Prologue
Hirap na hirap pa rin ako bumangon ngayong araw, dapat ay masaya ako pero hindi ko mahanap kung saan ko kukunin ang lakas ng loob na magkumyari sa harap ng ibang tao.
"Yna! Gumising ka na!" sigaw sa akin ni Mama at agad na akong bumangon. Tinitigan ko ang isusuot kong gown na nakasabit sa cabinet. It really fits me. May magandang hubog naman kasi ang katawan ko kaya kahit anong damit ay bagay sa akin.
Inayos ko na ang buhok ko saka ako lumabas ng kwarto. Nagrent ako ng hotel na may dalawang kwarto at dumungaw na muna sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang naglalakihang building sa ibaba ng hotel na tinutuluyan ko.
"Anak, mag - asikaso ka na at pupunta na sila dito mga make - up artist," utos sa akin ni mama at sumunod na lang ako. May sarili naman akong desisyon at pinili ko ang tama. Ito ang tama. Nagpunta na ako sa cr para makaligo na at habang nagshoshower ako ay narinig ko na dumating na nga sila.
Agad akong nagpatuyo ng buhok at nagsuot ng bath robe towel na may initials pa namin ng mapapangasawa ko.
"Ay, goodmorning madam!" bati sa akin ng stylist ko at nakipagbeso beso pa pagkalabas ko ng cr. Ngumiti lang ako sa kanya at hinila niya na ako paupo sa harap ng vanity mirror niya.
Iniblower niya na muna ang buhok ko at inayusah bago ako nilagyan ng make - up. Kahit anong ganda ng ayos niya ay hindi ko mahanap yong saka ko ngayong araw na to. Ilang beses niya rin ako sinabihan na ngumiti sa araw ng kasal ko.
Maya maya pa ay ang photographer naman ang dumating kasunod ang mga bridesmade ko dahil mamake up rin sila ng artist at kailangan sa pictorial.
May nirentahan ding room si Geoffrey at nandoon naman ang mga groom niya. Kinuhaan na ng picture ang mga gagamitin ko sa kasal mamaya. Ang Bible, rings, bouquet, candles and many more. tapos ay ako naman habang inaayusan ang mga brides.
Masayang masaya ang mga bridesmaid ko habang kinukuhaan sila ng picture habang ako isang pilit na ngiti para sa isang bagay na habang buhay kong dadalhin. Ang pakasalan si Geoffrey.
Masaya sila para sa akin. Ang mga pinsan ko, katrabaho at kaibigan simula pa noon. Wala lang dito si Aero at Genesis dahil sa nagtatago na sila sa mata ng mga tao at naiintindihan ko iyon.
"Yna, kausapin kita saglit," bulong sa akin ni mama habang tumutulong siya sa pag susuot ng gown ko. Pasimple na lang akong ngumiti sa kanya. Mother knows best.
"Girls, labas muna kayo, may pag - uusapan lang kami ni Yna," Announcement ni Mama sa kanila at isa isa silang natahimik. Pasimple na lang akong nagpunas ng mata ko kahit wala naman akong luha. Just to act.
"Okay po mother. Tara na. Five minutes," sagot naman ng stylist at sumunod na ang mga bridesmaid kahit na hindi pa tapos ang make up nila ay lumabas muna sila.
"Yna, sure ka na ba sa pagpapakasal mo? Nakikita ko nagdadalawang isip ka pa," tanong sakin ni mama at hinawakan ko lang ang kamay niya.
Alam niya ang tungkol kay Erwan pero hindi ang tungkol kay Ace. Sa mga pinag - gagawa namin ni Ace at sa mga maaari namin gagawin ni Ace, walang alam si mama at ayokong ipaalam sa kanya. Ayokong masaktan siya sa mga katotohanang na sasabihin ko sa kanya.
"Yes, ma. Iniisip ko lang baka manibago ako sa buhay na papasukin ko at ang tungkol kay Erwan, " malungkot kong sabi sa kanya. Hindi ko na isinama sa akin ang anak ko, doon na siya sa kwarto nila Geoffrey para mas malapit ang loob niya sa mapapangasawa ko.
"Tanggap ka ni Geoffrey, maging masaya ka na lang at swerte ka sa mapapangasawa mo," sagot sa akin ni mama at lumabas na kami.
Mahal ko rin naman ang magiging asawa ko pero hindi ito sapat para sa akin dahil may pagmamahal na alam kong magkakapagpasaya pa sa akin.
Tahimik na ako hanggang sa makasakay na kami ng kotse at makarating ng simbahan, pinagdadasal ko na sana ay nandoon si Ace at pipigilan akong magpakasal pero hindi na rin pwede dahil sa sitwasyon niya.
Pagdating ko sa simbahan, pinaupo na muna ako sa isang tagong silid habang may kausap ang event coordinator sa telephono. Nagbigay siya sa akin ng signal kung kelan ako lalabas sa kwarto at lahat ng paglalakad ko ay may picture ako.
Dahan dahan akong umakyat at ng binuksan nila ang pinto ng simbahan, nakatingin lang ako sa malaking krus sa taas nito at humihingi ng isang pang sign kung dapat ko ba itong ituloy.
Pagkatingin ko sa pwesto nila Geoffrey ay nakita ko sa pinakadulo si Ace. Nakatingin lang siya sa akin at sobrang lungkot ng kanyang mga mata. Sana ay mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita pero kailangan kong ituwid ang buhay ko.
Sobrang pait ng kanyang ngiti at alam kong ito na ang sign na dapat ko na siyang bitawan. Hindi siya ang lalaking makakasama ko sa buhay pero palagi siyang nasa puso ko.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa altar habang isa isa ring binibitawan ang lahat ng ala - ala na meron ako kay Ace. He will always be the one that got away.
Forever grateful for the love he shown me and trusting me. Pero mas kailangan ko ng makakatuwang ko sa buhay. Hindi ang isang kagaya niya na may asawa at ngayon ay may anak na rin sa iba, bukod kay Erwan.
Yes, I am Yna Meridith, nagmamahal sa isang taong may asawa at anak na.