Chapter Four

2635 Words
"Saan ako matutulog, Kate?" Natigilan ako sa biglang itinanong ni Lorden. Agad ko namang itinuro sa kaniya ang kama. "Siyempre, sa kama." "E, saan ka matutulog?" Napakunot ang noo niya. "Sa kama rin," agad namang sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya. "T-tabi tayo?" Tumango ako saka ngumiti sa kaniya. "Oo. Wala namang masama roon, 'di ba?" Napalunok si Lorden saka napahawak sa batok niya. "Pero babae ka... tapos lalaki ako," agad namang sinabi niya. "Hmm? Ano naman?" natatawang tanong ko na lang. Hindi nakasagot si Lorden at lalong pumula ang mukha. Natawa na lang ako saka napailing. I think it's not a good idea to make fun of him right now. "I'm just kidding, Lorden. Sa couch ako matutulog. You can sleep on the bed," sabi ko na lang saka muling itinuro ang kama. Agad namang umiling si Lorden. "Sa couch na lang ako. Kaya ko nga rin matulog sa sahig, e," sabi niya, tila proud pa. Tila may kumirot sa puso ko sa sinabi niya, pero napailing na lang ako at humawak sa kamay niya. Hinila ko siya palapit sa kama saka pinaupo siya ro'n. Natigilan pa siya nang itulak ko siya pahiga saka agad na kinumutan. Napakunot ang noo niya. "Kate... okay lang sa akin kahit hindi na sa kama," sabi na lang niya. Umiling ako agad saka iniwan siya sa kama. Agad akong kumuha ng isa pang kumot at unan saka agad na dumiretso sa couch. Agad kong inilagay ang unan saka hinigaan 'yon at nagkumot. Napatingin ako kay Lorden na nakatingin lang sa kisame at mukhang hindi komportable. Napalingon siya sa akin, pero agad ding napaiwas ng tingin nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Tumitig na lang ako sa kaniya at hinintay siyang makatulog. I don't even know if I would be able to sleep knowing that Lorden was just here in the same room. Natatakot ako na kapag pumikit ako, wala na siya kapag dumilat ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ito. Parang hindi pa rin totoo. Napakagat ako sa ibabang labi, pilit na pinigil ang luha ko... Napailing na lang ako at napakapit nang mahigpit sa kumot. Wala pa siyang tiwala sa akin... Hindi ako pwedeng makatulog o malingat dahil baka takasan niya ako agad. Kailangan kong ipakita sa kaniya na hindi ako masamang tao... na mapagkakatiwalaan ako. Natigilan ako nang mapatingin kay Lorden, nakatulala pa rin siya sa kisame. Hindi ko alam mismo ang problema sa kaniya... pero parang nabasa ko ito sa isang libro noon. Some people who have severe depression experienced involuntary age regression... I remembered when Lorden called me "ate" as if he thinks I'm older than him. It felt like his mental age regressed to a younger state of mind... My heart felt heavy just by thinking about it. Ano ba ang naging karanasan niya, gaano ba kabigat nag dinala niya sa dibdib niya at nangyari sa kaniya ang ganito? Gusto kong maalis ang bigat sa dibdib niya... gusto ko siyang matulungan kagaya ng ginawa niya sa'kin. Ang sakit sa pusong makita na nagdurusa ng ganito ang taong pinakamamahal ko. "Kate... B-bakit ka umiiyak ulit?" Natigilan ako at napatingin kay Lorden. Hindi ko na halos napansin na bumangon pala siya. Nakahawak siya nang mahigpit sa kumot niya, at bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. Napangiti na lang ako at umiling saka mabilis na pinahid ang mga luha ko. "W-wala naman... May naalala lang ako." Bumangon ako saka lumapit sa kaniya. "Hindi ka ba makatulog?" tanong ko saka umupo sa kama katabi niya. Tumango siya saka kumamot sa batok. "H-hindi ako sanay matulog ng gabi," bulong niya. "Sa gawain ko dati, sa araw dapat tulog ako, at sa gabi dapat gising," paliwanag niya. Muling may kumirot sa puso ko. Humawak na lang ako sa kamay niya. Naramdaman ko namang halos napatalon siya sa gulat dahil sa ginawa ko. Ngumiti ako sa kaniya at marahang hinaplos ang kamay niya... "Ngayon... p-pwede ka nang matulog ng normal, Lorden. Babantayan naman kita at poprotektahan..." "B-bakit mo ako poprotektahan? Babae ka, tapos ako, lalaki." The innocence in his voice made me smile... How could someone take advantage of him? I really hate those people who made him suffer... I hate those people who made this innocent man a monster. "Wala naman 'yon sa kasarian, Lorden. Hindi porke babae ako, wala na akong kakayanan magprotekta... hindi naman porke lalaki ka, hindi ka na pwedeng protektahan. Lahat tayo may karapatang maging malakas at mahina... ano man ang kasarian. Tao lang din tayo..." Natahimik siya sa sinabi ko at nakatitig lang sa akin. Napakagat siya sa ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin sa akin, tila hindi alam ang sasabihin. Ngumiti na lang ako at humawak sa pisngi niya saka marahang hinaplos 'yon. Natigilan siya sa ginawa ko, pero malaki ang pasasalamat ko dahil hindi niya ako itinulak. "Kung hindi ka makatulog... ipaghahanda kita ng gatas. Gusto mo ba?" tanong ko sa malumanay na boses. "A-ako na ang kukuha sa sarili ko." Umalis siya ng kama saka tumayo. "Ikukuha rin kita," bulong niya. Agad naman siyang nagtungo sa kusina. Sumunod na lang ako sa kaniya saka umupo sa upuan. Tahimik na pinanood ko lang siya habang nagsasalin siya ng gatas sa baso. Nararamdaman kong pasimple siyang patingin-tingin sa akin na parang naiilang. Napangiti na lang ako saka matiim na pinagmasdan siya. Lumapit din siya sa akin pagkatapos. He sat on the chair across from me and gave me a glass of milk. "Thank you, Lorden." I drank my milk. "W-walang anuman... para 'yun lang, e," bulong niya. Natawa na lang ako at uminom ng gatas ko, ganoon din naman siya. Tahimik lang kaming pareho saka nagkakatinginan. Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti sa tuwing napapatingin ako sa kaniya. Kung pwede lang huwag na siyang mawala sa paningin ko. Napahawak siya sa batok niya saka napaiwas ng tingin sa akin. "B-bakit ka ba tingin nang tingin?" Hindi na lang ako sumagot at inubos ang gatas ko. Ganoon din naman siya. Tumayo na siya saka inilagay ang mga baso namin sa sink bago muling umupo. Bumaba ang tingin niya sa mga braso niya. "Bakit may tattoo ako?" bulong niya. Lumapit ako sa kaniya saka umupo sa mesa malapit sa mga bisig niyang nakapatong sa mesa. "Ayaw mo ba? That's art... Ang ganda nga, e." Natahimik na lang siya. Napansin kong namumula ang tainga niya. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya, saka napangiti. "Hindi ka ba talaga makatulog? Gusto mo ba akong panoorin mag-drawing?" tanong ko sa kaniya. Natigilan siya sa sinabi ko. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya, tila namangha. "Marunong ka mag-drawing?" "Oo naman. Magaling ako magdrawing, akala mo ba?" pagyayabang ko na lang sa kaniya. "Sus, baka payabang lang 'yan, e." Natawa na lang ako saka tumayo. I held his wrist and pulled him to the couch. I made him sit there and took my bag. I took my sketchpad and pencil. Good thing I brought this. Parang may kulang sa akin kapag hindi ko dinadala ang mga 'to. Idinikit ko ang dulo ng lapis sa gilid ng labi ko saka tinitigan siya mula sa malayo. Napatango-tango na lang ako nang matitigan siyang maigi. Bumalik na ako sa couch saka umupo sa tabi niya. "Okay, magsisimula na 'ko..." Tahimik na nanood na lang sa akin si Lorden habang nags-sketch ako. Hindi talaga ako komportable na may nanonood sa akin sa tuwing gumuguhit ako o nagpipinta, pero nasanay na rin ako simula nang pumasok ako sa art school. Tila manghang mangha naman si Lorden sa akin habang nanonood. Tila ba hindi siya nabo-boring. Napapasinghap pa siya. "A-ako 'yan! Ako 'yang dino-drawing mo, 'di ba?!" tila tuwang tuwa na tanong niya. Marahang natawa na lang ako at tumango. Tumuloy naman siya sa panonood sa akin. Mabilis lang din naman akong natapos dahil rough sketch lang naman ang ginawa ko. Napasinghap si Lorden saka agad na kinuha sa akin ang sketchpad. Napatayo pa siya sa pagkamangha. "Ang galing mo madrawing, Kate! Hindi pala yabang lang 'yon," namamanghang sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ulit siya paupo sa tabi ko. "Ano pa'ng gusto mong i-drawng ko, Lorden?" "Hmm..." Humawak siya sa baba niya. "Aso!" Napangiti ako saka nagsimulang magdrawing ng aso. Tutok na tutok naman siya sa ginagawa ko. Natatawa na lang ako sa tuwing nagre-react siya o nagkokomento. "Wow! Ang galing talaga! Kaya mo rin ang aso!" Napahawak siya sa baba niya saka muling nag-isip. "Hmm... E, kung elepante, kaya mo? Mahirap 'yon!" Sinimulan kong magdrawing ng elepante. Manghang mangha naman siya kahit rough sketch lang ang ginagawa ko. Pumapalakpak siya sa bawat drawing na natatapos ko. Natutuwa naman ako sa reaksyon niya. "Kate, pwede mo bang i-drawing ako, si Rivero, si Miriana..." natigilan siya, "...pati si Tita Mirasol. Tapos masaya kami." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko kilala ang Tita Mirasol na sinasabi niya, pero ngumiti na lang ako at tumango. Tila nangislap naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Nagsimula na akong gumuhit, tutok na tutok naman siya sa akin. Batang version nina Lorden, Rivero, at Miriana ang ginuhit ko. Nagsama ako ng babae na binanggit niyang Tita Mirasol. Tahimik na nanonood lang sa akin si Lorden, pero maya-maya lang, naramdaman kong bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kaniya at napangiti, pero agad na napawi ang ngiti ko nang mapansing may luhang dumadaloy mula sa mga mata niya. Mabigat na ang paghinga niya, mukhang nakatulog habang umiiyak. Nanikip ang dibdib ko sa nakita. Humawak ako sa pisngi niya saka marahang hinaplos 'yon. Pinahid ko rin ang luha sa pisngi niya saka niyakap siya. "Lorden... Sige lang, kumapit ka lang sa'kin... h-hindi kita iiwan..." Alam kong lalayo siya sa akin at makokonsensya kapag nakaalala na siya... pero kapag dumating ang oras na 'yon, ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ko siya pinasasalamatan sa lahat... ipaparamdam ko sa kaniya na karapatan niya ring sumaya. NAPABALIKWAS AGAD AKO ng bangon paggising ko. Hinanap agad ng mga mata ko si Lorden. Nakahiga pa rin siya sa couch at mahimbing na natutulog. Napahawak naman ako sa dibdib ko nang makahinga nang maluwag. Nag-shower na lang ako at um-order ng food service sa hotel. Umupo na lang ako sa couch na hinihigaan ni Lorden saka tumitig sa payapa niyang mukha. Dinampian ko nang magaan na halik ang noo niya saka napangiti. "Good morning..." bulong ko. Marahang idinilat ni Lorden ang mga mata niya. His green eyes greeted me. I just smiled at him... I missed his eyes. I thank Black Cross for not letting him die and donate his eyes for me. His eyes were only for him... I was still going to make him see the light of the world. I would never give up. His cheeks heated when he realized my face was too close to him. I just smiled at him and caressed his cheek. "G-good morning, Kate," pagbati niya. Agad siyang napaiwas ng tingin saka bumangon. Kinusot niya ang mga mata niya. Agad kong inabot sa kaniya ang panibagong set ng damit na tinanggap naman niya. "Gusto mo na bang kumain?" tanong ko. "Paparating na 'yung breakfast natin." Tumango na lang siya saka humawak sa batok niya. "Kate... Hindi mo ba ako sisingilin para sa mga ginagawa mo sa akin?" "Hmm... Oo naman. Wala ng libre sa panahon ngayon," natatawang sinabi ko na lang. Marahang suminghap si Lorden at gulat na tumingin sa'kin. "Pero wala naman akong pambayad sa'yo? Ayoko nang magnakaw." "Hindi sa gano'ng paraan... Babayaran mo 'ko sa paraan ko. Gusto ko lang na masaya ka, palaging kumakain nang mga gusto mong pagkain, matutulog sa tamang oras... saka gawin 'yung mga bagay na gusto mo." Nagtatakang napatingin siya sa akin. "Bakit gano'n? Angel ka ba, Kate?" Natawa na lang ako saka hinaplos ang pisngi niya. Napapitlag naman siya sa ginawa ko. "Hindi ako angel... Sa ating dalawa, ikaw pa 'yung angel ko," anas ko. Napakunot ang noo ni Lorden, tila hindi naiintindihan ang sinasabi ko. Natawa na lang ako saka marahang pinisil ang pisngi niya. Hindi na lang siya nagsalita at tumayo na saka nagtungo sa bathroom. Napabuga ako ng hangin. Kung iisipin, hindi rin naman ako makakatakas kay Monsierro, hindi ako malaya nang ganito ngayon, at hindi ako nabubuhay nang walang takot kung sakaling hindi ko siya nakilala at naging misyon. Malamang nakakulong pa rin ako sa mansyon ni Monsierro... at nabubuhay pa rin sa takot. Baka nga patay na rin ako kung sakali. Para sa'kin, tagapagligtas ko siya. Marami siyang ginawa para sa'kin, binigyan niya rin ng kulay ang buhay ko... Marami akong hindi magagawa ngayon kundi dahil kay Lorden. Pati na rin kay Leona. Sa tuwing naiisip ko siya, palaging kumikirot ang dibdib ko... Napakabuti niyang tao... Para ko na siyang kapatid, at walang alinlangan niyang sinakripisyo ang buhay niya para sa'kin. Napatigil na lang ako sa malalim na pag-iisip nan tumunog ang doorbell. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto, pero agad din akong napaatras nang makita ang seryosong mukha ni Kaden. Agad akong napalunok at lumabas saka hinarap siya. "A-ano'ng ginagawa mo rito, Kaden?" "Kate... We will take him now," seryosong sinabi nito. Napalunok ako at agad na umiling. "Dito lang siya sa akin. H-hayaan niyo muna si Lorden sa akin. A-ayoko nang malayo sa kaniya ulit," pagmamatigas ko. "We respect you, Kate. You're the woman he loves... but we can't just let you have your way. Malinaw ang inutos sa amin ni Lorden bago siya nawalan ng alaala. He wanted you to live a life without him. He never wanted to be involved with you again... because he loves you, and he couldn't bear the fact that he caused pain to you. So, please... I don't want to use force, Kate... Let's settle this peacefully," sabi ni Kaden habang malamig na nakatitig sa akin. Napalunok ako at napakuyom ang kamao. "M-magbabago ang isip niya sa oras na makaalala siya... at sigurado ako na ayaw niya ring sumama sa inyo ngayon... Hayaan niyo na siya sa akin. Alam ko ang ginagawa ko... H-hayaan niyo akong gumawa ng bagay para sa ikabubuti ni Lorden. Marami na siyang nagawa para sa'kin at—" "He did all that on his own will... He never wanted you to repay them. It's his conscience, and his genuine love for you... and if you really love him, let us take care of him. Kinakatakot namin na biglang bumalik ang alaala niya at mawalan ng kontrol. We can monitor him, Kate," sabi pa ni Kaden. Napalunok ako at muling umiling. Natigilan lang ako nang pumagitna si Markus. Seryosong nakatingin ito sa akin, nakasuot pa siya ng salamin at lab coat na tila ba dumiretso agad siya rito nang walang paghahanda. "Kate... If you keep on insisting, I will have to make you forget the portion of your memories... especially about Lorden... and I'm dead serious... because I can do that," he said in a serious tone. That made me shiver... It may sound ridiculous and impossible, but Markus was intelligent and smart enough to make it happen. I have known him just for a short time, but I know his inventions are great, effective, and sometimes... creepy. I gulped and took a step back from him... I have to call Feroci... As much as I appreciate Black Cross, I know Lorden is the most important to them right now. They were willing to do all the possible things just to keep Lorden safe... even from me. "K-Kate?" Natigilan ako at napatingin sa pinto. Nandoon si Lorden at nakatayo... Namuo ang luha sa mga mata niya saka tumingin kina Markus, bago muling tumingin sa akin. Natigilan ako... Hindi... Mukhang akala niya... kasabwat ako nina Markus. Tuluyan siyang napaluha. "N-niloloko mo rin pala ako, Kate!" galit na sabi niya saka agad na tumakbo palabas ng hotel room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD