Chapter 19

3002 Words
Nag - file ng leave si Geoffrey matapos namin mapag - usapan na sa susunod na linggo na kami ikakasal. Simpleng kasal lang muna ang gusto ko dahil wala pa naman kaming malaking halaga para sa grandeng kasal. Ayoko rin naman na masyadong makakuha ng atensyon, sapat na sa akin na maging legal kami sa mata ng mga tao. Namimili ako ng gown para sa kasal nang makita ko sa mall si Francine. Kung papalarin ka rin naman talaga at sa dinami dami ng makikita ko, siya pa. Pero hindi ko pa ngayon gagawin ang plano ko dahil mas gusto kong unahin na muna ang pagpapakasal ko kay Geoffrey. "Hi!" Pagbati ko sa kanya ay kitang kita ko ang pagkagulat sa reaksyon niya. Parehas kaming napatigil at iisang store lang ang pupuntahan namin. May kasama rin siyang isang babae at elegante manamit kagaya niya. Samantalang ako, nakashorts at t-shirt lang. Pero hindi naman basehan iyon ng pagkakababae, ang importante, walang inaapakan na tao. "Hello, kamusta?" Tanong niya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya. Magkasunod na kaming pumasok at sinalubong kami ng mga saleslady. Pero ang atensyon halos lahat ay nasa kanilang dalawa kaya hindi ko na pinansin ang lumapit sa aking saleslady at kusa na lang akong tumingin ng mga gown. May pera rin naman ako at kayang kaya kong bumili ng mamahalin pero ang pinagbabasehan kasi nila ay ang panglabas na anyo ng papasok sa store nila. Hindi ko naman sila masisisi sa diskriminasyon na natanggap ko. Ang kasama niya na ang nakipag - usap muna sa saleslady kung ano ang hinahanap nila. Naririnig ko lang ang pagdedemand ng kasama niya at aligaga na ang mga saleslady para ihanda ang isusuot niya. "Gusto niyo pa ba yan mam?" Tanong sa akin ng isang saleslady at tumango lang ako. Hinawakan ko na muna ang tela ng dress na gusto ko at silk talaga ito. Mini dress lang ito pero long back. "So, kamusta ka na nga?" Tanong sa akin ni Francine ng lapitan niya ako at tinitigan lang. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sa akin kung iyon kaya itinuon ko na lang sa dress ang atensyon ko. "Ayos naman ako. Naghahanap lang ng maisusuot na gown para sa kasal ko." Sagot ko sa kanya ay tila may hinahanap pa sa labas. Lumingon din ako pero wala naman pumapasok. "Ikaw lang ba mag - isa? Kung gusto mo, pwede ka namin tulungan." Sabi niya sa akin at pumayag na lang ako sa gusto niya. Kailangan ko rin naman na may magsabi sa akin kung maganda ang suot ko o hindi. Kinuha ko ang dress na napili ko saka itinapat sa katawan ko para tingnan kung bagay ba sa akin o hindi. "Pwede niyo naman pong sukatin mam. Samahan ko po kayo sa fitting area." Alok sa akin ng saleslady at tumango lang ako. Tumingin muna ako kay Francine para magpaalam pero palapit na sa amin ang kanyang kaibigan. "Janice, si Yna nga pala. Yna, meet Janice. Ikakasal na siya next month kaya naghahanap siya ng gown." Usal ni Francine at kumaway lang sakin si Janice kaya ginantihan ko rin din siya ng pagkaway. Agad na siyang nagtungo sa mga gown na sobrang elegante ang design. Mga wedding gown na mahaba talaga ang belo at balloon ang palda. Nakasuot pa sa mga manikin ang gown na gusto niya at itinuro niya kay Francine iyon. Samantalang ako, simple na gown lang ang gusto ko at mababa lang ang halaga dahil galing lang iyon sa buy and sell. Kinuha ko na agad iyon at tinulungan ako ng saleslady para sukatin ang gown. Pagkatingin ko sa salamin, parang sinukat talaga sakin ang gown dahil saktong sakto lang sa katawan ko. Lumabas na ako at may iniabot pa ang saleslady na mahabang belo, kasama na talaga yon ng napili kong gown. Alam kong bagay sa akin ang gown na ito kahit hindi na sabihin nila Francine, sigurado ako sa gusto kong gown. Sukat na sukat at parang sinadya iyon para sa akin. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay na love at first sight na ako. Gustong gusto ko na siya para sa akin. "Bagay na bagay sayo, parang sinukat talaga." Masayang sabi ni Francine at tinitigan ko uli ang sarili ko sa salamin at umikot ikot pa ako. Baka pag nakita ako ni Geoffrey na suot ko ito, mas lalo siyang mainlove sa akin. Gusto ko na kahit civil wedding lang ang kasal ko, ako pa rin ang magiging pinakamagandang babae sa paningin ni Geoffrey. "Miss, kukunin ko na to." Sabi ko sa saleslady pero hinarang ni Francine ang babae at iniabot ang card niya. Hindi niya ata alam na ako ang ina ni Erwan at nagiging ganito siya sa akin. "Francine, hindi mo kailangang gawin ito. And besides, aware ka naman siguro na may nakaraan kami ng asawa mo pero tapos na ako doon." Matabang kong sabi sa kanya at dumiretso na ako sa fitting room para makapagpalit. Hindi pa ako nakakatagal sa pagpasok ko nang marinig ko ang boses nila Francine at Janice. Sinusukat na rin niya ang pnili niyang gown. Madali lang din alisin ang dress na ito at hindi na kailangan ng assistant. Paglabas ko, nasa labas lang si Francine at hinarang ang braso niya sa akin saka ngumiti. Hinawakan niya ang dress na napili ko at iniabot niya sa isang saleslady tapos ay ang credit card niya naman ang iniabot niya. "It's on me. Congrats sa wedding." Sabi niya sa akin at nilapitan niya na si Janice. Dahan dahan ako lumakad papunta sa kanya at hinawakan ko na ang braso niya. Off Shoulder ang wedding gown ni Janice at lutang na lutang ang pagka morena niya dahil sa puti ng suot niyang gown. Pumunta na si Francine sa likod ni Janice at tinulungan rin siya ng ilang saleslady para alalayan si Janice na hirap na hirap sa laki ng kanyang gown. Inunahan ko na ang saleslady na inutusan ni Francine para sa gown ko at agad akong naglabas ng isang kumpol ng pera. Inagaw ko rin ang credit card ni Francine at habang nag - aasikaso ang cashier, iniabot ko sa kanya ang credit card niya. Hindi niya pa nakuha iyon dahil umaalalay pa rin siya kay Janice. Isang metro ang naging layo ni Francine kay Janice at iniabot ko na muli sa kanya ang card saka niya kinuha at inilagay sa kanyang pouch. Kita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya dahil sa pagtanggi ko sa alok niya pero may pambili naman ako. "Nag - abala ka pa? Pero salamat, sana makapunta ka sa kasal ko pero civil wedding lang naman, friday next week. Can I have your cellphone number? Para itext ko sayo ibang details. I want you there as my witness, oh and bring Ace and Yana." Pag - aaya ko sa kanya at ibinigay naman sa akin ang cellphone number niya. "You're welcome." Sabi niya sa akin at nakipagbeso - beso pa. Hindi ko akalain na ganito kadaling makuha ang loob niya. Umalis na ako sa store na iyon at tumingin tingin na lang ako sa iba pang store. Ilang oras rin akong nagpaikot ikot sa mall kaya naisipan ko na lang umuwi na dahil sa pagod na rin ako. Habang nasa labas ako at naghihintay ng jeep, nakarinig ako ng pagbusina kaya agad akong tumingin sa likod ko. Nakita kong kumakaway si Francine habang hawak ang manibela. Sinilip ko lang siya at kumaway na rin ako. Naiirita na ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay sinusundan niya ako. "Hop in! May reservation kami ni Janice today pero hindi siya pwede dahil sumakit bigla ulo niya." Sabi sa akin ni Francine at nagdalawang isip pa ako kung sasama ako. Nagpark na muna siya sa gilid dahil binubusinahan na rin siya ng iba pang sasakyan. Lumakad na lang ako papalapit sa kanya ng makita ko siyang bumaba ng kotse niya. Kumaway ulit siya sa akin at ganon na rin ang ginawa ko. "Kung may gagawin ka naman, ayos lang kung hindi ka na makasama sa akin." Usal niya at naghihintay lang ng sagot ko. Iniisip ko kasi na baka mahirapan si mama sa pag - aalaga kay Erwan pero malaki naman na ang anak ko at hindi na alagain. Tumango ako sa kanya at pinagbuksan niya ako ng sasakyan. "Pasensya ka na pero hindi ako makakasama sayo. Mag - aasikaso pa ako ng anak ko, hindi ko kasi gustong naiiwan lang iyon sa mama ko. " Sagot ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin. "Kahit ilang minuto lang sana kita makausap. Matagal na kita gustong makaharap pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon at sa hindi pa inaasahan na lugar." Sagot niya sa akin at nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Naging seryoso ang kanyang mukha na kapag di mo sinunod ay may gagawin siyang masama. Sumeryoso na rin ako at kahit hindi niya na ako pilitin, sumakay ako ng sasakyan niya. Alam kong may kinalaman ito kay Ace, siya lang naman ang pwede naming pag - usapan. Tahimik lang kami sa sasakyan, damang dama mo ang pagkailang sa paligid namin. Nagpatugtog na lang si Francine, samantalang ako, nakatingin na lang sa labas at pilit ko siyang hindi pinapansin. Wala rin kaming kibo ng makarating kami sa isang mamahalin na restaurant. Kailangan kong ipakita na hindi ako ignoranteng babae at may alam rin ako sa mga ganitong klaseng lugar. May reservation na rin para kay Francine pagpasok namin at agad kaming pinagsilbihan ng mga waiter. Kagaya ng date namin ni Ace noon ay mayroon na ring listahan ng kakainin at sunod sunod na lang ihahanda sa amin kaya hindi na kailangan pang tumingin sa menu. Nakatingin lang sa akin si Francine habang hinihintay ang pagkain. Gusto ko na lang umalis dito dahil alam kong wala naman akong ginagawang kahit ano, ang asawa niya pa ang may atraso sa akin. "I need your help. Alam kong hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gusto ni Ace kahit ako na ang pinakasalan niya. Alam kong hindi mo siya kinakausap pero gabi gabi na lang, binabanggit niya ang pangalan mo. Sounds pathetic, asking for help sa ex lover ng asawa ko, pero ito na ang huli kong paraan para maging akin siya." Mahabang paliwanag sa akin ni Francine at nakita kong naluha na siya agad kaya iniabot ko ang tissue sa kanya. "Hindi mo kailangang sayangin ang sarili mo para kay Ace. Maganda ka, may kaya sa buhay at alam kong matalino kang babae, why waste? Yan lang ang maipapayo ko sayo." Sagot ko sa kanya at tumayo na ako. Ayokong madamay sa problema nilang mag - asawa kaya nag desisyon akong umalis na sa restaurant na ito at iwanan na lang siya. Kung may problema siya kay Ace, komprontahin niya ito at hindi yung aabalahin niya ako. Labas na ako sa problema nila at kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang mangdamay ng ibang tao. "Please." Matigas niyang sabi sa at hinila ang kamay ko pabalik sa table namin. Iniiwas ko sa kanya ang kamay ko at naalis ko naman ang pagkakahawak niya sa akin. Iniwan ko rin ang gown na binili niya at hahanap na lang ako ng ibang maisusuot kaya naghanap na lang ako ulit ng maisusuot ko pero wala na akong nahanap na kasing ganda ng nakita ko kanina. Umuwi akong bigo at tinawagan ko na lang si Hanna. "Hindi ko alam kung anong problema nung babaeng yon." Sabi ko kay Hanna at nagsalong - baba na lang ako sa harap ng computer. "Dapat kinausap mo na lang si Francine kung ano ba ang problema. Baka naman naghahanap lang ng kausap yon." Sagot sa akin ni Hanna pero hindi ako sang - ayon sa sagot niya. Hindi ako kumbinsido na iyon lang ang dahilan ni Francine. "Nagpakasal siya sa lalaking mahal pa ang dating gf tapos idadamay niya ako sa gulo ng buhay niya. Sana, pinag - isipan niyang mabuti ang lahat." Sagot ni Hanna at tumango tango na lang siya sa akin. Nagbago na ang usapan namin at nagfocus na lang kami sa kasal. Tinulungan niya rin akong maghanap ng maisusuot at yung madaling makuha. Kahit segunda mano na lang ang isuot ko ay wala naman problema dahil ilang oras ko lang naman isusuot at pwede ko na rin ibenta pagkatapos. Isang mermaid dress na puting puti ulit ang nakita namin at spagetti lang ang sa pang - itaas nito. Bukas na bukas rin ay kukuhain ko ang gown para sukatin. Nagpadala na rin si Hanna sa akin ng pera kahit hindi ko na hiniling. Regalo niya na sa akin iyon para sa kasal namin ni Geoffrey. Nang dumating si Erwan sa kwarto, binati niya lang si Hanna at nagpaalam na rin. Natapos na rin ang pag - uusap namin dahil papasok pa siya sa kanyang trabaho. Pumasok si Geoffrey na nalukot ang mukha at parang may gustong sabihin pero hindi niya magawang sabihin sa akin. Umupo lang siya sa kama at mabilis na naghubad ng kanyang polo. "Anong problema." Malambing kong sabi sa kanya at tinitigan niya lang ako na may halong paghingi ng tawad. Kinagat niya ang kanyang labi bago siya nagsalita. "Love, huwag ka sana magagalit sa sasabihin ko. Pwede bang ipostpone muna natin ang kasal next week? Nagkaroon kasi ako ng project sa Baguio at masasagasaan talaga iyon." Malungkot niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, maiinis ba ako o matutuwa dahil sa reaksyon ni Geoffrey at sa mga sinasabi niya. Ang pagpapakasal sa kanya ang una kong plano pero wala pang tatlong araw ay hindi na agad matutuloy. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan naman niya ang kamay ko. Marahil, hindi pa ito ang oras para ikasal talaga kami ni Geoffrey pero ang pagpapatuloy ng plano ko ay gagawin ko pa rin. "Walang problema. Kung oras na talaga natin magpakasal, eh di oras na natin. HIndi naman kailangan ipilit yan." Malumanay kong sagot sa kanya para maalis sa isip niya ang pangamba na magagalit ako pero hindi pa rin siya tumigil. "Pagbalik na pagbalik ko, papakasal na talaga tayo." Sabi niya pa sa akin at hinalikan na lang ang noo ko. Hindi na importante kung matuloy o hindi. Mas maigi nga na wala si Geoffrey dito sa paligid ko, pansamantala. "Gusto mo ba, sumama kayo ni Erwan sa akin?" Tanong niya pero umiling na lang ako. Hindi pa man siya nakakapagpahinga ng matagal, niyaya ko na siya para kumain dahil mamaya ay mag - aasikaso na kami ng gamit. Bukas na bukas kasi ay aalis na rin siya agad. Kailangan niya magpahinga at mahaba ang magiging byahe nila. "Salamat sa pag - intindi sa akin. Mahal na mahal kita." Sabi niya pa ag magkasunod na kaming pumunta sa kusina at kumain. Hindi ko alam kung papaano ko ba sisimulan ang plano ko. Hanggang sa pagkain, ay panay ang pag - iisip ko sa kung ano ang gagawin. Nag - aayos na ako ng gamit ni Geoffrey ng biglang tumunog ang cellphone ko. Rumehistro ang pangalan ni Ace at huminga muna ako ng malalim at pinag - iisipang mabuti kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Pinatay ko na muna ang unang pagtawag niya pero nang umulit siya ay nasagot ko na ito. Hindi ako nagsasalita at hinahayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita. Panay ang paghingi niya ng tawad sa akin pero hindi ko mahanap sa sarili ko ang pagpapatawad sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko na kaya ko pa rin siyang kausapin kahit na binaboy niya na ang katawan ko at inapakan ang pagkatao ko. "Gusto kong makita si Erwan at makasama. Huwag mong ipagkait sa akin ang anak ko." Matigas na sabi ni Ace nang bigla siyang huminto at naririnig ko pa ang pag - iyak niya. "Itinago mo ang anak ko ng sobrang tagal at ngayon, ipagkakait mo pa sa akin? Yna, anong klaseng magulang ka?!" Sigaw niya sa akin at binaliwala ko na lang ang lahat. Kahit anong sabihin niya sa akin, hinding hindi ako magpapa apekto sa kanya. Panay ang pagsumbat niya sa akin tungkol kay Erwan pero para na lang siyang hangin sa akin. Pasok sa kaliwa at labas sa kanan ang ginagawa ko habang sunod sunod ang pagnunumbat niya. "Kung ayos lang sayo, makipagkita ka sa akin at isama mo si Erwan. Gusto kong makilala ang anak ko." Sabi niya pa sa akin pero kahit isang salita o letra ay wala akong nasabi sa kanya dahil sa sobrang galit ko, hindi ko makayanan magsalita at baka kung ano ang masabi kong masasakit kaya pinakinggan ko na lang siya. Ang lakas pa rin ng loob niyang magalit sa akin kahit na ako talaga ang inapi nilang magkapatid. Kasalanan ko pang nagkagusto ako kay Aero noon pero kahit kailan, hindi ko inisip na hadlangan siya. Pwedeng pwede ko rin siyang ipakulong sa oras na ito dahil sa pangrarape niya sa akin pero para na lang sa pamilya niya, hindi ko iyon gagawin. Hinding hindi ko rin sisirain ang pamilya niya para lang sa paghihiganti ko. "Susunduin ko kayo diyan ni Erwan, sana payagan mo ko. Sagutin mo ko, Yna, kung ano ang desisyon mo." Sabi niya sa akin pero tinapos ko na agad ang tawag. Naisip ko bigla ang pag - uusap namin ni Francine kanina, ibinigay niya pala sa akin ang cellphone number niya at naisip ko, isama ko siya bukas dahil baka may kung ano na naman gawin sa akin si Ace. Isa pa, maganda rin na makilala ni Erwan ang mga kapatid niya sa Ama. Mas gusto kong makasalamuha niya si Yana habang bata pa kesa naman sa paglaki niya pa malaman na may kapatid siya sa ibang ina. Sa ngayon pa lang ay nagtatanong na siya, kaya gusto kong malaman niya na lang ang lahat. Hindi pa nagrereply si Francine sa akin, hihintayin ko na lang ang sagot niya hanggang bukas. Pinatay ko na ang cellphone ko at pinagpatuloy ko ang pagtutupi ng mga damit ni Geoffrey habang may ngiti sa aking labi. Sisiguraduhin kong hindi malalaman ni Mama at Geoffrey ang lahat ng gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD