Chapter 17

3005 Words
After ng kainan sa bahay, inihatid na ni Geoffrey si Mama sa Laguna dahil wala si Aero at may inaasikaso, kaya naman naiwanan ako mag - isa kasama si Erwan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako. Buong buhay ko ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng anak pero hindi ko lubos maisip na ikakasal ako. Sa sitwasyon ko at sa lihim ng pagkatao ko, nakilala ko pa ri si Geoffrey at tinanggap ako ng buo. Sasama sana ako sa paghatid kay mama pero sa sobrang pagod ko ay naisip kong magpaiwan na lang. Kailangan ko pa kasing linisin ang bahay. Gusto rin sana sumama ni Erwan para makasama ng matagal ang kanyang lola pero ayaw ni mama at ihahatid lang naman siya ni Geoffrey. Hindi ko pa rin sinasabi ang totoo kay Geoffrey dahil matagal nama na yon at tingin ko, hinding hindi na mauungkat pa. Matagal ko na rin ibinaon iyon sa limot. Hindi ko na uulitin ang ginagawa kong pagdadalawang isip noon kay Ace. Nang dahil lang sa takot ko ay hindi ko nagawang magtagal kay Ace noon. Pinatapos ko na muna ang lahat ng bisita at naglinis na rin ng bahay. Nang makaramdam ako ng pagod, nagpahinga na muna ako at iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Kung ano ang talagang reaksyon ni Erwan nang malaman niyang si Ace ang kanyang ama at may kapatid na siya na halos ka edad niya lang rin. Sinamahan ko lang si Erwan sa kwarto habang nakahiga lang at nagbabasa ng kanyang textbook. Gusto ko sana malaman kung ayos pa rin ba sa kanya na magkaroon siya ng kapatid. Dahan dahan akong tumabi sa kanya at sinilip lang siya habang nagbabasa. Tumingala lang siya sa akin at itinabi na ang mga gamit niya sa school. Umupo na muna siya bago ako nagsalita. "Erwan, ayos lang ba sayo kung magkakaroon ka na ng kapatid?" Tanong ko sa kanya at tumitig lang siya sa akin tsaka naisip niyang sumagot. "Sino pong kapatid?" Tanong niya sa akin at mas lalo akong lumapit sa kanya at inalis ang mga gamit niya na nakaharang sa aming dalawa. "Yung kasamang bata ni Ace kanina." Sagot ko sa kanya at tumango lagn siya sa akin. Tumatak na talaga sa kanya si Ace. Tumango lang siya sa akin at bumalik na sa kanyang pag - aaral. Pakiramdam ko ay ayaw niya talagang magpa - istorbo. Wala rin naman siya magagawa kung sakaling tanggihan niya ako. Buntis na rin ako at hindi niya na maalis pa ang pagkakaroon ng kapatid sa ibang pamilya. Sa lahat ng nagiging desisyon ko sa buhay, gusto ko talagang inuuna ko sa lahat si Erwan. Kung gusto niya ba o hindi ang isang bagay. Kagaya na lang ng pagkakaroon ng kapatid. Noon pa man ay humihiling na siya ng kapatid pero hindi ko agad siya pinagbigyan. "Nasaan na po si Ace?" Tanong niya sa akin at sinabi kong umuwi na ito. Hindi ko na lang pinaliwanag sa kanya na hindi maganda pakinggan kung ganon lang ang tawag niya kay Ace dahil ama niya pa rin iyon. "Anak, siya ang tatay mo. Huwag mong sanayin ang sarili mo na ganyan ang tawag sa kanya." Sagot ko sa kanya at tumango lang siya. Alam ko naman hindi niya agad matatanggap ang totoo kaya hindi ko rin siya masisisi. Ang mahalaga, alam niya na ang totoo tungkol kay Ace. "Kapatid mo si Yana." Dagdag ko pa sa kanya at napatingin lang siya sa akin. Takang taka sa sinabi ko. "Bakit po wala sila dito sa bahay? Diba po si Daddy Geo ay tatay ko rin?" Inosenteng tanong niya sa akin at tumango lang ako. Hinaplos ko ang buhok niya at bahagya iyong ginulo. "Sa bahay ng Tatay Ace mo nakatira sila Yana. Tayo ay kay Daddy Geo." Sagot ko sa kanya at umalis na ako ng kwarto namin. Tinitigan ko pa siya bago lumabas at nagpatuloy na lang siya sa pag - aaral. Alam kong marami pa rin siyang tanong sa isip niya pero sa tamang edad ay maiisip niya rin ang lahat ng iyon. Buti na lang at ayos lang sa kanya ang pagkakaroon ng kapatid pero tandang tanga niya na talaga si Ace. Siguro ay kahit noon pa, hindi niya na makalimutan si Ace. Hindi man lang siya nagsalita ng kahit ano pagkatapos kong ipakilala si Ace sa kanya kanina. Wala nang bisita ng oras na iyon kaya inumpisahan ko na magligpit ng mga pinagkainan. Isa isa kong inayos ang mga plato at hinugasan ko na rin ito. Nang biglang lumapit sa akin si Erwan at iniabot ang cellphone ko. Tumatawag si Aero. "Yna, nasaan ka? Pumunta ka dito ngayon sa dating bahay nila Mary at John. Kailangan ko ang tulong mo." Sabi sa akin ni Aero at ibinaba niya na agad ang tawag. Minadali ko na ang paglilinis ng bahay at nagbihis na ako agad. Planado na naman siguro ito ni Aero. Sinadya niyang masolo ni Mama si Geoffrey para mautusan niya ako. Bakit pumayag na naman si mama sa ganitong set - up? Si Mama rin ang may gustong magpahatid kay Geoffrey. Ang akala ko ay kakausapin niya lang ito pero utos rin marahil sa kanya ni Aero ang ginawa niya. "Anak, huwag ka na munang lalabas ha? Kapag may kailangan ka, kunin mo na lang muna sa ref." Utos ko sa kanya at sinamahan ko siyang bumalik sa kwarto. Tinawagan ko rin si mama dahil hindi ko masasabi kay Geoffrey na may pinapagawa na naman si Aero sa akin. Matagal sumagot si mama kaya naman nagsend na lang ako ng message sa kanya at nagbilin na pakainin na muna si Geoffrey o kahit anong pwedeng gawin para tumagal siya sa bahay at hindi agad makauwi. Sinabi ko rin kay mama na may pinagagawa sa akin si Aero kaya naman kailangan kong mapatagal si Geoffrey sa kanya. Mabilis naman akong nakarating sa bahay nila. Patay lahat ang ilaw. Hinintay ko na muna si Aero sa labas ng bahay pero ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin siya. Hindi ko na rin siya tinatawgan pa. Pagkapasok ko sa bahay, sobrang baho na naman ng amoy. Isinuot ko agad ang gloves ko at binuksan ko ang mga ilaw. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan sila Mary at John. Hindi ko na lama kung sino ang nagdadala ng pagkain sa kanila.Sobrang namayat sila ng husto at tumanda na rin talaga. Buto at balat na lang sila at parang isang pitik ko na lang ay pwede na silang bawian ng buhay. Gusto ko pa man din linisin ang pwesto nila pero matatagalan ako dito kung gagawin ko pa iyon. Ilang minuto ko silang pinagmasdan at narinig ko na ang pagdating ni Aero. Nasa cr na ako at kumukuha ng timba ng tubig. Agad kong binuhat iyon saka dinala sa kwarto nila. Nakita ko na doon si Aero na nakatalikod sa akin at may kung anong ginagawa. Agad kong naamoy ang gas kaya nagpanig na ako. Susunugin niya na ng buhay ang magkapatid. Umiiling ng umiiling ang magkapatid at parang nagmamakaawa kay Aero na huwag na ituloy ang balak niya. May dala dala siyang gallon at ibinuhos niya na iyon agad sa kwarto kung nasaan sila Mary. Pipigilan ko sana siya dahil gas ang ibinubuhos niya. Panay ang pagkilos ng dalawa dahil alam nilang katapusan na talaga nila ngayong gabing ito. "Ano bang ginagawa mo, Aero. Maghunos dili ka nga!" Sigaw ko sa kanya. Inilabas niya na ang dala niyang posporo at sisindihan niya na talaga iyon. Inagaw ko sa kanya pero huli na ang lahat at naihagis niya na iyon kay John. Nakita kong mabilis gumapang ang apoy papunta kay Mary. Kaya binuhos ko agad ang nadala kong timba kay Mary para hindi siya abutan ng apoy pero nangyari pa rin ang balak ni Aero at hindi ko kayang marinig ang pagsigaw nila kaya lumabas na ako ng bahay at tumayo lang sa gilid para sumuka. Hindi ko masikmura ang ginagawa ni Aero. Rinig ko pa rin ang pagsigaw nila hanggang sa tuluyan na itong tumigil. Ilang sandali pa, may mga bumbero na dumating. Nakita na kasi ng mga kapitbahay ang usok galing sa bodega ng bahay kaya agad na akong umalis sa subdivision na iyon. Ilang sandali rin akong naghintay na may dadaanan na taxi pero nakita ako ni Aero sa labas ng gate ng subdivision kaya naman bumisina na siya sa akin. Sumakay na lang ako dahil gusto ko rin makabalik agad sa bahay. Hindi pa ako nakakasakay ng sasakyan ay pumunta na muna ako sa driver seat at hinila ang kwelyo ni Aero, dahilan para mapababa siya ng sasakyan. Sinampal ko siya pero hindi man lang siiya umalma sa ginawa ko. Nang makita kong wala siyang reaksyon ay sumakay na ako sa sasakyan niya at sumunod rin siya sa akin saka nagsimulang magdrive. Sobra akong nasusuklam sa ginawa niya sa magkapatid. Oo at pinahirapan nila kami noon pero sukdulan ang ginawang paghihiganti ni Aero ngayon. Hindi maalis sa pangdinig ko ang pagsigaw nila Mary habang unti unti na silang nasusunog ng buhay. Kung tutuusin, sobra na ang ginawang pagkukulong ni Aero dito sa kanila ng ilang taon at hindi nakakalabas ng bahay. Ipinakita sa akin ni Aero ang plastik kung saan nandoon ang pinutol niyang daliri ni Mary. Pagkakita ko ay agad akong nasuka. Kaya inihinto na muna ni Aero ang kotse at nagpark sa paligid. Hindi ko masikmura ang kasamaan na ginagawa niya. "Para saan ba yang pinag gagawa mo?" Tanong ko sa kanya at agad ko siyang pinaghahampas. Sukdulan na talaga ang pinaggagawa niya. Sinasalo niya lang ang lahat ng suntok ko sa kanya at hindi niya magawang umiwas man lang. "Kailangan ko ng fingerprint ni Mary para mabuksan ang vault niya. Susuportahan ko si Natasha dahil buntis na siya at ang kapatid mo ang ama. " Sagot niya sa akin at napatigil na lang ako sa sinabi niya. Si Natasha at Uno, magkakaroon na rin pala ng anak. "Kaya pumayag si Manang Hilda na tulungan ako ay alam niyang may namamagitas na sa kanilang dalawa." Sagot niya pa sa akin at halos matumba na ako sa nalaman ko. Matagal ko nang alam na may gusto ang kapatid ko kay Natasha pero ang buong akala ko, napigilan nila Spiel at Aero kung ano man ang namamagitan sa kanila. Pero mas lumala pa pala at talagang nagkagustuhan na silang dalawa. Ano na lang ang iisipin ng mga taong hindi kilala angtunay na pagkatao namin? Na ang mga anak ni Hilda ay parehas pariwala? Ang isa ay pumatol sa kanyang pinsan at ang isa naman ay disgrasyada? Napailing na lang ako sa nangyari dahil hindi ko talaga matanggap. Hindi na ako kumibo at sumakay na lang ako ulit para makauwi kami agad ni Aero. Ayoko rin magtagal ako sa pagmumukmok dahil nakakasama iyon para sa anak ko. Hindi tama ang ginagawa ni Aero kahit na sabihin pang para iyon sa ikakabuti ng ibang tao, mali pa rin ang pumatay ng tao at mangdamay ng ibang tao. Kahit kapatid ko si Uno, kaya kong suportahan siya ng walang ginagawang masamang bagay. Maganda na rin na sabay kaming makakabalik ni Aero para hindi magduda sa amin si Geoffrey. Habang nasa byahe kami, bumili ng ilang gamit si Aero bilang alibi namin sa biglaan naming pag alis. Pati mga laruan ng bata ay may binili rin kami. Hindi ko napansin na may tinatawagan pala siya dahil abala ako sa pag - aayos ng mga pinamili niya para sa amin ni Erwan at lumilipad pa rin ang isip ko sa nalaman ko tungkol kay Uno dahil mahirap pa rin paniwalaan. "Manang Hilda, nandyan pa ba si Geoffrey sa bahay niyo?" Tanong ni Aero kay mama at napatigil ako sa ginagawa ko tsaka naghintay ng susunod na sasabihin ni Aero pero inilayo niya ang cellphone tsaka nagloud speaker. Ilang minuto lang kasi kapag sa byahe ang bahay namin sa subdivision nila Aero kaya kailangan talagang patagalin ni mama ang pakikipag - usap kay Geoffrey. "Nandito pa rin siya. Hindi ko na muna pinaalis, pinapakita ko lang ang ilang litrato ni Yna noon. Nasaan na ba kayo?" Tanong ni mama at nakahinga ako agad ng maluwag. Ayoko kasi magkakaroon ng pagdududa si Geoffrey sa akin. Sa Express Way na kami dumaan ni Aero dahil sobrang traffic palagi sa Alabang. Isang oras rin kaming bumiyahe ni Aero bago kami nakarating ng Canlubang. Alas Nuebe na rin kasi kaya naman tapos na ang rush hour at wala na masyadong traffic. Pagkapasok namin sa bahay, naligo na ako agad dahil amoy na amoy sa akin ang binuhos na gas ni Aero. Pagkatapos kong maligo, sumunod naman si Aero pero ako, nasa loob lang ng kwarto para silipin si Erwan. Mahimbing na ang tulog niya, nilagyan ko na lang siya ng kumot at kinuha ang cellphone ko tsaka lumabas. Baka tumawag si Geoffrey at hindi ko hawak ang cellphone ko. Pagkatapos maligo ni Aero, inilabas na namin ang mga pinamili niya at umalis na rin siya agad. May isinama pa siyang bag na naglalaman ng pera. Hindi ko na sana kukunin iyon pero isinama niya sa mga gamit na ipinasok niya. Nalaman ko na lang nang ayusin ko na ang mga gamit. Isa isa kong inilabas ang mga iyon sa black bag at tinago ko na lang sa kung saan ko pwedeng itago nang hindi makikita ni Geoffrey. Idedeposito ko na lang ito sa bangko bukas. "Yna!" Narinig kong malambing na pagtawag sa akin ni Geoffrey at lumabas na ako ng kwarto para salubungin siya. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Ang payat mo pala noong bata ka pa saka kamukhang kamukha mo si Aero at Erwan." Bungad niya sa akin at tumawa na lang ako pero sa loob loob ko, kinakabahan ako dahil nabanggit niya si Aero. Hindi ko alam kung anong plano ni Aero at ngayon niya lang naisip na patayin na sila Mary at John. Sa tinagal tagal ng panahon na pinarusahan niya ang dalawang iyon. "Syempre, tiyuhin ko si Aero eh. Nga pala, dinalhan ako ni Aero ng mga ilang regalo." Sagot ko sa kanya at ipinakita ko ang mga laruan at isang bouquet ng bulaklak. Tumango lang siya ng makita niya iyon. "Halika na at maghoneymoon na tayo." Bulong niya sa akin at iniwan ko na muna ang lahat ng gamit ko sa kwarto ni Erwan. Hindi naman iyon papakialaman ng anak ko at hindi rin naman pumapasok dito si Geoffrey. "Magluluto lang ako ng makakain natin. Manood tayo ng tungkol sa mga baby." Suggestion sa akin ni Geoffrey at tumango na lang ako. Hinayaan ko siyang maging excited sa pagkakaroon ng sarili niyang anak. "Kukunin ko lang ang ilang mga pinamili ni Aero na pagkain kanina." Sabi ko naman kay Geoffrey at pumasok na ako muli sa kwarto ni Erwan. Naisip kong itago na lang muna ang mga pera sa mga damit ni Erwan na hindi niya na ginagamit pa dahil luma at maliliit na iyon. May ilang binili si Aero na mga biscuit pero para iyon kay Erwan. Ginawa ko na lang dahilan ang mga iyon para hindi magduda sa akin si Geoffrey. Hindi ko alam kung saan kinuha ni Geoffrey ang mga video niya tungkol sa babies pero marami siyang hawak na dvd at cd. Ipinanood sa akin ni Geoffrey ang unang video kung paano lumaki ang tiyan ng isang babae kahit alam ko naman na iyon. "Nakakalimutan mo ata na pangalawang anak ko na to, Geoffrey?" Tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin saka itinigil na ang palabas. Natawa na lang ako sa kanya dahil gusto niya pa ipakita sa akin kung paano ba ang pagbubuntis kahit na pangalawang anak ko na to. "Eh ano ang gusto mong panoorin?" Tanong niya sa akin at agad akong lumapit sa lagayan ng mga cd namin saka ako naghanap ng magandang palabas. Ghost, ang napili kong panoorin namin. "Yan na naman?" Reklamo niya sa akin pero isinalang ko na ang paborito kong palabas. Ito sa lahat ng palabas ay nakakarelate ako. Ilang beses ko na rin itong napanood kasama siya. "Eh wala na ako ibang gustong panoorin eh." Sabi ko sa kanya at naghanap na lang ako uli ng mapapanood. Itinapat sa akin ni Geoffrey ang isang cd at Serendipity ang title ng palabas. Isinalang niya na lang ang title at inumpisahan na naming panoorin ito. Humiga siya sa binti ko at idinikit ang tenga niya sa tiyan ko habang nakatingin siya sa tv. "Hindi mo pa naman maririnig yang baby natin. Isang buwan pa lang naman yan." Sabi ko sa kanya pero hindi siya nagpalit ng pwesto at ganoon pa rin hanggang matapos ang palabas. Pagkatapos nang palabas, humiga na kami ni Geoffrey at natulala lang. Nagandahan ako sa palabas na iyon dahil nahanap nila ang taong para sa kanila at pinaglaban ang totoong nararamdaman. "Saan mo gustong ikasal?" Tanong niya sa akin at napatingin ako sa kanya. Hinila niya ako para ihiga sa braso niya at mas nakita ko ang kanyang mukha. Hindi ko pa naiisip kung ano ano ang mga gusto kong detalye para sa kasal na ito. "Kahit saan. Beach, Simbahan, Garden. Kahit saan, basta ikaw ang papakasalan ko." Sagot ko sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi na siya muli pa nagtanong sa akin kaya naman hinalikan ko siya. Ilang beses akong inaangkin ni Geoffrey ng gabing iyon pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa kong pagpatay sa magkapatid. Sa dami ng pumapasok sa aking impormasyon, mas nanaisin ko na lang na wala akong nalalaman kesa yung ganito at may inililihim ako. Kapag kasama ko Geoffrey, agad kong nakakalimutan ang mga problema ko sa buhay. Ang tungkol sa pinagawa sa akin ni Aero, ang pagbubuntis ni Natasha, ang tungkol kay Ace at Erwan. Lahat, nakalimutan ko dahil sa kanya. Nabibigyan niya ako ng peace of mind at yon ang mas kailangan ko sa lahat, ang katahimikan. "I love you." Bulong ko sa kanya at yumakap pa ako ng mas mahigpit sa kanya. Ayoko na rin pakawalan pa si Geoffrey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD