Chapter 12

3000 Words
"Hindi ba talaga sasama si Yna?" Narinig kong tanong ni Aero kay Mama. Nandito sila ngayon para sunduin si Mama, kanina pa ako gising pero nakailang balik na si mama sa kwarto ay hindi pa rin ako kumikilos. Kinausap ko na rin si mama kagabi at paulit ulit kong sinasabi na hindi ako pupunta at wala naman akong gagawin doon. Isa pa, hindi ko kailangang saktan ang sarili ko. Nakatulala lang ako sa lamesa at walang ganang kumain dahil ito ang araw kung saan kailangan kong palayain ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal ni Ace kaya tamad na tamad akong kumilos at parang gusto ko na lang matapos rin agad ang araw na ito. Mabagal ang ginawa kong paghahanda. Isang simpleng t - shirt lang at pants ang suot ko. Hindi rin ako masyadong ang lagay ng make - up dahil ayoko naman maging agaw pansin. Wala rin kasi akong magawa sa bahay kaya mas mabuti siguro kung pupunta na lang ako. Wala naman mawawala sa akin. Tanghaling tapat na at nandito ako sa isang kilalang pinakamatandang simbahan sa Maynila. Hindi ako sumabay kila Mama sa pagpunta nila dito dahil ayokong isipin nilang kailangan ko ng simpatya. Naisip kong pumunta dito para makita ang babaeng papakasalan ni Ace. Hindi rin kasi sila dito didiretso, kung hindi sa isang hotel para magpalagay ng make - up sa artist at sa pictorial rin kasama ang mga ikakasal. Hawak ko pa rin ang invitation para kay mama at paulit ulit kong binabasa ang mga pangalang nakasulat doon. Francine, Francine, Francine. Yan ang babaeng papakasalan ni Ace. "Ace Herion and Francine De Jesus." Yan ang nakalagay na pangalan at halos lahat ay walang apelyido sa invitation. Hindi naman siguro importante iyon para sa kanila, ang mahalaga ay ang pagdalo nang lahat ng nasa listahan. Tirik na ang araw pero kahit ganoon, marami ang pumunta sa kasal nila. Wala sa sarili akong naglalakad lakad lang sa paligid kahit pinagtitinginan na ako ng iilan dahil ako lang ang naka casual ang suot pero lahat sila ay naka gown at suits. Wala rin akong mahanap na kilala dito kaya para akong batang naliligaw. Engrande ang kasal na ito at parang mayayaman na pamilya talaga ang lahat ng imbitado. Pagkakita ko pa lang sa parking lot ay madami ng magagandang kotse. Nagkakatipon tipon na ang iilan sa mga imbitado sa kasal, panay ang pakuha nila ng mga litrato at alam kong ang iilan dito ay kamag - anak ni Ace. Ang ilan sa mga nagkukumpulan ay may dala ring bisita para kuhaan sila ng litrato. Maingay na rin dahil sa mga dumadaang sasakyan at pagkekwentuhan ng mga bisita. Puro pangalan ng bride ang naririnig ko. Umalis na muna ako sa parking lot at naghanap na lang ng makakainan. Habang nandito kasi ako, ilang beses kong naririnig ang sarili ko kung bakit nga ba ako pumunta dito? Para saan pa ba at nagpunta ako? Ano ba ang mapapala ko kung pumunta ako dito? Simula umaga ay yan na ang tanong ko sa sarili ko pero gustong gusto kong puso ko ang nasasaktan kaya heto ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ba nakapwesto sila mama kaya inilibot ko na lang ang mata ko sa malawak na parking lot pero nang mapansin kong nagsipag - pasukan na ang lahat matapos ang pagtunog ng kampana, sumunod na rin ako sa kanila. Maganda ang pagkakaayos nila ng mga bulaklak at may tela pang nakasabit sa mga upuan. May malaking arko rin sa entrance at punong puno iyon ng maliliit na bulaklak. Sobrang liwanag ng simbahan at halos mapaluha ako dahil ganitong ganito ang sinabi kong kasal na gusto ko. Pero hindi na ako ang babaeng makakasama ni Ace dito. Nasa pinakadulo ako ng simbahan pumuwesto para makaiwas na rin kila mama. May pulang carpet pa sila at punong puno ng bulaklak ang loob ng simbahan, kumpleto ang mga mag - aayos sa kasal. May event organizer, dalawang photographer at singer. Hindi ko alam kung napapansin ba ako ni Ace pero titig na titig ako sa kanya habang nakatayo siya sa ilalim ng arko. Siya ang pinakaunang maglalakad sa carpet at nasa likod niya siguro ay ang mga magulang o kaya naman ay ninang at ninong ng ikakasal. Hindi na rin ako sigurado pero nakita kong si mama ang kapareha ni Armando, si Aero naman ang nasa likod nila pero wala siyang kapareho sa paglalakad. Isang pamilyar na kanta ang pinapatutog pero violin version lang at walang kasamang lyrics ang tinutugtog habang naglalakad ang iilan. Pagkatapos ni Aero, may iilan ding mga naka puting gown ang naglakad. Ang sumunod ay ang mga magkakapareha na, ang mga bata tapos ay ang mga solo ulit na naglalakad na mga babae. May naglakad uli na isang babae at lalaki tapos ang pinakahuli, isang batang babae na nasa edad dose pataas, may hawak na isang board. Ilang sandali pa, nagbago ang kanta at dahan dahan nilang binuksan ang pinto ng simbahan. Dahan dahan ang paglalakad ng babae at kitang kita ko ang kanyang ganda. Sobrang puti at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang gown. Parang prinsesa ang suot niya at punong puno ng mga dyamante at ilang pang dekorasyon pa. Tumayo rin ang lahat para salubungin siya at ang iilan ay panay ang pagkuha ng litrato sa kanya. Ako dapat ang nasa sitwasyon niya ngayon pero wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko noon. Alam kong nagkaroon rin naman ng magandang kinabukasan si Ace. Huminto siya sa gitna at kinapitan siya ng huling magkapareha, marahil ito ang kanyang mga magulang. Magkakasabay silang naglakad papunta sa altar tapos ay lumabas na ang pari at ilan sa mga kasama niya. May dala rin silang upuan para sa kanila at ilang mga gagamitin. Isang puting lubid. Napatingin ako kay Ace at seryosong seryoso siya sa pagkakatitig kay Francine. Kitang kita ko ang pagmamahal niya para kay Francine, noon sa akin lang ang ganitong klase ng pagtingin pero ngayon, para sa ibang babae na at makakasama niya na habang buhay. Napansin ko si Aero sa tabi niya at hindi ko maisip kung bakit siya ang nasa pwesto ng mga magulang. Nasa bench ng simbahan si Armando katabi si Mama at ilang mga kamag - anak ni Ace. Hindi ko maintindihan kung ano nga ba ang mayroon kay Ace at Aero. Inaabot ng isang lalaki ang kamay ni Francine kay Ace at tinapik ang likod nito. May isa ring lalaki na kamukhang kamukha naman ni Francine na nakapwesto sa mga upuan ng abay na lalaki. Kay Aero yumakap ang mga magulang ni Francine at ganon rin si Ace. Siguro, nang mawala ako, naging mas malapit na sila Ace at Aero. Pumuwesto na sila Francine at Ace sa gitna ng altar at tumayo na lang lahat para sa paunang dasal ng pari. Sumunod na lang ako sa agos at pinanood lang silang tinatapos ang seremonya ng kasal. Hanggang sa palitan lang ako ng kanilang wedding vows. Sa lahat ng bisitang nandito, ako lang ang masaya pero may sakit na nararamdaman. Halos lahat sila dito ay masaya para kila Ace at Francine. Nakatulala lang ako ng mapansin kong nasa tabi ko na pala si Aero. "Bakit ka nagpunta dito? Gustong gusto mo talagang sinasaktan ang sarili mo ano?" Tanong sa akin ni Aero at sa lahat, siya lang ang nakapansin sa akin. "Gusto ko lang siyang makitang masaya. Wala naman masama doon." Matabang kong sagot at hindi ko na ipinahalata sa kanya na ang sakit na nararamdaman ko. Abala akong pinakikinggan ang wedding vow ni Ace para kay Francine. Wala naman siya masyadong ipinangako sa akin noon bukod sa tanggap niya ako bilang ako, wala nang iba. "May anak siya sayo, bakit hindi pinaglaban? Alam mo naman siguro na maiintindihan ni Ace kung sakaling magkausap kayo?" Tanong ulit sa akin ni Aero at may halong galit na ang kanyang tono. "Ano bang pakialam mo kung ayokong ipaglaban si Ace? Masaya na siya ngayon. Maganda na ang buhay niya. Kung isang kagaya ko ang makakatuluyan niya, habang buhay siyang hindi magiging masaya." Sagot ko sa kanya at iniiwas ko ang braso ko kay Aero at aktong aalis na ako para hindi makakuha ng atensyon ng mga tao pero nahablot niya parin ang braso ko. "Tingnan mong maigit ang itsura ni Ace kung talagang masaya siya. Alam mo sa sarili mo na hindi masaya si Ace. Tingnan mong maigi, Yna." Bulong sa akin ni Aero at ginawa ko ang sinasabi niya. Nakangiti nga si Ace pero ang mata niya, sumisigaw ng kalungkutan. Doon ko lang napansin iyon ng sabihin sa akin ni Aero. Hindi ba siya masaya sa kasalan na ito pero bakit kailangan niyang gawin? Napansin ko ang lalaking kamukhang kamukha ni Francine at doon lang nakatingin si Ace imbes na kay Francine. Naisip ko, baka ipinagkasundo sila at wala talagang pagmamahal na namamagitan sa kanila pero nang ilipat ko kay Francine ang tingin ko, kita kong tuwang tuwa naman siya. Ngayon lang ako nakakita ng isang arrange wedding. Akala ko ay sa mga palabas lang nangyayari ito pero sa totoong buhay rin pala. "Hindi masaya si Ace." Malungkot na sabi ni Aero at umalis na siya sa tabi ko. Ayon sa wedding vow ni Ace, nangako siyang magiging isang butihing asawa. Mamahalin si Francine. Umulan o umaraw ay sasamahan niya si Francine. In sickness, and in health. Papakinggan sa lahat ng oras at palaging uunahin ang nararamdaman ni Francine kesa sa kanyang nararamdaman. Hindi kasama doon ang pangakong mamahalin at doon ko naisip na ako pa rin ang talaga ang mahal ni Ace. Kung hindi naman niya ako mahal ay hindi siya pupunta sa bahay sa eksaktong araw na nandoon ako. Pagkatapos ng wedding vow ni Ace, nagpalakpakan ang mga tao tapos ay may lumapit sa kanya para iaabot ang singsing. Pagkasuot nito, muling nagpalakpakan ang lahat. Inilipat nila ang microphone kay Francine at napansin kong hindi pa rin masaya si Ace. Gusto kong pigilan pero huli na ang lahat. Sumunod naman ang pangako ni Francine na magiging mabuting asawa, ibibigay ang lahat at uunahin si Ace kesa sa ibang tao. Pagsisilbihan, papakinggan at hinding hindi magsasawa sa pagtyatyaga kay Ace. Hindi ko na tinapos at agad na akong umalis dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang makita ang lalaking pangarap ko ay mapupunta na sa ibang babae. Habang nasa byahe ako, naisip kong tawagan si Geoffrey. GUsto kong maglabas ng sama ng loob, kailangan ko ng kausap. Sa bahay rin naman ang diretso niya dahil ihahatid niya pa sa akin si Erwan. Kahit masakit para sa akin ang nasaksihan ko, hindi ko magawang maiyak o maluha man lang. Ganito na ako simula ng umalis ako noon. Pinangako ko sa sarili na hinding hindi ko iiyakan si Ace pero aminado akong masakit ang iwanan siya noon. Pagdating ko sa bahay, nakasalubong ko pa ang iilan sa kaibigan ni Ace. May handaan kasi sa kanila para sa mga kapitbahay. Alam kong nakilala ako ng iilan pero hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso lang ako papasok sa amin. Nandoon na pala si Geoffrey at Erwan. Tulog na tulog si Erwan at nakapatong ang ulo niya sa hita ni Geoffrey habang hinahawi niya ang buhok ni Erwan. Sayang anak, hindi mo nakita ang daddy mo. Ngumiti lang sa akin si Geoffrey saka ako umupo sa tabi niya at isinandal ang ulo ko sa braso niya. Sa loob ng apat na taon, si Geoffrey na talaga ang naging sandalan naming mag - ina. Naisip kong buksan na ang puso ko para sa iba at si Geoffrey ang napili ko. Niyakap ko pa ang kamay ko sa braso niya bilang paglalambing ko sa kanya. Sa mga panahong nalulungkot ako ay si Geoffrey lang ang nandiyan palagi para sa akin. Minsan kapag stress na ako kay Erwan ay siya ang sumasalo ng init ng ulo ko. "Bakit hindi mo siya pinatulog sa kwarto? May aircon naman doon." Sabi ko kay Geoffrey pero nginitian niya lang ako at sumenyas sa tv. Nakabukas pa ito at pambata ang palabas. Dinala niya na lang si Erwan sa kwarto, habang inilalapag niya ay binuksan ko naman ang aircon. Pagharap ni Geoffrey sa akin ay agad ko siyang hinalikan ng malalim. Hindi pa gumagalaw ang kanyang labi ay naitulak niya na ako. "Teka, masyado kang agrisibo. Anong nakain mo? Nakainom ka ba?" Tanong sa akin ni Geoffrey at agad na akong nakaramdam ng hiya. Bigla akong tumalikod sa kanya dahil pakiramdam ko ang napakasama kong tao. "Yna, anong problema?" Mahinahon na sinabi sa akin ni Geoffrey at hinawakan niya ang balikat ko para paharapin ako. Nakita ko na naman ang rason kung bakit ko nagustuhan si Geoffrey. Sa tuwing makikita ko ang kanyang malumanay na mata ay nawawala lahat ng pangamba sa akin. Niyakap ko lang siya ng sobrang higpit at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Naramdaman kong basang basa na ang damit niya kaya naman agad akong lumayo pero siya na mismo ang muling nagbalik sa akin sa ganoong posisyon. "Kung ano man yan at hindi mo kayang sabihin, ayos lang. Iiyak mo lang yan, Yna." Sabi sa akin ni Geoffrey at niyakap ko siya saka dahan dahang itinulak para makahiga kami sa kama. Inayos niya ang pagkakahiga ni Erwan at pinatong sa braso niya tapos ay tumabi ako saka siya hinarap. Hinaplos ko ang mukha ni Erwan at kitang kita ko talaga ang mukha ni Ace sa kanya. "Araw ng kasal ngayon ni Ace at kaya wala sila mama dito, lahat sila ay nandoon. Ang tanga tanga ko kasi, sana hindi na lang ako pumunta pero gusto kong makitang masaya siya." Malungkot kong sabi habang hinahaplos ni Geoffrey ang pisngi ko. "Sana hindi ka na lang pumunta, Yna. Alam kong mahal mo pa rin si Ace, hindi mo maitatago sa akin yon pero pasalamat pa rin ako sayo dahil tinanggap mo ko at binigyan ng pag - asa." Sagot sa akin ni Geoffrey at mas lalo akong naluha. Dahil parang itinatali ko lang siya sa akin pero hindi ko siya mabigyan ng kasiguraduhan. "Gusto kong pumunta para makita siyang masaya kahit hindi na dahil sa akin." Sabi ko kay Geoffrey at tumango tango lang siya sa akin. Wala sa sarili kong sinabi ang lahat ng iyon kay Geoffrey dahil alam kong naiintindihan niya ako at kahit kailan, hindi siya nagsasawang intindihin ako. "Gusto mo bang maging masaya? Sana ay buksan mo na ang puso mo para sa akin. Matagal na kitang inaalagaan, ikaw at si Erwan. Sana magkaroon naman ako ng puwang sa puso mo." Pabirong sabi sa akin ni Geoffrey at tumango lang ako. Ramdam niya rin kasi sa sarili niya na kahit sinagot ko na siya nitong nakaraang buwan, nararamdaman niya pa rin na iba ang nasa isip ko. "Gustong gusto ko na, Geoffrey. Ayoko lang maramdaman mo na ginagawa kitang rebound. Sana ay hayaan mo akong maparamdam sayo na ikaw na ang gusto ko at hindi na ibang tao." Sagot ko sa kanya at hindi siya kumibo at sa unang pagkakataon, nakita kong malungkot si Geoffrey. Para akong sinaksak ng ilang beses dahil doon. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Pero handang handa na ako para pakawalan si Ace. HInalikan ko ulit si Geoffrey at sa pagkakataong iyon, ibinuhos ko ang lahat ng emosyon ko. Hindi na tumanggi pa si Geoffrey at agad na rin niya akong hinalikan. Bumitaw muna siya at hinaplos ang pisngi ko. "Finally." Bulong niya sa akin at hinila ko siya palabas ng kwarto namin ni Erwan dahil baka magising siya kung doon namin gagawin ni Geoffrey iyon. Kahit hindi pa ako handa ay kailangan ko na lang magkunyari. Gusto kong ibaling na sa iba ang atensyon ko. Gusto ko na rin sumaya at unahin na ang sarili ko kesa sa ibang tao. Si Geoffrey ang naisip kong maging kasama sa habang buhay at hindi ko na rin kaya na hindi siya makakasama dahil naging parte na rin siya ng buhay naming mag - ina. Kung pipiliin ko siya, sigurado ako sa sarili ko na wala na akong magiging problema. Hindi ko na rin kailangan pang isipin lagi si Ace. Gusto kong mapadama sa kanya na handa na talaga akong papasukin siya sa buhay ko at hindi na rin naman bago sa akin si Geoffrey. Hinalikan niya akong muli at inihiga sa sofa saka mas pinalalim ang paghalik niya sa akin. Pababa sa aking leeg habang ang kamay niya ay kung saan saan na nakarating sa aking katawan. Binuksan niya nag zipper ng aking pantalon at hinaplos ang p********e ko. Sa apat na taon, ngayon lang ako uli makakadama ng ganitong klaseng init. Lumayo siya sa akin at hinubad ng dahan dahan ang pantalon ko hanggang sa underwear ko na lang ang natira. Kahit may nakaharang ay dama ko ang init ng kanyang palad. "Geo." Bulong ko sa kanya at may kasunod ng pagdaing dahil binibitin niya ako sa ginagawa niya. Inabot ko ang kanyang mukha at hinalikan ko siya. Pumaibabaw na ako sa kanya at iginaya ko ang kamay niya sa dibdib ko. Sa una, kailangan ko pang ituro sa kanya ang paggalaw pero binitawan ko na rin ang kamay niya ng maramdaman kong kusa na siyang kumikilos. Inalis ko ang suot kong t - shirt at pinalaya ang aking dibdib. Iniangat ako ni Geoffrey para maabot ang aking hinaharap. Para siyang batang uhaw na uhaw nang madikit ang labi niya sa akin. Palipat lipat ang kanyang ginagawa hanggang sa maramdaman ko sa aking hita ang kanya. Hinubad niya ang short na suot niya saka tumitig sa akin na parang humihingi ng permiso. Hindi na ako naghintay sa kanya at agad ko nang itinutok ang akin saka dahan dahan akong nagpataas at pababa. May hapdi pa rin akong nararamdaman pero tiniis ko iyon dahil mas nangibabaw ang ligaya ko sa oras na iyon. Mas naging agresibo si Geoffrey at siya na mismo ang nagtaas baba sa akin. Hanggang sa unti unti siyang hiningal at nahiga na lang ako sa kanyang dibdib. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD