Chapter 21

3006 Words
"Gusto mo ba ng juice?" Tanong ko kay Franco habang isa isa niyang inaalis sa paperbag ang mga laruan. Para pala iyon kay Erwan na matagal niya ng binili. Ang pangarap niya kasi para sa kanyang kakambal ay magkaroon ng anak na lalaki pero babae ang naging panganay nito. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay masusunod ang gusto niya kahit pa para sa ikakabuti ng tao. "Sure." Sagot niya sa akin at natapos na siya sa pag - aayos ng gamit. Panay naman ang pag - iikot niya sa bahay bago ako tumalikod, parang may hinahanap siya sa loob ng bahay ko. Marahil, hinahanap niya si Erwan para ipakita ang mga laruan dito. "Tatawagin ko lang si Erwan." Sagot ko sa kanya at pinasok ko na ang kwarto ng anak ko. Nakadapa lang ito habang binabasa ang mga librong binili ko kanina. Ayoko na sana siyang istorbohin sa pagbabasa niya pero hindi naman siguro kami sasaktan ni Franco. Hawak ko lang ang cellphone para kung may gawin siyang masama ay matawagan ko agad si Geoffrey. "Erwan, may gustong makipag - usap sayo. I want you to be a good good boy." Bulong ko sa kanya at tumingin lang siya sa akin saka lumabas na ng kwarto. Tumayo muna siya ng matagal bago lumapit kay Franco, parang kinikilala niya rin ito kung may gagawin bang masama. Ngumiti lang sa kanya si Franco at sumenyas sa kanya papalapit. Iniwanan ko na silang dalawa doon at naghanda na lang ako ng makakain ni Franco. Naririnig ko ang pagkikipag - usap ni Franco kay Erwan habang nasa kusina ako at wala naman masamang sinasabi si Franco sa anak ko. Nagtanong lang naman si Erwan kung bakit kamukha siya ni Yana at naipaliwanag naman ng maayos ni Franco kay Erwan iyon. Pareho kasing mga babae ang anak ni Francine, pero wala bang ibang batang lalaki na pwedeng pagbigyan si Franco ng mga laruan niya? Tanong ko sa sarili ko at alam kong may ibang pakay talaga si Franco sa akin. Marami naman mga bata dyan na pwede niyang bigyan, ang mga batang nasa kalye o di kaya sa bahay ampunan pero si Erwan pa rin ang napili niya. "Akin po ito lahat? tanong ni Erwan kag Franco at ngumiti naman ito sa anak ko tsaka isa isang hinawakan ang mga laruan. Inuusisa rin niya at tinitingnan kung magugustuhan niya ba o hindi. Inilapag ko na lang sa coffee table ang juice at sandwich na ginawa ko saka hinarap si Franco. "Binilhan mo rin po ba si Yana ng toys? Kung hindi, ibibigay ko sa kanya yung iba." Masayang sabi ng anak ko kaya pala tinitingnan niya bawat isa para mabigyan si Yana ng laruan. Hindi pa man nakakasama ng matagal ni Erwan si Yana, inaaalala niya na ito. Sigurado akong magiging mabuting kapatid si Erwan sa dinadala ko. Napahaplos ako sa tiyan dahil doon. "Napadalaw ka?" Tanong ko kay Franco at sumeryoso naman din ang kanyang mukha. Pinagsalop niya ang kanyang kamay bago tumitig sakin ng husto. Tumayo siya at lumapit sa akin, buong buo niya akong tinititigan at parang gustong kainin ng buhay pero hindi dapat ako magpakita ng takot.dahil mas lalo niya akong susugurin kapag nangyari yon. Humalukipkip ako sa harapan niya at tinaasan ko siya ng kilay. Huwag kang magpapasindak, Yna, nasa loob ka ng pamamahay mo. "Inireport sa akin ng mga bodyguard ko ang ginawa ni Ace kay Francine. Pasasalamat ko yan sayo dahil pinagtanggol mo ang kakambal ko." Sagot niya sa akin at may kinuha pang isang envelop. Iniabot niya ang laman nitong mga pictures at papeles. Ang mga laruan ang tinutukoy niyang pasasalamat sa akin dahil sa ginawa kong pagtatanggol kay Francine. Kahit sino namang babae ang makakita na sinasaktan ang kapwa babae ay talagang ipaglalaban. Pero sobra naman na kung pinasusundan niya na ang kapatid niya, wala nang privacy iyon. Mga dokumentong nagpapakita ng mga pinapagawa sa akin ni Aero noon. Ang mga nawawalang pera ng kanilang kompanya. Natatandaan ko pa ang iba doon dahil ako mismo ang gumawa nito, ang hindi ko maintindihan, pano nalaman ni Franco na ako ang gumawa? Bakit mayroon siyang kopya ng mga papeles? "Alam kong ikaw ang may gawa nito noon. Matagal na kitang sinusundan, pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap ka. Gusto kong ibalik mo ang lahat ng iyan sa akin. Kung hindi, ipapahuli kita." Pananakot niya sa akin at nakita ko sa kanya na totoo ang sinasabi niya. Napaatras ako pero humahakbang rin siya sa akin. "Napag - utusan lang ako. Wala na sa akin ang perang iyan. Si Aero ang may hawak ng lahat nang iyan." Sagot ko sa kanya at itinago niya na rin ang mga iyon. Totoo naman ang sinabi kong inutusan lang ako at wala na sa akin ang mga pera. Ipinamahagi iyon ni Aero sa kung sino ang nangangailangan. Humalukipkip lang siya at parang kutsilyo niya akong tinitigan. "I want you to work for me." Malumanay niyang sabi sa akin at tinitigan lang si Erwan. Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. Alam niya nang ninanakawan ko anv kompanya niya noon pero gusto niya ay magtrabaho ako sa kanya ngayon. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya at kumunot na ang noo ko. Natawa na lang siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko. Tumingin muna ako kay Erwan kung nakikita niya ba kami pero abala na siya sa paglalaro niya. "Seryosong seryoso ako, hindi ba, kailangan mo ng pera?" Matigas niyang sabi sa akin at bumalik na sa pagkakaupo. Sumenyas siya sa akin at hawak ang isang kaha ng sigarilyo. Itinuro ko rin ang labas at lumabas na ako para samahan siya. Abala lang siya sa pagtingin sa labas ng bahay namin habang humihithit ng sigarilyo niya. "Alam mo, hindi ko alam kung bakit sinasayang mo oras mo sa magkapatid kahit na alam mong wala silang gagawing mabuti." Sabi niya sa akin at humithit na siya ulit. "Nagpa - background check ako nang maipakilala ni Francine sa amin si Ace. Nalaman kong iisa ang kanilang ina at palihim na ninanakawan ang kompanya ko. Nakita ko ang pangalan mo sa isang papeles kaya alam kong involve ka rin sa krimen na iyon. " Mahabang sabi ni Franco at tumingin lang sa akin. "Nagkakilala sila noon nang makita ni Aero si Ace na binabantayan ang puntod ni Aeriella. Doon nagkasundo ang dalawa na paghihigantihan nila sila Don Jaime at ang lahat ng kamag - anak nito." Sabi niya ulit sa akin at itinapon na ang upos ng sigarilyo niya. Lumilipad ang isip ko sa sinabi niya kahit na alam ko na ang totoo tungkol sa kanila ay hirap pa rin akong tanggapin iyon. Minahal ko nang sobra noon si Aero at Ace peo ganito ang naging ganti nila sa akin. "Ikaw ang naisip kong lapitan dahil kilala mo sila. Magbabayad ako kahit magkano para sa serbisyo mo." Sabi niya pa sa akin at parang nabuhayan ako ng dugo sa sinabi niyang iyon. Kahit hindi na siya magbayad ay willing akong bayaran siya. Kailangan ko rin ang tulong niyap ara pabagsakin ang magkapatid. "Anong serbisyo ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya at ipinaliwanag niya sa akin na kailangan ko lang gawin ang ginawa ko noon sa kompanya nila. Kailangan ko lang dayain ang finances report ng kompanya ni Aero. Wala naman pwedeng mautusan si Aero na asikasuhin ang report na iyon dahil mabigat na trabaho ang pinapagawa nila sa akin. "Para magawa ko iyon, kailangan kong makapasok sa opisina nila." Sagot ko sa kanya at tumango lang siya sa akin. "Sa akin ka magrereport. Lahat ng ipapasa ni Areo na dokyumento, at kailangan mong tingnan ng maigi kung may nangyayai ba o wala." Sagot niya sa akin at tumango na lang ako kahit hindi niya pa nasasabi kung paano ako makakapasok sa kompanya. "Aasahan ko ang pakikipag cooperate mo sa akin. Ikaw na lang ang huli kong pag - asa." Sagot niya sa akin at tumingin na muna siya sa relo bago lumabas ng bahay. Bumalik na ako sa loob at nakita kong naiwanan ni Franco ang envelop na hawak niya kanina pa. Isa isa ko na lang ulit tiningnan ang mga nagawa ko na nasa ledger pa. Malalaking halaga ang nakapaloob dito at ang ilang mga papel ay nagpapakita naman ng perang nawawala sa bangko. Pumayag na ako sa plano ni Franco kahit na wala sa plano ko ang tungnkol sa pera na ninakaw ko noon. Ayoko na rin kasi magkaroon pa ng ikakasama ko ng loob. Kailagan ko rin ng pera para sa panggastos ng magiging anak ko. Matapos ang isang linggo simula nang magpakita sa akin si Franco, nag - asikaso na kao ng kasal namin ni Geoffrey. Simula sa pag booking sa venue at mga pari hanggang sa reception area at pagpapagawa ng iilang invitations. "Ang ganda ganda mo anak!" Masayang sabi sa akin ni mama habang inaayos ang damit ko. Panay ang pagtingin tingin niya sa akin na parang wala nang kinabukasan. Tapos na rin akong lagyan ng make - up at inaayos na lang nila ang buhok ko para paglagyan ng belo. Nasa isang hotel lang kami malapit sa venue ng kasal. Nang makita ko ang sarili ko sa harap ng salamin, hindi isang magandang ikakasal ang nakita ko kung hindi isang babaeng marumi ang pananamit dahil sa mga kasalanan niya sa buhay. Ilang minuto pa ay tinawag na kami dahil kami na ang next na ikakasal sa Attorney. Simple lang ang suot na gown nila mama at kahit walang tumayong ama para sa akin ay ayos lang, ang importante, makakasama ko na si Geoffrey at hinding hindi niya kao iiwanan kahit kailan. Mabilis lang ang naging kasal namin at hindi gaya ng sa ibang babae na madami pang seremonyas. Totoong ngiti ang ibinigay ko sa bawat pagkuha sa amin ng mga litrato kasama ang mga ninong, ninang at witness. Sa isang eat all you can namin dinala ang mga ninong, ninang at ilang mga witness ng kasal. Masayang masaya ako nang araw na iyon at hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akin. Habang nag - aassist ako ng ilan sa mga inimbitahan namin, nakita kong kumakain mag - isa si Franco at nang mapadapo ang tingin niya sa akin, itinaas niya ang kanyang basong may wine. "Love, siya nga pala ang bagong boss namin. inimbitahan ko na siya dito kasama ang iilan sa mga katrabaho ko rin. " Bulong sa akin ni Geoffrey. Hindi niya ba alam na kakambal siya ni Francine? Wala naman pakialam si Geoffrey sa mga ganitong bagay pero ang idadamay siya ang hindi ko matatanggap. "Ah, ganon ba?" Sagot ko kay Geoffrey saka umalis na ako sa kinatatayuan ko at nagtungo sa cr pero habang naglalakad, nakita kong paparating na si Francine kasama ang mga anak niya. Wala si Ace at hindi siya welcome sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Wala ako masyadong naging bisita dahil hindi naman ako nagtatagal sa isang lugar at trabaho kaya mas maraming bisita si Geoffrey kesa sa akin. "Yna! Congratulations!" Bati sa akin ni Francine at hinalikan ang pisngi ko. Gumanti na lang din ako ng pakikipagbeso sa kanya bago niya iniabot sa akin ang dala niyang regalo. Kumaway si Francine kay Franco at dinala na ang mga anak niya papunta sa table nito. Iniwan ko na rin ang regalo ni Francine sa lagayan ng mga regalo at tumingin muna ako kay Geoffrey na abala sa kanyang mga bisita. Dumiretso na ako sa cr para ituloy ang gagawin ko. Pagkapasok ko sa cubicle, inilabas ko agad ang cellphone ko at tinawagan ko si Franco. Wala na sa isip ko kung kasama niya si Francine, ang importante, makausap ko siya tungkol kay Geoffrey. Nakailang ring pa bago niya sagutin ang tawag ko. Naririnig ko pa sa kabila ang pagsasalita ni Francine pero agad rin nagpaalam.si Franco sa kanya para kausapin ako. "Anong ginagawa mo? Bakit kailangan pang idamay mo si Geoffrey sa mga plano mo?" Mariin kong sabi sa kanya at tuluyan nang natahimik sa linya niya. "Gusto ko lang naman tulungan ang asawa mo, para magkaroon ng proyekto. Hindi mo ba alam na doon nanggagaling ang sinasahod ni Geoffrey?" Sagot niya sa akin at huminga muna ako ng tatlong beses bago nagsalita ulit. "Tigilan mo si Geoffrey. Kung may plano ka, ako na lang ang idamay mo at huwag na siya." Huling sabi ko sa kanya at tinigil ko na ang pakikipag - usap sa kanya nang may narinig akong pumasok. Hindi ko na pinansin kung sino ang pumasok at mabilis lang akong lumabas. Masayang masaya pa rin ang mga bisita namin. Nilapitan ako ni Mama at kumaway siya sa kung saan nakatayo si Aero at Uno. Nanindig ang katawan ko nang makita si Uno sa mismong kasal ko. Kahit hindi niya na kami natatandaan ni Mama, mahalaga na nandito siya sa kasal namin at kasama kong magcelebrate. "Anak, congratulations." Bati sa akin ni mama at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Kumaway lang sakin si Aero at Uno tapos ay lumapit para iabot ang regalo nila. "Congratulations, Yna." Bati sa akin ni Uno at kinamay lang ako. Ngumiti ako sa kanya, pinipigilan ko ang sarili kong yakapin ang kapatid ko. Alam kong kahit si mama ay gusto na rin yakapin ng mahigpit ang kapatid ko pero nagtitimpi lang siya dahil ayaw niya ring malayo si Uno sa kanya. "Salamat. Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya at umiling lang siya. Per head ang babayaran namin dito sa reception area kaya lumapit ako sa cashier para.humingi ng dalawang ticket para kay Aero at Uno. Inalis ko na muna ang galit ko kay Aero ng araw na yon dahil dinala niya dito si Uno. Ilang sandali pa, inilabas na ng ilang waiters ang cake at wine para sa amin ni Geoffrey. Bumalik na sa kanya kanyang upuan ang mga ninong at ninang para sa gagawin naming parte ng seremonya. Ayaw kasi pumayag ni Geoffrey na hindi namin gagawin ang pag slice ng cake at wine drinking. Kahit iyon na lang ay pinagbigyan ko na. Isasayaw rin ako ni Geoffrey mamaya. Hawak na muna namin ang kutsilyo para sa cake habang kinukuhanan kami ng litrato bago namin sila kainin. Ganon din ang ginawa namin sa wine. Pinulupot namin ang mga braso namin tsaka uminom ng wine. Nagbigay na rin ng mga speech ang mahahalagang panauhin nain tapos ay ang mga kaibigan namin. Si Hanna ang pinaka importanteng kaibigan ko kaya kahit wala siya dito, nag iwan na lang siya ng mensahe sa pamamagitan ng pagtawag. "Dance!" Sigaw ng iilan sa amin at agad naman kaming aumunod sa kanila. Inayos ng ilang waiters ang mga table habang inaalalayan ako ni Geoffrey pababa ng stage. Kinapit niya ang kamay niya sa baywang ko at pinagsalop naman ang mga kamay namin habang nakaangat sa hangin. "Love, sino yung lalaking kasama ni Aero? Kamukha kasi ni Mama." Bulong sa akin ni Geoffrey at tinitigan lang si Uno. Hindi ko pa nasasabi kay Geoffrey ang tungkol kay Uno dahil lihim lang namin ni Mama iyon pero dahil asawa ko na siya, alam kong kailangan kong sabihin sa kanya iyon. "Nawawala kong kapatid. Hindi namin sinasabi sa kanya ni Mama ang totoo dahil ayaw naming mawala siya ulit." Sagot ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko, ramdam niya ang lungkot nang sabihin ko sa kanya iyon. "Kaya pala napakalaki ng pagkakahawig niya kay Mama, pero hindi niya ba napapansin iyon?" Tanong niya ulit sa akin habang nakatanaw lang ako kay Uno habang kumukuha ng makakain niya. Hindi ko na siya nasagot dahil humarang sa harapan namin si Franco at nagpaalam kay Geoffrey na gusto niya akong isayaw. Kahit sa harapan na mismo ng asawa ko ay hindi niya ako tinitigilan. "Kung ayaw mong madamay si Geoffrey sa gagawin ko, pumayag ka sa plano kong paghigantihan sila Aero at Ace." Bulong niya sa akin at inilagay ang kamay niya sa baywang ko at idinikit ang katawan ko sa kanya. Gusto ko sanang nagpumiglas pero ayokong makakuha ng atensyon ng mga bisita.kaya hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya, palihim ko na lang inapakan ang paa niya at tumingala sa kanya. Tinitigan ko lang siya ng masama at sunod na lumapit sa akin ay si Aero, masama ang tingin niya kay Franco kaya hinila ko na lang siya papalayo at nagsimula na kaming magsayaw. "Alam kong galit ka sa nagawa ng kapatid ko, ako na ang humihingi ng tawad. Sobrang minahal ka ng kapatid ko." Bulong niya sa akin. Hindi na ako nakapagpigil at hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay. Hanggang kailangan niya ba ako balak paikutin sa kamay niya? Hindi na ako kumibo at ilang ikot lang, nagpalit na ulit nang magsasayaw sa akin. Sumunod kay Aero ay si Spiel, ang bunsong kapatid ni Geoffrey, si Erwan at ang tatay ni Geoffrey. Si Uno ang pinakahuling lumapit sa akin, kung hindi pa siya itutulak ni Aero papalapit sa akin. Nagkamot na lang siya ng ulo dahil hindi naman siya nakaformal. Wala.kaming imik habang nagsasayaw pero nang makita ko sa malapitan ang kanyang mukha, labis labis na ang sayang naramdaman ko. Matapos ang iilan pa sa seremonya ay isa isa nang nagpaalam ang mga bisita hanggang sa iilan na lang ang natira. Si Franco, Aero at Uno. Ang tatlong nag - aagawan sa kayamanan ni Don Jaime. Pinauna ko na rin si Mama pabalik sa hotel para makapagpahinga. Hindi ko akalain na maghaharap harap ang tatlo sa kasal ko kaya pumagitna sa kanila si Geoffrey. "Yna, aasahan kita next week." Mariin na sabi ni Franco at tuluyan nang umalis. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya sa akin. Paniguradong si Aero naman ang susunod na mangungulit. Humingi na lang ng tulong si Geoffrey kay Aero at Uno para bitbitin ang mga regalo namin. Nagbayad na lang ako ng kinain at sumunod na rin ako sa kanila. Nagpaalam na sila Aero sa amin ni Uno nang nasa tapat na kami ng hotel. Habang papasok kami, hinawakan ni Geoffrey ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Nangangakong hinding hindi niya ako iiwanan.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD