"Goodmorning ma. Bibili lang ako ng almusal natin." Bati ko sa kanya ng maabutan ko siyang nagkakape lang sa kusina. Wala pa rin kaming gamit sa pagluluto kaya biling ulam lang ang kinakain namin.
"Mukhang maganda ang mood mo ngayon ah." Bati sa akin pabalik ni mama at ngumiti lang ako palabas ng kusina.
Wala akong hang - over ng magising ako ng umaga at agad na akong nag - ayos para bumili ng almusal namin pero paglabas ko pa lang ng gate ay pinag - titingan na ako ng mga tao. Binaliwala ko na lang iyon dahil ayokong masira ang umaga ko.
Hindi naman na ako sinungitan ng binibilhan namin ng almusal lagi ni mama. Pagdaan ko sa hardware, tinawag ako ng matandang lalaki at sumenyas na lumapit ako sa kanya.
"Doon ba nag - inuman sa inyo si Ace?" Tanong niya sa akin at pag tango lang ang sagot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung nagpaalam ba si Ace o hindi.
"Ah, ganoon ba, sige. Kung ano man ang marinig mo sa mga tao dito, huwag mo nang pansinin at alam mo naman sa sarili mo ang totoo. Sige, iha, pakibati na lang ako ng magandang umaga kay Hilda." Mahabang sabi niya sa akin at tumango na lang ako at kumaway sa kanya pauwi.
"Talagang itutuloy mo ba ang namamagitan sa inyo ni Ace? Sana ay wala kang matatapakan na tao." Sabi sa akin ni mama at hindi ko na lang din pinansin, kanina naman ay maganda ang pakikitungo niya sa akin. Masyadong madaming problema kung talagang itutuloy ko ang nararamdaman ko kay Ace. Kaya mas maigi siguro na tumigil na ako sa kahibangan kong ito.
Mas matanda ako kay Ace at alam kong hindi papayag ang ibang tao sa relasyon namin. Kahit ilang taon lang naman ang agwat ay para sakin, hindi iyon maganda paningin ng ibang tao. Alam ko namang walang pagtutol sa akin ang ama ni Ace dahil binabati pa rin niya ako kahit alam niyang may pagtingin sa akin si Ace.
Naging abala ako ng araw na iyon dahil ako na lang ang nagpatuloy sa pagpipintura nang biglang dumating si Ace. Kinuha niya sa akin ang brush at tinuloy na ang ginagawa ko. Iniwasan ko siya at hindi na ako lumabas ng kwarto buong hapon.
Kung pwede lang diretsuhin ko na si Ace na hindi kami pwede ay ginawa ko na pero ayokong makasakit ng damdamin. Kahit naman nakagawa ako ng kasamaan noon, mabuting tao pa rin ako at alam ko pa rin ang tama at mali.
"Yna, wala na si Ace. Kumain ka na ng hapunan." Tawag sa akin ni mama at mabilis akong lumabas ng kwarto dahil gutom na gutom na rin ako. Gusto ko na lang na iwasan ako ni Ace. Lumabas ako sandali para manigarilyo at nakita kong nakatambay lang siya sa labas ng gate namin.
"Yna, ok naman tayo kagabi diba?" Tanong niya sa akin pero dire - diretso lang ako sa pagpunta sa tindahan at hindi siya tinapunan ng kahit anong tingin.
"Hindi tayo pwede, Ace. Sobrang bata mo pa. Marami pa naman diyan na ibang babae at kaedad mo pa, bakit sinasayang mo sa akin ang panahon mo?" Tanong ko sa kanya at itinulak tulak ko pa ang dibdib niya. Hindi siya kumibo o lumaban man lang sa akin pero nakita kong ikinuyom niya ang mga kamay niya.
"Halika, doon tayo sa inyo mag - usap at wag dito sa kalsada." Sabi niya sa akin ng malumanay pero hindi ako sumama. Iniiwas ko sa kanya ang braso ko ng aktong hahawakan niya ito. Lumakad na ako pabalik sa amin at may nakasalubong na dalawang dalaga.
"Tingnan mo, totoo nga talaga yung sinabi ni Ate Karen na nakikipaglandian na si Ace, sa matanda pa." Sabi ng isang nakasalubong namin at bigla akong natigilan at lumingon sa kanila, tumingin din pala sila sa amin ni Ace. Agad kong hinawi ang kamay niya sa braso ko at aktong pupuntahan ang dalawang babae pero mabilis akong pinigilan ni Ace.
"Hindi ko nilalandi tong batang to! Trabahador ko lang siya!" Sigaw ko at agad na lumakad palayo ang dalawang dalaga. Sunod sunod ang paghinga ko ng malalim at hindi na ako nakapagpigil dahil sa ayokong pinag - uusapan ako ng mga tao.
"Ikaw ang gusto ko, wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao." Sabi niya sa akin pero hindi ko iyon inintindi. Patuloy lang ako sa pag hithit ng sigarilyo ko. Nag - iisipin ng pwedeng sabihin sa kanya para mapaintindi ko ang sitwasyon namin.
"Hindi tayo pwede, Kung ano man ang nararamdaman mo, kalimutan mo na yan. Hinding hindi kita magugustuhan at kahit kelan hindi mangyayari yon." Malamig kong sagot sa kanya at tinalikuran ko na siya. Hindi niya na ako nagawa pang sundan at kahit masakit rin sa akin dahil gusto kong maging masaya, tiniis ko na lang iyon.
Di bale na ako ang masaktan, huwag lang siyang matali sa isang babae na kagaya ko.
Simula ng manigarilyo ako hanggang sa matapos ay panay ang pagsuyo sa akin ni Ace pero tinigasan ko ang loob ko at huwag siyang pansinin ng gabing iyon.
"Uuwi na muna ako sa Laguna, ma. Lalayo na muna kay Ace." Sabi ko kay mama at tumango lang siya sa akin. Kahit tatlong araw lang akong malayo sa kanya ay alam kong madali niya akong makakalimutan. Madaming nagkakagusto sa kanya at mga kaedad niya lang din.
Nasaktan rin ako sa ginawa ko pero mas mabuti na iyon kesa naman si Ace ang masaktan at mahirapan. Mas matanda ako kaya ako ang dapat mas nagpaparaya.
Nang gabing iyon, nag - ayos na ako ng gamit ko at tinitimbang pa rin kung susundin ko ba ang sarili ko kahit alam ko sa bandang huli ay matatalo din ako dahil sa hindi kayang tanggapin ni Ace ang nakaraan ko.
"Ma, kaya mo na ba kung iiwan muna kita dito ng tatlong araw? Gusto ko lang makapag - isip ng maayos." Sabi ko kay mama at tumango lang siya sa akin. Ayaw niya rin mapag - isa pero kailangan ko talaga iyon sa oras na ito.
"Kung may kelangan ka, magtext ka lang sakin." Sabi ko uli pero hindi na siya sumagot pa. Kinuha ko na agad ang isang bag ko at hinalikan ko si mama bago lumabas ng bahay. Ako na rin ang nag lock ng mga pintuan namin.
Mabilis naman akong nakarating sa Laguna at agad na akong nagpahinga pagkatapos kong tawagan si mama. Wala dito si Aero, marahil ay nandoon siya kung saan niya mas madaling makikita si Genesis.
Abala ako sa pag cellphone ng makita ko ang text ni Ace sa akin.
"Nakasama namin kanina si Genesis. Gusto ko sanang ikwento iyan sayo pero masama ang timpla mo kaya mas inuna ko ang pagsuyo." Sabi niya sa akin at agad akong napaupo. Kasama niya si Genesis, si Aero kaya ay nandoon rin?
Binaliwala ko na lang muna ang pagtataboy niya sa akin dahil mas maigi rin kung magiging magkaibigan na muna kami. Kakausapin ko siya bilang isang kaibigan pansamantala.
"Sino - sino kayong magkakasama?" Wala sa sarili kong tanong pero mas maigi na rin na malaman ko iyon at baka sakaling may pagkakataon pa kung mapapalapit ako kay Genesis ay magawaan ko pa ng paraan ang pagkakalayo ng dalawang ito.
"Ako at sila Rose tapos ay yung Aero ba yon." Sagot sa akin ni Ace at mas lalong nabuhayan ang katawan ko. Agad akong napaupo at tinawagan ko siya.
"Aero? Saan mo nakilala yon at anong itsura?" Tanong ko sa kanya at narinig ko sa kabilang linya na biglang napunta sa tahimik na lugar si Ace.
"Nakikita ko lagi si kuya Aero. Tuwing nasa labas ako school at nagyoyosi, siya rin ganoon. Hanggang sa lapitan niya ako at tanungin tungkol kay Genesis, kagaya mo. Ano bang meron kay Genesis?" Tanong sa akin ni Ace at agad akong nag - isip ng idadahilan sa kanya.
"Ah, wala naman. Malayong kamag - anak kasi namin siya." Sagot ko at nananalangin na sana ay kagatin niya ang palusot ko.
"Namin? Si kuya Aero?" Tanong niya at sumang - ayon na lang ako at humiga na ako muli. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa kakaisip ay naramdaman kong kumirot na ito.
"Maraming salamat sa pagkekwento." Sagot ko sa kanya at binabaan ko na ang tawag. Hindi ko na hinintay ang iba niya pang sasabihin at agad akong nagtext kay Aero.
"Nasaan ka? Balita ko nakadate mo si Genesis?" Pagkatapos ng text kong ito ay hindi man lang niya ako nagawang sagutin. Baliwala siguro talaga ako kay Aero. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko at tanghali na at agad akong nagtext kay mama kung kamusta na siya doon tapos ay nagluto na ako ng makakain ko. Para sa buong araw na ang ginawa ko at para makatipid. Hindi pa rin umuwi dito si Aero.
May ilang text din si Ace pero hindi ko na sinagot ang lahat ng iyon dahil paulit ulit na pangangamusta lang naman ang mga sinasabi niya sa akin. Kaya ako nagpunta dito sa Laguna ay para mapalayo sa kanya pero patuloy siya sa pakikipag - usap sa akin. Mahirap din tiisin dahil gusto ko rin siya para sa akin pero mas pipiliin ko ang tamang gawin.
Buong umaga hanggang hapon, nakinig lang ako ng radyo at naglinis ng bahay. Narinig ko sa radyo ang pag tawag ng isang caller at gustong humingi ng payo tungkol sa kanyang kasalukuyang relasyon. Matanda na ang babae at may anak habang nagkaroon siya ng isang batang mangliligaw, binata.
May pagkakahalintulad ito sa sitwasyon ko at ni Ace maliban lang sa may anak ang babae, ang katumbas nito ay ang nakaraan ko na hindi madaling tanggapin. Lalo at isa akong babae, lumabag sa batas. Hindi matatanggap ng ibang tao iyon.
Ayon pa sa caller, hindi siya matanggap ng mga kapatid at magulang ng lalaki dahil sa matanda na siya at may anak.
Kung ako ang tatanungin, wala naman dapat kinalaman ang mga iyon kung saan sasaya ang lalaki ay suporta lang ang magagawa nila. Mga bagay na gusto ko rin sabihin sa sarili ko pero alam kong hindi kasi ganon kadali iyon.
I killed someone. Hindi madaling tanggapin iyon. Kung si Ace ang nakapatay, hindi ko rin kayang tanggapin iyon dahil may posibilidad na magagawa niya rin sa akin ang ganong bagay.
Ilang araw akong sarili ko lang ang kinakausap ko. Maglinis ng bahay, magluto ng isang beses sa isang araw, mamalengke ng isang beses kada araw. Makinig sa radyo, hintayin kung kelan uuwi si Aero. Paulit ulit at para na akong mababaliw sa loob ng tatlong araw na sarili ko lang ang nakikita ko.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ginagawa ko ang ganitong bagay pero mas naging tahimik ang mundo ko.
Sa loob ng tatlong araw ko dito, wala ring palya ang pagtetext at pagtawag sa akin ni Ace. Hindi niya ako tinigilan. Ayon din kay mama, dalawang beses sa isang araw kung pumunta si Ace sa bahay at may dalang bulaklak. Minsan ay sumasabay siyang kumain kay mama dahil mag - isa lang ito. Palagi rin akong kinukumusta.
Pinilit kong huwag intindihin ang mga ganong klase ng bagay at puro sarili ko lang ang iisipin ko. Kinalkal ko ang mga make up at naging abala na lang sa pag - aayos ng sarili at kumuha ng litrato. Pagkatapos ay kinamusta ko ang lahat ng kaibigan ko kabilang na sila Daniel at Mikaella. Nakauwi naman sila ng ligtas. Wala na akong magawa hanggang sumapit ang dapit hapon at buong gabi lang akong nakahiga matapos kong kumain.
Panay ang pag - ikot ko sa higaan dahil maaga pa naman. Kinuha ko na lang muli ang mga gamit ko at niligpit ko ang mga natira kong pagkain. Inilagay ko lahat iyon sa plastik at naglinis na muli ng bahay.
Buo na talaga ang pasya ko, itutuloy ko na lang ang tungkol sa amin ni Ace at babaliwalain ko na ang mga maaaring sabihin sa akin ng mga tao. Ano kung mas matanda ako kesa kay Ace? Hindi naman sila ang makikisama.
Agad akong nagdrive pabalik sa Pasig at ilang oras lang, nasa bahay na ako. Gulat pa si mama ng makita niya ako doon.
"Kala ko, magtatagal ka ng ilang araw at mag - iisip ng plano mo? Malinaw na sakin kung ano ang napag - isipan mo. Kung dyan ka sasaya ay susuportahan kita. Basta wala kang ililihim sa kanya, anak. Sabihin mo ang totoo pero huwag mong hayaan na masaktan ka sa huli." Payo sa akin ni mama at agad ko siyang niyakap.
Sa lahat kasi ng nakakakilala sa akin ay siya ang mas may nalalaman talaga. Siya lang ang makakaintindi sa akin at nagpapasalamat ako sa Diyos na nagkaroon ako ng magulang na kagaya niya.
Nagtungo na muna ako sa kwarto ko at nakita doon ang mga bulaklak at chocolate na dinala ni Ace. May mga love letters din pero hindi ko na muna iyon binasa. Mamaya na lang pagkauwi ko. Nagdasal na muna ako ng mataimtim para gabayan niya ako sa papasukin kong bagong yugto ng buhay ko.
Agad akong lumabas at nagtungo sa hardware. Sarado na ito at nag - ikot na lang ako sa street na iyon, nagbabakasakali na makita ko si Ace. Nakakita ako ng mga binatilyong nakaupo sa labas ng isang gate. Likod pa lang niya ay alam ko na siya iyon.
Tatlong araw akong nawala at tiniis na huwag pansinin si Ace dahil gusto kong patunayan sa sarili ko kung seryoso ba talaga siya sa akin. Kung tunay ba ang nararamdaman niya. Naramdaman kong seryoso naman siya sa akin at kung hindi niya ako matatanggap sa nakaraan ko, ako na ang tatanggap ng kanyang desisyon.
Kung hindi man siya seryoso ay ayos lang naman sa akin dahil may parte sa isip ko na hindi niya ako matatanggap. Pero alam kong sasaya ako kahit panandalian lang. I wanna be in love too and feel the love that I've gave before. A very unconditional love. Alam kong si Ace ang makakapagbigay sa akin nito kaya uunti untiin ko ang pagkilala sa kanya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at bawat hakbang ko ay pagbibilang ng mga desisyon kung itutuloy ko ito o hindi. Pero ngayon, buo na ang desisyon ko.
Hindi ko na lang sasabihin kay Ace ang totoo, hindi ko kailangan pahirapan ang sarili ko at deserve ko rin naman maging masaya kagaya ni Aero. Nagagawa niyang makasama si Genesis kahit na mas malaki ang ginawa niyang kasalanan kesa sa akin.
Bawat hakbang, may katumbas na porsyento sa pagtanggap sa kung sino ako. Walang magmamahal sa akin kung patuloy kong hindi mamahalin ang sarili ko. Kung talagang mahal niya ako, matatanggap niya ako ng buong buo.
Kinalabit ko siya at pagharap niya sa akin, agad siyang patayo. Walang pagdadalawang isip na hinalikan ko siya sa harapan ng mga kabarkada niya. Wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin nila. Gusto ko si Ace.
"Mabuti naman at nakauwi ka na. I miss you." Bati niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Naghiyawan ang mga kasamahan niyang binati din at agad na akong pinaupo ni Ace sa table at pinasama na sa party nila.
"Salamat pala sa mga bulaklak na dinala mo." Bulong ko sa kanya at hinawakan lang ng mahigpit ang kamay ko. For the first time, I felt secured and safe. Sa tabi ng taong alam kong mamahalin ako habang buhay.
Nakipag - inuman na rin ako sa mga kasamahan niya at tanggap naman nila kami kahit na may agwat ang pagmamahalan namin. Wala naman akong pakialam kung hindi nila matatanggap dahil hindi sila ang bubuo sa relasyon namin.
"Ace, anong itsura nung Aero?" Tanong ko sa kanya at alam kong napansin niya rin ang laki ng pagkakahawig nila nito. Kumunot ang noo niya sandali pero agad din nawala.
"Malaki ang pagkakahawig namin. Maliban sa kulay ng balat at sa shape ng mukha." Sagot niya at tumango na lang ako. Ikinuwento niya na lang sa akin ang pagpunta nila sa Condo ni Aero at kung paano ito naging sweet kay Genesis. Nakaramdam ako ng kirot sa puso kahit dapat ay maging masaya ako dahil tanggap ni Genesis si Aero. Pero binaliwala ko na iyon dahil nasa harapan ko naman na ang taong magpapasaya sa akin.
Kung kaya ni Aero maging masaya ay kaya ko rin. Hindi ko kayang habang buhay ikulong ang sarili ko sa nakaraan ko. Marahil ito rin ang nasa isip ni Aero nang makita niya muli si Genesis. Ngayong gabing ito, kakalimutan ko na ang nakaraan ko at hahayaan ko ang sarili kong maging masaya.
Unti unti kong papapasukin si Ace sa mundo ko at sana, tama ang desisyon ko.
"Sa susunod na buwan, JS Prom namin. Gusto ko sana ikaw ang kasama ko." Sabi sa akin ni Ace at tumango lang ako. Never akong naka attend ng JS Prom dahil sa naiilang ako sa mga kaklase ko noon, isa na doon si Jerome dahil siya ang pinaka nang bully sa akin noon.
"Sure, pwede ba outsider diyan?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya saka lumagok ng alak niya. Dahil magkatabi kami, ako ang sumunod na tatagay pero inagaw niya ang alak sa akin at ininom ito. Ngumiwi na lang ako dahil gusto ko rin sana magcelebrate dahil ngayong gabi, napalaya ko na ang sarili ko pero ayaw niya akong painumin ng alak.
"Oo, ako ang bahala sayo. Tutulungan ko rin si Kuya Aero na makapasok, kaya ipapasok rin kita." Sagot niya sa akin at tumango lang ako. Pupunta doon si Aero para kay Genesis. Lahat naman ng galaw niya ay tungkol kay Genesis. Siya na ang naging mundo ni Aero simula pa lang noon at wala na akong magagawa doon. Tatanggapin ko na lang na kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ni Aero.
"Wag na, hindi pa naman kita boyfriend. Nangliligaw ka pa lang. " Sagot ko sa kanya at umiling na lang. Inakbayan niya ako at hinayaan ko siya. Malaki ang chance na maging kami pero gusto ko pa rin na magkakilanlan kami ni Ace. Hindi naman pwedeng ganoon kadali na matatanggap ko siya.
Uunti untiin ko matutunan na mahalin ang sarili ko at siya na ang susunod.