"Mas maganda kung aalisin mo na yung salitang "Daw" sa lahat ng pangungusap kasi ibig sabihin niyan ay hindi galing sayo ang ginawa mong pagsisiyasat." Suhestiyon ko sa kanya habang nagtatype kami ng kanyang proyekto.
Nasa loob kami ng kanilang bahay at masasabi kong may kutsarang ginto si Ace sa kanyang labi ng ipinanganak siya. Tiles ang kanilang sahig at kumpleto ang kanilang kagamitan. May magandang telebisyon, speaker at mga sofa.
Nasa kwarto kami at may aircon pa si Ace. Malambot ang kanyang kama at may desktop computer pa siya. Sana ay ganito rin ako ipinanganak at siguradong hindi ko gagawin ang mga bagay na labag sa batas.
"Hindi naman talaga sa akin galing yan eh." Pagmamaktol ni Ace at naupo na lang sa kanyang kama. Tumingin lang ako sa kanya at ako na lang ang nag - alis ng mga dapat alisin para sa kanyang research paper pero bago pa man ako makapagsimula ay hinila niya na ako at binuhat papunta sa kanyang kama.
Walang pagdadalawang isip niya akong hinalikan ng sobrang lalim. Halos maputulan ako ng hininga dahil sa ginawa niya at nang naramdaman niya iyon, agad siyang bumitaw sa akin.
"Breath." Bulong ko sa kanya at hinalikan akong muli. Sa pagkakataong iyon, gumanti na ako ng halik sa kanya dahil ilang araw na rin bago ko siya huling naramdaman. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang kamay niya sa loob ng aking saplot at tila may gustong pakawalan. Nagawa niya naman ang gusto niya saka niya inalis ang pang itaas kong saplot.
Una kong nadama ang lamig galing sa aircon bago pinainit ng mga palad ni Ace ang aking balat habang ang labi niya ay sa aking labi pa rin. Pababa ng pababa ang kanyang halik hanggang sa marating ang tuktok ng aking dibdib. Kakaibang sensasyon talaga ang naidudulot sa akin ni Ace at ayoko ng hanapin pa sa iba ito.
Bawat parte na ng aking katawan ay nahawakan na ng kanyang kamay at kahit malamig sa kwarto, isang haplos lang ni Ace ay napapawi agad. He keeps on playing, licking, sucking and I can't help myself but wanting more until he touch me down there.
"Basa na ng sobra." Bulong niya sa akin nang haplusin niya ang p********e ko. Labas pasok ang kanyang daliri na dahilan para magkadama ako ng kuryente sa loob ng katawan ko at alam kong malapit na akong kumawala.
"I'm coming." Bulong ko sa kanya at agad siyang pumuwesto sa p********e ko at ginawa ang bagay na gusto naming parehas hanggang sa matapos na ako. Nagpalit uli siya ng pwesto at itinutok ang kanya sa akin.
"I. Love. You." Isang salita sa bawat pag kilos niya. Pabilis ng pabilis hanggang sa hininga na lang namin ang aking naririnig. Unti unting bumagal at naramdaman ko ng tapos na rin siya at muli, sa loob na naman ang ginawa niya. Ayos lang na mabuntis ako, alam ko naman na mahal na mahal ako ni Ace at hindi niya ako papabayaan.
Hawak niya ang kumot, humiga na siya sa tabi ko at inilagay sa akin ang kumot. Agad akong nakatulog sa bisig niya dahil sa nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo nitong nakaraang araw pa.
Pagkagising ko, Alas Syete na ng gabi at wala na si Ace sa tabi ko. Madilim ang kwarto at patay na rin ang desktop monitor ni Ace. Nagbihis ako at dahan dahang lumabas. Naririnig kong nag - uusap ang mag - ama, wala sa loob ko ang pakinggan sila pero narinig ko kasi na sinesermonan si Ace.
"Huwag mong sayangin ang pag - aaral mo. Bata ka pa. Pinapayagan kitang magka girlfriend pero dapat alam mo ang limitasyon mo." Mahinang sermon ni Armando kay Ace.
Naisip kong tama si Armando. Hindi pa ito ang oras para magkaroon ng pamilya si Ace. Biglang sumama ang pakiramdam ko at kahit gusto ko pang makinig ay lumabas na ako para magpaalam na kay Ace.
"Magandang gabi po, Tito Armando. Ace, uuwi na ako at biglang sumama ang pakiramdam ko." Matabang kong sabi sa kanya at lalapit sana siya sa akin pero agad ko siyang itinaboy tsaka umalis na ng bahay nila.
Pagkauwi ko ng bahay, hindi ko na pinansin si mama at tuloy tuloy na ako sa cr dahil tumataob na talaga ang sikmura ko.
"Yna, ayos ka lang ba?!" Narinig kong sigaw ni mama at kumakatok siya ng paulit ulit. Wala naman akong maisuka na kahit ano bukod sa tubig at sobrang pait pa.
"Ayos lang ako ma. Masama lang pakiramdam ko." Sagot ko sa kanya matapos kong maghilamos at magmumog ng tubig. Inayos ko na rin ang buhok ko at lumabas na ako ng cr.
"Kumain ka na muna o kaya uminom ka ng mainit na gatas." Sabi sa akin ni mama pero umiling lang ako at agad na akong nagpahinga. Wala na rin ako gana kumain. Pagkahiga ko ay agad naman akong nakatulog ng mahimbing.
"Yna! Gising na anak. Kumain ka na at kagabi pa walang laman ang sikmura mo. Kaya ka nagkakasakit eh. Bangon na at kumain!" Narinig kong tawag sa akin ni mama at nakita kong alas dies na ng umaga. Sobrang haba ng tulog ko at kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit ko na lang bumangon.
"Ma, wala bang lugaw sa kanto?" Tanong ko kay mama habang naghahain siya ng sinangag at pritong itlog. Nakita ko na rin ang bagong maliit na gasul sa bahay at dalawang kawali.
"Wala akong nakita anak. Gusto mo ba maghanap ako?" Tanong niya sa akin at umiling ako. Ayokong kumain ng pritong itlog pero dahil ito ang nakahain ay kinain ko na lang. wala naman ibang kakain nito. Tahimik lang ako at kaunting kanin lang ang kinuha ko at pilit ko pang inubos tapos ay naglinis na ako ng katawan para umalis. Hindi na ako nagpaalam kay mama kung saan ako pupunta dahil ayoko na siyang bigyan pa ng aalahanin.
"Ma, aalis na muna ako." Ito lang ng tangi kong paalam sa kanya at ngumiti lang siya. Diretso na akong lumabas ng bahay at agad pumara ng taxi.
Naisip kong pumunta sa isang OB - Gyn clinic para makumpirma ang hinala ko dahil halos araw araw na may mangyayari sa amin ni Ace ay hindi safe ang ginagawa namin.
Unang beses ko papasok sa ganitong klaseng lugar. Walang tao sa clinic at receptionist agad ang bumungad sa akin. May upuan sila na nakadikit sa pader tapos ay may dalawang kwarto. Ang isa ay office ng doctor tapos ay ang isa naman ang kwarto para sa mga pasyente.
"Goodmorning po. Ano pong sadya natin mam?" Tanong sa akin ng receptionist at nginitian ako. Kinakabahan pa akong magsabi sa kanya pero hindi ko naman siya kilala kaya ayos lang.
"Ilang araw na po kasi akong nahihilo at laging mabigat ang pakiramdam ko tuwing pag gising ko." Sagot ko sa kanya at tumango tango lang siya tsaka may kinuha sa drawer ng lamesa niya. May ilan siyang nilagyan ng marka sa papel at ibinigay niya sa akin.
"Please fill - up po muna ito, mam." Sabi sa akin ng receptionist at ibinigay na ang papel. Natapos na ako mag fill - up ng mga personal kong data tapos ay sa mga katanungan na tungkol sa pangangatawan. Kasama sa tanong kung kailan ang huling menstruation ko. Tsaka ko lang naaalala na isang linggo na palang lumagpas. Kailangan kong maging totoo sa pagsagot kaya nilagay ko ang huling araw na natatandaan ko.
Binigay ko agad sa receptionist ang papel ko at binasa niya muna tsaka may isinulat bago ibinigay sa doctor.
"Sunod po kayo sa akin mam." Tawag sa akin ng receptionist at nauna na siyang pumunta sa isang kwarto. Inayos niya ang higaan at ang ilang gamit.
"Higa po muna kayo mam at pahintay po si doc." Sabi sa akin ng babae at agad naman ako sumunod. Isinara niya ang kurtinang harang ng kwarto at naiwan ako sa dilim. Ilang minuto akong nakahiga nang pumasok ang doktora.
"Goodmorning, Misis. I'm Doc Aira po pala. Kamusta po pakiramdam niyo, mam?" Tanong sa akin at ngumiti na lang ako sa kanya. Nagsuot na siya ng gloves at binuksan ang apparatus.
"Pakitaas po muna yung suot niyong shirt, mam." Utos niya sa akin at sinunod ko naman. May ibinigay rin siyang paper towel, tinitigan ko lang ito at siya na ang kusang nagpulupot sa nakataas kong damit.
"First baby niyo po ba ito?" Tanong niya sa akin at tumango lang ako. Halata masyado na wala akong alam sa ganitong bagay. May inilagay na rin siyang towel sa puson ko at kagaya ng paper towel, iniikot niya rin iyon sa suot kong leggings.
"Lalagyan ko na po ng gel ang tummy niyo, misis." Sabi niya sa akin at naramdaman ko agad ang lamig ng gel sa tiyan ko. Maya maya pa, may kinuha siyang pang scan, kagaya sa mga napapanood ko sa teleserye at iniikot ikot niya rin sa tiyan ko iyon.
"Tingnan po muna natin kung maayos ang heartbeat ng baby niyo." Sabi niya sa akin at ginalaw galaw pa ang pang scan tsaka ko nakita ang parang daliri lang pero tumitibok t***k talaga iyon.
Buntis ako. Ngayon lang natanggap ng utak ko na buntis ako. Totoong may isang buhay sa loob ko. Napaluha ako ng makita ko ang anak ko na malusog at buhay na buhay. Ipinaliwanag pa ni Doc Aira ang ilang bahagi ng anak ko na pwede kong makita. Pagkatapos namin, ibinigay niya sa akin ang kopya ng ultrasound ko at reseta ng mga gamot, vitamins at mga bawal sa akin bago ako umalis.
Pag uwi ko sa bahay, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Agad akong dumiretso sa kwarto saka nag - ayos ako ng gamit tapos ay humiga. Naiiyak pa rin ako dahil naiisip kong hindi ito matatanggap ni Armando dahil sa kagustuhan niyang makapagtapos muna si Ace sa pag aaral.
Kaya ko naman ito ng mag - isa at hindi kailangan si Ace. Mas gusto ko rin na makapagtapos na muna siya ng pag - aaral.
"Ma, gusto mo bang bumalik ka na muna kila Aero?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ko. Abala siyang nagluluto ng makakain namin. Pinatay niya na muna ang kalan at hinarap ako.
"Yan nga yung isa sa dahilan kaya nagpunta dito si Aero dahil gusto niya akong kunin na muna. Kailangan niya ako sa bahay nila ni Genesis." Sabi niya sa akin at tumango tango na lang ako. Parang alam ni Aero na kailangan ni mama na lumayo na muna sa akin.
"Ganoon ba, wala naman problema sa akin ma. Ayoko lang na may ipapagawa siya sayo na labag sa loob mo." Sagot ko sa kanya at tumango lang si mama. Gusto ko na ngayon na siya ihatid dahil kailangan ko rin umalis sa lugar na ito.
Pumasok ako sa kwarto dahil gusto kong makausap si Aero. Ipapasundo ko si mama ngayong araw din na to at para makaalis na rin ako mamaya bago pa ako abutan ni Ace.
"Aero, kailan mo kukunin si mama? Gusto ko sana ngayon mo na siya kunin dito. Kailangan kong umalis. Gusto kong magbakasyon." Sabi ko sa kanya at may halong awtoridad iyon para maisip niyang kailangan niyang pumunta dito agad.
"Sige, ayos na ba ang gamit ni Tita Hilda? Kung hindi pa naman at ayos lang sayo, pupunta ako diyan at tutulungan ko siyang ayusin." Sagot sa akin ni Aero at naisip ko agad na sabihan na si mama. Binabaan ko na si Aero at lumabas ako ulit ng kwarto.
"Ayos na ba ang gamit mo? Ngayon ka na daw susunduin ni Aero, tumawag siya sa akin." Sabi ko kay mama. Gulat na gulat ang reaksyon niya dahil sa bilis ng pangyayari. Ako rin naman ay nagulat. Wala sa plano ko ang iwan ko si mama pero kailangan.
"Oo, inayos ko naman na kanina. Hindi ko alam na ngayon araw na rin pala ang alis namin. Akala ko ay sa susunod pang araw, pero buti na lang nakapag - ayos na ako." Sabi sa akin ni mama at kumuha na siya ng plato sa kusina saka isinalin ang niluto niya.
Amoy na amoy ko ang adobong atay na luto niya at halos masuka ako sa suka. Hindi ko gusto ang asim na dulot nito kaya muli na naman bumaliktad ang sikmura ko at napatakbo sa lababo. Pakiramdam ko maselan ang pinagbubuntis ko.
"Anak? May problema ka ba?" Tanong sa akin ni mama at hinawakan pa ang buhok ko para hindi mabasa dahil nagmumog na ako at naghihilamos.
"Ayos lang ako ma. Nalipasan lang talaga ako ng gutom." Sabi ko sa kanya at uminom na lang ako ng tubig. Kita ko ang pag - aalala sa kanyang mukha.
"Mamaya maya, nandito na si Aero. Ihahanda ko na ang mga gamit mo." Sabi ko uli sa kanya saka ko kinuha ang mga nakita kong bag. Puro damit siguro ni mama iyon. Sana ay maging maayos siya. Kasama naman niya si Genesis kaya alam kong hindi magiging bayolente si Aero.
Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil mawawala ako sa piling ni mama ng sobrang tagal. Parang hindi ko kaya na hindi siya kasama pero kailangan. Ayoko naman siyang bigyan ng sama ng loob.
Wala pang isang oras simula ng tinawagan ko si Aero ay nandito na siya sa bahay. Ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanya tapos ay kinuha niya ang gamit ni mama.
"Aero, hayaan mo na muna kami ni Yna makapag - usap." Seryosong sabi ni mama at tumango lang si Aero. Kinuha naman ni mama ang kamay ko at hinila ako papasok sa kwarto.
"Anak, lagi mo kong babalitaan kung kamusta ka na. Si Uno, huwag mong kakalimutan ang kapatid mo. Kapag kailangan mo ng tulong o kausap, nandito lang ako at si Ace, aalagaan ka niya." Sabi sa akin ni mama at hinawakan ang tiyan ko. Pakiramdam ko ay may alam na siya sa tungkol sa itinatago ko. Niyakap niya akong mahigpit at narinig ko pa na parang humihikbi siya pero pagkatingin niya sa akin ay nakangiti naman siya maliban sa kanyang mata na parang isang pikit na lang ay tutulo na ang luha niya.
Inihatid ko na sila ni Aero sa labas at hindi matapos tapos ang pagkaway ni mama sa akin. Alam kong masakit para sa kanya pero mas lalo sa akin dahil ngayon ko siya kailangan.
Bumalik na ako sa loob nang makita ko si Ace na naglalakad papalapit sa akin. Nagmadali akong pumasok pero mas mabilis siya tumakbo. Nasa tapat na siya ng gate at tuloy tuloy sa loob ng bahay.
"May problema ba? Bakit umalis si Tita Hilda kasama si Aero? Anong meron?" Tanong niya sa akin pero wala akong gustong sagutin. Tumalikod lang ako at napahawak sa gate, huminga ng malalim bago nagsalita. Masasakit na salita.
"Ayoko na sayo. Gusto kong mag - aral ka na lang muna at kalimutan na ako. Makakakilala ka rin ng iba dyan at kaedad mo pa. Aalis na kami dito. " Sagot ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag. Hinarang niya sa pinto ang kamay niya kaya agad akong napaharap pero iyon ang galaw na pagsisisihan ko. Dahil pag harap ko, hinalikan niya na naman ako at hindi na ako nakatanggi pa dahil ito ang huling beses na mararamdaman ko siya.
Buhat buhat niya ako, dinala sa kwarto at papayagan siya sa lahat ng gusto niyang gawin ko bilang isang magandang ala - ala na lang ang lahat ng nangyari. Huling beses na mararamdaman ko siya. Masyado na akong emosyonal sa oras na ito kahit pwede naman namin pag - usapan ni Ace ang bagay na ito.
Malalaman ko rin kung gusto niya bang manatili kami ng magiging anak namin sa kanya kung sasabihin ko pero nangingibabaw ang hindi ko pagsasabi sa kanya dahil baka hindi kami matanggap ni Armando at dahil bata pa si Ace, madali siyang madala sa mga salita.
"Please don't leave. Mag - aaral na akong mabuti. Hindi na ako magpapakita sayo araw - araw pero kapag kailangan ko ng tulong mo, puntahan mo ako. Kailangan rin naman kita. Hindi ka ba masaya sa akin? " Bulong niya sa akin matapos ang isang beses niyang pag - angkin. Masayang masaya ako kung alam mo lang kaso mas magiging masaya ako kung makikita kitang makatapos ng pag - aaral.
Hindi na ako sumagot at nanatili lang akong nakatagilid habang nakatalikod sa kanya at dinadampian niya lang ng halik ang likod ko at nakayakap sa baywang ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga hanggang sa matigil ito.
Napansin kong nakatulog na siya agad kaya dahan dahan kong inalis ang braso niya sa akin saka nagbihis. Gusto kong magkaroon si Ace ng magandang buhay kaya ko gagawin ito. Ayokong maging hadlang kami para sa magandang kinabukasan niya. Alam kong magiging masaya siya kung sasabihin ko pero paano naman ang pag - aaral niya? Ayoko naman na aasa kami habang buhay sa pera ng pamilya niya. Mas gusto kong sariling sikap ang kakainin namin sa araw araw.
Ayoko rin na patuloy lang akong aasa sa perang binibigay sa amin ni Aero. Gagamitin ko ito bilang punuhan at balang araw ay ibabalik ko rin lahat kay Aero ito sa tamang paraan.
"Kailangan kong umalis. AYokong maging pabigat sayo." Huling salita na bibitawan ko tapos ay hinalikan ko ang kanyang pisngi at hinaplos pa ito. Gumalaw pa siya ng kaunti at akala ko, magigising siya pero tulog pa rin.
Wala akong plano sa pag - alis kong ito kahit ang pupuntahan o tutuluyan man lang. Kailangan ko ng makakasama dahil alam ko naman na mahirap ang magbuntis pero alam ko sa sarili ko na ang kailangan ko ay ang mapalayo sa kanya.
Kahit saan na ako dalhin ng paa ko, wala na akong pakialam. Dala dala ang isang bag ng damit at pera, naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mapagod ako. Malapit na rin ang gabi ng maisipan kong magrent na lang ng isang kwarto para doon magpalipas ng gabi.
Habang kumakain ako, nag ring ang cellphone ko at si Ace ang tumatawag. Pinatay ko agad ang tawag niya pero paulit ulit lang siya sa pagtawag sa akin kaya ang cellphone ko ang pinatay ko.