Chapter 16

2524 Words
Dalawang taon ulit akong namalagi sa puder ni Hanna at tiniis ko muli si mama. Panay ang pagtawag sa akin ni Aero at sa kanya na lang ako nakakakuha ng balita. Kami na lang tatlo nila Erwan at Geoffrey ang magkasama sa bahay dahil umalis na si Hanna para magtrabaho bilang DH sa Saudi. Ayaw naman bitawan ni Hanna ang inuupahan niya dahil plano niya na rin bilhin ito sa may - ari. Puro na lang tungkol kay Aero ang nasasagap kong balita. Kung paano niya todong iniiwasan na hindi malaman ni Genesis ang totoo. Sobrang takot niya rin kasi na mawala pa sa kanya si Genesis. Nung una, balak niya lang gantihan ang mga magulang niya sa pamamagitan ni Genesis pero sobrang nahulog na siya at hindi na kayang iahon pa ang sarili niya. Sawang sawa rin ako sa kwento ni Aero tungkol kay Genesis, noon. Palaging nagkekwento si Aero kung ano ano ginagawa nila ni Genesis. Pati ang palihim niyang kinidnap si Genesis. Plano niyangbigyan ng pangamba ang mga magulang ni Genesis pero hindi niya kayang gawin. Dinala niya sa isang isla si Genesis, pero nang malaman niyang mahal niya na si Genesis, itinigil niya na ang lahat. Nalaman kong ikinasal na si Genesis at Aero nung mismong debut niya. Surpresa ang pagpapakasal ni Aero kaya wala nang kawala pa si Genesis. Engrande rin ang kasal, ayon sa kwento ni Aero. Hindi ako binabanggit ni mama kay Aero sa loob ng dalawang taon pero ako, lagi ko siyang kinakamusta. Alam ko naman na hindi papabayaan ni Aero si mama. Wala na rin akong narinig na kahit ano tungkol kay Ace dahil kapag sinusubukan ni Aero magkwento tungkol sa kanya ay iniiba ko ang usapa. Malaki na rin si Erwan sa edad na anim na taon, naging kasing tangkad ko na siya at alam niya na ang nangyayari sa paligid niya. Mas naging matatag rin ang pagsasama namin ni Geoffrey sa tinagal tagal ng panahon. Lalo ngayon at pakiramdam ko ay magkakaroon na kami ng anak ni Geoffrey. Gusto ko na rin kasi masundan si Erwan at malaki na rin naman siya. Ilang araw na rin na lagi akong hirap gumising, kagaya ng pinagbubuntis ko si Erwan noon. Hindi pa naman ako naghahanap ng mga pagkain Palaging mabigat ang pakiramdam ko pero pinipilit ko pumasok dahil kailangan ko ng pera. Hindi naging maganda ang gising ko dahil sobrang sama ng pakiraman ko at nagsusuka ako ng walang inilalabas. Pinilit na lang ako ni Geoffrey bumangon, pero mahal ko siya at walang magbabago. "Tulala ka na naman." Bulong sa akin ni Geoffrey habang nanonood kami ng paborito niyang sundan na tv series. Kumuha na lang ako ng popcorn at sinubuan ko siya. Nasa sala lang kami at nanonood. Parehas kasi na wala kaming pasok ni Geoffrey kaya naisipan niyang puntahan ako dito. Ganito naman na ang nagiging routine naman. Pero minsan, inilalbas namin si Erwan para.kumain sa labas. "Naiisip ko lang kasi, what if, sundan na natin si Erwan?" Tanong ko sa kanya at agad niyang inipause ang pinapanood niya at tinitigan lang ako. Kumikinang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Parang sabik na sabik sa susunod kong sasabihin. "Two months na akong delay." Bulong ko sa kanya at agad niyang itinabi ang lalagyan ng popcorn tsaka ako binuhat na parang baby. Matagal niya na gustong magkaroon ng anak sa akin pero dahil sa madami pa akong kinakaharap na problema, hindi ko pa mapagbigyan noon si Geoffrey. PEro ngayon, sigurado na ako sa desisyon ko. "Are you sure? Kailangan magpacheck up ka na muna sa kanila para makasigurado tayong buntis ka na." Payo sa akin ni Geoffrey pero nasa tono pa rin ng pagsasalita niya ang saya at positibo siyang buntis nga ako. "Gusto mo ba magpacheck up tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya at tumango tango lang siya. Hindi na kami natuloy sa panonood at abala na isya sa kanyang cellphone. Hindi ko malaman kung sino o ano ba ang pinagkakaabalahan niya basta panay lang ang pagtetext at pagtawag niya sa kung sino hanggang sa maghapunan na kami. "Sino ba mga kausap mo." Iritable kong tanong sa kanya dahil nakikita siya ni Erwan na mas inaatupag ang pagtetext kesa ang pagkain namin. Nawalan na ako ng gana dahil sa ginagawa niya. Natapos na kumain si Erwan pero siya ay hindi pa rin talaga nauumpisahan kumain. "Mommy, tapos na po ako. Doon na muna ako sa kwarto. " Pagpapaalam ni Erwan at agad na siiyang umalis sa hapagkainan. Tinitigan ko lang si Geoffrey habang abala pa rin sa pagtetext. "Huwag mo kong intindihin. Kumain ka na lang dyan." Sagot niya sa akin at lumapit ako sa kanya saka ko tiningnan ang cellphone pero panay iwas lang siya sa akin. Sa sobrang inis ko, inagaw ko na sa kanya ang phone niya. "Baka niloloko mo na ako." Sigaw ko sa kanya pero tinakpan niya lang ang bibig ko dahil ayaw niyang naririnig kami ni Erwan na nag - aaway. Kung hindi niya ipapakita, talagang aawayin ko pag ako nagkacovid. Hindi ko na alam kung ano dapat. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Masaya na ako sa siomai at fishball bilang pang ulam. "Kumalma ka nga. Sige na at kakain na ako." Sagot niya sa akin at itinago ang kanyang cellphone saka nagsimulang kumain. PInanood ko lang siya hanggang sa matapos siya. Ayoko na lang mag isip ng kung ano ano sa mga aksyon nI Geoffrey kaya pinabayaan ko na siya hanggang sa makatulog ay panay ang pagcecellphone. Biglang tumunog naman ang phone ko at nakita kong si Aero ang tumatawag. Umalis na muna ako sa sala at nagtungo sa kwarto bago ko sagutin ang tawag niya. "Aero, napatawag ka?" Tanong ko sa kanya at balak ko pa naman ibalita sa kanya na nagdadalang tao na uli ako pero natigil ako sa sasabihin ko ng magsalita na siya. "Bakit mo iniwan ang mga lumang gamit natin noon, dito sa apartment ko? Nakita ni Genesis ang mga iyon at balak akong isumbong sa mga pulis." Sigaw niya sa akin at hindi na ako kumibo sa kanya at hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita. Hanggang sa hindi na siya nagsasalita at pagtingin ko sa phone, tapos na ang tawag. Huminga na lang ako ng malalim at hindi ko naman alam na babalik pala sila sa apartment. Doon ko kasi itinago ang mga ginamit namin noon ng gawin namin ang krimen kila Don Jaime. Hindi ko na pinansin ang sinabi sa akin ni Aero at ayokong masira ang moment namin ni Geoffrey. Gusto kong masaya lang ako ngayong araw na ito. Kinalma ko na muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Madali kasing mahalata ni Geoffrey kung badtrip ako o hindi kaya mas maigi na itago ko na lang ang sama ng loob ko galing kay Aero. Inayos ko na lang ang bag ko tsaka na ako lumabas ng kwarto na ngiti ang nasa labi. "Geoffrey! Tara na!" Sigaw ko sa kanya dahil nasa labas pa siya ng bahay. Narinig kong may kausap siya pero hindi ko naiintindihan. "Oo, hintayin na lang kita sa sasakyan. Buksan ko lang yong aircon!" Sigaw niya sa akin pabalik. Pakiramdam ko ay may nililihim talaga si Geoffrey sa akin. Hinayaan ko na lang siya. Kung lolokohin niya man lang ako ay nasa sa kanya na yon. Hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na ako sa sasakyan namin. Nakapwesto naman ang sasakyan kung saan hindi ko siya nakikita kaya di ko malaman kung ano pa ba ang ginagawa niya, kahit sobrang aga naman niya na gumising. Pumunta na lang kami sa isang OB Gyne clinic at agad na akong nagpa ultrasound. Inaasahan ko na talaga na buntis na ako at hindi ako kabado dahil alam na alam ko naman na ang gagawin ng doctor. Nagbalik lang sa akin kung ano ang naramdaman ko noong unang beses akong magpa ultrasound. "Kamusta na? Ang tagal mo na nung huli kang nagpacheck up dito." Bati sa akin ni Doctor Analiza. Siya ang naging doktor ko noong pinagbubuntis ko pa lang si Erwan kaya sanay na ako sa kanya. "Congratulations sa second baby mo! One month ka nang buntis." Sabi niya sa akin habang inuultrasound niya ako. Nakita ko rin sa monitor ang pagtibok ng puso ng baby ko. Nag - ayos na ako pagkatapos kong makita ang resulta. Sigurado na ako na buntis talaga ako. Ilang minuto rin bago siya nakabalik pero may dala na siyang bouquet ng flower. Pawis na pawis rin siya ng dumating siya. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya para punasan ang pawis niya. Kaming dalawa lang ang pasyente ng araw na iyon at buti na lang ay hindi nila nakitang pagod na pagod si Geoffrey. "Ano ba yang pinaggagawa mo, Geoffrey! Saan ka ba galing? Bakit may dala ka pang ganyan?" Sunod sunod na salita ko sa kanya pero hindi siya kumikibo. Iniabot niya pa sa akin ang bouquet at nang titigan ko ito, iisa lang ang pulang rosas at lahat ay kulay puti. May nakasabit rin na singsing sa pulang rosas at halos mahimatay na ako sa nakikita ko. Hindi pa man din alam ni Geoffrey ang resulta pero siguradong sigurado na siya sa akin. Alam ko na ang balak niyabg gawin at hindi ako mapakali. Masaya ako na may isang lalaki na handang mahalin ang mga ina na naging ama na rin. "Will you please marry me?" Tanong niya at kinuha ang pulang rosas tsaka inalis ang singsing. Lumuhod siya sa harapan ko tsaka umaktong isusuot na sa akin ang singsing. Gusto ko na maghihiyaw sa ginagawa ni Geoffrey pero wala kasi kami aa sarili naming pamamahay. Wala na akong mukha na maiharap sa mga tao kapag hindi ko pa sinagot si Geoffrey. "Yes. And, magiging tatay ka na talaga." Dagdag ko pa sa kanya at sinuot niya na ng tuluyan sa akin ang singsing. Nagpalakpakan naman ang lahat ng nasa loob ng clinic. Tumayo si Geoffrey tsaka ako hinalikan sa labi. Nahihiya pa ako dahil sa ginawa niya. Pagkalabas ko ng clinic, nasa labas na rin si mama at.niyakap agad ako ng mahigpit. Hindi pa ako nakakilos sa ginawa niya dahil sa pagkabigla. Hindi ko alam na pati siya ay nasaksihan ang proposal ni Geoffrey. "Kagabi ko pa siya pinipilit na puntahan tayo dito. Gusto ko kasi makikita niya ang proposal ko sayo." Paliwanag sa akin ni Geoffrey at tumango na lang ako. Sa huling pagkakataon, gusto ko na rin talagang maging maayos kami ni mama. Ayoko na rin bigyan pa siya ng sama ng loob. "Anak, huwag mo na akong iiwanan. Ikaw na lang ang nasasandalan ko." Bulong sa akin ni mama, tinitigan ko siya at halata sa kanyang mukha ang stress. Mas lalong lumaki ang eyebags niya at pumayat rin siya. Hindi yata tugma ang sinasabi ni Aero sa akin na maayos si mama, ang laki ng pinagbago niya. "Ma, sorry sa.lahat ng kasalanan ko. Sa amin ka na lang tumira, kasama ang apo mo at magiging apo." Sagot ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Tumango lang si mama at niyakap na ako uli. Pagkauwi namin, marami nang tao sa bahay. May handaan na naganap at marahil, ito ang pinagkakaabalahan ni Geoffrey. Pinalo ko siya sa braso pero natawa lang siya sa reaksyon ko. "Grabe ka talaga mang surpresa sa akin!" Sigaw ko sa kanya at mas natawa na lang siya. Ang mga bisita ay mga katrabaho niya at ilan din sa mga kilala niyang katrabaho ko. Sunod sunod ang pagbati nila sa akin dahil fiancé ko na si Geoffrey. May iilan na nagtatanong agad kung kailan ang kasal pero hindi ko naman alam kung ano ang plano ni Geoffrey kaya wala rin talaga akong masagot. "Tawagan natin si Hanna mamaya. Kumain ka na at ayokong nagugutom ka." Utos sa akin ni Geoffrey at inabutan na ako ng plato. Pero inilabas ko ang resulta ng ultrasound at agad niya naman binasa iyon. "Lahat ng imbitado dito, ninong at ninang!" Malakas na sigaw ni Geoffrey tsaka itinaas ang ultrasaound ko. Hinanap ko naman si Erwan para.sabihin na magkakaroon na siya ng kapatid. Alam ko kasing matagal niya na rin gusto magkaroon. Pinuntahan ko na muna siya sa kwarto pero nakita ko siyang mag - isang kumakain sa sala. Simula kasi ng umalis si Hanna kasama si Jon, ang anak niyang kalaro ni Erwan, hindi na muli pang nakisalamuha ang anak ko sa ibang bata kaya nasanay na siyang maging mapag - isa. Minsan ay humihiling na rin siya ng kapatid sa akin. "Erwan, nandito ang Lola Hilda." Tawag ko sa kanya at agad naman niyang hinanap ito. Panay ang pagtingin niya sa paligid at sabik na sabik siyang makita ang kanyang lola kaya naman naghanap na rin ako. Simula kasi ng pumasok kami, hindi ko na siya na asikaso pa. Lumabas ako at baka sakaling nahihiya lang si mama kaya ayaw pumasok..Kasunuran ko lang si Erwan at napahinto ako ng makita ko siya na may kasamang bata. Magkatabi si Ace at mama habang hawak ang isang bata na kamukhang kamukha rin ni Ace. Nakakapit kay mama ang bata at parang close na close talaga sila. Kumaway sa akin si Ace at parang nagbago na ang kanyang aura. Hindi na siya yung kagaya noon na laging nangungulit sa akin para pansinin ko. Lalapit na sana ako ng makita ko si Francine na may karga ring isang bata..Marahil, iyon ang bunso niyang anak. Lalaki ang karga ni Francine. "Love, gusto kong ipakilala sayo si Yana. Panganay ko." Paunang sabi sa akin ni Ace at kumaway ang bata sa akin tsaka ngumiti. Kapag seryoso ang mukha niya, si Ace ang nakikita ko pero kapag masigla ito, nagiging kamukha ng kanyang ina. Love, ang tawag sa akin ni Ace. Hindi niya ako magawang tawagin na 'Yna.' Alam kong isinunod niya sa akin ang pangalan ng kanyang panganay. "Isinama ko na sila dito. Gusto kasi makita ni Ace si Erwan." Pagpapaliwanag sa akin ni mama at nakayapos na sa kanya si Erwan. Tinitingnan lang ng anak ko si Ace at parang gustong lumapit sa kanya. sa mukha pa lang, "Erwan, magbless sa Lola." Sumunod naman ang anak ko pero niyakap niya na rin ang kanyang lola. Panay ang pagkekwento ni Ace tungkol sa kahit anongx Tsakerz. "France, pakainin mo na muna si Zeke at Yana." Utos ni Ace sa kanyang asawa, si Mama naman ay nakahalata sa sitwasyon nami. Kinuha niya na si Zeke kay Francine para tulungan siya sa bata. Tinitigan ko na muna si Geo habang abala at kausap ang kanyang mga katrabaho. Parang kasing edad rin ni Erwan si Hanna pero lamang ang anak ko pagdating sa buwan. Kung sakaling ipapakilala ko kaya kay Ace si Erwan, ano kaya magiging reaksyon niya? "Ace, Naaalala mo ba yung anak ko?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa akin. Nilapitan niya si Erwan at hinawakan sa.magkabilang balikat. "Hindi ako nakakalimot sa sarili kong anak." Sagot sa akin ni Ace at doon pa lang, alam niya nang siya ang ama ng anak ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Tumango na lang ako, bigla kasing niyakap ni Ace si Erwan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD