Chapter Seven

2542 Words
"Lorden... Okay na ba talaga sa'yo na bumalik sa Manila?" nag-aalalang tanong ko. Tumango si Lorden. "O-oo..." Napangiti ako saka humawak sa kamay niya. Napasinghap at napapitlag naman siya sa ginawa ko. Mas lalo akong napangiti nang bahagyang namula ang mukha niya. Tumikhim na lang siya at hindi na nagsalita pa. He helped me pack my things. I decided that we should go back to Manila immediately. Wala akong masyadong alam dito sa La Union, palagi akong nangangapa sa tuwing mawawala si Lorden. Saka mas maganda na malapit kami sa ibang feroci. Mas madali makalapit ng tulong kapag malapit sila. "Kate... Nakita mo na ba si Miriana? Kilala mo rin siya, 'di ba?" tanong ni Lorden. Nasa bus na kami pabalik sa Manila. Nakahawak lang ako sa kamay ni Lorden dahil baka mawala pa siya kapag nalingat ako. "Oo, kilala ko si Miriana..." Napalunok si Lorden. "K-kumusta na siya?" Napangiti ako saka hinaplos ang kamay niya. "Okay naman siya. Matapang na tao naman 'yon. Saka promise, hindi 'yon galit sa'yo." He just sighed as if my words didn't comfort him. Humawak na lang ako sa pisngi niya saka pinasandal ang ulo niya sa balikat ko. Halatang natigilan siya... Inalis din niya agad ang ulo sa balikat ko. "Ang liit mo, Kate," reklamo niya saka napahawak sa leeg. Napasimangot ako saka mahhinang hinampas ang braso niya. "Ikaw na nga ang pinapahilig ko sa balikat ko, e." Napahawak siya sa batok niya saka namula ang tainga. Humawak siya sa pisngi ko at ako ang pinasandal sa balikat niya. Napangiti ako sa sinabi niya at hindi na lang nagsalita. NAKATULOG PA AKO habang nasa biyahe. Natakot agad ako at napatingin sa tabi ko, pero nakahinga rin agad ako nang maluwag nang makitang nasa tabi ko pa rin si Lorden. Ngumiti siya sa'kin. "Binantayan kita habang natutulog ka, Kate," tila proud na sabi niya. Napangiti ako. "Salamat, Lorden." Namula nang bahagya ang mukha niya. Nag-iwas na lang siya ng tingin sa'kin saka napahawak sa batok niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa bawat reaksyon niya. Ilang oras pa ang nakalipas bago kami tuluyang nakabalik ng Manila. Tahimik lang si Lorden buong oras at nakasunod lang sa akin habang nakahawak naman ako sa kamay niya. Siya naman ang may bitbit ng bag ko dahil nagpresinta siya. "Lorden... May gusto ka bang bilhin bago tayo umuwi?" tanong ko. "W-wala... Saka maghahanap na 'ko ng trabaho. Ako na ang bahala sa sarili ko... pati ikaw ililibre pa kita ng ice cream na gusto mo," tila nagyayabang na sabi niya. Napangiti na lang ako at yumakap sa braso niya. Nakita kong mas lalo lang siyang namula at nahiya, pero hindi naman ako tinulak palayo. Umuwi na lang muna kami para makapagpahinga na rin. Panay ang tingin ni Lorden sa bahay nang makauwi kami, tila namamangha dahil sa laki ng bahay. Napangiti na lang ako at gusto sanang sabihin na sa kaniya naman galing ito, pero hindi ko na lang sinabi. "Kate, sobrang mayaman ka ba?" tanong ni Lorden habang panay ang sunod sa akin. Napaisip ako. Noong huling beses na sinabi kong siya ang mayaman, hindi naman siya naniwala sa akin. "Uhm, you can say that..." Lorden went silent for a moment... "Kung gano'n, mga mayayaman din ang nanligaw sa'yo?" Natawa na lang ako. "Wala namang nanligaw sa'kin." Napakunot ang noo niya. "Ewan ko sa'yo, Kate. Nagkukunwari ka pa talaga." "Totoo naman ang sinabi ko, Lorden. Walang nanligaw sa'kin." Natahimik na naman siya. Hindi ko na talaga matukoy kung ano'ng pumapasok sa isip niya. Tinulungan niya na lang akong ayusin ang mga gamit ko. Panay ang tingin niya sa mga paintings ko, pero natigilan siya nang mapatingin sa dalawang painting. Painting niya na natutulog, at painting namin na naghahalikan. Napasinghap si Lorden at nanginginig ang kamay na itinuro ang painting na 'yon. "K-Kate... A-ano 'yon?" Natawa ako. "Painting." "A-ako ba 'yon? P-pero bakit ka naman magpe-paint ng ano... n-nagki-kiss tayong dalawa?" Mas lalong pumula ang mukha ni Lorden. "Uhm, ibang tao 'yan," pagsisinungaling ko na lang. Hindi ko pa maipaliwanag sa kaniya nang ayos ang tungkol sa amin dati. Napatango na lang si Lorden. Hindi ko alam kung nakahinga ba siya nang maluwag o disappointed. "Pero ito, ikaw talaga 'to," sabi ko na lang saka itinuro ang painting niya na natutulog... Ang kauna-unahang beses na ipininta ko si Lorden. Napangiti na lang ako nang maalala ko 'yon. Hindi ko inaasahan ng mga oras na 'yon na magiging malaking parte si Lorden ng buhay ko. Alam ko na kapag bumalik ang alaala niya, sisisihin at sisisihin niya pa rin ang sarili niya sa nangyari sa akin kahit ano'ng sabihin ko... kahit pa sabihin ko sa kaniya na dahil sa kaniya, naranasan ko maging masaya at malaya... sisisihin niya pa rin ang sarili niya. "Kate?" Natigilan ako at napalingon kay Lorden. I just smiled at him when I saw his confused face staring at me. "Hmm?" "M-may problema ka ba?" tanong niya, tila nahihiya pa. "Wala naman. Nandito ka na kaya wala na 'kong problema... Kaya dapat palagi kang nasa tabi ko." Hinawakan ko ang kamay niya. Bahagyang namula ang mukha niya, saka tumango. "O-okay." Nag-ayos na lang ulit kami ng mga gamit. Pagkatapos no'n, ipinagluto ko na si Lorden. Kumain muna kami bago ko siya nilibot sa buong bahay. . "Ito ang mga damit mo, Lorden." Napasinghap si Lorden nang makita ang maraming damit na nasa wardrobe niya. Wala naman talaga ang mga damit na 'to rito, pero kinuha ko ang mga damit ni Lorden sa dati naming tinuluyan pati na rin sa unit niya at inilagay rito... kahit noong panahon na akala namin patay na siya. "Kate, parang hindi naman sa'kin 'to. Tingnan mo, oh." Kinuha niya ang suit na nakasabit. Natawa na lang ako. "Pangtrabaho mo lang 'yan. Ito naman ang mga sinusuot mo kapag nasa bahay lang," sabi ko saka itinuro ang mga plain t-shirts at sweatpants na maayos na nakatiklop. "Wow, ang dami naman nito," tila namamangha pa ring sabi niya. Lumabas na kami ng silid. I showed him the gym in the house. "Dito ka magwo-workout kung gusto mo. Palagi kang nagwo-workout noon," sabi ko na lang. Humawak si Lorden sa braso niya. "Kaya pala ang laki na ng muscle ko... Kate, gusto mo ba sa lalaki 'yung gano'n?" biglang tanong niya. Natawa bigla ako sa tanong niya. Humawak ako sa baba ko at kunwaring nag-isip. "Hmm... Pwede naman..." "Ano bang klaseng sagot 'yan?" bulong niya. Natawa na lang ako saka dinala siya sa library. Pinagawan din talaga ni Lorden ng library ang bahay na 'to, siguro dahil alam niyang mahilig ako magbasa. Halos lahat ng gusto ko, ipinagawa niya sa bahay na 'to... tapos bigla niya akong iniwan at tinangkang magpakamatay... Siguro hindi niya naisip na hindi naman ako sasaya nang tuluyan kung wala rin siya sa tabi ko. "Ang daming libro... kaso hindi naman ako marunong magbasa," bulong niya. Lumingon siya sa akin. "Kate, ayaw mo ba sa lalaking hindi marunong magbasa?" tanong niya pa. Natawa ako saka humawak sa kamay niya. "Walang kaso sa'kin 'yon. Pwede ko namang turuan, e." "Ako? Pwede mo 'kong turuan?" tanong niya. Hinila ko siya paupo sa malapit na couch. Kumuha ako ng isang libro, Filipino book muna, saka umupo sa tabi niya. Napaupo naman nang tuwid si Lorden, tila kinakabahan pa. "Okay, basahin natin 'to..." Binuklat ko ang libro. Call Me Mayor ang title niya. Pero napasinghap na lang ako dahil s*x scene agad ang bumungad sa akin. Napailing na lang ako at agad na isinara 'yon. "Huwag na pala 'to," sabi ko na lang saka ibinalik 'yon sa shelf. Pumili ako ng ibang libro saka bumalik ulit sa tabi niya. Nagsimula akong turuan siyang magbasa, ginagaya lang naman niya ang mga pinapabasa ko, pero mukhang matalino talaga siya kaya mabilis niyang naaalala ang mga tinuturo ko. "Lorden... Mamimili lang ako. Sama ka?" tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa sinabi ko saka tumango. Agad kaming bumalik sa kuwarto, kinuha ko ang wallet ko bago kami lumabas. May mga kotse rito pero hindi ako marunong magmaneho. Balak ko namang aralin, pero mas komportable ako kapag nagco-commute sa ngayon. "Kate... Ano'ng trabaho mo?" tanong ni Lorden habang nasa tricycle kami. Napangiwi na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Mukhang maling ideya na sumakay kami ng tricycle. Masyadong maliit para sa kaniya, pero hindi naman siya nagrereklamo. "Hmm... nagkokomisyon ako minsan sa pagpinta o pag-drawing, pero nag-aaral ako sa ngayon," paliwanag ko na lang. Napasinghap siya. "Nag-aaral ka? Wow..." Napangiti ako saka humawak sa kamay niya. "Gusto mo rin bang mag-aral?" Namula ang mukha niya sa tanong ko. "H-huh? Bakit mo 'ko tinatanong niyan?" "Kung gusto mo mag-aral, e, 'di pag-aaralin kita. Marami naman akong pera," sabi ko na lang. "H-hindi na, 'no. Kaya ko na 'yung sarili ko sa gano'n," bulong niya saka napaismid. Nakasunod lang siya sa akin habang nakahawak ako sa kamay niya nang makarating kami sa mall. We immediately went to the grocery store to buy stocks and personal necessities for him. I even bought new clothes for him and let him choose. "Kate, kapag may trabaho na 'ko, ikaw naman ang ililibre ko," sabi ni Lorden habang bitbit ang mga pinamili namin. Ngumiti na lang ako. "Sige, aasahan ko 'yan." Nagtingin-tingin na lang ulit kami ng pwedeng bilhin. Napatigil kami sa tapat ng cotton candy stall. Agad akong nilingon ni Lorden. "Gusto mo ba ng cotton candy, Kate?" tanong niya. Napangiti ako saka tumango. "Gusto mo rin ba—" Napakurap na lang ako nang mabilis na umalis si Lorden at lumapit sa stall para bumili. Agad din siyang lumapit sa'kin matapos bumili saka hinila ako paupo sa may food court. Pinaupo niya ako roon saka inabot sa akin ang cotton candy. Napangiti ako at kinuha 'yon saka kumurot at kinain. Mas lumapit ako kay Lorden saka kumurot ulit ng cotton candy at inilapit sa labi niya. Natigilan naman siiya sa ginawa ko. "Para sa'yo lang 'yan, Kate." "Mas gusto ko ng may ka-share. Sige na," sabi ko na lang saka mas inilapit sa labi niya ang cotton candy. Bahagyang namula ang mukha ni Lorden at isinubo na lang 'yon. Napangiti ako saka bahagyang kinurot ang pisngi niya. Napaismid naman siya, pero namumula pa rin ang tainga. Natigilan siya nang mapatingin sa bilihan ng inumin. Binaling niya ulit ang tingin sa'kin. "Kate... Ano'ng gusto mong inumin?" tanong niya. "Tubig na lang." Lorden didn't waste time. He immediately stood up and bought a bottle of water. Umupo ulit siya sa tabi ko pagkatapos at inabot 'yon sa akin. "Kate, gusto mo ba sa lalaki 'yung mabait sa'yo at pinagsisilbihan ka?" tanong niya habang nakatitig lang sa akin. Natawa naman ako. "Gusto ko sa lalaki 'yung hindi aalis sa tabi ko." Napasinghap siya sa sinabi ko. "Iyon lang? Ano pa ang gusto mo sa lalaki?" Napahawak ako sa baba ko. "Hmm... Dapat marami siyang tattoo sa katawan, dapat 6 feet and 4 inches ang height niya, dapat kulay green ang mga mata niya, magaling bumaril, masungit sa iba pero mabait sa'kin... tapos mahal na mahal ako," sabi ko na lang saka ngumiti sa kaniya. Lorden's forehead creased. He slightly tilted his head as if he was thinking what I was talking about. "Grabe naman ang gusto mo sa lalaki," bulong niya. Natawa na lang ako saka muling kumurot sa cotton candy at sinubuan siya. Pagkatapos namin kumain ng cotton candy, naglibot-libot na ulit kami sa mall. "Anong pa'ng gusto mong bilhin, Lorden?" tanong ko saka ngumiti sa kaniya. "Wala na," bulong na lang niya. "Kate!" Natigilan ako nang marinig ang boses na tumawag sa'kin. Napangiti na lang ako nang makita ang kaklase ko sa art school na si Milan. Agad siyang lumapit sa akin. "Kate, ang tagal mong nawala, ah. Nag-alala ako... Bakit ang dami mo ng absent?" tanong nito. Napahawak na lang ako sa batok ko. "Nagpaalam naman ako. May inaasikaso lang ako sa ngayon." Napatango na lang si Milan. Natigilan siya at napatingin kay Lorden na nasa tabi ko. Binaling niya ulit ang tingin sa akin. "Kuya mo ba siya, Kate?" "Uhm... H-hindi," sabi ko na lang saka awkward na ngumiti. "Ah, tito mo?" tanong pa niya. Napangiwi ako sa tanong niya. Tumingin ako kay Lorden na nakatingin lang nang masama kay Milan. "Tanga ka ba? Mukha bang tito niya 'ko?" sarkastikong sinabi ni Lorden. Napasinghap ako saka marahang hinampas ang braso ni Lorden. "Lorden, ano ka ba?" bulong ko sa kaniya. Napakamot si Milan sa batok niya. "Ahh... Sorry p-po?" Tumingin sa akin si Milan. "May boyfriend ka na pala, Kate. Sorry." Hindi ko na itinama ang sinabi niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Okay lang... Sige, mauuna na kami ha." Hinawakan ko na lang ang kamay ni Lorden saka hinila siya palayo roon. Mukha na kasi siyang manununtok. Natigilan kami nang makasalubong ko naman si William, kaklase ko rin sa art school. Agad akong binati nito at halos hindi na maipinta ang mukha ni Lorden. "Kate! Tagal ka naming hinanap, ah. Tagal mong absent, tapos 'di ka pa sumasagot sa text at tawag namin," tila nagtatampong sabi pa nito. "Ah, m-may inasikaso lang ako... Mauna na kami, ha." Hinila ko na ulit si Lorden palayo. Pasimple akong napapatingin kay Lorden hanggang sa makauwi kami dahil halatang nawala siya sa mood. "Lorden, gusto mo bang ipagluto kita?" tanong ko. Humawak si Lorden sa palapulsuhan ko, seryosong nakatingin sa akin. "Marunong naman ako magluto, Kate. Ipagluluto na kita simula ngayon." Napakurap ako. "Wala namang kaso sa'kin magluto. Kahit ako na." Napakunot ang noo ni Lorden. "Akala mo siguro hindi ako marunong. Lumaki ako na kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Bata pa lang, marunong na 'ko magluto," sabi na lang niya. Ngumiti ako. "Alam ko namang kaya mo... pero gusto ko namang magluto para sa'yo, e." Napasimangot si Lorden saka napatungo. "Kate..." Umupo ako sa tabi niya saka humawak sa kamay niya. "Hmm? Bakit? May bumabagabag ba sa isip mo?" "Sabi mo ako lang ang lalaki sa buhay mo... Pero ang dami naman pala. Ang dami rin nagkaka-crush sa'yo." Napakurap ako. "Hindi naman nila ako crush, Lorden. Kaklase ko lang sila." "Alam kong crush ka nila. Sigurado ako... May crush ka rin ba sa kanila, Kate?" tanong niya. Natawa ako saka umiling. "Wala akong crush sa kanila." Napabuga ng hangin si Lorden saka humawak sa batok niya. "K-Kate, ang totoo niyan, m-may crush ako sa'yo... Crush na crush na kita. Kaya ayaw ko na may iba kang crush." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit tila kumirot ang dibdib ko, tila may humaplos din sa puso ko. Mapait na ngumiti ako nang maalala ang una naming usapan tungkol sa crush na 'yan... Tila bumabalik lahat sa alaala ko. "Kate, ano ba ang dapat kong gawin para maging crush mo rin ako? Gagawin ko lahat para maging karapat-dapat sa'yo," seryosong sabi niya saka humawak din sa kamay ko. Pinigilan kong mapaluha. Humawak ako sa pisngi niya saka napangiti. Inangat ko nang bahagya ang sarili saka humalik sa pisngi niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Namula ang mukha niya at gulat na napatingin sa akin. Ngumiti ako saka hinaplos ang pisngi niya. "Kung talagang crush mo 'ko... Huwag mo 'kong iwan... Kahit ano'ng mangyari... Huwag mo 'kong iiwan, Lorden."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD