Chapter 18

3004 Words
Dalawang oras lang ang naging tulog ko dahil sa sobrang pag - iisip ko. Pinipilit kong makatulog pero hindi ko talaga magawa. Paulit ulit sa diwa ko ang sigaw nila Mary at John habang sinusunog sila ng buhay ni Aero. Alam ko naman na kakaiba na ang naging ugali ni Aero simula nang masalinan siya ng dugo pero ang umabot pa sa ganoon ang kaya niyang gawin ang hindi ko kayang tanggapin. Mabait na tao si Aero pero kapag nagalit talaga siya ay sobra na rin talaga. Pati ang pagkakaroon ng anak ni Natasha at Uno, inaalala ko lang siya at kapag nalaman ng ibang tao ang tungkol sa kanila. Para sa mata ng mga tao, magpinsan sila, tapos ang magkaroon ng anak ay kasalanan para sa kanila. Pero kaming mga totoong nakakaalam na hindi tunay na Jaime si Natasha ay kaya silang tanggapin. Kung ako lang ang masasabihan ng kung ano ano ay ayos lang sa akin huwag lang ang kapatid ko o kaya ay si mama. Kaya kong tanggapin ang lahat ng sasabihin ng mga tao sa akin. Nanatili rin akong nakahiga pagkabangon ko dahil masakit rin ang katawan ko sa pag - aasikaso ng mga bisita at pati ang ulo ko ay parang pinupukpok na sa sobrang sakit. Dapat ay mas mangibabaw ang saya ko dahil sa ikakasal na kami ni Geoffrey pero ang mga negatibong bagay pa rin ang naiisip ko. Hindi na ako bumangon dahil may natira naman kaming pagkain kagabi at pwede naman initin na lang ni Geoffrey iyon para sa kanyang almusal. Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit kong matulog. Umupo na muna ako saglit at tumingin ng mga dress at gown para sa kasal. May iilan rin naman akong naitago na magazine dito dahil minsan rin naman akong nangarap na ikasal ako. Magaganda ang mga ito pero milyon naman ang halaga. Ang gusto ko ay simpleng gown lang naman. Alas Kwatro na nang madaling araw bago ako makatulog at naramdaman ko na lang ang pagbangon ni Geoffrey. Dahan dahan lang ang ginawa niyang pag alis sa kama tapos ay hinalikan ako sa pisngi. Ilang minuto lang ay inilapag niya na si Erwan sa tabi ko. Hindi kasi ako sanay na walang katabi pag natutulog. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan at doon na ako nakatulog ng mahimbing. Pagkagising ko, wala na si Erwan sa tabi ko kaya agad na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nakita ko na lang siya na kasama si Mama at tinuturuan siyang magbasa. "Goodmorning, anak. Tinawagan ako ni Geoffrey at pinapunta dito para samahan si Erwan. Hindi ka daw kasi magising at baka napagod ka ng husto kaya ako na lang muna ang nag - alaga kay Erwan." Bungad sa akin ni mama at tumango ako sa sinabi niya. "Buti pinayagan ka ni Aero umalis, ma? Wala ba silang mag - asawa ngayon doon?" Tanong ko sa kanya at umiling lang siya sa akin at itinuro si Erwan. Ayaw niya sigurong naririnig na nag - uusap kami ng tungkol kay Aero. "Lola Hilda, bakit po ikaw ang pumunta dito? Gusto ko kasama si Tatay Ace." Tanong ni Erwan at napatingin sa akin si mama. Nagkibit balikat na lang ako dahil sa pagtingin niya na may halong pagtatanong sa akin. "Kumain ka na, tapos na kami ni Erwan." Sagot sa akin ni mama at sinunod ko naman siya. Pinakikinggan ko na lang sila ni Erwan habang nag - aaral magbasa at nakakasunod naman ang anak ko dahil matalino naman siyang bata. Wala pa naman ako sa pagbubuntis na naghahanap na ng makakain o kaya naman ay maselan. Kahit nung si Erwan pa lang ay hindi naman ako ganoon kaselan sa pagbubuntis ko at sana, sa pangalawa kong anak ay hindi rin ako ganoon. Pagkatapos kong kumain, nakaramdam na ako ng pagkaantok kaya nagtungo na uli ako sa kwarto at nagpababa lang ng kinain saka ako nakatulog muli. Hapon na nang magising ako at ilang oras na lang, uuwi na si Geoffrey. Hindi ko na masyadong inaasikaso si Geoffrey kahit noon pa dahil nasa Pasig pa ako noon tapos ay nandito naman siya sa Laguna kaya tuwing linggo lang siya nakakauwi, sanay siya na hindi inaasikaso pero ngayon na magiging asawa niya na ako, kailangan niya na masanay na may mag - aasikaso sa kanya. Naglinis na lang muna ako ng katawan bago ako nagsimulang maglinis ng bahay. Gusto ko pa rin magkikilos kahit na buntis na ako dahil ayoko masanay na walang ginagawa sa bahay. "Yna, isasama ko na muna si Erwan at gusto ko siyang isama para kumain sa labas." Sabi sa akin ni mama habang nasa kwarto ako. Dumungaw naman ako sa pinto at tumango na lang ako sa kanya. Abala kasi ako sa pagpapalit ng kobre kama at punda ng mga higaan namin. Kumaway na lang ako kay Erwan at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Mamayang Alas Singko pa naman ang uwi ni Geoffrey. Pagkatapos kong maglinis, nagpahinga na muna ako sa sala ng biglang may kumatok sa bahay. Ang buong akala ko ay si Geoffrey iyon pero si Ace at amoy na amoy sa kanya ang alak. Wala na sana akong balak na papasukin siya pero ipinilit niya ang kanyang sarili para makapasok sa bahay. "Ace, ano bang ginagawa mo!?" Sigaw ko sa kanya ng tuluyan na siyang makapasok at inilock niya pa ang pinto namin. Sunod sunod ang pag - atras ko para lang makalayo sa kanya pero panay naman ang paglapit niya sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang cabinet kung nasaan ang tv namin at ilang mga babasaging plato. "Bakit inilihim mo sa akin na may anak tayo? Bakit, Yna?!" Sigaw niya sa akin at aktong sasaktan niya ako kaya napilitan akong ihampas sa kanya ang isang platong porselana. Agad siyang nagkaroon ng sugat at umagos ang dugo sa kanyang mukha pero hindi niya iyon pinansin at patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin. "Tumigil ka na, Ace. May pamilya ka na." Mahinahon kong sabi sa kanya at iniba ko na ang direksyon ng pag - atras ko. Hanggang sa makaabot na kami sa kusina. Naharangan na ako ng lamesa namin dahilan para mahawakan ako ni Ace. Bigla niya akong hinalikan. Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin pero mas lalong humihigpit ang ginagawa niya at idinidiin niya pa ako sa lamesa. Tuluyan na niya akong naikulong sa mga bisig niya at wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang. Isa akong matapang na babae pero kapag sa ganitong pagkakataon pala ay wala na akong magagawa. Pinagpatuloy na lang ni Ace ang paghalik niya sa akin at pababa sa leeg ko, kinakalmot ko na siya at patuloy sa pananakit para lang tigilan niya ako pero ako na ang napagod at hinayaan ko siyang angkinin na ako. Tanging pag - iyak na lang ang nagawa ko hanggang sa maabot niya na ang kanyang hangganan. Napabaluktot na lang ako ng pagkakahiga sa lamesa habang si Ace at nakaupo lang sa sahig at nakasandal ang kanyang likod sa upuan. Ilang minuto rin ay tumayo na siya at aktong hahawakan ako pero pinalo ko ang kanyang kamay at sinampal ko siya. "Huwag mo kong hahawakan!" Sigaw ko sa kanya at inayos ko na ang sarili ko. Ayokong maabutan ako ni Geoffrey na nasa ganitong kalagayan. Hindi ko pa alam sa sarili ko kung isusuplong ko ba sa pulis si Ace o hindi. "Umalis ka na! Nakuha mo na ang gusto mo, diba!" Sigaw ko sa kanya at ipinagtulakan ko siya papalabas ng bahay namin. Hindi naman na siya nanglaban pa sa akin at nagawa ko siyang palabasin. Agad akong nagtungo sa cr para linisin ang katawan ko dahil pakiramdam ko, sobrang dumi ko nang tao. Kinuskos ko ang katawan ko hanggang sa makaramdam na ako ng paghapdi. Namumula na ng husto ang mga braso ko bago ko tuluyang itigil ang ginagawa ko. Kulang na lang ay magpakulo ako ng tubig at ibuhos ko sa katawan ko para lang maalis ang ginawa ni Ace pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang linisin ito. Umupo na lang ako sa sahig at iniiyak ang lahat ng pangyayari. Si Ace na siguro ang karma na nararapat sa akin. Narinig ko na lang ang pagdating nila Mama at Erwan kaya naman tinapos ko na ang pagligo ko at lumabas na ako. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at kikimkimin ko na lang ang sama ng loob. Ayoko na sabihin pa kay Mama kung ano ang nangyari dahil baka sumama rin ang loob niya. "Kamusta ang paglabas niyo, ma?" Tanong ko sa kanya at yumakap sa akin si Erwan. Kumain lang sila sa isang kilalang fastfood. Nagkulong na lang ako sa kwarto at nagdahilan na lang akong masama ang pakiramdam ko. Nakahiga lang ako ng pumasok si Geoffrey sa kwarto at sinalubong ako ng halik. "Masama daw ang pakiramdam mo, sabi ni mama." Sabi sa akin ni Geoffrey at idinikit na rin sa noo ko ang palad niya. "Wala ka namang lagnat. May gusto ka bang kainin?" Tanong niya sa akin at umiling lang ako. Umupo siya sa tabi ko at iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Hindi naman sakit ng katawan ang nararamdaman ko o wala naman akong lagnat. I was raped. Pinanood ko na lang magbihis si Geoffrety tapos ay lumuhod siya para makaharap ang mukha ko. Nakaramdam ako ng pag init ng pisngi dahil sa ginawa niya. Nag - aalala na naman sa akin si Geoffrey at ayoko naman mapansin niya iyon. Hindi ko ugaling magsinungaling sa kanya. "Huling beses na nagkaganyan ka ay nang dinugo ka ng kaunti at akala mo, malalaglag na si Erwan. Tell me, what happened?" Tanong sa akin ni Geoffrey at dahan dahan lang akong bumangon. Aalalayan niya pa sana ako pero iniiwas ko ang kamay niya sa akin. "Nabuntis ni Uno si Natasha." Mallungkot kong sabi sa kanya at ngumiwi lang ako. Si Uno na lang ang naiisip kong idahilan kahit na nararamdaman ko pa rin ang bawat halik ni Ace sa akin. Agad akong tumayo at nasusuka dahil sa sama ng loob. Mabilis akong lumabas ng kwarto at pumunta sa lababo para maglabas ng sama ng loob. Napansin ko na lang si Geoffrey na hinihimas ang likod ko at inabutan niya pa ako ng tubig. "Anong nangyari?" Narinig kong tanong ni mama at nagmumog na ako agad ng tubig saka inayos ang buhok ko. Ininom ko na rin ang dinalang tubig ni Geoffrey at paglingon ko, nasa likod ko lang sila mama at Erwan. "Sumama lang ang pakiramdam ko. Hayaan niyo na muna ako mag - isa." Sabi ko sa kanila at nagkulong na lang ako uli sa kwarto. Wala akong mapagsabihan ng nangyari sa akin dahil sa takot kong makulong si Ace. Iniisip ko rin kasi ang pamilya niya kung sakaling magsusumbong ako. Kinuha ko ang cellphone ko at kinalikot ko na lang iyon hanggang sa makita ko ang pangalan ni Aero. Alam ko naman na lahat ng bagay ay pwede kong sabihin kay Aero at wala naman siyang pakialam dahil sa dami ng inaasikaso niya rin. Tinawagan ko agad siya, nakatatlong tawag ako sa kanya bago niya sinagot ang tawag ko. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na akong naglabas ng sama ng loob ko. Gusto ko rin saktan si Ace dahil sa ginawa niya sa akin. "Aero. Pwede bang humingi ng pabor?" Tanong ko sa kanya at narinig ko na lang siyang natawa dahil sa sinabi ko. "Alin? Gusto mong gumanti kay Ace? Kasama ko siya ngayon at sinabi niya sa akin ang totoo. " Sagot niya sa akin na may halong pagka sarkastiko. Nairita ako sa reaksyon niya dahil alam niya na pala ang ginawa ni Ace sa akin pero parang wala lang siyang pakialam. Noon, alam kong nasaktan niya na si Ace dahil naging kaklase ito ni Genesis at halos mahospital na si Ace dahil sa pambubugbog niya, pinigilan ko lang siya noon dahil ayaw kong madagdagan pa ang mga kasalanan niya. "Gusto mo bang saktan ko si Ace para sayo?" Tanong niya muli sa akin at tatapusin ko na sana ang tawag pero parang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko sa huli niyang sinabi sa akin. "Kaya mo bang saktan si Uno kung may nagawa siyang mali? Hindi ko kayang saktan ang sarili kong kapatid." Sagot niya sa akin at naibaba ko lang ang cellphone ko pero nanatiling buhay ang tawag ko sa kanya. Kapatid niya si Ace. Kapatid niya si Ace. Sunod sunod na pumasok sa isip ko ang lahat ng pangyayari. Kaya pala wala lang sa kanya noong malaman niyang gagamitin ko si Ace para mas mapalapit kay Genesis. Kaya pala sa tuwing kikitain ni Aero si Genesis ay nandoon si Ace. Si Ace rin siguro ang may gawa para makapasok sa school noon si Aero. Ang akala siguro nila ay magiging hadlang ako para sa pagmamahalan nilang dalawa kaya pinaibig ako ni Ace at mawala sa eksena. Hindi naman ganoon kalaki ang kinikita ng hardware nila Ace pero kitang kita sa kanya ang yaman. Galing siguro lahat sa yaman nila Don Jaime ang perang ginagastos ni Aero at Ace. Kaya pala siya ang nasa tabi ni Ace nang ikasal ito at hindi si Armando. Hindi pala totoong ama ni Ace si Armando, kung hindi si Aero. Nang oras na iyon, pinagtagpi tagpi ko rin ang lahat. Niloko nila akong dalawa. Pakiramdam ko, sinadya ni Ace na paibigin ako para malayo ako kay Aero. Palabas lang nilang lahat ang nangyari noon. Hindi pala totoo ang nararamdaman sa akin ni Ace at matagal niya na rin sigurong alam na isa akong mamatay tao. Sumisikip ang dibdib ko sa mga nalaman ko at ikinuyom ko ang kamay ko sa kumot.. Gusto kong manakit. Gusto kong gumanti sa kanila. Gusto kong malaman nila na hindi ako papayag na ganituhin lang ako. Basang basa na ng luha ang mukha ko at dumapa ako sa unan at sumigaw ako ng sumigaw. Gusto ko pa naman magwala dahil sa sama ng loob ko. Sumigaw lang ako ng sumigaw habang nakadapa ako sa unan. Ayokong malaman nila na sobrang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang galit at kahit magwala ako, hindi ko talaga mailalabas ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali at ginawa nila sa akin ito, lalo na si Aero na buong buhay ko ginagawa ang lahat ng gusto niya at kahit anong ipagawa niya ay pumapayag kami kahit na ang kapalit ay ang pagkasunog ng kaluluwa namin sa impyerno ay sinunod namin siya. Gustong gusto kong sabihin ang lahat ng nalaman ko kay mama pero mas pinili ko na lang na kimkimin ang lahat. Pati si mama ay niloloko nila at pinapaniwalang mahal ako ni Ace kahit na hindi naman pala talaga. Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil sa sobrang galit. Gustong gusto ko silang saktan ng oras na iyon at lalo pa ngayon, nirape ako ni Ace. Kung may kasalanan ako kay Ace, mas malaki ang kasalanan niya sa akin. Totoo nga sigurong magkapatid sila dahil sa parehas ang takbo ng isip nila. Hindi ko alam kung papaano sila naging magkapatid dahil patay na si Aeriella ng ipanganak niya si Aero. Hindi ko lang maintindihan kung ano pa ba ang gusto sa akin ni Ace ngayong ikinasal na naman sila Aero at Genesis, patuloy niiya pa rin akong ginugulo. Huminga ako ng malalim nang makita ko ang anino sa labas ng pinto. Kasunod ay ang pagkatok ni Geoffrey. Kinalma ko muli ang sarili ko at pinagbuksan ko siya ng pinto. May dala siyang pagkain na nasa tray tapos ay inilapag iyon sa tabi ko tapos ay hinaplos niya lang ang mukha ko. Alam kong pansin niya sa akin ang pag - iyak ko pero hindi maloloko ng mga mata ko si Geoffrey. "Umiyak ka na naman? Kumain ka na muna at ayokong nagmumukmok ka dito sa kwarto. Kung ano man yan, gusto kong pag - usapan natin yan." Sabi niya sa akin at inihain niya na ang hapunan ko. Mabilis ko naman iyon kinain dahil kailangan ko ng lakas para mapagplanuhan ang paghihiganting gagawin ko. "Gutom na gutom ka ata. Kung gusto mo pa ng kanin, ikukuha kita." Sabi sa akin ni Geoffrey at tumango lang ako sa kanya. Hindi nagbitiw ng kahit ano sa kanya at gusto ko na lang ilabas ang lahat ng galit ko sa pagkain. Masarap rin naman ang luto ni mama. Lumabas na si Geoffrey dala ang plato ko. Ilang sandali lang ay bumalik na siya at may laman na namang pagkain. "Baka masuka ka na naman dahil sa biglaan mong pagkain ng marami. Hinay hinay lang at hindi mo naman kailangan ubusin agad iyan." Saway sa akin ni Geoffrey at binitawan ko na ang kutsara ko dahil sa nawalan na ako ng gana. Yumakap na lang sa akin si Geoffrey dahil alam niyang hinding hindi ako magsasalita sa kung ano man ang talagang nararamdaman ko ngayong oras na to. "Kung kailangan mo ng makakausap o tulong, nandito lang ako. Tandaan mo, kahit hindi pa man legal, asawa na ang tingin ko sayo kaya kung ano man yan, huwag kang matakot na sabihin sa akin." Bulong niya at hinaplos lang ang buhok ko saka iniligpit niya na ang pagkain ko kahit hindi pa ako tapos. Wala na talaga kaong ganang ubusin pa iyon. Nagpahinga na lang ako matapos kong kumain pagkalabas ni Geoffrey. Ilang sandali pa, bumalik na ulit siya at tinabihan ako. "Gusto ko na magpakasal tayo, kahit sa huwes lang muna, Geoffrey, kung ayos lang sayo?" Tanong ko sa kanya at tanging pagtango lang ang sagot niya sa akin at hinawakan ang kamay ko at pinisil niya iyon ng mahigpit. Ramdam ko talagang hindi ako iiwan ni Geoffrey kahit na ano pa man ang mangyari o kahit malaman niya ang nakaraan ko, nasa tabi ko lang siya at habangbuhay na iyon. "Sige, kung iyan ang gusto mo. Kahit sa susunod na linggo na." Sagot niya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit para malaman niyang kailangan na kailangan ko siya ngayon sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD