lorden saka humalik sa noo ko bago tumayo. Napasimangot na lang ako saka agad na humawak sa kamay niya. Halatang natigilan naman siya sa ginawa ko. "Bakit, Kate? May kailangan ka pa ba?" tanong niya saka muling humiga sa kama. I tapped the space beside me. "Dito ka na kasi sa tabi ko matulog." Napasinghap si Lorden sa sinabi ko. "K-Kate, hindi pwede 'yun. 'Di ba sa mag-asawa lang 'yun? Saka na tayo magtabi kapag kasal na tayo," sabi na lang niya. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. I'm dying to know what this version of Lorden's reaction would be if he discovered that he asked me to be his w***e the first time we met. Nagawa na naming magtalik kahit wala pa kaming isang araw na magkakilala. "B-bakit tumatawa ka lang diyan? Seryoso ako rito, Kate. Hindi pwede muna... Okay?" tanong niya pa. Napabuga ako ng hangin. "Wala naman tayong ibang gagawin. Yayakapin lang kita... Sige na, hmm?" Napatitig sa akin si Lorden. Tila nag-iisip siya nang maigi. Napakagat siya sa ibabang labi at tumango. "O-okay... pero pwede rin ba kitang yakapin?" tanong niya. Namula pa ang mukha. Napangiti ako at agad na tumango. "Oo naman... Halika na." Napalunok si Lorden saka humiga sa tabi ko. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na yumakap sa kaniya. Natawa na lang ako nang mapansin na tila nanigas siya sa ginawa ko. Naramdaman ko pa ang paglunok niya. "Huy, kalma ka lang, Lorden," natatawang sabi ko na lang. Tumingin siya sa akin, mas lalong namula ang mukha. "K-kalmado naman ako," bulong na lang niya. Tumango na lang ako kahit mukhang hindi naman siya kalmado. Puimikit ako saka mas lalong yumakap sa kaniya. Humawak na lang si Lorden sa braso ko saka marahang hinaplos 'yon. Ang bilis ng t***k ng puso ko, pero pakiramdam ko kalmado rin ang sistema ko... Hindi ko maipaliwanag. Ganoon ang dulot sa'kin ni Lorden. Tumagilid si Lorden, nakaharap sa akin. I smiled and hugged him tighter. I immediately buried my face on his neck. His smell became different. He was using my soap and perfume. Hindi na niya kasi nagagamit ang dati niyang pabango... but I still like it nonetheless. His natural scent still lingers in my nose. Lorden embraced me too. "Kate... Hindi ko alam kung bakit ang gaan agad ng loob ko sa'yo noong una palang kita nakita." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Talaga? Pero hinampas mo kaya ako no'n," pagbibiro ko. Namula ang mukha niya sa sinabi ko. "S-sorry... Natakot lang talaga ako. Huwag kang mag-alala, hinampas ko rin naman ang sarili ko bilang kabayaran sa ginawa ko. Mas malakas pa." Natigilan ako sa sinabi niya... Mukhang ugali niya na talaga ang ganito. Kapag may ginawa siyang masakit sa mga taong mahalaga sa kaniya... pinaparusahan niya ang sarili niya sa mas matinding paraan. "Kate?" Natigilan ako at napatingin kay Lorden. Mukhang lumipad na naman ang isip ko. "Hmm?" Ngumiti ako sa kaniya. "Ano'ng iniisip mo?" "Ikaw," tipid na sagot ko na lang. "Bakit mo pa 'ko iniisip? Nasa tabi mo lang naman ako." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nag-angat na lang ako ng tingin at matiim na tumitig sa kaniya. I touched his cheek and gently caressed it. His tender green eyes stared at me as if I was the most precious gem. "Lorden... Ikaw ang pinakamahalagang tao sa'kin." Natigilan siya sa sinabi ko. Ngumiti na lang ako saka inangat ang sarili ko at dinampian siya ng halik sa pisngi. Hindi nagsalita si Lorden, yumakap lang siya sa akin, tila ayaw akong pakawalan. Sana nga... Sana nga hindi na niya ako pakawalan pa ulit. Sana hindi na siya mawala sa akin. NAGTAKA AGAD AKO pagsapit ng sumunod na araw. Gumising nang maaga si Lorden at naglinis din. Nagtatakang sinusundan ko na lang siya ng tingin habang nagva-vacuum siya ng sahig. "Lorden... Bakit masyado ka yatang aligaga?" tanong ko na lang. Tumingin sa akin si Lorden saka napakamot sa batok niya. "Pupunta rito sina Rivero, pati 'yung mga sinabi mo na kaibigan ko. Napakurap ako sa sinabi niya. "Huh?" "T-tinawagan ko si Rivero gamit ang cellphone mo. Sinabi ko na papuntahin dito ang mga k-kaibigan ko," bulong na lang niya. Natigilan ako sa sinabi niya... Ito ba ang dahilan kaya tinanong niya sa'kin kagabi ang spelling ng pangalan ni Rivero? "Handa ka na ba, Lorden? 'Di ba sinabi ko sa'yo, huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa handa," sabi ko na lang sa malumanay na boses. Ngumiti sa'kin si Lorden at tumango. "H-handa na 'ko, Kate." Simula nang mawalan ng alaala si Lorden, ang dali na niyang basahin para sa akin. Kagaya ngayon, alam kong hindi pa siya handa at kinakabahan pa rin. Kung ang kaharap ko ngayon ay ang Lorden na nakakaalala, malamang kahit manghuhula, hindi malalaman ang nararamdaman niya. Napapitlag naman si Lorden nang tumunog ang doorbell. Agad niyang inimis ang vacuum. Tumingin siya sa akin. "Kate, p-papasukin ko na ba sila?" Ngumiti na lang ako at tumango. Agad namang kumilos si Lorden, akma pang bubuksan niya ang pinto pero agad itong napaatras nang basta na lang bumukas 'yon. Napakurap siya nang bumungad sa kaniya ang Feroci. "Lorden!" Sinugod nila si Lorden. Agad namang umawat si Zevero at lumapit kay Lorden pero pumigil si Remor. "Best friend first," sabi ni Remor at akmang yayakap kay Lorden pero tinulak siya ni Draxon. "Ako ang best friend, mga tanga!" sabi pa ni Draxon saka ngumiti kay Lorden. Pero tiningnan lang naman siya nang masama nito. Tinawanan nina Cadence si Draxon. "Kakapal niyo! Hindi niyo nga kinakausap si Lorden dati!" sabi pa ni Cadence. "Not me... Lagi kaming magkasama ni Lorden," mayabang na sabi ni Zevero. Tumingin sa'kin si Lorden. "Kate, kaibigan ko ba talaga sila?" tanong pa niya, parang naiirita na. Ngumiti ako at tumango. "Mapagkakatiwalaan sila, Lorden. Kaibigan mo sila," sabi ko na lang. Natahimik na lang ang lahat nang lumapit si Zakarius kay Lorden saka tinapik ito sa balikat. Napatingin naman si Lorden sa kaniya, nagtataka. "I'm so happy to see you again, Lorden. I thought... we lost another friend," sabi ni Zakarius, bakas ang lungkot sa boses nito sa huling sinabi na nakakapagtaka. Palagi itong walang emosyon. Pero ngayon, kitang kita na masaya siyang makita si Lorden. Naging seryoso ang mukha nila sa sinabi ni Zakarius. Lumapit sina Cadence kay Lorden saka yumakap. Halatang hindi komportable si Lorden at naguguluhan pa rin, pero hindi naman niya itinulak sina Cadence. "Don't do that again, asshole... If you have a problem, come to us. If your guilt is killing you, we will punish you... J-just please, don't try to kill yourself again," sabi ni Cadence sa seryosong boses saka humigpit ang yakap kay Lorden. Hindi ko alam kung bakit tila naluluha ako habang nakatingin sa kanila. Hindi ko naman nasaksihan ang samahan at pagkakaibigan nila, pero hindi ko alam kung bakit pati ako naiiyak at nadadala sa nasasaksihan. I just let them have time with Lorden and just watched them from a distance. Nararamdaman kong palaging napapalingon sa akin si Lorden, pero ngumingiti na langa ko sa kaniya. "Lorden... Sa maniwala ka man o sa hindi, ako talaga ang best friend mo. Ako 'yung palagi mong kasama," sabi ni Draxon saka umakbay kay Lorden. Napakunot ang noo ni Lorden. "Hindi kita best friend." Nagtawanan sila sa sinabi ni Lorden. Si Cadence halos matumba na kakatawa. "Wala ka pala, e! Ako ang best friend mo, p're. Tingnan mo naman 'tong mukhang 'to." Tinuro ni Cadence ang mukha niya. "Mukhang katiwa-tiwala at harmless, 'di ba? I'm like a ray of sunshine. Gano'n ang mukha ko." Tumitig si Lorden kay Cadence. "Mukha ka ngang tanga, e." Napasinghap si Cadence saka napasapo sa dibdib niya. "s**t! Ang sakit mo naman, pare!" Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Pumasok na lang ako sa kuwarto at kinuha ang wallet ko saka lumabas ng bahay. Mamimili muna ako at hahayaan sila na magkaroon ng oras kasama si Lorden. ILANG ORAS DIN akong nanatili sa mall. Namili na rin ako ng mga stock sa bahay pati ng personal necessities namin ni Lorden. Natigilan lang ako dahil nag-text na sa'kin si Cadence na uuwi na sila, hinahanap na rin daw ako ni Lorden. Agad naman akong bumalik pauwi. Nang makauwi ako, inayos ko kaagad ang mga pinamili ko. Pagkatapos, pinuntahan ko kaagad si Lorden sa kuwarto. Wala kasi siya sa living room. Kinabahan pa ako nang kaunti dahil baka wala na naman siya... pero nangako naman siya sa akin na hindi na niya gagawin 'yon. Napangiti ako nang makita si Lorden na nakaupo sa paanan ng kama. Agad akong lumapit sa kaniya, pero hindi siya nag-angat ng tingin sa'kin. Nanatili siyang nakatingin sa sahig. "Lorden?" Napakunot ang noo ko. Nag-angat ng tingin sa'kin si Lorden. Natigilan ako nang makitang lumuluha siya... at hindi kagaya, tila wala ng buhay ang mga mata niya ngayon. "L-Lorden? Ayos ka lang ba? B-bakit ka umiiyak?" Akmang hahawak ako sa pisngi niya pero agad siyang tumayo. Nanatili siyang nakatitig sa'kin habang lumuluha. "L-Lorden..." "Kate... why am I here? W-why am I here with you?" tanong nito sa paos na boses. Nanghina ang mga tuhod ko. Nanginginig na napaatras ako at napatakip sa bibig ko... Hindi... Sabi ni Markus... isang buwan. Wala pang isang buwan. "L-Lorden..." "Kate... W-why are you being like this? Why are you doing this?" tanong niya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Umiling ako, nag-alpasan na rin ang luha mula sa mga mata ko. "L-Lorden... M-makinig ka muna sa'kin..." Sinubukan kong humakbang palapit sa kaniya pero agad siyang umatras. Mas lalong lumuha si Lorden. "W-why are you still doing this after all the bad things I did to you? Your kindness, your warmth... your love... I-I don't deserve all of it..." Napapikit siya nang mariin at napahagulgol ng iyak. "P-please, just let me punish myself for it. Please, Kate... P-please."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD