Chapter Six

2582 Words
I immediately panicked when I woke up without Lorden on the bed. Hindi ko alam kung bakit tinakasan niya na naman ako... Akala ko ayos na kami kahapon... na may tiwala na siya ulit sa akin. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na lumabas. Napakagat ako sa kuko ko at napatingin sa pangalan ni Rivero sa contacts ko. Sinabi niya sa akin na tawagan ko siya kapag may problema... pero nahihiya ako at kinakabahan. Baka isipin niya na hindi naman pala ako nakakatulong kay Lorden. Natigilan ako nang mapatingin sa bench na nasa gilid, sa ilalim ng malaking puno. Natigilan ako nang makitang nakaupo roon si Lorden, nakayakap sa mga tuhod niya habang nakatitig sa sahig. Tila nakahinga naman ako nang maluwag. Agad akong lumapit sa kaniya saka umupo sa tabi niya. Halata namang natigilan siya saka napatingin sa akin. I smiled at him. "Good morning, Lorden." "G-good morning," bulong niya saka muling tumitig sa sahig. "Bakit ka nandito? Kumain ka na ba? Baka nagugutom ka na... ipagluluto kita," sabi ko na lang. Hindi nagsalita si Lorden at nanatiling nakatitig sa sahig. Natigilan ako nang mapansing may namumuong luha sa mga mata niya. "L-Lorden..." Hindi ko alam ang sasabihin. Gusto kong mapagaan ang loob niya, pero hindi ko alam kung paano. "Kate... s-sabi ni Rivero, wala na raw si Tita Mirasol," bulong niya saka napakapit nang mahigpit sa mga tuhod niya. "H-hindi niya sinasabi sa'kin... p-pero sigurado akong kasalanan ko." Tuluyang napaluha si Lorden. Naramdaman kong nanlalabo na rin ang paningin ko nang makita siyang lumuluha at nasasaktan. "W-wala na 'kong mukhang ihaharap kay Miriana... S-sigurado ako na galit na galit siya sa'kin. Sa lahat ng ginawa ko... pinahamak ko lang ang mga taong mahalaga sa'kin." Mas lalong nanginig ang mga kamay niya. "L-Lorden... H-hindi... Hindi galit sa'yo si Miriana." Humawak ako sa nanginginig niyang kamay. "D-dahil sa'kin, naghirap si Rivero sa kamay nina Resty. Binenta siya ni Mama—ni Lerona... t-tapos ako pa ang naghatid sa kaniya roon. H-hindi lang sinasabi ni Rivero, pero alam kong pinagmalupitan din siya roon at pinilit na magtrabaho at pumatay ng tao... T-tapos si Tita Mirasol... G-gusto niya lang akong iligtas, pero ipinahamak ko siya... K-kasalanan ko lahat... K-kasalanan ko..." Nanginginig ang mga kamay na napatakip siya sa magkabilang tainga niya habang nakatitig sa sahig at patuloy na lumuluha. Tuluyan na rin akong napaluha habang nakatingin sa kaniya... Kung ganoon... ito ang bigat na dinadala niya sa dibdib niya... Idagdag pa na sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin. Kaya pala... kaya pala ginusto niyang sukuan ang buhay at kalimutan ang lahat. "K-Kate... Wala akong ibang ginawa kundi ipahamak ang mga taong mahal ko... K-kasalanan ko..." Agad kong inalis ang mga kamay niya sa tainga niya saka hinawakan ang mga 'yon. Hinila ko siya para yakapin. Kahit nanghihina, nag-angat siya ng mga kamay at yumakap din sa akin. Humagulgol siya ng iyak sa leeg ko. Napatakip ako sa bibig ko at tahimik na umiyak... Bago siya nawalan ng alaala, bago niya sinubukang magpakamatay... hindi niya pinaparinig sa akin ang ganitong iyak niya, hindi niya ipinapakita sa akin kung gaano siyang nasasaktan. "L-Lorden... S-sige lang, umiyak ka lang sa'kin... Okay lang maging mahina... Umiyak ka lang, hmm? Nandito lang ako." Hinaplos ko ang likod niya. "Huwag mong isipin na kasalanan mo lahat... H-hindi mo ginusto ang mga nangyari, hindi mo alam na mangyayari ang ganoon... Hindi mo kasalanan. Biktima ka lang din..." Umiling si Lorden saka napakapit nang mahigpit sa damit ko. "K-kasalanan ko... Kasalanan ko lahat." Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatiling ganoon. Napapatingin sa amin ang ilang dumadaan pero wala na akong pakialam pa ro'n. Hinintay kong kumalma si Lorden at tumahan. Natigilan ako nang kumalas din siya sa akin. He avoided my gaze and wiped his tears. I smiled faintly while staring at him. Somehow, it was a good thing that he lost some of his memories... Kung ang kaharap ko ay ang Lorden na nakakaalala, malamang hindi niya sasabihin sa akin ang bigat sa dibidb niya. "Okay ka na ba, Lorden? Huwag kang matakot umiyak sa'kin. Hmm? Magsabi ka lang sa'kin kapag mabigat ang loob mo." Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi sumagot si Lorden, bahagya pang namula ang mukha niya saka bumitiw sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Tumayo na lang siya saka napakamot sa batok. "N-nagugutom na 'ko, Kate." I stood up and held his hand again, I even intertwined our fingers that made him flinch. I smiled at him and nodded. "I'll cook for you... Halika na," sabi ko na lang at hinila na siya pabalik sa hotel. Tahimik lang kaming pareho nang makarating sa hotel. I immediately started preparing breakfast for us. Lorden was just sitting on the table like a kid while staring at me. I just glanced at him and smiled. "Mabilis lang 'to." Tumango na lang si Lorden at nag-iwas muli ng tingin sa akin. Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon sa niluluto kong breakfast. Pagkatapos kong magluto, agad akong naghain. Napangiti na lang ako dahil nakatitig pa rin siya sa akin. Naiwas lang siya ng tingin kapag titingin ako sa kaniya. "Let's eat..." Tumango na lang si Lorden at nagsimula ng kumain. Pinilit kong iwasan mapatingin sa kaniya, pero hindi ko mapigilan. Napapangiti na lang ako sa tuwing makikita kong tumitingin din siya sa akin. Napakamot na lang siya sa batok niya saka uminom ng tubig. "Ano'ng gusto mong gawin ngayong araw, Lorden? May gusto ka bang puntahan? Pupuntahan natin," nakangiting sabi ko na lang saka umupo sa couch, sa tabi niya. Nanatili siyang nakatingin sa TV. "K-Kate... Bakit ka mabait sa'kin? Bakit mo 'ko inaalagaan?" tanong niya. Napangiti ako saka humawak sa kamay niya at marahang hinaplos 'yon. "Mahalaga ka sa'kin, Lorden... Walang ibang dahilan." Napatungo si Lorden. "K-kahit pabigat lang ako sa'yo?" bulong niya. "Hindi ka naman pabigat sa'kin. Masaya na ako na nandito ka sa tabi ko... Huwag mong isipin na pabigat ka... Ikaw pa ang tumulong sa'kin. Kundi dahil sa'yo, wala sa'kin ang mga meron ako ngayon," nakangiting sabi ko na lang. Saglit siyang natahimik. "K-Kate..." "Hmm?" "Ayaw mo ba sa lalaking walang trabaho?" tanong niya saka tumingin sa'kin. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Napakurap ako sa sinabi niya. "Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" diretsang tanong ko. Namula ang mukha niya. "H-hindi... b-basta, nagtatanong lang ako," bulong niya. "Hmm... Ayos lang naman sa'kin kung walang trabaho," sabi ko na lang, dahil sigurado ako na sarili niya ang tinutukoy niya. Tila hindi naman siya nakampante sa sinabi ko. Nanatili pa rin siyang nakasimangot. "P-pwede ba 'yun? Kahit walang pera 'yung lalaki, okay lang sa'yo," bulong niya. Marahan akong natawa. "Okay lang... may pera naman ako, e." "E 'di parang ikaw na 'yung lalaki no'n?" tanong niya. "Bakit? Hindi mo ba alam na meron ng househusband sa panahon ngayon? Pwede 'yon. 'Yung lalaki ang magbabantay sa bahay at mag-aalaga ng mga anak... tapos 'yung babae ang magtatrabaho," paliwanag ko. Umismid si Lorden. "Wala namang ganu'n, e." Natawa na lang ako. "Bakit mo natanong?" "W-wala lang. Masama ba 'yun? Gusto ko lang itanong," pagsusungit niya pa. Napakamot siya sa batok niya. "Kate, ano'ng gusto mo? Gusto mong pagkain, o kahit ano?" biglang tanong niya saka tumingin sa'kin. Gusto ko sana sabihin na siya lang naman ang gusto ko, pero tinikom ko na lang ang bibig ko at nag-isip ng isasagot sa kaniya. "Hmm... Gusto kong pagkain ano... vanilla ice cream." Tumango-tango na lang si Lorden saka tumingin ulit sa TV. Napangiti na lang ako at pinagmasdan siya. Napapitlag siya nang humawak ako sa kamay niya, pero hindi naman inalis ang pagkakahawak ko. Bahagyang namula ang tainga niya pababa sa leeg, pero wala na lang siyang sinabi. "Lorden... Maliligo lang ako, ha." Tumango na lang si Lorden at nanatiling nakatutok sa TV habang nakayakap sa unan. Napangiti na lang ako at pumasok na sa bathroom para maligo. Natulala na lang ako sa malaking salamin habang dumadampi sa balat ko ang tubig na galing sa shower. Napabuga ako ng hangin saka napahilamos sa mukha ko... Kung iisipin, mas makabubuti nga kay Lorden kung kakalimutan niya na ang lahat. I can just make new memories with him. I will make him happy without him remembering his dark past and negative emotions, especially guilt. Just like Markus, I want him to be finally happy too. But somehow... it pains me knowing that he'll forget everything about us too... our memories, the way we started... Kung papayag ako sa gusto ni Markus... Hindi ba parang tatakasan lang namin ang problema? Paano kung maalis nga ni Markus ang alaala ni Lorden, pero bumalik? Hindi ba mas maganda kung aayusin na lang namin 'to imbis na takasan? Alam kong madaling sabihin, pero mahirap gawin... Alam kong nadala lang ako ng emosyon ko kahapon kaya malakas ang loob kong sabihin na susubukan kong ayusin ang lahat sa loob ng isang buwan... Gusto ko lang din na sumaya si Lorden... Gusto ko lang din na tuluyan na kaming sumaya. Pero mareresolba ba iyon kung buburahin namin nang tuluyan ang mga alaala ni Lorden? I just sighed and shook my head. I took the robe and went out of the bathroom, but I stopped when I saw Lorden wasn't here in the room anymore. Agad akong kinabahan... Tumakas na naman ba siya sa akin?! I didn't waste time. Agad akong nagbihis at kinuha ang cellphone ko at lumabas muna... baka nandoon lang din ulit siya sa labas at nakatambay. Nadismaya ako at mas lalong kinabahan nang makitang wala roon si Lorden. Napakagat ako sa kuko ko. Nanginginig na ang katawan ko at nanlalabo na ang paningin dahil sa namumuong luha. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Cadence, pero hindi siya sumasagot. "Kate!" Natigilan ako... narinig ko ang boses ni Draxon. Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nakasakay si Draxon sa kotse. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya. Sinalubong niya ako ng ngiti pero napawi rin nang mapatingin siya sa mga mata ko. "Kate, is there a problem?" he asked. He seemed worried. "D-Draxon, tulungan mo 'ko... N-nawawala na naman si Lorden. A-ayaw sumagot ni Cadence sa tawag ko... B-baka tumakas na naman siya, o b-baka may kumuha sa kaniya. D-di ba marami siyang kaaway bago siya nawalan ng alaala? P-paano kung may ibang nakakuha sa kaniya at—" "Kate, Kate... Kumalma ka muna..." Agad na bumaba ng kotse si Draxon. Iginiya niya ako papasok sa kotse niya. Tuluyan akong napaluha... Hindi ko na alam ang gagawin. Siguro nga wala pa ring tiwala sa akin si Lorden. Siguro nga wala talagang pag-asa na maayos ko ang lahat sa loob ng isang buwan. Paano ko ba matutulungan si Lorden? Hindi ko na alam. Pinaandar na agad ni Draxon ang sasakyan. "Sisilipin ko lang dapat si Lorden, wala pala akong aabutan," napapailing na sabi niya. "Huwag kang mag-alala, Kate. Mahahanap din natin siya." Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang tawagan si Cadence. Napamura na lang siya dahil hindi rin ito sumasagot sa tawag niya. "That fucker must be fooling around again." Napailing na lang siya. "Ikutin muna natin ang lugar, Kate. Tumingin-tingin ka riyan sa side na 'yan, baka makita mo siya, ako naman dito sa kabilang side," sabi na lang ni Draxon. Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Pakiramdam ko maluluha na naman ako, pero pinilit ko na lang pigilan at hinanap si Lorden. Binagalan naman ni Draxon nang kaunti ang pagmamaneho. Natigilan ako nang matanaw si Lorden sa tapat ng bilihan ng ice cream. Agad akong napaluha. Napapreno naman si Draxon nang buksan ko bigla ang pinto ng kotse. "Kate!" Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-daling bumaba ng kotse at tinakbo ang direksyon ni Lorden. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang nag-aalpasan sa mga mata ko. "Lorden!" Napatingin siya sa akin. Agad siyang napangiti at inangat ang ice cream na hawak niya pero hindi ko na nagawang pansinin 'yon. Agad kong hinampas ang dibdib niya nang makalapit sa kaniya habang patuloy na umiiyak. Halatang natigilan siya sa ginawa ko, pero patuloy akong umiyak at hinampas ang dibdib niya. "N-nakakainis ka! Gaano ba kahirap sa'yo ang huwag akong iwan?! Gaano ba kahirap sa'yo na manatili lang sa tabi ko at huwag mawala?! Bakit bigla kang umaalis nang walang paalam?! Alam mo ba kung gaano ako natakot sa ginawa mo?! Nakakainis ka! A-akala ko nawala ka na naman! Akala ko mawawala ka na naman sa'kin!" Napahagulgol ako ng iyak habang paulit-ulit na hinahampas ang dibdib niya. Napapatingin sa amin ang iba, pero wala akong pakialam. Patuloy akong umiyak habang hinahampas siya. "K-Kate..." Nang manghina ako, yumakap na lang ako sa baywang niya saka ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Halos mabasa na ang damit niya dahil sa mga luha ko pero tila hindi naman niya alintana 'yon. "P-please naman, Lorden... Huwag mo naman ako takutin ng gano'n... P-pwede ba 'yon? Pwede bang huwag ka na lang umalis sa tabi ko?" Humigpit ang yakap ko sa kaniya. Marahang yumakap din siya sa akin. "S-sorry, Kate... B-bumili lang ako ng ice cream para sa'yo. S-saka nagtrabaho ako kanina, namigay lang ako ng fliers tapos babayaran na nila ako ng one hundred pesos kasi mabilis ko naubos. Hindi mo na 'ko kailangang bantayan, kasi magtatrabaho na 'ko simula ngayon... S-sorry kung hindi ako nagpaalam. Hindi naman kita iiwan, e." Napahikbi na lang ako at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya. Umiling ako... "P-paano ako hindi matatakot? P-palagi mo 'kong iniiwan kapag kailangan kita... Palagi kang nawawala... Ang gusto ko lang naman... Huwag mo na 'kong iwan ulit." Marahang humawak si Lorden sa buhok ko saka hinaplos 'yon. "S-sorry, Kate... Hindi na kita iiwan. Promise ko 'yan." Napakagat ako sa ibabang labi ko at mas lalong napaluha... Sana sabihin niya pa rin 'yan kahit makaalala na siya. Natigilan lang ako nang maramdamang humigpit ang yakap sa akin ni Lorden. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya... Nakatingin siya nang masama kay Draxon. Napakurap naman si Draxon saka awkward na ngumiti kay Lorden. "H-hello, p're. Long time no see. Haha." Napakamot si Draxon sa batok niya. Hindi siya pinansin ni Lorden. Bumaba ang tingin sa akin ni Lorden, napakunot pa ang noo. "Sino 'yon?" tanong niya. Napalunok ako. Pakiramdam ko si Lorden na nakakaalala ang kaharap ko ngayon. "S-si Draxon. Kaibigan mo siya." "Oo, p're. Hindi mo lang ako naaalala, pero best friend mo 'ko!" sabi naman ni Draxon. Tiningnan siya nang masama ni Lorden. "Bakit ka ba sumasabat? Hindi naman kita kinakausap." Napangiwi si Draxon. "Sakit, grabe, pero okay lang. Tuloy pa rin ang buhay." Muling tumingin sa'kin si Lorden saka humawak sa pisngi ko. "Kate, ilan ba ang lalaki sa buhay mo? Bakit ang dami?" nakakunot-noong tanong niya. Napakurap ako. "H-huh?" "Wala pa 'kong trabaho at napapatunayan sa ngayon... pero gusto ko ako lang ang lalaki sa buhay mo," seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya saka napalunok. "I-ikaw lang naman talaga ang lalaki sa buhay ko, Lorden." Napangiti siya sa sinabi ko, pero natigilan nang maramdamang tumutulo na pala ang ice cream sa kamay niya. Tunaw na 'yon. Napakamot si Lorden sa batok niya saka nahihiyang ngumiti sa akin. "I-ibibili na lang kita ng bago." Kinuha ko ang ice cream mula sa kaniya saka kinain 'yon. Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat... Favorite ko talaga 'to." Namula ang mukha ni Lorden saka napaiwas ng tingin sa akin. Bigla namang nagsalita si Draxon. "Thank you, ha. Grabe, sa harapan ko pa talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD