Chapter 13

3005 Words
Pagkatapos namin ni Geoffrey ay agad na kaming nagbihis at naghanda ng makakain dahil baka maabutan kami nila mama sa ganoong sitwasyon pero habang nagluluto ako ng ulam ay nagtext sa akin si Mama para sabihin na sa Laguna sila uuwi dahil masama ang pakiramdam ni Genesis kaya itinabi ko na lang ang ibang niluto kong ulam para bukas. Alas otso ng umaga ng biglang may sunod sunod na katok ang gumising sa amin ni Geoffrey. Sabay kaming nagising dahil doon. Nauna na akong bumangon kesa kay Geoffrey dahil pinatahan niya na muna si Erwan. Nagsuot na muna ako ng jacket bago lumabas. Sinilip ko na muna sa bintana kung sino ang kumakatok at nalaman kong si Ace iyon. Hindi ko na sana siya balak pagbuksan pero sobrang ingay niya na dahil palakas ng palakas ang pagkatok niya sa gate. "Ano bang kailangan mo?" Sigaw ko sa kanya at nang lumabas ako, natigil siya sa pagkatok at napahawak na lang sa barandilya ng gate. "Kung balak mo lang manggulo dito, pwede ba, umalis ka na o gusto mong tumawag pa ako ng barangay?" Tanong ko sa kanya at nanatili lang akong nakatayo sa pintuan namin, hindi ko siya magawang malapitan. "Yna, gusto kong makipag - usap sayo." Mahinahon na sabi sa akin ni Ace pero agad akong humalikipkip. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa akin pero kahit magpaliwanag siya, hindi ko na iintindihin pa. "Sige, pero hanggang diyan ka lang." Sagot ko sa kanya at naghintay nang sagot niya pero hindi siya nagsasalita. Hanggang sa maramdaman ko na si Geoffrey sa likuran ko. Paglingon ko, dala niya si Erwan at nakayakap ng mahigpit sa kanya, habang pinatutulog niya ulit. "Huwag mo na pakinggan kung ano man ang sasabihin niya sayo. Tandaan mo, may asawa na siya, Yna. Hindi tama ang makipag - ayos ka pa sa kanya." Bulong sa akin ni Geoffrey at ngumiti na lang ako. Wala naman na akong balak makipag - usap sa kanya at wala na dapat pag - usapan, hindi niya naman alam ang tungkol kay Erwan. "Huwag kang makialam dito." Nagulat akong sigaw ni Ace, kita kong galit na galit na siya at baka kahit anong oras, magwala na siya dito. Nang lalapit na ako sa kanya, hinawakan ni Geoffrey ang balikat ko para ibigay sa akin si Erwan. Hindi na ako nakapag - isip kung sino ba talaga ang iintindihin, kinuha ko na lang si Erwan kay Geoffrey at naisip kong ilapag siya sa kama. "Huwag mo na siya patulan." Pagpipigil ko kay Geoffrey, hinawakan ko na lang ang kamay niya saka kami pumasok sa kwarto. Hiniga ko na doon si Erwan. "Tapusin mo na ang issue mo sa kanya. Huwag kang papayag na guguluhin ka niya ulit. Papayag ka bang sirain ka niya ulit sa pangalawang beses?" Tanong sa akin ni Geoffrey at iyon ang nakapagpagising talaga sa akin. Tumayo na ako at hinila ko siya palabas ng kwarto. Gusto kong kasama siya kung ipagtatabuyan namjn si Ace dito. "Ace, tapos na tayo. Wala na akong dapat ipaliwanag sayo." Bungad ko sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makitang nabuksan niya na ang gate. "Huwag kang papasok dito, trespassing yang ginagawa mo." Saway ko sa kanya pero unti unti siyang lumalapit sa akin kahit kasama ko si Geoffrey, hindi siya natigil sa paglapit niya. "Pare, narinig mo naman sabi niya, diba? Respeto naman sa babae." Matikas na sabi ni Geoffrey nang nasa harapan ko na siya. Pinagitnaan nila ako at pakiramdam ko, mabubuwal ako sa kaba dahil baka magpang - abot sila. Dahan dahan kong tinutulak si Ace dahil siya naman ang talagang dapat umalis. "Huwag kang makialam samin." Sigaw ni Ace kay Geoffrey at dinuro duro pa ito. Iyon pa naman ang pinakaayaw ni Geoffrey na ginagawa sa kanya kaya siya na lang ang iniiwas ko dahil ayokong sugurin niya si Ace. "Ace, tumigil ka na! Ayoko na sayo! Kung manggugulo ka lang naman sa amin, tumigil ka na. Umalis ka na." Sigaw ko sa kanya dahil aabutin na siya ni Geoffrey. Hindi man lang siya nagpapatinag sa akin at nahila na ako ni Geoffrey para umalis sa harapan niya at tuluyan na silang nagpang - abot. Isang sapak ni Geoffrey kay Ace ay agad siyang natumba pero mabilis rin siyang tumayo at nakalapit rin kay Geoffrey saka hinawakan ang damit nito tsaka sinapak. "Tama na! Tumigil na kayo!" Sigaw ko sa kanila at pilit akong pumagitna. Tsaka lang sila tumigil ng bumukas ang pinto ng kwarto at rinig na rinig ang pag - iyak ni Erwan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa kaba na magkita ang mag - ama. Ayokong malaman ni Ace na mayroon kaming anak. "Mommy! What's wrong? Daddy Geo?" Malambing na tanong ni Erwan at paglingon ko, humihikbi pa siya at yakap ang kanyang giraffe na stuff toy. Kinukusot niya pa ang kanyang mata habang palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Geoffrey. "Baby, go inside and stay. Don't come out, until I say so!" Utos ko sa kanya gamit ang boses ko na may paninindak. Napansin kong hindi kumikilos si Erwan at nakatitig lang kay Ace. Parang nagtataka dahil kamukhang kamukha niya ito. "Geo, please. Huwag ka na muna makisali sa amin. Samahan mo na muna si Erwan. " Utos ko kay Geoffrey at tinulungan ko siyang tumayo. Tinitigan niya na muna ng masama si Ace bago umalis sa sala namin. Pinagmasdan ko na muna sila hanggang sa makapasok sa kwarto. Inayos ko na lang ang ilang gamit na nabangga nila habang nag - aaway sila. Hindi ko akalain na magkakaganito silang dalawa. Biglaan kasing nagpunta dito si Ace. "Ano bang kailangan mo? Bakit nanggulo ka pa, tahimik na ang buhay ko." Sigaw ko sa kanya at dinuro duro ko na lang siya palabas dahil ayoko rin marinig ni Geoffrey ang pag - uusapan namin. Iniisip ko rin kung ano ang naiisip ni Erwan nang makita niya si Geoffrey. "Ako ang dapat magtanong sayo. Bakit mo ako biglang iniwan." Tanong niya sa akin at may halong pagsusumamo. Paglabas namin, isinara ko na agad ang gate at nakita kong maraming tao ang nakatingin sa amin. Perp pagkakita nila na lumabas na kami ay agad rin silang umalis. "Ace, kung hindi ko ginawa iyon, hindi ka magkakaroon ng magandang buhay. Alam kong naging successful ka na ngayon at isa pa, bakit pa natin kailangang pag - usapan ito, may asawa ka na." Sagot ko sa kanya na may halong kalungkutan dahil nang banggitin ko na may asawa siya, bigla na lang siya yumuko at tila hindi gusto ang narinig. "Shotgun Wedding ang nangyari sa amin. May anak na rin ako sa kanya at pangalawa na ang dinadala niya." Nagulat ako sa sinabi niya na dalawa na pala ang anak nila ni Francine. Ibig sabihin, may kapatid na si Erwan. isa sa plano ko ang kamustahin siya simula ng bumalik ako pero nagbago ang isip ko ng malaman kong ikakasal na siya. Para sa akin, wala nang saysay kung makikipag - usap pa ako sa kanya. "Hindi ko siya mahal. Ikaw pa rin ang laman ng puso at isip ko. Yna, please, come back." Pagsusumamo niya sa akin at agad akong napalayo sa kanya. Wala sa isip ko ang maging isang mistress. "Nahihibang ka na, Ace. Imposible yang sinasabi mo sa akin. Hindi pa ako baliw para pumayag na maging isang kabit." Sarkastikong sagot ko sa kanya pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Hindi ako masaya. " Sagot niya sa akin at napailing na lang talaga ako. Wala na siya sa katinuan. Hibang na hibang na siya. Hindi niya matanggap na kahit kailan ay hindi na kami pwede sa mata ng tao, batas at ng Diyos. "Umuwi ka.na at tingin ko, kailangan mo munang magpahinga. Tsaka bakit ka nandito, hindi ba dapat, kasama mo ang asawa mo? Ace, alam mo sa sarili mo na.hindi biro ang pinasok mo. Tanggapin mo ang katotohanan. Ayoko na makipag - usap sayo." Huling sabi ko sa kanya at nanguna na ako para pagbuksan siya ng gate. Bukas na bukas din, papabago ko na ang lock ng bahay dahil pakiramdam ko, may sarili siyang susi nito. Hindi pa rin siya umaalis kaya sumenyas na ako sa kanya at itinuturo na ang bukas naming gate. Dahan dahan siyang naglakad at nang nasa tapat na siya, tinitigan niya pa ako. Kita ko sa kanya na totoo.at hindi siya masaya sa buhay niya pero hindi ko hawak iyon. Masakit para sa akin na hindi siya naging masaya pero may sarili siyang isip at sana pinili niya ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Alam kong may kasalanan din ako sa kanya dahil bigla ko siyang iniwan at matagal bago ako bumalik. Agad ko nang isinara ang gate tsaka pumasok. Hindi ko na rin siya nilingon pa. Pumasok na agad ako sa kwarto para puntahan ang anak ko. "Mommy, sino yung umaway kay Daddy?" Inosente at bulol pang tanong ng anak ko. Tumabi na lang ako sa kanya at nakita kong may sugat sa gilid ng labi si Geoffrey. "Nothing, baby. Gusto mo bang maglaro anak?" Tanong ko sa kanya at agad naman siyang tumango kaya inilabas ko ang mga laruan niyang nadala ko. Sumenyas naman ako kay Geoffrey para lumabas kaming dalawa. Gusto kong kausapin siya at bakit pinatulan niya pa si Ace. Kumuha ako ng ilang ice tubes at binalot ko lang sa tela saka idinikit sa gilid ng labi niya. Idiniin ko pa iyon at agad siyang kumislot. "Akala ko ba, mahal mo ko? Bakit ka nananakit?" Tanong niya sa akin na parang isang bata, samantalang kanina, halos makipagpatayan na. "Bakit kasi pinatulan mo pa si Ace? Alam mong bata pa mag - isip yon. Sana di ka na lang nakialam." Singhal ko sakanya at kinuha niya na ang ice pack na.ginawa ko. Agad naman na ako kumuha ng ilang pagkain sa ref para makapagluto na ng almusal sa amin. Mamaya ay papasok pa si Geoffrey kaya gusto kong ipaghanda siya ng makakain. Nagresign na ako sa trabaho ko sa Laguna dahil na rin sa kagustuhan ni Geoffrey na maging full time na lang ako sa bahay. Dati akong isang cashier pero ilang buwan lang ang itinagal ko dahil ayoko naman naibang tao ang nagpapalaki kay Erwan. Mabuti na lang at hindi nagtatanong sa akin si Geoffrey kung saan ko kinukuha ang perang ginagastos ko para sa amin ni Erwan. Maliit lang kasi ang sahot ko at ilang kahon lang ng gatas ang nabibili ko doon. "Ang akin lang naman kasi, ayoko na ginugulo ka pa niya. Buong buo ma.na tapos sa isang iglap, wawasakin ka niya? Binuo kita kaya hindi ako papayag na may manggugulo pa sa atin." Sagot niya at kahit paulit ulit kong naririnig sa kanya, hindi ako magsasawang pakinggan siya. "Hindi naman ako papayag na.guluhin niya pa ako. Masaya na akong kasama ka at ikaw na rin naman ang kinilalang ama ni Erwan. Ayokong magulo pa ang isip ng anak ko." Sagot ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa pagluluto ng almusal namin. Masaya naman ang naging umaga ko kahit may nanggugulo sa amin. Agad rin nakalimutan ni Erwan. Hindi na.rin namin pinag - usapan ni Geoffrey yun hanggang sa makapasok siya. Tuwing linggo lang kasi ang kanyang uwi kaya buong linggo na ako at si Erwan lang ang magkasama. Tanghali ng lumabas ako para bumili ng panibagong lock ng pintuan namin at kandado para sa gate. Sisiguraduhin kong hinding hindi na makakapasok si Ace sa bahay. Hindi ko pa alam kung bukas pa ba ang hardware nila Ace at kung may iba pa bang hardware sa lugar na to pero nilakasan ko na lang ang loob ko para pumunta doon. Pagkadating ko, bukas pa rin ito pero mas malaki na kesa noon. Iba na rin ang bantay sa labas kaya naman nakahinga ako ng maayos pero biglang lumabas si Armando. Gulat na gulat pa siya nang makita ako. Ibig sabihin, hindi niya alam na nakabalik na ako. "Yna. Kamusta ka na? Anong sadya mo dito?" Tanong sa akin ni Armando at nginitian ko na lang siya saka sumandal sa salamin nilang counter. "Gusto ko po sanang bumili ng kandado at doorknob. Papalitan ko na po yung sa bahay." Malumanay kong sabi sa kanya at tumango lang siya saka tinalikuran na ako. Hindi ko alam kung ayaw ba niya talaga sa akin noon para kay Ace. Hindi na naman importante kung gusto niya ako o hindi. "Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya sa akin pagkaabot ng binili ko. Tinawag niya ang isang lalaki para palitan siya sa counter ng.hardware nila. Inimbitahan niya akong pumasok sa bahay nila at nung una, nagdadalawang - isip pa ako kung papasok o hindi dahil baka mamaya nasa loob si Ace at pilitin na naman ako para makipag - usap sa kanya. "Huwag kang mag - alala. Wala siya dito at sinundo ng asawa niya." Sabi sa akin ni Armando at tumuloy na ako. Walang nagbago sa bahay nila. Ganoon pa rin ang pintura pero ang mga gamit sa bahay, unti unti nabawasan. Noon, may malaki silang speaker at colored tv pero ngayon, sofa na lang at coffee table ang nandoon. Naglagay na muna siya ng pitsel ng tubig sa table at ilang mga biscuit bago siya umupo sa tapat ko. Halata sa kanyang mukha ang pagtanda at nangayayat siya ng husto. "Ano po ba ang pag - uusapan natin, Tito Armando?" Tanong ko sa kanya at hinintay ko lang siya magsalita. "Alam kong narinig mo ang usapan namin noon ni Ace kaya nagdesisyon kang umalis." Seryosong sabi niya sa akin at wala ng paligoy ligoy pa. Nawala ang ngiti sa labi ko ng sabihin niya iyon. "Gusto ko sanang humingi ng pasensya sayo dahil sinadya kong marinig mo ang lahat. Alam kong sayo umiikot ang mundo ni Ace noon. Lagi ka niyang bukambibig kaya bilang ama, gusto kong mabigyan siya ng magandang kinabukasan." Mahabang sagot niya sa akin at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa tagal ng panahon, lagi ko pa rin iniisip at nararamdaman ang sakit ng kahapon. "Naiintindihan ko po kayo at alam kong tama ang desisyon kong iwanan siya." Masigla kong sabi sa kanya pero uminom lang siya ng tubig at nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Mali, Yna. Mas naging magulo ang buhay ni Ace. Kung mapapansin mo, halos lahat ng mahahaling gamit namin ay naubos. Nalugi ang hardware. Hindi nakatapos ng pag - aaral si Ace. Simula ng umalis ka, hindi na siya pumapasok pa. " Malungkot na sabi ni Armando sa akin at namumula na ang kanyang mata. Humagulgol ang matanda sa harapan ko at lumuhod pa siya. Agad kong kinapitan ang kanyang mga braso para patayuin siya pero hindi siya nagpatinag. "Ano po bang ginagawa niyo? Matagal na panahon na po iyon kaya huwag niyo na pong intindihin. Hindi po sumama ang loob ko sa inyo." Sabi ko sa matanda at pinipilit ko siyang bumalik sa pwesto niya. Nawalan pala ng saysay ang sakripisyo ko para sa kinabukasan ni Ace. Ang pagtatago ko ng halos apat na taon ay naghalo na parang bula. Nadismaya ako kay Ace dahil hindi man lang niya naunawaan ang iniisip ng kanyang ama. Kung ako ay may ganitong ama, mas pipiliin kong huwag silang bigyan ng sama ng loob kesa naman magkagulo pa. "Nagalit sa akin ang anak ko dahil nalaman niyang sinadya kong iparinig sayo ang lahat. Lagi siyang umuuwi ng lasing. Halos lahat ng kumukuha sa akin ng materyales ay nagsipag - alisan dahil hindi na tama ang pagtitinda nila. Hanggang sa tuluyan na kaming nalugi." Tuloy tuloy na pagkekwento niya sa akin. Ang akala ko, nagkaroon siya ng sakit kaya labis siyang nangayayat pero yun pala, dahil kayAce. "Kung magkakaayos sana kayo ni Ace ay mas mainam. Kahit kaibigan na lang sana. May asawa na kasi siya." May mapait na ngiti sa labi si Armando nung sinabi ko iyon. Kung ako ang magiging guardian ni Ace at yan ang tanging ginagawa ng anak ko, baka itakwil kona lang siya kesa magkaroon pa ako ng sakit ng ulo. "Nandoon po ako sa kasal niya at napanood ko ang lahat." Malumanay kong sabi sa kanya at ako naman ang uminom ng tubig at biscuit. Walang problema sa akin kung magiging magkaibigan lang kami pero hindi na pwedeng lumagpas doon. Ayokong manira ng pamilya ng ibang tao. Maayos na rin naman kami kaya ano pa ba ang habol ng mag - ama sa amin? "Gusto ko sanang humingi ng pabor sayo. Kung pwede sana ay pumayag kang magkausap kayo ni Ace. Sana matulungan mo akong mabalik sa akin ang loob ng anak ko. Kung pwede pero kung ayaw mo naman ay hindi kita pipilitin." Sagot niya sa akin at halos uminit na ang ulo ko pero inisip kong matanda na siya at laging si Ace ang iniisip niya. "Hindi ko mapapangako sa inyo kung magagawa ko iyan. Pasensya na po at kailangan ko nang umalis." Pagpapaalam ko sa kanya at mabilis akong umuwi. Bigla ko naisip si Erwan na walang kasama dahil nakaalis na so Geoffrey. Tulog pa din naman ang anak ko pagkauwi ko ng bahay kaya agad ko nang inayos ang doorknob. Madali lang naman palitan iyon hindi kagaya ng mga maling desisyon sa buhay. kung pwede lang balikan ko ang dating buhay ko o kaya bumalik ako ay ginawa ko na.  Natuto na rin ako sa pagkakamali ko sa buhay at ayoko na maulit pa ang hirap at sakit na naramdaman ko para lang makapagpatuloy ako sa buhay. Puro positibong bagay na lang ang iisipin ko.  Habang inaayos ko ang dapat kong ayusin, sinigurado kong pulido ang gawa ko para hindi na muli pang makapasok si Ace. Sarado na ang puso at isip ko para sa kanya, kagaya ng pintuan na ginagawa ko. Hinding hindi na makakapasok pa si Ace sa buhay ko. Yan ang bagong pangako ko sa sarili ko bukod pa ang ilayo si Erwan sa kanya at bumangon sa pag - ibig na tinuldukan niya na mismo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD