Chapter 15

3024 Words
Nagkatinginan lang kami ni mama at gusto kong tanungin kung bakit niya pa inilabas si Erwan pero nakangiti lang siya sa akin. Kung alam niya lang na hindi ako sang - ayon sa ginawa niya. Hindi naman ganito ang gusto kong paraan para makilala niya ang anak niya. Pero pinangunahan na ako ni mama at parang nagkaroon rin sila ni Ace ng usapan para makita si Erwan. Marahil, alam niya na anak niya si Erwan pero hindi niya lag masabi sa akin dahil sa takot na baka itago ko ang bata. "Anak mo siya?" Tanong sa akin ni Ace at umupo siya para makaharap si Erwan. Parang sasabog ang puso ko sa kaba dahil baka ipaglaban ni Ace ang karapatan niya sa anak ko pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Ramdam ko sa mata ni Erwan ang kaba at naiisip niya sigurong kamukha niya si Ace. Mas humigpit ang yakap ni Erwan sa binti ko kaya hinaplos ko na lang ang ulo niya para hindi siya matakot. Tumingala siya sa akin at parang humihingi ng permiso magsalita. "Anong pangalan niya?" Tanong ni Ace sa akin at hinaplos rin ang ulo ni Erwan kaya naman nagkabanggan ang kamay namin. Tumingala sa akin si Ace at nakaramdam ako ng pagbugso ng damdamin. Yung tingin niya na parang sabik na sabik siya makita si Erwan. "Anak, ano daw pangalan mo?" Sabi ko naman kay Erwan pero nagtago pa rin siya dahil siguro sa pagtataka at kamukhang kamukha niya ang lalaking nasa harapan niya. "Erwan." Matipid na sagot ng anak ko at saka umiwas kay Ace. Natawa na lang kaming dalawa kaya binuhat ko na siya si Erwan tsaka naman tumayo uli si Ace. "Kuhaan ko muna kayo ng litrato." Biglang sabi ni mama at gulat na gulat ako paglingon ko sa kanya samantalang si Erwan at Ace ay maayos ang pagkakatingin sa litrato. Pagkarinig ko ng tunog ng camera, saka ako nag - react kay mama. "Ma, ano ba ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya, lalakad na sana ako papunta sa kanya habang karga ko si Erwan pero kinuha siya ni Ace sa akin. Kung hindi ko lang siya ina, matagal ko na siyang itinulak. Dahil parang nagkaroon sila ngayon ni Ace ng usapan para kay Erwan. Bigla kong naisip na kaya siguro gusto ni mama na makipagkaibigan ako kay Ace ay para mapalapit ito kay Erwan. Wala naman akong sinasabing anak ni Ace si Erwan pero bakit naiisip niya ang ganoong ideya. Malaki rin naman ang pagkakahawig ko kay Aero pero mas lamang talaga si Ace sa akin. "Ace, wag mong hahawakan ang anak ko." Matigas kong sabi sa kanya, parehas kaming nagulat sa reaksyon ko pero sumunod naman siya sa akin. Iniwan ko lang siya doon mag - isa pero kumaway si mama at pinalapit si Ace. Hindi ako papayag na mahawakan ni Ace ang kahit hibla lang ng buhok ni Erwan. Ako ang naghirap para palakihin ang anak ko tapos ay sa isang iglap, gusto nilang tanggapin ko siya bigla? Ang akala ba nila ay madali yon, maawa naman sila sa anak ko. Sabi ko na lang sa sarili ko dahil ako lang ang makakaintindi sa anak ko at wala ng iba. "Anak, ibigay mo na muna kay Ace ang bata, hayaan mo na muna silang magkakilanlan." Utos ni mama sa akin pero hindi ko iyon sinunod. Hindi kailangan malaman ni Ace ang totoo, pero sa mga sinasabi niya ngayon ay parang ipinaalam niya pa na si Ace ang ama ng anak ko. "Ano bang ginagawa mo, mama?" Saway ko sa kanya pero hinarangan niya lang ako habang naglalakad ako papasok sa bahay para patulugin si Erwan. Malakas ang pagkakasabi ni Mama at alam kong naririnig na ni Ace ang mga sinasabi niya tungkol kay Erwan. "Yna. Huwag mong ipagkait sa bata kung sino ang ama niya." Utos sa akin ni mama at doon ko lang naisip na tama ang sinabi niya pero kung sino ang kasama kong magtaguyod kay Erwan, siya ang may karapatan sa anak ko. "Hindi ko ipagkakait, pwede niyang makasama ang anak ko pero si Geoffrey ang kikilalaning ama. Dahil si Geoffrey ang tumulong sa akin sa pagpapalaki kay Erwan." Sagot ko kay mama at sinampal niya na ako. Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Umiyak si Erwan ng makita niya ang ginawa ni mama. Agad naman umawat sa amin si Ace. Kinuha si Erwan at pinapatahan ito pero iniiwas ko sa kanay ang anak ko. "Huwag mong hahawakan ang anak ko, Ace." Sigaw ko sa kanya at pinalo ko ang kamay niyang panghahawak kay Erwan. Hindi siya natigil sa pagpapatahan sa anak ko kaya hinawi niya lang ang kamay ko saka pinatahan na uli ito. "Kung hindi ka umalis noon, eh di sana wala kang buhay na nasira. Ako ang nakakita kay Ace kung paano siya maging miserable." Sigaw sa akin ni mama at nasaktan ako sa ginagawa niya ngayon. Ako ang anak niya pero si Ace ang mas iniintindi niya. Hindi ko naman sinabihan si Ace na huwag siyang magtapos ng pag - aaral at magpakasal siya kay Francine pero bakit nagiging kasalanan ko ang lahat? "Hindi ko na kasalanan kung maging miserable man siya. Wala ba siyang sariling desisyon para gawin ang tama? Sino ba sa amin ang anak mo?" Sigaw ko pabalik kay mama at nagsunod sunod na ang tulo ng luha ko. Kinuha ko na si Erwan saka ako nagmadaling pumasok sa bahay. Umiiyak pa rin si Erwan at hinahaplos ang pisngi kong nasampal ni mama. Mas masakit pa sa sampal ang sakit ng mga sinasabi niya sa akin. Ako ang anak niya, kaya dapat ako ang iniintindi niya. Inayos ko ang mga gamit namin ni Erwan at naisip kong umuwi na muna pansamantala kay Hanna. Baka magising na lang ako isang araw na wala na sa tabi ko ang anak ko. Pagkatapos kong mag - ayos ng gamit, tinawagan ko na si Hanna para sabihin ang plano ko. Nakatulog na kakaiyak ang anak ko dahil sa ginawa ni mama. Ayoko talagang umiiyak si Erwan dahil minsan, masama ang nagiging panaginip niya. "Hello, Hanna. Uuwi muna kami diyan ni Erwan. Pwede ba kami diyan kahit mga ilang araw lang? Kinukulit kasi ako ni Ace." Diretsong sabi ko sa kanya saka ko hinintay ang sagot niya sa akin. "Oo, sige. Walang problema sa akin. Ikaw lang kasi, matagal ko na sinasabi sayo na dito ka na lang. Tahimik naman na ang buhay mo dito." Pangangaral sa akin ni Hanna. Pagtawa na lang ang sagot ko sa kanya dahil wala akong naisip na pwede kong sabihin. Lagi kasing may sagot agad si Hanna sa mga sinasabi ko sa kanya. "Akala ko kasi magiging maayos na kami ni mama eh. Ikekwento ko na lang sayo ang pangyayari pagdating ko diyan." Sabi ko sa kanya at pinatay ko na ang tawag. Humiga na rin muna ako para sabayan ang pagtulog ng anak ko. Inilock ko ang pinto ng marinig kong kumakatok si mama. Hindi na ako sumagot sa kanya at tinawagan ko na lang si Aero dahil gusto kokng umalis na si mama dito. "Aero, nasaan ka ngayon? Pwede bang sunduin mo si mama? May pinag - awayan kasi kami, tungkol kay Erwan." Unang sabi ko kay Aero. Naririnig ko ang ingay sa linya niya at parang nasa barko siya. Saan na naman kaya ang balak niyang puntahan ngayon? Kasama niya siguro si Genesis. "Maingay dito. Itetext na lang kita. HIndi kita maintindihan." Sagot niya sa akin at siya na ang nagbaba ng tawag. Natulog na lang muna ako at mamayang gabi, aalis na kami ni Erwan. Gusto ko muna lumayo ulit sa kanila at kapag nandito ako ay puro lang gulo ang nangyayari. Pero hindi ako nakatulog at panay lang ang pag - iisip ko kung paano ako makakaalis sa kwarto nang hindi nakikita si Mama. Malmang ay inaabangan niya ako sa sala. Wala naman magagawa si mama kung ayaw kong ipakilala si Erwan bilang anak ni Ace. Hawak ko lang ang cellphone at hinihintay ang text ni Aero, kung masusundo niya ba si mama o hindi pero ilang oras na ay hindi pa rin siya nagrereply. Nagising na si Erwan at agad akong niyakap. "Mommy. I hate Lola Hilda!" Sigaw niya sa akin at umiyak pa ng kaunti saka pinaulanan ng halik ang pisngi ko kung saan ako sinampal ni Mama. Sana ay hindi na ginawa iyon ni mama sa harapan ni Erwan, ayokong magkaroon ng di magandang pag - iisip ang anak ko pagdating kay Mama o sa kahit na sino pa. "Don't hate Lola Hilda. Bad maghate ng tao, diba, sabi ni Daddy Geoffrey?" Saway ko sa kanya pero para wala siyang narinig at nakatingin lang ng masama sa akin. "Papahuli ko si Lola Hilda sa Barangay. Bad siya. Sinaktan niya ikaw." Sabi sa akin ng anak ko at hinaplos ko na lang ang likod niya. "Gusto mo ba bumalik tayo kay Tita Hanna?" Tanong ko sa kanya at biglang sumigla siya saka bumaba sa kama at aktong lalabas na pero sinundan ko siya at binihisan ko na muna. Masunurin naman bata si Erwan hindi kagaya ng mga iba na hindi na sumusunod sa kanilang magulang. "Mamaya tayo aalis kasi magbibihis muna tayo." Sabi ko sa kanya at tumango na siya sa akin. Kinuhaan ko na rin siya ng damit pang - alis. Ilang minuto lang ay nagdesisyon na akong umalis ng kwarto at pagtingin ko, nakatingin lang si mama sa akin. Hindi na ako kumibo habang naglalakad kami ni Erwan palabas ng bahay. "Yna, kaya ko lang ginawa iyon ay para makilala ng anak mo ang tunay niyang ama. Huwag mong ipagkait sa kanya iyon." Sabi sa akin ni mama pero hindi ako nagpadala sa sinasabi niya. Buhay ko ito, ako ang magdedesisyon sa kung ano ang gusto kong gawin. Paglabas namin, nakatambay si Ace sa gate pero hindi ko rin siya pinansin at tumawag na lang ako ng tricycle para hindi siya makalapit sa amin ni Erwan. Dumungaw ako sa labas ng tricycle at tinitigan ko si Ace hanggang unti unti na siyang naglalaho. "Hindi ba natin isasama si Lola Hilda? Paano na lang siya? Mommy, masama mag away diba, pero bat inaaway ka ni Lola Hilda?" Tanong sa akin ng anak ko pero ayokong sagutin ang lahat ng iyon. Hnila ko lang siya payakap sa akin. Mabilis naman kami nakauwi ng Laguna dahil walang traffic ng hapon. Mamayang gabi pa ang rush hour kaya mabuti na rin na maaga kaming umalis. Dahil baka kapag ginabi pa ay mahirapan pa ako kung makatulog si Erwan sa byahe. "Hi! Kamusta na ang poging pogi baby ko?!" Pagsalubong sa amin ni Hanna at agad tumakbo sa kanya si Erwan at kinarga siya ni Hanna. Hinalikan rin ni Erwan si Hanna sa pisngi at talagang namiss ng anak ko si Hanna. Habang karga ni Hanna si Erwan, yumakap naman ako pabalik kay Hanna at saka ako inutusan pumasok. Nasa loob lang si Jon, ang isa ring pamangkin ni Hanna at paglabas niya kay Erwan, agad na naglaro ang dalawang bata. "Kamusta pakikipag - reconcile mo sa kanila? Mas lalong gumulo diba?" Tanong sa akin ni Hanna at tumango na lang ako sa kanya dahil totoo naman. Nakatayo lang ako sa sala habang sinusundan ng tingin si Erwan tapos ay inilapag ko ang bag ko sa sofa saka umupo na rin. Ilang sandali pa, dumating na si Hanna ay may dalang pitsel ng juice. Tumakbo naman ang dalawang bata sa table at humingi ng juice. Agad naman sila pinagsilbihan ni Hanna at pagkatapos uminom, bumalik na sila sa paglalaro. "So, anong sagot mo sa tanong ko kanina?" Tanong sa akin ni Hanna at ako naman ang binigyan niya ng juice na dala niya. Uminom na muna ako ng kaunti bago ako sumagot sa kanya. Ito kasi ang gustong malaman agad ni Hanna at ito rin naman ang pag - uusapan namin kaya inumpisahan na rin niya agad. "Ewan ko ba, maayos naman kami ni mama eh, pero kapag tungkol kay Ace, parang hindi ako ang anak niya. Mas kinakampihan pa si Ace, kesa sa akin." Sagot ko sa kanya at tumawa na lang siya. Tinitigan ko lang siya habang tumatawa kami tapos ay inilipat ko ay Erwan ang atensyon ko. "Ano na nga ba nangyari kay Ace?" Tanong sa akin ni Hanna kaya nagsimula na akong ikwento sa kanya ang lahat, simula sa pagpapakasal hanggang sa makita niya si Erwan. Sinabi ko ang lahat sa kanya at alam kong hindi niya ako huhusgahan sa mga sinasabi ko. "Naiintindihan ko ang mama mo. Tama naman siya at kailangan nga naman makilalan i Erwan kung sino ang kanyang ama. Oo, nandyan si Geoffrey pero darating ang araw at malalaman niya ang totoo kaya mas maigi na ngayon pa lang, ipaalam na kay Erwan." Mahabang sabi ni Hanna at naiintindihan ko naman iyon. Ang akin lang, ayokong magulo ang isip ng anak ko at malito kung sino talaga ang kanyang ama. "Hindi pa tamang oras para diyan, masyado pang bata si Erwan at hindi niya pa maiintindihan ang mga ganitong bagay, Hanna." Sagot ko sa kanya at tumango lang siya sa akin. Parang may malalim na iniisip si Hanna dahil sobrang seryoso ng kanyang mukha. Hindi naman ganito si Hanna magpayo minsan. Sobrang bigat lang kasi ng ekspresyon ng kanyang mukha. "Parehas kayong may punto ni Tita pero hindi ka niya dapat sinampal." Sabi sa akin ni Hanna at don pa ako labis na nainis talaga. Hindi naman bayolenteng tao si Mama para gawin niya sa akin iyon. Dahil ba sa tagal kong nawala kaya hindi na ako kilala ng sarili kong magulang? Pero kahit ganoon, dapat ay alam ni Mama ang tunay kong ugali. Alam kong may pagkakamali ako pero ang sampalin ako sa harap ng anak ko at ni Ace, hindi ko matanggap na nagawa sa akin ni mama iyon. "Isipin mo na lang, siya ang sumalo ng lahat simula ng umalis ka. Lalo at ganon ang nangyari kay Ace. Tama lang na bumalik ka na muna dito. Matanda na rin kasi si Tita, intindihin mo na lang, Yna. Wag ka magtatanim ng sama ng loob." Mga payo sa akin ni Hanna at tumango na lang ako. Wala nga palang ibang sasalo ng mga naging kasalanan ko kung hindi si mama lang talaga. "Minahal naman ako ni Ace, ang akin lang, gusto kong mag - aral siya. Pakiramdam ko kasi, sagabal ako sa kinabukasan niya." Sagot ko kay Hanna at tumango lang siya. Umalis siya sandali para pumunta sa tindahan at pagbalik niya, may hawak na siyang sigarilyo, iniabot niya sa akin ang isa at agad ko iyong sinindihan. Sobrang tagal na rin simula ng huli akong makipag - usap ng ganito kay Hanna. Sa lahat nga talaga ng kaibigan ko, siya ang maaasahan ko talaga. Siya ang pinakamatured at kapag may problema, lagi siyang to the rescue. "Yun na nga, minahal ka ng tao, tapos iiwan mo ng biglaan? Yna, kung ako si Tita, baka masampal rin kita. Ayoko lang ni Tita na may masabing mali ang mga tao sayo, kaya ginagawa niya at sinasabi ang mga dapat mong gawin. Naaalala mo, sinasabi ng iba sayo na disgrasyada ka dahil wala ang ama ng dinadala mo." Sabi sa akin ni Hanna at tumango na lang ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na sabihan ako ng ganon. "Tapos, mauulit na naman yan. Babalik ka sa dati niyong bahay at anak mo lang kasama mo. Iisipin na naman ng mga kapitbahay na kaya ka umalis ay nabuntis ka tapos babalik." Dagdag pa ni Hanna. "Buhay ko naman ito, Hanna. Wala naman akong pakialam sa ibang tao kung ano ang iisipin nila tungkol sa akin." Sagot ko sa kanya pero umiling lang siya at tumawa. Inihagis niya lang ang upos ng sigarilyo niya at sumunod na rin ako sa kanya. "Pero naisip mo ba, kapag umaalis para mamalengke si Tita, may naririnig siyang mga sinasabi ng ibang tao sayo? Alam ni Tita na hindi ka ganong klase ng babe pero masakit para sa isang ina kapag nakakarinig ng hindi magandang sinasabi ang iba sa kanyang anak." Sagot uli ni Hanna sa akin at hindi na ako kumibo. Nanlumo na lang ako sa sinabi sa akin ni Hanna, dahil may punto rin talaga siya. Dahil sa siya lang ang maaaring makausap noon ni Ace, siya lang ang malalapitan nito. Hindi na ako kumibo habang kumakain kami at hanggang sa pagtulog, iniisip ko pa rin ang nararamdaman ni mama. Wala siguro talaga akong gagawing maganda. Yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Niyakap ko na lang si Erwan dahil alam kong sa lahat ng kasalanan ko, siya ang pinakamagandang nangyari sa akin. Alam rin ni mama na sobrang minahal ako ni Ace pero iniwan ko pa rin siya dahil sa takot kong malaman niya ang totoo at iwanan ako. Kaya ang magkaroon lang ng anak sa taong mahal ko ay sapat na sakin. Napaiyak na lang ako dahil paulit ulit na lang ang mga kasalanan na nagawa ko. Sana ay nandito si Geoffrey para may makausap ako tungkol dito. SIya lang kasi ang tanging umiintindi sa akin. "Mommy, what's wrong?" Tanong sa akin ni Erwan at naramdaman niya yata ang paghikbi ko. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Malambing na bata rin talaga si Erwan, mana sa kanyang ama. "Wala, baby. Miss ko lang ang Daddy Geo mo." Sagot ko sa kanya at ngumiti lang siya saka yumakap sa akin. Sa murang edad, nararanasan an ng anak ko ang ganito. "Yung lalaki po sa bahay, bakit kamukha ko siya Mommy?" Tanong sa akin ni Erwan at napaluha ako lalo dahl napansin niya talaga. Mabilis makaintindi ng sitwasyon si Erwan. Mataling bata ang anak ko at lahat ng bagay, gusto ay alam niya talaga. "Baby, si Daddy Geo, ang gusto mong maging daddy, diba?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa akin sabay humikab. Yumakap na lang ako ulit sa kanya at ito lang ang tanging magiging sagot ko sa lahat ng tanong niya sa akin. Hindi ko pa kayang sabihin ang totoo sayo, at pati sa tunay mong ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD