Chapter 20

3012 Words
Madaling araw umalis si Geoffrey pero hindi ko na siya na asikaso dahil sa sobrang antok pa ako. Mag - isa na lang siyang kumilos at jmalis na rin nang hindi nakakapagpaalam sa akin. Alas nuebe na nang magising ulit ako. Gising na rin si Mama at Erwan. Nasa dining table na sila at nagsasandok na ng sinangag na kanin si Mama. Nagtimpla na lang ako ng gatas ni Erwan at juice naman para sa akin. "Madaling araw pala, umalis na si Geoffrey, hindi mo man kang na - asikaso." Sermon sa akin ni Mama pero hindi ko na lang iyon pinansin. Inilapag ko na ang gatas ni Erwan sa harapan niya at umupo na ako sa tabi niya. Sumunod naman si Mama. "Aalis kami mamaya ni Erwan. Bibili ako ng mga damit niya." Pagpapaalam ko kay Mama at nilagyan ko na ng pagkain ang plato ko. "Okay. Aalis rin ako ngayon at mag gegeneral cleaning sa bahay ni Aero. Doon na titira si Genesis. " Sagot naman sa akin ni mama at hindi ko na inintindi ang sinabi niya. Ayoko na makarinig ng kahit ano tungkol kay Aero at Ace. Pagkatapos makapagpahinga ni Erwan, pinauna ko na siyang umalis para makaligo na. Hinugasan ko na muna ang mga pinagkainan namin bago ako nagtungo sa kwarto para kuhaan nv damit si Erwan. Ilang saglit pa, inihatid na siya ni Mama sa kwarto na nakatapis lang nang tuwalya kaya pinunasan ko na ang katawan niya at binihisan ko na rin. Masayang masaya siya kahit sa pagpapaalam namin kay Mama ay halata sa anak ko ang excitement. Sa Mall kung saan ko nakita si Francine ang naging usapan namin ni Ace. Alam ko kasing dito lang sila sa Mayapa tumira ni Francine para mas mapalapit siya sa kay Aero. "Anong oras ang usapan niyo ni Ace? Nakaalis na kasi siya dito." Text sa akin ni Francine habang nasa byahe pa ako. Gusto ko muna magkausap ang mag - ama bago ko papuntahin si Francine. "Ngayon na ang usapan namin. Pagkatapos ng dalawang oras, tsaka ka na pumunta dito." Sagot ko sa kanya at itinago ko ang ang cellphone ko dahil nasa tapat na kami ng Mall. Hinawakan ko agad ang kamay ni Erwan pagkababa namin ng taxi at naglakad patungo sa food court ng Mall na iyon. Sunod sunod na rin ang pagtetext sa akin ni Ace pero kahit isa doon ay wala akong sinasagot. Nakaupo lang kami ni Erwan sa isang table at panay ang pagtingin tingin niya sa paligid. "Mommy, nasaan na po ang Tatay Ace?" Tanong sa akin ng anak ko at pinaupo ko na lang rin siya dahil ilang sandali na lang naman ay nandito na rin siya. "Yna." Bulong sa akin ni Ace at halos mapatalon na ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Lumapit siya sa kay Erwan at lumuhod agad para magtapat ang kanilang mga mukha. "Anak." Usal niya sa anak ko at hinawakan ang mukha nito at niyakap. Wala akong maramdaman na emosyon dahil sa pagtatagpo nila kaya humalukipkip na lang ako. Lumapit na rin sa akin si Ace at aktong hahalikan ako sa pisngi pero agad ko siyang itinulak. "Ace, huwag sa harapan ng anak ko." Tiim baga kong sabi sa kanya at ngumiti lang siya sa akin at bumalik sa tabi ni Erwan. "Anong gusto mong gawin ngayon, Erwan?" Tanong niya sa anak ko at hinawakan siya agad ni Erwan sa kamay. "Tatay, gusto ko pong bumili ng toys at books at maglaro at kumain ng masarap!" Masiglang sagot ng anak ko sa kanya at hinila na siya nito para makaalis na sa foodcourt. Sumunod na lang ako sa kanila at pumasok sila sa isang Video Arcade at bumili na agad si Ace ng maraming token para kay Erwan. Hinayaan ko lang silang maglaro ng maglaro pero hindi ko iniaalis sa mata ko si Erwan. Inilabas ko na agad ang cellphone ko para makausap si Francine dahil baka mabitin ang anak ko sa kakalaro at hindi sapat ang dalawang oras lang. "Papunta na kami ni Yana." Isang text niya sa akin at ang iilan ay panay ang pagtatanong niya kung nasaan ako. May ilang miss call na rin si Francine sa akin kaya naman ako na ang kumausap sa kanya. "Francine, wala pang trenta minuto na nakikipaglaro ang anak ko kay Ace, hayaan mo muna silang magkabonding bago ka pumunta dito." Unang sabi ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko. "Nasa byahe na kami." Matipid niyang sagot at halos masabunutan ko na ang sarili ko dahil sa kanya. Masyadong baliw na baliw kay Ace. "Sige, ikaw ang bahala. HIntayin mo kami sa Food Court." Sagot ko sa kanya at pinatay ko na ang tawag. Hinanap ko sila Erwan at abala silang naglalaro ng basketball. Tawa ng tawa ang anak ko dahil sa ginagawa nila. Tapos ay doon naman sa puputukin nila ang lobo at may makukuhang ticket si Ace. Ipinagpalit niya yon sa ilang piraso ng candy at ibinigay kay Erwan. Sobrang saya ng anak ko at pagkatapos nilang maglaro, nagtungo na muna sila sa isang bookstore para bumili ng ilang libro at school supplies na rin para kay Erwan. Walang tigil ang anak ko sa pagpapasalamat sa kanyang ama at niyayakap pa ito. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi maging masaya para sa anak ko dahil sa mga binigay ni Ace. Masaya ako dahil nakasama niya rin ang kanyang tunay na ama. Nag ring ang cellphone ko at nakita kong si Francine ang tumatawag siya sa akin.Lumayo na muna ako kila Erwan at Ace pero tanaw ko pa rin sila at hindi ko aalisin ang anak ko sa paningin ko dahil wala pa rin akong tiwala kay Ace. "Nandito kami sa isang bookstore. Sumunod ka na lang dito at huwag mong sasabihin kay Ace na ako ang nagsabi sayo na nandito sila." Usal ko sa kanya at di pa man siya nakakapagsalita, pinatay ko na ang tawag. Nakapila pa rin kami para magbayad ng mga pinamili ni Erwan nang makita kong pumasok na agad si Francine habang hawak hawak si Yana at ang isa niya pang anak. Diretso siyang naglakad papunta sa amin at tumalikod na ako dahil ilang metro na lang ang layo niya. Nagkunyari akong hindi ko siya nakita at hinarap ko na si Erwan saka inilapit sa akin, yung layo na sapat na para maisip ng ibang tao na hindi ko kilala si Ace. "Ace!" Umalingawngaw ang sigaw ni Francine kaya naman mas inilayo ko na si Erwan sa kanya. Sakto naman na kami na ang susunod sa pila kaya mabilis akong lumapit sa cashier at tinalikuran ko na sila. Ayokong makita ng anak ko ang ganitong klaseng eksena. "Francine, huwag kang mag eskandalo dito." Sagot naman ni Ace sa kanya at hinawakan sa siko si Francine saka hinila papalabas nang bookstore. Naiwan ang anak nila kaya kinuha ko na lang muna sila saka binantayan ko na rin. Pagkatapos kong magbayad, lumabas na rin kami ng store at hinanap ko sila. Nasa gilid lang sila ng hagdan habang seryosong nag - uusap. Lalapitan ko sana sila pero nang makita kong sinampal ni Ace si Francine ay nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Napaupo si Francine dahil sa pagkakasampal sa kanya ni Ace pero hindi na siya nakatayo pa, umiyak na lang siya ng umiyak habang pinagsasalitaan siya ng masama ni Ace. Umiyak na rin si Yana saka yumakap sa akin. Marahil nasasaksihan niya talaga na sinasaktan ni Ace si Francine. "Erwan, bantayan mo muna sila Yana. Hintayin mo ako dito." Bilin ko kay Erwan at lumapit na ako kay Ace. Hindi ko matatanggap na mananakit ng babae si Ace kaya pagkalapit ko sa kanya ay sinampal ko na rin siya. Hindi nakakilos si Francine habang nakaupo lang kaya ako na ang nagtayo sa kanya. Nanginginig siyang yumakap sa akin. Pinaupo ko lang siya sa hagdan at nilapitan ko si Ace. Nakatingin lang siya ng masama sa akin pero nang lapitan ko siya ay sinampal ko rin siya ng malakas. Napayuko siya at binalik rin ang tingin sa akin pero may halo nang pagkagulat. Hinawakan niya lang ang pisngi niyang nasampal ko at aktong hahawakan pa ako pero iniiwas ko sa kanya ang sarili ko saka lumapit kay Francine para makaalis na kami doon. Nilapitan ko na ulit ang mga bata saka lumabas na ng mall. Hindi naman na nagtangka pang sumunod sa amin si Ace. Nasa parking lot lang kami habang umiiyak pa rin si Francine at pinatahan ko na lang siya. "Matagal na akong nagtitiis sa kanya, mahal ko talaga siya kaya ayokong mawala siya sa amin at hindi ko kayang lumaki ang mga anak ko na walang ama." Pagrereklamo sa akin ni Francine at humagulgol na siya saka napayakap sa akin. "Umuwi na tayo at ang mga bata, hindi magandang makita nila ang ganitong pangyayari." Bulong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin. Tumayo na siya at nagtungo sa kung nasaan ang kotse niya saka kami umuwi. "Gusto mo ba doon muna tayo sa bahay? Matagal ko na gustong makausap ka para magtanong tungkol kay Ace." Sabi niya sa akin at tumingin ako kay Erwan at Yana na tulog na sa likod kasama ang bunsong anak ni Francine. Nakayakap kay Erwan si Yana na parang handang alagaan talaga ang kapatid niya. "Sure, sige. Pasensya ka na at hindi ko alam na mapanakit na pala si Ace ngayon. Gusto ko lang siya turuan ng leksyon." Sabi ko kay Francine at hinawakan ko ang kanyang kamay. Tahimik na lang kaming dalawa dahil tulog na tulog na ang mga anak namin sa likod at ayaw naman namin magising sila sa ingay namin. Sandali lang ng makarating na kami sa bahay nila dito sa Mayapa. Nagising na rin sila Erwan dahil naramdaman nilang huminto na ang sasakyan. Inalalayan ko na lang siya pababa dahil kagigising niya pa lang at baka mahulog siya sa sasakyan. "Mommy, pwede bang kunin na rin yung ibang laruan ko? Gusto ko maglaro kami ni Yana." Bulong sa akin ni Erwan at kinuha ko na ang mga laruan niyang binili ni Aero noon. Hinayaan na lang namin siya ni Francine maglaro habang nasa kusina kami at naghahanda ng makakain namin. "Matagal na bang ganito sayo si Ace? Bakit pinagtyatyagaan mo pa?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay ako ng palaman sa sandwich habang nagtitimpla naman siya ng juice. "Hindi naman talaga siya ganito noon. Ito lang ang unang beses na nasaktan niya ako." Sagot sa akin ni Francine. Alam kong hindi kagaya ni Aero si Ace pero hindi ko rin masasabi iyon. "Alam ko naman na mahal na mahal ka ni Ace pero kahit ganon, gusto ko pa rin na ako lang ang nag - iisang babae sa paningin niya. Hindi ko lang alam kung paano ko gagawin iyon kahit dalawa na ang anak namin, ikaw pa rin ang gusto niya." Sabi sa akin ni Francine at naramdaman ko ang lungkot na mayroon siya. Habang nasa kusina kami, nakarinig kami ng paghinto ng isang sasakyan sa labas ng bahay kaya dali dali namin tinungo ang mga bata. Sinilip na lang muna ni Francine kung sino ang nasa labas at saka niya inilock ang pinto tapos ay hinawakan ang mga anak niya saka inilapit sa akin. "Doon na muna kayo sa kwarto ni Yana at Honey. Nandito si Ace." Sabi niya sa akin at inihatid pa ako papunta doon kahit ilang hakbang lang naman ang layo nito. Pagkapasok ko, pinatahimik ko na lang muna sila para marinig ko kung ano ang pag - uusapan nila. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay nila dito at sapat na para sa isang pamilya. "Francine, hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi ko na kasi kaya ang lagi mong pang - aaway sa akin. Gusto ko na lang ng tahimik na buhay. Kaya ako nandoon at kasama si Yna ay para makilala ang anak ko at wala ng iba pang dahilan." Pagsusumamo ni Ace kay Francine at narinig kong humihikbi na naman si Francine. "Mahal mo pa rin si Yna. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko iyon." Panunumbat naman ni Francine at puro yabag na ang sunod kong narinig. Ilang minuto pa, may sumarang pinto. "Yana, aalis na kami nila Erwan. Huwag kang lalabas ng kwarto at bantayan mo lang si Honey. Alam kong matalino kang bata." Bulong ko kay Yana at sumunod naman siya sa akin. Hinila ko na si Erwan palabas ng kwarto at kinuha ang mga gamit namin. Nakita ko naman sa table ang pamilyar na paperbag. Doon ko binili ang gown na gusto kong isuot kaya kinuha ko na rin iyon at dali dali na akong umalis ng bahay nila. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Francine dahil naririnig ko na ang pag - ungol niya sa kabilang kwarto. "Erwan, masaya ka ba ngayon nakilala mo ang Tatay mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa taxi kami. Tumango lang siya sa akin at nakahawak sa kanyang tiyan. Nakalimutan kong hindi pa kami kumakain ng tanghalian kaya bumaba na lang kami sa isang kilalang fastfood. Sandali lang ang pagkain namin at agad na rin kaming umuwi ni Erwan. Dinala ko na lang sa kwarto niya ang mga laruan niya at libro saka pinagbihis ko na siya ng pambahay. Naligo naman ako pagkadating at naisip kong magluto na para sa hapunan namin. Kaming dalawa lang ngayon ni Erwan dahil hindi makakauwi si Mama, marami pa siyang gagawin sa bahay nila Aero at katulong niya na rin sila Natasha at Skye, ang mga pinsan ni Aero. Maaga pa naman kaya naisip kong tawagan na lang si Geoffrey. Gusto ko siyang kamustahin kung kumain na ba siya. "Gumala kami ni Erwan sa mall ngayon, kasama si Ace." Bungad ko kay Geoffrey kahit na may kausap siya ay sinagot niya ang tawag ko. "Wow. Sounds great!" Sagot sa akin ni Geoffrey at narinig ko pang nagpaalam siya sandali sa mga kausap niya. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Ganitong ganito ang ugali ni Geoffrey pagdating sa akin. Kahit anong mangyari, lagi ako ang inuuna niya. Kahit may kausap siyang importante, kapag tatawag ako o may sasabihin, ako ang priority niya. "Yes. Ang kaso, nasundan kami ni Francine. Ang kailangan ko na magpalit ng cellphone number. Ginamit ko kasi ang number ko para makausap si Ace. Ayoko naman kukulitin niya ako tungkol kay Erwan." Sagot ko kay Geoffrey at alam kong papayag siya. Nagkaroon kasi ng insidente noon na paulit ulit akong tinatawagan ni Ace kaya inutusan ako ni Geoffrey na magpalit ng cellphone number. "Sure, basta let me know kapag ginugulo niya ulit. And sabihin mo agad sa akin ang bago mong cellphone number." Sagot sa akin ni Geoffrey bago ako nagpaalam sa kanya at habang nasa kusina ako, inilabas ko ang cellphone ni Francine. Kinuha ko ito bago pa niya sabihin sa akin na magtago sa kwarto. Isa isa kong binasa ang mga text at pati ang mga contacts na nandoon ay kinuha ko na rin. Gusto kong makapasok sa mundo ni Francine at unti unti kong dudurugin sila Ace at Aero. De Jesus ang apelyido ni Francine at isa ito sa may pinakamalaking shares sa kompanya namin noon. Dahil ako ang gumagawa ng finance report noon para kay Aero palihim pa naming dinadaya iyon kaya alam na alam ko ang mga pangalan ng mga stock holder nila. Isa ang pamilya ni Francine sa mga tumulong iahon ang kompanya ni Aero. Habang panay ang pagkalkal ko ng mga kung ano pang impormasyon sa cellphone ni Francine, nakita ko doon ang detalye ng kanyang kapatid na si Franco. Isa isa kong binasa ang mga text sa kanya ni Franco tungkol kay Ace. Gusto pala nitong maghiwalay na sila ni Ace noon pa pero matigal ang ulo ni Francine kaya pinagpatuloy niya pa rin ang pagpapakasal dito. Tinapon ko na sa basurahan ang cellphone niya, kasama ang mga basura tapos ay inilagay ko sa malaking trashbin sa labas ng bahay namin. Bumili na rin ako ng simcard sa isang tindahan malapit sa amin at doon ko isinagawa ang plano ko. Isinave ko na muna ang cellphone number ni Franco at sa mga susunod na araw ko pa siya kailangan. Habang nagliligpit na ako ng gamit sa bahay, biglang may kumatok kahit na wala akong inaasahan na bisita sa bahay. Sinilip ko na lang muna sa bintana at baka mamaya, si Ace na naman ang dumating pero lingid sa aking inaasahan ang naging bisita ko. Pormadong pormado pa si Franco habang nasa tapat ng bahay ko. Naka suit siya at naka pomada rin ang kanyang buhok. Amoy na amoy ang pabango niyang mamahalin at ang ekspresyon ng kanyang mukha ay sapat na para maakit ang kahit sinong makasalubong niya. Kamukhang kamukha rin talaga siya ni Francine at kung wala siyang bigote ay mapapakamalan na talaga siyang babae. May bitbit itong mga paperbag at isang bouquet ng bulaklak. Kaya nakapamewang na ako pagbukas ko ng pinto. I don't want another man. Bulong ko sa sarili ko nang iabot niya sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko na lang iyon dahil hindi naman maganda kung tatanggi ako. "Sino po sila?" Tanong ko sa kanya at hindi ako nagpahalatang kilala ko siya. Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang gitna ng kanyang mga mata pero napunta sa pagtawa ang kanyang ngiti. Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung ano ba ang nakakatuwa para sa kanya. "Oh, I'm sorry. Franco De Jesus, twin brother ni Francine." Sabi niya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Tinitigan ko na muna ang kamay niya habang iniisip na kapag tinanggap ko ito, maisasagawa ko na ang plano ng mabilisan pero kung hindi, kailangan ko pang gumawa ng paraan para mapalapit ako sa kanya. Ngumiti na lang ako habang magkadikit ang mga kamay naming dalawa. Malugod kong tinanggap ang pakikipagshakehand niya sa akin at pinatuloy ko rin siya sa bahay ko, inilapag niya ang mga paperbag na hawak niya at hindi ko pa alam kung ano ang laman nito, iisang ideya lang ang nasa isipin ko nang papasukin ko siya sa bahay, magbabago na ang plano ko kasabay ng pagpasok nilang magkapatid sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD