Apat na taon ang nakakalipas, masasabi kong marami na ang nagbago sa akin. Wala na rin ako naging balita sa mga taong taga Maynila dahil nandito ako sa Laguna nag stay. Isang house for rent ang nakita ko ng gabing umalis ako. Gusto kong kahit hindi ko kasama si mama ay nakikita ko naman siya.
Pagkatapos kong manganak, lumipat ako sa tinitirahan ni Hanna dahil kailangan ko ng may makakasama. Siya ang tumulong at nag - alaga sa akin sa loob ng tatlong buwan at nang kaya na ng katawan ko ay umalis rin ako sa puder niya. Gusto ko na rin sana bumalik sa dati naming bahay at doon na tumira pero ayokong makita ako ni Ace. Umuwi ako ngayon sa dati kong bahay at kasama ang anak ko.
"Mommy, anong ginagawa natin dito? Pupunta rin ba si Lola Hilda?" Tanong sa akin ng anak ko pero hindi yon ang napansin ko. Malaki ang pinagbago ng bahay. Malinis na ito at may magaganda, kumpletong gamit. Parang hinihintay ako ni mama na umuwi dahil hindi man lang nagbago ang kandado ng bahay. Nilibot ko ang buong bahay at masasabi kong mas maayos na ito kesa noon.
Walang tao sa loob at kami lang ng anak ko. Agad kong pinapasok si Erwan dahil baka makita kami ni Ace, kahit walang kasiguraduhan kung dito pa rin siya sa Pasig nakatira.
Nakasabit rin sa pader ang mga litrato namin ni Uno pati ang kay mama. Talagang masasabi kong bahay na ito kumpara noon.
"Hindi ko alam kung pupunta ang Lola Hilda dito." Sagot ko sa anak ko at pinalitan ko na siya agad ng sando dahil mainit ang panahon. Basang basa ng pawis ang suot niya at baka magkasakit pa si Erwan.
"I want to eat some cupcakes. mommy." Bulong sa akin ni Erwan kaya agad kong binuksan ang bag pero wala pala akong nadalang pagkain niya.
"Wait mo na lang ako, bibili ako sa labas. Don't leave, okay?" Utos ko sa anak ko at tumango lang siya. Itinapat ko na muna ang fan sa kanya tapos ay lumabas na ako. Tiningnan ko na muna ang paligid kung may tao o si Ace ay nasa labas pero walang taong nasa labas kaya dali dali na akong lumabas ng bahay.
"Ate Yna? Ikaw ba yan?" Tanong sa akin ng tindero at nakilala kong isa siya sa mga kaibigan ni Ace. Hindi pa man ako nagsasalita ay nakilala na ako.
"Oo, kamusta ka na? Pabili ako ng cupcake." Sabi ko sa kanya napansin kong abala siya sa pagtatype sa kanyang cellphone. Parang sasabihin niya kay Ace na nandito na ako. Pagkabigay niya sa akin ng cupcake ay agad na akong umalis at nagmamadaling pumasok sa bahay. Una, dahil walang kasama si Erwan at pangalawa, ayokong makita kami ni Ace dito.
Malaki ang pagkakahawig ni Ace kay Erwan kaya alam kong oras na makita niya ang anak ko ay malalaman niyang kanya ito.
"Mommy, tumawag si Tito Geoffrey, papunta na daw siya." Sabi sa akin ng anak ko at iniabot ko na ang cupcake niya. KInuha ko ang cellphone tsaka ko tinawagan pabalik si Geof.
Pero nakailang tawag na ako ay hindi niya sinasagot ang tawag. Nagdadrive na siya siguro ng motor niya papunta dito. Hihintayin ko na lang na siya ang tumawag sa akin.
Lumabas ang cellphone number ni mama sa screen ng phone at bigla ko na lang naisip na tawagan ko siya. Gustong gusto ko na rin makita si mama.
"Hello?" Naiilang kong sabi at nakarinig na agad ako ng paghikbi. Naiyak na rin ako marinig ko lang ang paghikbi ni mama.
"Yna? Ikaw ba yan?" Tanong niya sa akin. Ibang cellphone number na kasi ang ginamit ko. Binago ko ang lahat ng pwedeng makausap nila ako nung gabing umalis ako sa aamin.
"Opo, mama. Bumalik na po ako." Sabi ko sa kanya at narinig ko siyang tinatawag si Aero at Genesis para sabihin na buhay na buhay ako.
"Anak, nasaan ka? Pupuntahan ka namin." Masiglang sabi ni mama at naririnig kong kinukuha ni Aero ang cellphone.
"Nandito po ako sa lumang bahay mama. Hihintayin po kita." Sabi ko sa kanya at sumang - ayon lang siya sa akin saka ibinaba ang tawag. Pagkatapos noon, napansin kong nakatulugan na ng anak ko ang pagkain niya ng cupcake. Inilipat ko na muna siya sa kwarto at doon ko na naisip na patulugin.
Pagkapasok ko, bago na rin ang lahat ng gamit at pamilyar sa akin ang ayos ng kwarto ko. Kagayang kagaya ng kwarto ni Ace. May aircon din at desktop computer. Biglang bumalik sa akin ang isa sa mga masasayang araw namin ni Ace noon.
Pagkatapos kong ilipat si Erwan, narinig kong tumutunog na akong cellphone ko at nakita kong si Geof naman ang tumatawag.
"Yna, nandito na ako sa sinasabi mong arko. Saan ako papasok dito?" Tanong niya sa akin at hindi ko na siya sinagot. Ibinaba ko na lang ang tawag at lumabas na ako ng bahay para salubungin na lang siya.
Ilang minuto pa ay nakita ko siyang nakasandal lang sa pader katabi ng kanyang motor. Kumaway agad ako sa kanya at hinubad niya na ang kanyang helmet.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at sabay na kaming pumunta sa bahay. Pagkapasok, inalis niya na ang kanyang jacket at agad siyang umupo.
"Pahingi ako ng tubig." Utos niya sa akin at agad akong sumunod. Nagpapahinga si Geoff ng marinig kong may kumakatok sa bahay. Agad dumagundong ang dibdib ko ng makita ko sa bintana ang pamilyar na pangangatawan.
Nanginginig pa akong buksan ang pinto kaya naunahan na ako ng Geoff. Nasa loob lang ako ng bahay habang tuloy tuloy siya sa paglalakad para buksan ang gate.
"Anong mapaglilingkod namin, pre?" Narinig kong tanong ni Geoff kay Ace. Nakita kong malaki ang pinagbago niya. Mas umitim siya kesa noon pero bakas sa kanyang saplos ang pagbabago. Bakat ang kanyang abs at mas lumaki ang kanyang mga braso.
Napalunok na lang ako dahil gusto kong hawakan uli ang kanyang katawan pero hindi ko na maaaring gawin iyon.
"Hindi ka nakatira dito, sinong kasama mong pumasok?" Tanong ni Ace sa kanya at agad umayos ang pagtayo ni Geoff. Gusto ko sanang lumabas dahil baka magpang - abot sila pero alam ko naman na maayos kausap si Geoff. Hindi ko lang masasabi ang tungkol kay Ace.
"Brad, parehas lang tayong hindi nakatira dito." Malumanay na sagot ni Geoff at umalis na lang si Ace pero bago yon, matagal na muna siyang nakatitig sa bintana kung saan ako nakatayo. Alam kong alam niyang nandito ako sa loob. Hindi ko pa siya kayang kaharapin dahil hindi pa ako handa.
Pumasok na rin si Geoff at hinila ako para tumabi sa kanya pero ini upo niya na lang ako sa kanyang mga hita. Agad akong nakaramdam ng init pero kahit ganon, walang nangyayari sa amin ni Geoff dahil alam namin pareho na si Ace pa rin ang tinitibok ng puso ko. Pero kahit ganoon, hindi ako sinusukuan ni Geoff.
"Thank you. Mamaya, pupunta dito sila mama." Bulong ko kay Geoff at nanatili lang kami ng ganoon posisyon ng ilang minuto. Simula ng makilala ko si Geoff ay nawala ang lahat ng pangamba ko sa buhay. Tanggap niya ako bilang isang single mother at pati si Erwan ay minahal niya na parang sa kanya.
Kinuwento ko rin sa kanya kung bakit nagawa kong iwanan si Ace pero hindi na ang parteng madilim sa buhay ko. Matagal ko nang kinalimutan ang bagay na iyon at kailangan kong iahon rin si mama para maging maayos na kami.
"Anong ulam ba ang gusto mong lutuin natin? Or mag order na lang tayo para hindi naman din tayo mapagod?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa akin. Inilabas niya ang kanyang cellphone para maghanap ng matatawagan pero itinuro ko sa kanya ang telepono sa bahay.
Agad naman siyang lumapit at nagsimulang tawagan ang mga restaurant na may delivery. Pumasok na muna ako sa kwarto at pinuntahan si Erwan. Tulog na tulog pa rin siya at halatang pagod sa byahe namin. Sobrang laki ng pagkakahawig ni Erwan sa kanyang ama kaya alam kong masama ang loob ni Geoff nang makita niyang nandito rin si Ace. Ayokong isipin niya na kaya ako nandito ay para makipagkita kay Ace.
Sa Laguna ko rin unang nakilala si Geoff. Naghanap ako ng trabaho kahit maliit lang ang kinikita ay ayos lang sa akin. Ayoko kasi pagdudahan ako ng mga tao kapag nakakaya kong gumastos kahit wala akong trabaho at wala ring asawa na mapakita sa kanila.
Pinsan ni Hanna si Geoff at siya rin ang naging tulay para makilala ko ng husto ang binata. Nung una, ayokong patulan ang panunukso nila sa amin dahil baka awa lang ang nararamdaman sa akin ni Geoff, bilang isang single mother, mahirap para sa akin ang makahanap ng tunay na lalaki.
Pero ang tyaga si Geoff at hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako binibitawan. Bukod pa doon, may sarili rin siyang trabaho at maganda ang kinabukasan niya. Magkaedad lang kami kaya hindi mahirap para sa kanya ang intindihin ako.
"Are we good? Hindi ko ineexpect na dito pa rin siya nakatira. Lumabas kasi ako saglit at nagpabili ng cupcake si Erwan." Paliwanag ko sa kanya nang pumasok na rin siya sa kwarto pero umiling lang siya at dinikit sa labi ko ang hintuturo niya.
"No need to explain. Alam ko naman na wala na siya puwang sa inyo. Maayos na ang buhay mo ngayon." Sabi niya sa akin at tumango lang ako. Nahiga na muna ako at ganon rin siya. Nakayakap ako kay Erwan at siya naman ay sa akin.
"I love you. Alam ko ngayon ko lang ikukumpirma sayo to, pero gusto ko maging formal sayo, Geoff. I am yours." Bulong ko sa kanya pero wala nang gulat sa kanyang mukha dahil alam niya sa sarili niya na doon rin naman talaga ang kakahidatnan namin.
Humarap ako sa kanya at dinampian ko ng halik ang labi niya. Gulat na gulat siya sa ginawa ko pero agad rin siyang napangiti.
Ilang sandali kaming magkatabi at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Pagkagising ko, wala na sila Erwan at Geoff sa tabi ko. Kaya napabangon ako agad at lumabas ng kwarto. Nakita ko silang nag - aayos na nang mga kakainin para mamaya.
"Daya niyo naman, hindi niyo ako ginising." Sabi ko sa kanila at tumulong na rin. Trenta minutos lang naman akong nakatulog kaya kakarating lang rin ng pagkain.
Habang nag - aayos kami ay may kumatok ulit sa bahay. Sinilip ko na muna sa bintana kung sino at nang makita ko sila mama iyon, patakbo akong lumabas ng bahay at niyakap siya.
"Ma! I'm sorry kung hindi ako nagpaalam sayo!" Bulong ko sa kanya at parehas naming niyakap ng mahigpit ang bawat isa. Pakiramdam ko, nakagawa na naman ako ng pagkakamali dahil sa pag - iiwan ko kay mama pero sigurado naman akong maiintindihan niya ako.
"Kamusta ka na anak? Huwag kang mag - alala. Alam kong may rason ka sa paglayo mo sa amin. Hindi masama ang loob ko sayo." Sagot sa akin ni mama at tinadtad niya pa ng halik ang pisngi ko.
"Pumasok na muna kayo, ma. Alam kong pagod kayo sa byahe." Suhestiyon ko sa kanya at agad naman silag sumunod sa amin. Bumungad sa kanila sila Geoff at Erwan. Alam ko ang iniisip nila ng makita nila si Erwan.
Umupo agad sa kabilang sofa sila Aero at Genesis kaya inabutan ko na rin sila ng tubig. Kasunod ko naman si Geoff at may dala ring baso para kay Mama.
"Thank you!" Pasasalamat sa amin ni Genesis. Bihira lang rin talaga siyang kumibo kagaya noon. Sobrang hinhin pa rin at hindi mo aakalaing makasalanan ang taong mapapangasawa niya. Para siyang isng anghel na nahulog sa bitag ng isang demonyo.
"Mommy, siya na po ba si Lola Hilda?" Tanong ni Erwan at agad siyang lumapit kay mama saka nagmano. Umupo naman si mama sa sofa at hinila ng dahan dahan si Erwan papalapit sa kanya. Hinaplos ni mama ang mukha niya at niyakap. Nakatingin lang sa akin si Erwan at ngumiti lang ako.
Pagdating sa ugali, hinayaan ko si Geoff na magturo ng iilan kay Erwan dahil alam ko sa sarili ko na minsan ay baluktot ako mag - isip.
"Ang pogi pala talaga ng apo ko." Masiglang sabi ni mama at agad naman humiwalay kay Erwan. Lumapit sa akin si Geoff at hinawakan ang kamay ko. Nakalimutan kong ipakilala si Geoff kay mama.
"Ma, si Geoff po pala, boyfriend ko." Pagkasabi ko noon, kinuha rin ni Geoff ang kamay ni mama at nagmano rin siya.
"Manang mana pala sayo ang apo ko, kawaan kayo ng Diyos." Bati sa kanila ni mama at umupo na rin kami. Alam kong maraming gustong itanong si mama sa akin pero mamaya ko na sasagutin ang lahat ng gusto niyang malaman.
"Kumain na muna tayo." Pag - aaya ko sa kanila at agad naman silang sumunod sa hapagkainan. Magkatabi sila Aero at Genesis. Nasa gitnang upuan naman si mama at kaming tatlo nila Erwan at Geoff ang magkakatabi.
"Saan ka naman tumira ng matagal, Yna?" Tanong sa akin ni Aero habang pinagsisilbihan si Genesis. Kapag nakikita ko silang inaasikaso ang bawat isa ay hindi na ako nakakaramdam pa ng kahit anong pagseselos dahil masaya na ako ngayon.
"Doon rin ako namalagi sa Laguna. May inuuapahan kasi si Hanna kaya nakihati ako sa kanya. Tapos naghanap na rin ako ng trabaho malapit doon. " Sagot ko sa kanya at nakita kong nagtingin lang sila ni mama. Hindi pa rin nagbabago ang mga kilos ni Aero at halata pa rin na kinikimkim niya lang ang lahat.
"Hindi mo man lang ako nagawang bisitahin?" Tanong sa akin ni mama at umiling na lang ako. Hindi ko na sinagot ang sinabi niyang iyon dahil naramdaman ko sa ilalim ang paghawak sa akin ni Geoff.
Wala nang nangyaring pag - uusap tungkol sa akin pagkatapos noon, maliban kila Geoff at Erwan dahil gustong gusto ni Erwan na si Geoff ang magpakain sa kanya.
Habang nasa kusina ako, nilapitan ako ni Aero at aktong tutulungan pero agad akong umiling.
"Ako na dito. Dun ka na muna at kausapin mo ang pamangkin mo." Sabi ko sa kanya pero hindi siya umalis sa pwesto niya.
"Aalis rin kami agad. Nasa byahe na kami papunta dito dahil buwan buwan kung linisin ni Tita Hilda ang bahay. Naghihintay siya sayo kung kelan ka uuwi. " Matabang na sabi sa akin ni Aero at para akong na estatwa sa sinabi niya. Sobrang lungkot siguro ang naidukot ng pag - alis ko ng walang paalam.
"Hindi ko sadyang sabihin pero gusto ko lang malaman mo na sobrang lungkot ng nanay mo simula nang umalis ka. " Dagdag pa ni Aero at umiling lang ako dahil nanglalabo na ang mata ko sa mga sinasabi niya.
Nagkamali na naman ba ako sa desisyon ko at nagdulot na naman ako ng sama ng loob kay mama?
"Bakit ka nga ba umalis? Dahil ba nabuntis ka?" Para akong hinahotseat ni Aero sa mga sinasabi niya. Hindi niya kasi kayang diretsahin ang mga gusto niyang sabihin kaya kahit hindi magandang pakinggan ay sasabihin niya.
Pagdating sa pagkonsensya, si Aero ang maaasahan talaga diyan dahil ilang beses na rin siyang nakaranas na lagi siyang sinisisi at kinokonsensya ng mga kakilala ng kanyang ina dahil sa pagkamatay nito.
"Hindi mo matatago sa akin ang totoo. Malaki ang pagkakahawig niya at pati na rin sa akin. Alam ko ang lahat, Yna." Sabi niya pa at tinitigan lang ako. Naging mabagal ang paghuhugas ko ng plato dahil hindi ko na masikmura ang mga sinasabi niya sa akin.
Tumingin pa ako sa gawi ni Geoff pero nahaharangan sila ni Aero. SI Erwan naman ay nakikipaglaro kay Mama at Genesis. Kaya kahit gusto kong humingi ng tulong ay hindi ko magawa.
Pagkatapos kong maghugas ng plato, agad na akong lumayo kay Aero at tumabi kay mama. Napansin siguro ni Geoff ang pamumula ng mata ko dahil nagpalipat lipat siya ng tingin sa akin at kay Aero. Ngumiti na lang ako sa kanya para malaman niyang ayos lang ako.
"Dito ka na muna, Tita Hilda. May dadaan lang kami ni Genesis." Sabi ni Aero at agad niya na hinila si Gen palabas ng bahay. SI Geoff naman at Erwan ay hindi na nagpaalam pero pumunta sa kwarto kaya kami na lang ni mama ang naiwan.
Hindi ko pa alam kung paano ako magsisimula sa sasabihin ko pero hinawakan na agad ni mama ang kamay ko.
"Tama lang ang ginawa mo, hindi ako galit sayo dahil naiintindihan ko na iniisip mo ang kinabukasan ni Ace. Napag - usapan na nami ni Armando yan pagkatapos mong umalis." Naunang sabi sa akin ni mama.
"Salamat po kung ganon ma. Ang buong akala ko ay kinamumuhian mo na ako." Sabi ko naman sa kanya pero umiling lang siya sa akin. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag isa ka ng ina. Kahit anong kasalanan sayo ng anak mo ay mapapatawad mo pa rin.
Hindi pa kami tapos sa pag - uusap ay bumalik na agad sila Genesis at Aero para sunduin si mama. Tinawag ko naman sila Geoff at Erwan para makapagpaalam na rin sila. Ang importante naman ay maayos na uli kami ni mama at wala ng paglilihim pa.
"Geoff at Love, alagaan niyong mabuti itong si Erwan. DIto na muna kayo sa bahay tumira kesa naman nangungupahan kayo." Bilin sa amin ni mama at niyakap ako ng mahigpit. May binulong siya kay Geoff at tumango tango lang si Geoff sa kanya. Niyakap niya rin si Geoff.
"Maging mabait ka na." Bilin niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi tapos ay nilapitan niya na si Erwan at niyakap. Pag dito na uli titira si mama, siguradong mas magiging masaya na siya dahil lagi niya na kasama ang apo niya.
Habang naglalakad kami palabas ng bahay, kinalabit ako ni Aero at iniabot sa akin ang isang green na envelop. Nabasa ko sa likod ang pangalan ni mama. Agad ko iyong binuksan at nakita kong isa iyong imbitasyon sa kasal.
Imbitasyon sa kasal ni Ace.