Chapter 14

3000 Words
Simula ng malaman ko kung ano ang nangyari kay Ace, hindi na ako mapakali. Ilang araw din na di ko maasikaso ng maayos si Erwan. Ang buong akala ko ay maayos ang buhay niya pero hindi pala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa kung ano ba ang dapat kong maramdaman o isipin. Kahit papaano, tatay pa rin siya ng anak ko pero hanggang doon na lang iyon. Mas gusto ko na lang ibaling kay Geoffrey ang lahat ng atensyon ko at pati sa pag - aalaga kay Erwan. Sila na ang buhay ko ngayon at pati ang hinaharap, hindi naman maganda kung patuloy kong babalikan ang nakaraan ko. Sana ay makapag - isip rin si Ace ng maayos. Dalawang bagay lang ang talagang nararamdaman ko para kay Ace. Naiinis ako sa kanya dahil hindi niya man lang naisip kung ano ang rason ko para iwanan siya. Alam ko na naman na may kasalanan ako sa kanya dahil biglaan ko siyang iniwan pero para rin naman sa kanya iyon. Hindi na siya nag - aaral ng maayos at puro na lang ako ang iniintindi niya, pati ang kanyang amain ay napansin na rin iyon. Hindi ko naman gustong maging ganoon sa akin si Ace, ang gusto ko magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Kapag naman galing ako kila Mary at John, nalalaman ko na lang sa mga kaibigan niya na nagbubulakbol siya at magdamag naglalaro sa isang computer shop. Pinagsabihan ko siya pero naulit na lang ng naulit iyon. Pumupunta ako sa kanila at imbes na notebook ang hawak niya, naglalaro lang siya ng playstation. Awa, dahil para sa akin naging miserable ang buhay niya. Hindi niya natapos ang pag - aaral niya, dahilan para malugi ang negosyo nila. Nag - asawa pero hindi niya mahal. Hindi ko na matandaan kung saan ko ba nakilala si Francine pero alam kong nakita ko na siya noon, hindi ko lang natatandaan talaga kung saan. Pero nang makita ko talaga si Ace sa simbahan, iniisip ko na sana ako na lang talaga si Francine. Nanghihinayang rin naman ako dahil minsan din naman ay pinasaya ako ni Ace at biniyayaan ng isang supling. Isang anak na sobrang nakapagpasaya sa akin. Kahit hindi planado ang pagkakaroon namin ng anak noon, Kaming dalawa lang ngayon at pumasok na si Geoffrey. Sila mama naman ay nasa Laguna rin at may inaasikaso naya yatang importante. Bigla ko lang naisip kung sino na ang nag - aalaga kila Mary at John. Hindi ko na rin nasabi kay Aero ang nangyari sa akin sa huli naming pagkikita dahil baka kung ano na naman ang gawin niya sa dalawa. Hindi ko na rin alam kung sino ang nagbabantay sa kanila pero alam kong hindi si Mama iyon dahil nakikita ko naman na hindi siya umaalis sa Cabuyao. Sana ay buhay pa sila. "Mommy, gusto ko na kumain." Sabi sa akin ni Erwan at iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Kagigising lang rin niya at pumupungas pa ang kanyang mata. Nawala sa isip ko ang pag - aasikaso dahil lumilipad na naman ang isip ko. Ngumiti na lang ako sa kanya tsaka ako bumangon. "Okay, baby. Magluluto na si mommy." Sagot ko sa kanya at agad niya akong niyakap. Yumakap rin ako pabalik sa anak ko at mas hinigpitan ko pa. Mahal na mahal ko si Erwan at kahit ipagdamot ko kay Ace, wala akong problema. Hindi niya pa naman alam na may anak kami. Isinama ko na siya sa kusina para nababantayan ko habang nagluluto ako. Ayoko rin kasing maiiwan siya. Pinakuluan ko na muna ang carrots, kalabasa at patatas saka ko isinama sa scramble egg. Ito kasi ang paboritong ulamin ni Erwan. Sinanay ko siya sa pagkain ng gulay noon dahil hindi ko masyadong ginagastos ang natirang pera sa akin. Inilalaan ko iyon sa mas makabuluhang pagkakagastusan. May naging trabaho naman ako kaya ayos lang kung hindi ko gagalawin iyon. Hindi rin naman problema kung iniiwanan ko si Erwan noon dahil si Hanna ay nagpresintang alagaan siya. "Mommy, kailan tayo babalik kila Jon? Namimiss ko na silang kalaro." Sabi sa akin ni Erwan habang kumakain siya. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na hindi na kami babalik pa kila Hanna dahil maayos na kami ngayon ni Mama at tanggap naman siya bilang apo. Hindi na lang ako sumagot sa kanya at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Pero habang naghuhugas ako ng plato, may sunod sunod na kumatok na naman sa gate. Pakiramdam ko ay si Ace na naman iyon kaya agad kong hinugasan ang kamay ko saka lumapit kay Erwan. "Dito ka lang muna, baby." Bilin ko sa kanya at tumango siya kahit wala pa siyang kaalam alam talaga sa nangyayari. Sumilip lang ako sa bintana dahil ayoko na siya pagbuksan pa ng pintuan. Baka kapag nakita niya si Erwan ay mas manggulo pa siya sa akin, alam kong hindi siya titigil hanggat di ako sasama sa kanya. "Yna, makipag - usap ka naman sa akin!" Sigaw niya at niyugyog niya pa ang gate kaya nagkaroon na naman ng ingay sa tapat ng bahay, dahilan para lumabas lahat ang iilan sa mga nakikichismis sa amin. "Ace, wala na tayong dapat pag - usapan. Pamilyado ka ng tao." Sigaw ko sa kanya at pumunta na ako ulit sa kusina para samahan si Erwan. Sana ay umalis na siya dahil gusto ko na magkaroon ng katahimikan. Kung hindi gumanda ang buhay niya, hindi ko na kasalanan iyon dahil desisyon niya naman gawin iyon. "Baby, kahit anong marinig mo, huwag kang lalabas ng kwarto." Bilin ko sa kanya at ibinigay ko na lang ang ilan sa mga laruan niya. Kailangan kong harapin si Ace para matapos na rin ang kahibangan niya. Pagsilip ko sa bintana, nandoon pa rin siya pero nakaupo na lang sa semento habang nakasandal sa gate. Dahan dahan akong nagtungo sa kanya at napatingin naman siya sa akin. "Yna. Please?" Pagmamakaawa niya sa akin at tumayo na siya agad. Hindi pa man din ako nagsasabi na pwede siyang pumasok pero kusa na siyang nagtuloy tuloy kaya hinayaan ko na lang. Ang mahalaga, matapos na tong gulo na to. Nasa tapat lang kami ng pinto at hinihintay ko siyang magsalita pero niyakap niya lang ako na parang hindi niya na ako papakawalan pa. Hindi ako yumakap sa kanya pabalik at marahan ko lang siyang itinulak. "Bakit ka umalis bigla? Ano ba ang nagawa ko sayo?" Malungkot niyang sabi sa akin ng bitawan niya ako. Tinitigan niya lang ako at parang gusto niyang sumagot ako sa kanya agad pero hindi ko iyon ginawa dahil alam niyang malinaw naman ang sagot ko. "Ace, pwede ba? Tapos na tayo, may pamilya ka na. Ano pa ba ang gusto mong mangyari?" Tanong ko sa kanya at umismid na ako agad. Hindi ko na siya maintindihan at pati ang sarili ko ay nadadamay. Gusto ko na lang maging maayos ang lahat para na rin matahimik na ako. Kailangan na rin ni Ace ng katahimikan para makausad na siya sa buhay. "Nakalimutan na kita, Ace. Hindi rin naman tayo nagtagal, bakit hanggang ngayon, dala dala mo pa rin?" Tanong ko sa kanya at para akong nakipag - usap sa hangin. "Ilang taon mo kong binaliw, Yna, tapos yan lang ang sasabihin mo sa akin?" Sagot niya sa akin at hindi ko maisip ang dahilan para kausapin niya pa ako ng kausapin. Tinalikuran ko na lang siya at pinagsarahan ng pinto. Wala na kami dapat pag - usapan pa dahil ayokong makasira ng pamilya. Nagkipaglaro na lang ako kay Erwan at tinuruan siyang magsulat at magbasa dahil ilang taon na lang, mag - aaral na siya. Inabot nakami ng gabi at ganoon lang ang ginawa namin ni Erwan. Naghahain ako ng hapunan namin ng tumunog ang cellphone ko. Si mama ang rumehistro sa screen ng phone. "Yna? Uuwi ako diyan bukas ng umaga dahil aalis sila Aero at Genesis..Gusto ko rin makasama ang apo ko." Sabi sa akin ni mama at napangiti na lang ako. Ayoko kasi magkasawaan kami ni Erwan kaya mabuti at uuwi si mama para makakita ng ibang mukha. "Sige, ma. Bored na kasi si Erwan dito. Wala kasing makalaro at abala naman ako sa paglilinis ng bahay. " Sagot ko kay mama at nagtanong na lang siya kung anong mga prutas ba ang kinakain ni Erwan para iuwi niya bilang pasalubong. "Yna, isa rin sa dahilan nang pag - uwi ko, makikiusap sana ako sayo kung pwedeng kausapin mo si Ace. Palagi niya na akong tinatawagan simula ng malaman niyang nakabalik ka na dyan. Ipaliwanag mo sa kanya kung bakit ka umalis." Bilin sa akin ni mama at ibinaba niya na ang tawag. Maaga nakatulog si Erwan pero ako, hindi. Pakiramdam ko, may mga bagay na hindi ko pa.nalalaman. Kinaumagahan, narinig ko ang pamilyar na busina ng sasakyan sa tapat ng bahay namin. Dahan dahan akong bumangon dahil tulog pa si Erwan. Pagsilip ko, kotse ni Aero ang nasa labas at nasa tapat na ng gate si mama kaya kinuha ko na lang ang susi at pinagbuksan sila. Pagkakita sa akin ni Aero, sumenyas lang siya sa akin tsaka umalis na. "Bakit nagpalit ka ng susi?" Tanong niya sa akin at mas inintindi ko na lang ang pagbubukas ng gate. Pumasok na siya agad ng mabuksan ko ang gate tsaka sumilip pa sa tabing kalsada. "Dalawang araw na kasi akong ginugulo ni Ace dito. Dapat ay nasa honeymoon siya pero nandito at ganyan ang ginagawa." Sagot ko kay mama habang sinasara ko ang gate. "Hayaan mo na siya anak at hindi na nakakapag - isip ng maayos si Ace dahil sa dami ng problema niya." Sagot sa akin ni mama.at napangiwi na lang ako. Hindi naman na ako obligado magpasensya pa kay Ace dahil sa dami rin ng iniisip ko, idadagdag ko pa ba siya? Hindi ko na sinagot ang sinabi ni mama sa akin pagkapasok, inasikaso ko na lang siya. Uminom siya agad ng tubig pagkalapag ko ng pitsel. "Kamusta naman po kayo, mama?" Tanong ko sa kanya at hindi ko ma ideretso ang gusto komg sabihin. Kung ano na nga ba ang ginagawa niya sa puder ni Aero at bakit laging na siyang nandoon. "Ayos naman ako anak. Tinutulungan ko lang si Aero dahil guato na niya pakasalan si Genesis." Masiglang ayos niya sa akin at tumango na lang ako. Matapos si Ace ay si Aero naman ang magpapakasal. Hindi naman malaking bagay sakin ang pagpapakasal. Ang importante, may anak na ako at kaya ko naman itaguyod mag - isa. "Buti naman at naging maayos na sila Aero at Genesis. Alam ba niya ang tungkol kay Aero?" Tanong ko kay mama pero umiling lang siya sa akin. Sana lang ay hindi magkaroon ng gulo kapag nalaman ni Genesis ang tungkol kay Aero. Ayoko rin naman na masaktan pa si Aero dahil sobra sobra rin naman ang naranasan niya kaya siya nagkakaganyan. Iniisip kong tulungan ulit si Aero sa mga plano niya pero hindi kasama doon ang masamang gawain. Natuto na ako sa mga pagkakamali ko sa buhay at takot na rin ako sa karma. "Anak, tungkol nga pala kay Ace." Mahinang sabi sa akin ni mama at agad akong pumuwesto para harapin siya. Gusto ko rin humingi ng payo kay Mama kung ano ba ang dapat kong gawin. "Ma, ano ba ang dapat kong gawin kay Ace? Gusto ko na kasi matahimik na ako. Alam kong nagkamali ako dahil iniwan ko siya at walang paalam pero sobrang tagal na at sana, intindihin niya na lang ang buhay niya ngayon." Mahabang sabi ko kay mama at tumango lang siya. Alam kong tama naman ang sinasabi ko dahil kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan ay walang mangyayari. "Hayaan mo lang siya magpaliwanag sayo anak. Pakinggan mo lang siya. Matagal ka rin niyang hinintay. Palagi siyang nandito at baka sakaling umuwi ka." Sagot sa akin ni mama at tumango lang ako. Kung papakinggan lang rin naman, wala naman problema sa akin pero malinaw ang desisyon ko na hindi na ako babalik sa kanya. "Sige po ma, papakinggan ko po siya." Pag sang - ayon ko sa sinabi ni mama at nagpunta na siya sa kwarto kung nasaan si Erwan. Lumabas na muna ako para makapagpahangin, may makakasama naman na si Erwan kaya pwede na akong lumabas ng bahay. Pero pagbukas ko pa lang ng pinto, nandoon na naman si Ace at tumitingin lang sa loob ng bahay namin. Lumabas ako at agad ko siyang pinuntahan. Tinitigan ko na lang muna siya at agad niya akong niyakap. "Mag - usap tayo pero hindi dito." Bulong ko sa kanya at pumasok na ulit ako. Sa likod ng bahay ay may bakanteng lote doon kaya dun kami nagpunta para walang makakarinig sa pag - uusapan namin. Tahimik lang kami habang nakatayo parehas doon, parang nagpapakiramdaman pa kung sino ang unang magsasalita. "Let me explain, tungkol sa kasal namin." Paunang sabi niya at inihanda ko na ang sarili ko para pakinggan siya. Alam kong hindi niya mahal si Francine, kitang kita ko sa kanyang mata iyon nang mismong araw ng kasal niya. "Hindi ko mahal si Francine. Kabayaran lang ang kasal dahil sinalo nila ang hardware at.." huminto si Ace at parang may hindi siya kayang sabihin dahil panay ang paghinga niya ng malalim "nabuntis ko siya." Pagtatapos niya sa sasabihin niya. "Matagal nang may gusto sa akin si Francine, high school pa lang kami. Pero nang nawala ka, sa kanya ko naibaling ang lahat. Dalawa na ang anak namin at ipinagbubuntis niya ang pangalawa. " Pagpapaliwanag sa akin ni Ace, wala akong masagot sa kanya kung hindi pagtango lang. Hindi ko rin alam kung dapat pa ba akong mag react sa mga sinabi niya. "Ace, tanggapin mo na lang ang naging resulta ng mga desisyon mo. Hindi na kita matatanggap pa. " Sabi ko sa kanya at umiling lang siya. "Ikaw pa rin ang gusto ko. Hindi ko mahal si Francine." Matabang niyang sagot sa akin at napaismid na lang ako. "Hindi mo mahal pero dalawa na ang anak niyo. Pwede ba, Ace. Tama na. Matagal na tayong tapos. Palayain mo na ang sarili mo." Sagot ko sa kanya na may halong pagsusumamo. Sana maisip niyang siya pa rin ang iniintindi ko sa mga ganitong pagkakataon. "Nakilala ko lang siya nang mga panahong sobra akong nababaliw sayo. Siya ang naging sandalan ko noon, Yna pero ikaw pa rin ang mahal ko." Paliwanag niya sa akin pero hindi ko na lang inintindi dahil malayo ang sagot niya sa sinabi ko. Tama rin pala na si Francine na ang piliin niya dahil iniahon siya nito sa magandang buhay. Ibang iba sa nagawa ko sa kanya noon. "Sana magkaroon kayo ng maayos na pamilya, Ace. Pagtuunan mo na ng pansin ang mga anak mo. " Tumango lang siya sa akin at humingang malalim. Hindi ko naman siya masisisi kung ayaw niyang alagaan ang kanyang anak. "Mayaman ang pamilya nila Francine at halos bilhin na niya ang pagkatao ko." Matigas na sagot ni Ace. Tingin ko naman ay mabuting tao ang pamilya ni Francine. Hindi lang talaga matanggap ni Ace na humihingi siga ng tulong noon, dahil nasanay siya sa kung ano ang kaya ng pamilya niya. "Yung lalaking nasa inyo nung nakaraan? Sino ba siya? Siya ba ang ama ng batang kasama mo? Anak mo ba siya?" Sunod sunod na tanong ni Ace pero hindi ko kayang sagutin ang lahat. Umiling lang ako sa kanya. Pati ang relasyon ko kay Geoffrey ay gusto niyang malaman. Wala naman mangyayari kung sakaling malaman niya ang tungkol sa amin. "Oo, asawa ko siya at oo, anak ko ang batang nakita mo." Matipid kong sagot at baka may masabi pa akong kung ano. Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka hinalikan. Nailang ako sa ginagawa niya pero may kung anong nabuhay sa loob ko. Hirap pa rin akong itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko pa rin talaga si Ace pero pipilitin kong mag move - on. Naghihintay pa ako ng sunod niyang itatanong pero hindi na siya umimik pa. Matagal rin ang katahimikan na namagitan sa amin ni Ace. Ang akala ko, may sasabihin pa siya tungkol kay Erwan pero hindi niya ata napansin ang itsura nito. "Pasensya ka na kung hindi ko nagawa ang bagay na gusto mong mangyari at mas naging malala pa ako. Kung may hihilingin ba ako sayo, mapapagbigyan mo ba ako?" Tanong niya sa akin habang magkahawak kamay pa rin kami. Tumango lang ako bilang sagot at tumayo na siya pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. "Kung pagiging kaibigan, sige. Walang problema sa akin." Sagot ko sa kanya at niyakap niya na ako ng maghigpit. Sana ay tama ang desisyon ko. "I miss you." Bulong niya sa akin at nakakapanindig balahibo ang pagtitig niya. Tila may gusto siyang mangyari pero hindi na ako papayag pa. "Walang sabihan ng ganyan." Sagot ko sa kanya pero si man lang siya sumagot kaya agad ko nang hinila ang kamay ko sa kapit niya. "Totoo naman namiss kita kahit hindi mo na ako namimiss, ayos lang sakin." Malambing niyang sabi sa akin at tumango na lang ako. Kung ano ang gusto niya, doon na lang din ako. "Matagal na kita gustong makausap. Gusto ko lang sabihin na wala kasing saysay kung magtitino ako sa pag - aaral pero hindi ikaw ang kasama ko. Iniisip ko rin naman ang kinabukasan nating dalawa." Bulong sa akin ni Ace. May sasabihin pa sana ako nang biglang lumabas si Erwan at Mama galing sa pintuan ng kusina. Gusto ko pa sanang tumakbo papasok ng bahay kasama si Erwan pero parang nanigas ang tuhod ko sa bigla niyang paglitaw. Nakatingin lang din si Ace sa akin at parang naghihintay na ipakilala ko sa kanya si Erwan. Pero hinding hindi iyon mangyayari. "Mommy, nandito ka lang pala!" Sigaw sa akin ni Erwan at tumakbo papalapit sa akin tsaka yumakap sa binti ko. Napatingin ako kay Ace at nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita si Erwan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD