"Lorden!"
Naiinis na itinulak ko si Markus. Agad naman siyang humawak sa braso ko para pigilan ako, pero tiningnan ko kaagad siya nang masama at buong lakas na itinulak.
"Sabi nang ipagkatiwala niyo si Lorden sa akin! Ano ba'ng hindi niyo maintindihan doon?!" asik ko. "Kapag nakaalala na siya, kahit na gaano ako nagpapasalamat sa mga ginawa niyo para sa amin, isusumbong ko talaga kayo! Sasabihin ko sa kaniya na wala kayong ginawa kundi paglayuin kami at pahirapan ako!"
Bahagyang napaatras sina Markus sa sinabi ko. "Kate... This all for Lorden—"
"Ayoko nang makinig sa inyo! Lubayan niyo kami ni Lorden! Kapag sinubukan niyo ulit kaming guluhin, malalagot talaga kay kay Lorden kapag nakakaalala na siya!"
Hindi ko na sila hinintay sumagot at agad na hinabol si Lorden na nakasakay na ng elevator. Naiinis na napasabunot ako sa buhok ko saka ginamit ang isa pang elevator. Napapakagat ako sa kuko ko habang nasa loob. Hindi ko yata kakayanin kung mas lalo pang hindi magtitiwala sa akin si Lorden.
Agad akong bumaba ng elevator nang makarating sa ground floor. Naabutan ko si Lorden na tumatakbo palabas ng hotel. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad siyang hinabol.
"Lorden!"
He glanced at me and glared before he started running faster. I wasn't a runner. Hindi ko na nga maalala ang huling beses na tumakbo ako... pero pinilit kong tumakbo nang mabilis para makahabol sa kaniya.
"L-Lorden! Huwag kang umalis!"
Wala na akong nagawa nang makasakay siya ng tricycle. Nang makalabas ako ng hotel, agad din akong sumakay sa tricycle na tumigil sa tapat ko. Agad kong pinasundan ang tricycle na sinasakyan ni Lorden, pero pabilis nang pabilis ang takbo nito.
"Ma'am, wala na. Hindi ko na nahabol," sabi na lang ng driver.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinigil na mapaluha. Agad akong bumaba ng tricycle at nagbayad saka kinuha ang cellphone ko para tawagan si Cadence. Agad niya namang sinagot.
"H-hello! Cadence!"
"May problema ba, Kate? Bakit ka napatawag?" tanong nito, bakas ang pag-aalala sa boses.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tuluyang napaluha. "S-si Lorden, umalis siya ulit. H-hindi ko na alam kung nasaan siya. B-biglang dumating sina Markus... a-at wala na naman siyang tiwala sa akin. P-please, pakihanap si Lorden. Please, Cadence..."
Napapatingin na sa akin ang ibang dumadaan pero wala na akong pakialam. Napapakagat ako sa kuko ko habang nanginginig at umiiyak. Kapag hindi ko nakita si Lorden, kapag nawala na naman siya sa akin... hindi ko na alam.
"Kate, i-send mo sa'kin kung nasaan ka para masabi ko kay Rivero, pupuntahan ka kaagad niya dahil nandyan lang siya sa La Union."
Kahit hindi kami magkasundo ni Rivero, nagtanong pa rin ako sa mga taong nadaan kung nasaan ako at s-in-end ko agad kay Cadence kung nasaan ako. Nanghihinang umupo ako sa malapit na bench at napahilamos sa mukha ko habang pilit na pinipigilang humagulgol ng iyak. Natataranta na ako. Hindi ko na alam ang gagawin.
I told them confidently that I will help and save Lorden, but I just made things worse for him...
"Kate..."
I flinched when I heard Rivero's voice. Agad akong napatayo nang makitang nasa tapat ko na ang kotse niya. Nakasakay siya sa driver's seat at nakabukas ang bintana habang nakatingin sa akin. His serious and cold expression made me step back a little... but right now, looking for Lorden is the most important to me.
"R-Rivero..."
"Get in the car," malamig na sinabi niya saka inangat na ang bintana ng kotse niya.
Napalunok ako at tumango saka pumasok sa loob, sa may shotgun seat. Wala namang naging kontra si Rivero at pinaharurot na lang ang sasakyan. Napahawak ako sa laylayan ng damit ko at napatungo. Naramdaman kong naluluha na naman ako pero pilit kong pinigilan.
"Cad already tracked him down... stop looking so pathetic and don't make a mess in my car," malamig na sinabi pa nito.
Napalunok na lang ako saka tumango. Tumahimik na lang ako at pilit na pinigilan ang mga luha ko... Kailangan kong tatagan ang loob ko ngayong sobrang hina ni Lorden. Kailangan ko maging malakas, para maging lakas din ako ni Lorden.
Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang tumigil ang kotse. Napatingin ako kay Rivero na nakatingin sa labas ng bintana. Agad na umigting ang panga niya saka napamura. Nagmamadaling lumabas siya. Hindi ko naiintindihan ang nangyari, pero lumabas din ako at sumunod sa kaniya.
Napatakip na lang ako sa bibig ko at napasinghap nang makitang pinagtutulungan ng apat na lalaki si Lorden. Pinagtatadyakan siya ng mga ito... pero hindi lumalaban si Lorden. Tila hinahayaan niya lang na saktan siya ng mga lalaking 'yon. Agad akong napaluha at akmang lalapit pero agad akong pinigilan ni Rivero.
"Tanga ka ba?! Sa tingin mo may magagawa ka?! Just f*****g stay there!" asik nito sa akin.
Napalunok na lang ako nang sugurin ni Rivero ang mga lalaki. Agad niyang hinablot ang damit ng isa at malakas na sinuntok ito sa mukha. Natigilan ang tatlo saka sinugod siya pero tila walang laban ang mga 'to kay Rivero. Napapikit ako nang mariin at napaiwas ng tingin. Nanginginig na napayakap ako sa sarili ko... Hindi ko pa rin kayang makakita ng ganito... Nanginginig pa rin ako.
Idinilat ko ang mga mata ko nang wala na 'kong marinig na suntok, sipa, at pagdaing... Napatingin ako kay Rivero na nakatayo at nakakuyom ang mga kamao, habang ang apat na lalaki ay nakahandusay na sa sahig at duguan.
Agad na dumako ang tingin ko kay Lorden na nakatulala lang sa langit habang nakahiga sa sahig. May mga sugat din sa katawan, pero tila hindi niya alintana. Lalapit sana ako sa kaniya pero agad akong naunahan ni Rivero.
Hinablot ni Rivero ang damit ni Lorden at hinila ito patayo. Namumula ang mukha ni Rivero at tila sasabog sa inis habang nakatingin nang masama sa kapatid.
"What the f**k are you doing, Lorden?! Stop doing this to yourself will you?!" Sa inis ni Rivero, sinuntok niya rin si Lorden.
"Rivero!" Agad akong tumakbo palapit sa kanila at itinulak siya palayo kay Lorden.
Lorden stopped. His lips parted and his eyes widened, he stared at Rivero as if he couldn't believe it. "R-Rivero?" tanong nito.
Itinulak ako ni Rivero palayo kay Lorden saka muling hinablot ang damit nito. "Come to your f*****g senses, Lorden! Just... just f*****g come back and stop blaming yourself for the things you didn't want to happen!"
"R-Rivero... b-bakit ka ba nagagalit sa'kin?" tanong ni Lorden, napakapit pa siya sa braso ko.
Naiinis na itinulak ko si Rivero. "Ano ba, Rivero?! Huwag mong biglain si Lorden, pwede ba?! Hindi mareresolba 'to ng pagwawala mo! Kailangan tayo ni Lorden ngayon! I-I know you're just frustrated...and worried, but please, be patient with him!" Hindi ko inakalang magagawa kong magtaas ng boses sa kaniya.
Umigting ang panga ni Rivero at napaiwas ng tingin. "I can't bear to see him like this... I'm his brother and yet... I couldn't do anything. I'm his brother and yet... he never relied on me... as if he doesn't trust me... Mas pinili niya pang manghingi ng tulong kina Markus... kaysa sa'kin na kapatid niya. Alam mo ba kung ga'no kasakit sa'kin noong sabihin ng mga 'yon na patay na siya? Kasi... b-bakit wala akong alam? Bakit siya naglilihim sa'kin? Bakit wala siyang sinasabi sa'kin?"
Napalunok si Rivero at mas lalong napakuyom ang kamao. Natigilan ako at natahimik... Hindi ko alam ang sasabihin. Tila ngayon lang pumasok sa isip ko na si Rivero ang pinakanahirapan sa nangyari kay Lorden kahit pa hindi niya ipahalata.
"We're not just friends, we're not just some strangers working under the same organization... we're brothers... and yet... I know nothing about him and his pain."
Napatingin ako kay Lorden na nakatitig lang kay Rivero. Napalunok siya at mas lalong kumapit sa braso ko.
"R-Rivero... s-sorry kung ano man ang nagawa ko sa'yo," hinging paumanhin ni Lorden.
Rivero hissed and took his handkerchief and wiped the blood on his hands. "Get in my car," tipid na sinabi na lang nito saka nauna na sa amin.
Napatingin sa akin si Lorden. Agad din siyang napabitiw sa akin at napaiwas ng tingin. Ngumiti na lang ako at humawak sa kamay niya.
"Lorden... Hindi kita niloloko."
Hindi nagsalita si Lorden at napahalukipkip na lang. "B-bakit mo kausap 'yung mga 'yon?"
"Nagpunta lang sila ro'n dahil gusto ka nilang bawiin... Hindi kita niloloko, Lorden." Napalunok ako. "Bakit ayaw mo sa kanila? Ginagawan ka ba nila ng masama?"
Umiling siya. "Hindi, m-mabait din sila... pero wala pa rin akong tiwala sa kanila... kaya tumakas ako," bulong niya.
Napangiti na lang ako at tumango. Kinuha ko ang panyo ko saka marahang pinunasan ang ilang sugat sa mukha at kamay niya. "Bakit hindi ka lumaban sa mga nanakit sa'yo? Nasugatan ka pa tuloy."
"H-hindi ko alam... A-ayoko ng manakit," bulong niya.
"Ano ba?! Tutunganga na lang ba kayong dalawa diyan?!"
Napapitlag kaming pareho ni Lorden nang marinig ang boses ni Rivero. Napailing na lang ako at hinila si Lorden palapit sa kotse ni Rivero. Binuksan ko ang pinto saka inalalayan si Lorden papasok sa backseat. Agad din naman akong pumasok sa loob at tumabi sa kaniya.
Tahimik lang kami sa biyahe. Panay ang tingin ni Lorden sa kapatid. Tila nahihiya pa. Napapahawak naman siya sa braso ko na parang batang natatakot.
Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala... Concerned lang sa'yo si Rivero. Hindi siya nagagalit sa'yo," bulong ko.
Napalunok si Lorden. "R-Rivero..."
Saglit na sumulyap si Rivero sa rearview mirror. "Hmm?"
Napatungo si Lorden saka napakapit nang mahigpit sa braso ko. "G-galit ka ba sa'kin? K-kasi... ako ang nagdala sa'yo kina Resty," bulong niya.
Napakunot ang noo ko... Sino si Resty?
"Hindi mo kasalanan 'yon... Lorena manipulated our young minds that time. I never blamed you for it," sabi na lang ni Rivero.
Natahimik na lang si Lorden. Tila may dumagan sa dibdib ko habang nakikita siyang malungkot. Humawak ako sa kamay niya at marahang hinaplos 'yon. "Lorden..."
Nakarating din kami sa hotel room ko. Natigilan pa ako nang makitang nandoon pa rin sina Markus at Kaden. Natigilan din naman si Lorden at agad napakapit sa braso ko.
Napabuga ng hangin si Markus saka lumapit sa amin. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala nang makitang puro peklat si Lorden.
"Lorden... Come here, I'll treat your wounds," sabi pa ni Markus.
Umiling si Lorden. "K-Kate," sabi pa niya.
"Hindi ka na namin kukunin... Hmm? We're just... so worried about you. Gagamutin ko lang ang mag sugat mo, hindi ka na namin kukuhanin," sabi pa ni Markus.
"Kate, ikaw na ang bahala kay Lorden... Kakausapin ko ang mga 'to," sabi na lang ni Rivero habang matiim na nakatingin kina Markus. Nakakapagtaka na kalmado siya sa pagkakataong 'to.
Sumunod na lang ako sa kaniya at pinasok si Lorden sa hotel room. I immediately tended his wounds. He was just staring at the floor the whole time. After that, I gave him a towel and new clothes.
"Lorden... maligo ka na muna. Kakausapin ko lang din sila sa labas... Huwag ka nang tatakbo ulit, hmm? Hindi naman ako masamang tao," marahang sinabi ko.
Lorden nodded, he still seemed hesitating but he just did what I said and went to the bathroom. Agad naman akong lumabas, naabutan ko sina Markus at Rivero na nag-uusap sa gilid.
"So, how about Kate's eyes?" biglang tanong ni Rivero.
"It was from the eye bank. Noong sinabi sa'min ni Lorden na balak niyang i-donate ang cornea niya kay Kate... desidido na kaming suwayin 'yon. Just like we said before, we can't just let him take his own life and give his eyes to Kate," paliwanag ni Markus.
Natahimik na lang ako at nakinig sa kanila.
"Then what the hell is happening to Lorden? He doesn't seem to be in his right mind? What the f**k happened to my brother?" mariing tanong ni Rivero.
"Just tell him the truth, Markus. Wala na ring silbi kung magsisinungaling tayo at magpapaikot-ikot sa puntong 'to..." sabi ni Kaden saka tinapik ang balikat ni Markus.
Napabuntonghininga si Markus saka inayos ang salamin niya. "Actually... He lost his memories because of me. When I told you that he suddenly woke up without remembering his past was a lie... Gumising siya na nakakaalala... He was so mad at us for disobeying him. He tried to kill himself again... but we stopped him... again." Markus removed his eyeglasses. "He was so uncontrollable every time he woke up that we had to sedate him every time. That's why... I decided to... to try my memory alteration on him."
Natigilan kaming pareho ni Rivero.
"I planned to make an artificial memory to plant in his brain, if that won't work, I'll just make him forget all his memories and we'll help him make new ones, since it was still hard for me to emit the specific memory of him that carries his trauma, there's a possibility that I'll be able to do that, however, it's still risky. I couldn't put his brain at risk... You see, I'm still experimenting and it wasn't successful yet, and the side effect was that his memories are scattered, and his mental age somehow regressed, but I assure you that it's not dangerous and I can—"
Agad na kinwelyuhan ni Rivero si Markus, pulang pula ang mukha sa galit. Pati ako ay napatakip sa bibig ko, tila hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Nakakamangha na nakakatakot ang mga kayang gawin ni Markus.
"Are you experimenting my brother's brain, you f*****g psychopath?!"
Akmang aambahan na ng suntok ni Rivero si Markus pero agad itong nagsalita. "Do you think we wanted to do this, Rivero? We care for Lorden... genuinely. And without his memories, the leader of Black Cross won't come back too, that would put our organization at risk too. He's our leader, the foundation of our power and strength, but that's not what important to us right now. Si Lorden mismo... Sa tingin mo ba gusto rin namin na wala siyang naaalala? Lorden is not just a leader to us... We care for him so much that we don't want him to suffer again. Mas mabuti nang wala siyang maalala kaysa subukan na naman niyang patayin ang sarili niya... Alam kong hindi mo ako maiintindihan, Rivero. But we're just doing this for him. Ayos na sa amin... basta buhay si Lorden. We can't let him die." Kumuyom ang kamao ni Markus.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatungo... Hindi ko gusto ang naging paraan nina Markus para tulungan si Lorden... pero may parte sa akin na hindi siya masisi kung bakit ganoon na lang ang naging desisyon niya. Kagaya ko... ayaw lang din nila na masaktan at mahirapan pa si Lorden.
"You should have asked for my permission first! You should have told me beforehand! Hindi ako kung sino lang, Markus! Kapatid ako ni Lorden! Sa ating lahat, ako ang may pinaka karapatan sa kapatid ko!" asik ni Rivero.
Napabuga ng hangin si Markus. "Kung sinabi man namin sa'yo... papayag ka ba?" mariing tanong ni Markus. "Just let us... let us erase his memories completely. Tapusin na lang natin ang paghihirap ni Lorden sa ganoong paraan..." Tumingin sa akin si Markus, "Kate..." saka muling tumingin kay Rivero. "Rivero... I want your permission this time... Please let me end Lorden's agony... I just want him to forget everything and... to be happy."
Natahimik kami ni Rivero. Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa mga mata ni Rivero... tila ba... kinokonsidera niya ang sinabi ni Markus.
Napalunok ako at napakuyom ang kamao. Hindi ko alam... pero hindi ko gusto ang ideya na 'yon... Ayokong makalimutan ni Lorden pati ako... at ang masasayang alaala.
"Markus... May tiwala ako sa inyo... Alam kong hindi kayo gagawa ng bagay na makakasama kay Lorden," bulong ni Rivero saka napabitiw sa kwelyo ni Markus. "Maipapangako niyo ba sa'kin na hindi mapapahamak si Lorden sa gagawin mo? Maipapangako mo ba... na maaalis na ang paghihirap ng kapatid ko?"
Natigilan ako sa sinabi ni Rivero, natigagal. Nanghihinang umiling ako.
"Rivero... I love Lorden," sinabi ni Markus. "He's a brother to me... I will never do something that will harm him. Pagkatapos no'n, ibabalik ko rin siya sa inyo. You can make new and fresh memories with him... More or less a month... his memory will start to come back... and he will surely try to kill himself. That's why I need to do this before that time comes—"
"S-sandali..."
Natigilan sila at napalingon sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka kumuyom ang kamao.
"S-sabi mo, isang buwan..." Napalunok ako. "B-bigyan niyo ako ng isang buwan," bulong ko.
"What do you mean?" tanong ni Rivero.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. "I-isang buwan lang ang hinihingi ko. Hayaan niyo akong tulungan si Lorden sa loob ng isang buwan. K-kapag sumapit ang isang buwan, nakakaalala na si Lorden... at walang nangyari, g-gusto niya pa ring mawala at mamatay... S-sige, burahin niyo na ang lahat ng alaala niya..." Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtakas ng mga luha ko.
"Kate..." nasabi na lang ni Markus.
Muli akong nagsalita. "Pero bago 'yon... bigyan niyo muna ako ng isang buwan."