Sobrang sakit ng ulo ko pagkadilat ng mata ko. Umiikot pa ang paningin ko pero pinilit ko na lang bumangon. Sa sahig lang kami natutulog ni mama pero may higaan naman kami na foam. Hindi pa kasi nalilinis ang kwarto kaya dito muna kami sa lapag.
Umiling - iling ako ng kaunti para mawala angg pagkahilo pero walang nangyari kaya humiga na muna ako muli at mariin na pumikit.
Nagpaulit - ulit sa isip ko ang lahat ng ginawa ko at mga pinagsasabi ko. Lima lang kaming nag iinuman. Tatlo lang kaming babae at dalawang lalaki. Si Ace ang isa sa kanila at mag tropa na ang iba naming kasama.
Masaya naman ang naging takbo ng inuman namin. Puro biruan at kahit hindi nila ako kilala ay kinakausap naman nila ako. Naramdaman ko naman na parte ako ng samahan kagabi.
"Ate, kayo ba ni Ace?" Tanong sa akin ni Rose pero hindi na ako kumibo dahil si Ace na ang naunang magsalita.
"Hindi pa, pero alam kong malapit na. Eh kayo ni Henry?" Tanong niya at naghiyawan ang dalawang babae na kasama namin. Nabaling agad sa kanila ang atensyon pero nakatingin lang sa akin si Ace. Mapang - akit na tingin ang ibinaling niya sa akin at dahil din doon ay hindi ako mapakali. Ayokong magkaroon ng ideya na gusto ako ni Ace. Hindi niya pa naman ako kilala.
"Huy, gagabihin na kami. Kailangan na naming umuwi." Paalam ni Rose at tila hindi siya tinamaan ng alak. Agad namang nag - ayos ng gamit ang dalawang babae. Kaunti lang rin naman ang ininom namin. Hindi pa tapos ang isang bote ng alak.
"Ate, uuwi na kami. Hindi ka ba sasabay?" Tanong nila sa akin at tumayo na rin ako at sumunod sa kanila palabas ng condo unit. Magkakasunod kaming naglakad pababa at hinihintay n alang ang babyaheng jeep.
"Saan ka umuuwi?" Tanong sa akin ni Rose at itinuro ko lang ang kalsada papunta sa bahay namin. Tumango na lang siya at nagpaalam na dahil dumaan na ang jeep. Magkakasunod silang sumakay ng jeep at panay ang pagkaway sa amin ni Ace.
Maglalakad na sana ako papauwi pero hinila ni Ace ang kamay ko at naglakad kami pauwi sa condo. Sumunod na lang ako sa gusto niya dahil ayoko rin naman nabibitin sa alak.
Pagkapasok ay umupo agad ako sa sahig at kumuha ng chi hirya na pulutan namin.
Aktong tutunggain ko na ang bote ng alak ng biglang kunin ni Ace ito sa akin. Nakipag agawan ako sa kanya pero hindi ko na nakuha pa ang alak.
Umiyak na lang ako at nagmaktol dahil sa ginawa niya. Naramdaman kong niyakap niya na ako at doon na ako naglabas ng sama ng loob.
"Binigay ko naman ang lahat pero hindi pa rin ako ang pinili niya. Maganda naman ako at sexy din. Ginawa ko naman lahat ng gusto niya." Paiyak kong sabi sa kanya pero hinaplos haplos lang ni Ace ang buhok ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya at alam kong hinalikan ko na siya dahil si Aero ang nakikita ko sa kanya.
At nang sunduin ako ni Aero, alam kong hinalikan ko siyang muli.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko ng maaalala ko ang lahat ng iyon. Nakakahiya. Masama din talaga ang tama ng alak sakin.
Sa tabi ko ay may nakaready ng bote ng softdrinks at puro yelo. Agad kong ininom iyon at pinakalma ang sarili ko. Sobra akong nalasing kagabi at halos isuka ko na ang buong bituka ko.
Wala si mama sa bahay kaya nanatili na lang akong nakaupo ng ilang minuto at biglang sumama ang pakiramdam ko. Agad ako nagtungo sa cr at sumuka.
Hinding hindi na ako iinom talaga kahit kailan. Kung hindi lang ako sobrang nasaktan dahil kay Aero at Genesis, ay hindi ako magdadamdam ng ganito. Gusto ko na lang maging manhid at kalimutan ang lahat.
Maya maya pa ay umuwi na si mama at may dalang mga pagkain para sa amin.
"Uli uli, tigilan mo na yang pag iinom. Kung di pa ako naalimpungatan, sa cr ka na natulog at lumalangoy sa suka mo." Sermon sa akin ni mama pero hindi ko na lang pinansin. Inihahain niya na ang pagkain namin at isa isa ko ng dinala sa sahig. Dito na rin kami kumakain dahil wala pa rin kaming upuan.
"Ma, gala tayo mamaya." Pag aaya ko sa kanya pero umiling lang siya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa pag - tanggi ni mama. Gusto ko sanang mag bonding kami kahit papaano.
"Madami pa akong lilinisin dito sa bahay, ikaw na lang ang umalis." Marahan niyan sabi at tumango na lang ako.
Pagkatapos naming kumain, nilinis ko ang pinag - kainan at naligo na ako. Bahala na kung saan ako mapadpad.
Habang nasa labas ako at pinapalamig muna ang loob ng sasakyan, biglang dumaan si Ace at nakahawak pa sa ulo niya.
"Hangover?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya saka ngumiti sa akin. Sumakay na ako ng sasakyan ng biglang kumatok si Ace sa bintana.
"Saan ka pupunta? Pwede ba akong sumama?" Tanong niya sakin at tinitigan ko siya simula ulo hanggang paa. Naka sando lang siya at boxer shorts.
"Magbibihis lang ako, pakihintay ako." Sabi niya sakin at agad na siyang tumakbo pauwi sa kanila. Lumabas na lang ako uli ng sasakyan at bumalik sa bahay.
"Oh, akala ko nakaalis ka na?" Tanong sakin ni mama habang hawak ang walis papunta sa kwarto.
"Gustong sumama ni Ace. Hihintayin ko nanlang dito." Sagot ko sa kanya at tumango lang siya.
"Wag mo masyadong paasahin ang bata. Maghanap ka ng ka edad mo." Sabi sakin ni mama at tumango lang ako. Wala naman akong balak paasahin si Ace, pero balak ko mapalapit sa kanya dahil Genesis.
Nagawa ng mapalapit ni Aero kay Genesis kaya kailangan ko na ring lubayan si Ace. Lumabas na ako muli para umalis habang wala siya pero pagkalabas ko ng gate, nakatayo na siya doon at todo na ang porma.
"Nung nakaraan pa sana kita aayain makipagdate sakin, kaso nahihiya ako at baka ayaw mo." Bungad sa akin ni Ace at ngumiti lang sakin. Hindi na ako nakakibo at diretso na lang pumunta sa kotse para sumakay pero inagaw niya ang kamay ko ng bubuksan ko na ito.
Para akong may kasamang artista dahil sa itsura niya. Nagmumukha akong personal assistant lalo at ipagdadrive ko pa siya.
"Pwedeng ako magdrive? Gusto ko pagsilbihan ka." Sabi niya sa akin at hindi na ako nakatanggi pa dahil para akong ginamitan ng magic. Hindi ko kayang tumanggi dahil sa charisma niya.
Hinila niya ako papunta sa shotgun seat at pinasakay ako. Hindi na ako umalma at iniisip ko na lang na may biglaan akong date. Atleast may kasama ako sa pag gagala ko ngayon.
Habang nagdadrive, panay ang pagtingin tingin ko sa kanya pero hindi ko na ipinahahalata dahil ayokong umasa siya kagaya ng bilin sakin ni mama.
Ayoko na isipin na si Aero ang nakikita ko sa pisikal laya bumaling na lang ako sa kalsada. Si Aero pa rin ang gusto ko pero unti unti kong tatanggapin na hindi siya para sa akin.
Kapag si Aero ang nasa isip ko, puro negatibong bagay ang nararamdaman ko pero simula ng makilala ko si Ace, nagbago ang lahat. Kahit papano, guminhawa ang dinadala ko.
Tinulungan niya ako sa ilang mga pisikal na bagay, ang pagpipintura sa bahay at ilan pa. Tapos ngayon, gusto kong makalimot at mag liwaliw ay siya na naman ang kasama ko.
Pagkapark namin sa isang mall, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Unang beses na may gumawa sa akin noon kaya naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Mabilis lang ang pangyayari.
Habang nasa loob kami ng mall, lahat ng gusto niyang gawin ang nasunod. Kumain kami sa isang kilalang fastfood. Nakailang kuha rin siya ng pictures sa akin at hinayaan ko na lang. Huminto siya sandali at tinitigan lang ako. Hindi ko alam kung anong meron pero hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalop niya ito saka nagpatuloy na sa paglalakad. Ito ang kauna unahang first date na naranasan ko sa buong buhay ko.
"Ayos lang ba sayo.. Kung liligawan kita?" Tanong niya sa akin habang naglalakad. Diretso ang tingin niya at pakiramdam ko ay nahihiya rin siya sa akin pero nandito na kami ngayon.
"Ang tanong, ayos lang ba sayo kahit mas matanda ako?" Sagot ko na isang tanong rin. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at hinihigpitan niya pa ang kamay ko. Bagay na hindi ako sanay dahil hindi pa naman ako nagkakaroon ng matinong boyfriend noon.
Kahit magkasama namin ni mama si Aero buong buhay namin, hindi ko naranasan ito sa kanya. Nadaan kami sa isang flowershop at agad siyang pumasok, iniwan ako sa labas. Ilang minuto lang ay may dala na siyang dalawang bouquet ng bulaklak.
"Ang dami mo namang pera, high school ka pa lang." Sabi ko sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Hinalikan niya ako sa pisngi at iniabot ang bouquet ng pulang rosas.
"Gusto kita. Kahit ano pa ang nakaraan mo, tatanggapin ko." Bulong niya sa akin at naaalala ko na naman ang inuman namin kagabi. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya na kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya. Baka may nasabi kasi ako sa kanya habang lasing ako kagabi.
"What do you mean? Hindi mo pa naman ako kilala talaga?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya. Alas tres na ng hapon at ang bilis ng oras pag siya ang kasama ko.
"Mahaba pa ang panahon para kilalanin kita at kaya kong tanggapin ang lahat basta hayaan mo lang ako." Sagot niya sa akin at hindi na ako nag - inarte pa na halatang halata naman din siguro na gusto ko siya pero nagpipigil lang talaga ako.
"Wala akong pakialam sa edad o sa hindi kita kilala. Ang gusto ko, ikaw. Yung buong buo na ikaw." Sabi niya uli sa akin at mabilisan niya akong dinampian ng halik sa labi tapos at pinagsalop muli ang mga kamay namin at naglakad lakad kami.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ng mga oras na yon. Paikot ikot lang kami sa loob ng mall pero hindi ako nakaramdam ng pagod. Parang nasa langit nga ako dahil sa pinaramdam niya sa akin. Kakaiba. Thia is the first time. Ang ilan sa mga pinapangarap ko ay si Ace ang nagparamdam sa akin.
"Totoo bang mangliligaw ka sakin? Baka pagsisihan mo sa bandang huli." Matabang kong sabi sa kanya at huminto lang siya. Hinila niya ako sa pinakamalapit na fastfood pero para lang pauupuin ako.
Tumayo siya at pumila. Gutom na naman ba siya? Kakatapos lang namin kumain ng kung ano lang ang makita sa loob ng mall pero pumipila na naman siya.
Punong puno ng surpresa ang bawat galaw niya. Sweet pero hindi pa rin sapat iyon sa akin para tuluyang mahulog sa kanya. Lahat naman ng lalaki ay kayang gawin ang mga nagawa niya pero gusto ko na rin subukin kung hanggang saan ba talaga siya.
Pagkabalik niya sa table namin, ipinakita niya sa akin ang dala niyang ice cream na malapit ng matunaw.
"Kita mo tong ice cream? Parang ikaw yan. Cold pero gustong gusto ko pa rin at kahit hindi malamig, nanaisin mo pa rin kainin." Sabi niya sa akin at kinain na ang ice cream. Sinubuan niya ako pero umiling lang ako sa kanya. Pinagmasdan ko lang siyang maubos ang binilin ice cream.
"Kailangan ko ng umalis. May pupuntahan panako." Sabi ko sa kanya at agad na ako naglakad patungo sa parking lot. Hawak ko pa rin ang bulaklak na ibinigay niya at hinablot ang kamay ko.
"Teka, pwede ba akong sumama?" Tanong niya sa akin at tumitig lang ako sa kamay namin na magkasalop. Huminga akong malalim at pinag - isipan mabuti ang gagawin ko.
Tumango lang ako sa kanya at dahan dahang humigpit ang hawak niya sa akin. Mabagal kaming lumakad at pinabuksak niya akong muli. Ini on ko ang aircon at inilock ang kotse.
Tinitigan ko siya kahit nakatingin rin siya sa akin. Inilagay ko ang bouquet sa likod at aktong paglingon ko, sobrang lapit na ng mukha namin. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko at tinuloy ang gusto kong gawin.
Hinalikan ko siyang muli at mas matagal na, mas malalim na rin kesa sa unang ginawa ko sa kanya. Gumanti naman siya ng halik sa akin at hinaplos ang braso ko.
Hindi ko ramdam ang lamig ng aircon dahil sa init ng mga halik niya sa akin. Pagkalayo ko sa kanya ay iniayos ko agad ang aking buhok at nagsimula na akong magdrive.
Hindi kami nag kikibuan habang nasa kalsada kami pero ng makita niyang iba ang ruta na dinadaanan ko at ibang lugar ang pinasukan ko, kita ko sa kanya ang pagtataka dahil nasa lugar ako ng mga kwartong walang kusina.
"Anong gagawin natin dito? Huwag mong sabihin na gusto mo agad?" Pagtataka sa kanyang boses ang rumehistro sa akin. Huminga akong malalim bago nagsalita.
"Diba, ito naman ang habol niyong mga lalaki. Para di ka na mahirapan pa sakin, gawin na natin. Ibibigay ko na ang gusto mong makuha." Sagot ko sa kanya pero umiling lang siya sa akin at tumawa ng bahagya.
Alam kong hindi maganda na subukin siya pero para sa ikakaluwag ng isip ko at para hindi na rin siya mahirapan pa na makuha ang gusto niya ay naisip kong gawin ito.
Hindi ko rin kasi matanggap sa sarili ko na may magkakagusto sa akin at alam kong kapag nalaman niya ang totoo, na isa akong kasabwat ng killer ay iiwanan niya ako. Kaya ngayon pa lang ay iniiwas ko na ang sarili ko sa mga bagay na makakasakit sa akin, at isa na siya doon.
"Buti ka pa, alam na alam mo ang takbo ng isip ko. Ni hindi ko naiisip yan." Sagot niya sa akin at halata na sa kanya ang pagkainis pero pinili niya pa rin ipaliwanag ang side niya.
"Hindi mo pa ako kilala pero ginagawa mo na agad na halikan ako, alam kong dito rin ang bagsak natin. Sex." Matabang kong sagot sa kanya at huminga siya ng malalim at parang may gustong sabihin pero hindi masabi.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya dapat pangunahan at husgahan pero gusto ko lang rin na makapag - isip na muna siya bago niya bitawan ang mga salitang iyon.
Hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko ang ganitong bagay, dahil sa totoo lang, kay Aero lang naman talaga umikot ang mundo ko. Wala akong ibang lalaking kinausap o nakausap bukod kay Uno at Aero.
"Kung nakakilala ka man ng lalaki na ganito ang gusto kahit first date pa lang, sana hindi mo nilalahat. Sincere ako sa nararamdaman ko sayo. Hindi ko naman agad mapapatunayan yan sayo dahil kakakilala pa lang natin. Kung gusto mo, uuwi na lang ako mag - isa. Nakakaturn off." Galit niyang sabi sa akin at bumaba na siya ng sasakyan at naglakad palabas ng parking lot. Tumingin na muna siya sa akin at kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Hindi naman ako mapanghusgang tao pero alam kong kailangan ko rin naman protektahan ang sarili ko. Nakipagtitigan ako sa kanya at parang kutsilyo ang pagtitig niya sa akin.
Nasaktan ako sa sinabi niyang na turn - off siya sa akin. Narealize kong wala akong karapatang subukin ang nararamdaman niya. Maling mali ako sa ginawa kong iyon. Hinampas ko ng isang beses ang manibela at tumingin lang sa labas.
Tinitigan ko lang siya bago tuluyang makalabas at baka babalik pero hindi. Natamaan ko siguro ang ego niya. Mabilis rin akong bumaba at tinakbo ko ang exit ng parking lot. Hindi ko alam ang gagawin ko ng sandaling iyon, bukod sa dapat ko siyang sundan dahil may pagkakamali rin naman ako.
Nakita ko siyang nasa tabing kalsada na at naghihintay ng taxi. Hindi lakad ang ginawa ko ng oras na yon para malapitan siya, halos takbuhin ko na siya. Bawat hakbang ay isang malalim na paghinga an ginagawa ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at tumingala sa kanya. "I'm sorry." Bulong ko sa kanya at tinitigan ko lang siya para malaman ang susunod niyang gagawin o sasabihin. Ngumiti lang siya sa akin at pinitik ang noo ko. Niyakap niya lang ako at sa unang pagkakataon, naramdaman kong espesyal akong tao.
Pakiramdam ko, lahat ng pagkakamali ko sa buhay ay kaya niyang tanggapin. Yumakap ako pabalik sa kanya at ngumiti lang. Kahit wala pang linaw ang kung anong meron kami, alam kong nagkakaintindihan naman ang nararamdaman namin.
Mas maganda pa rin siguro kung magkakaroon ito ng linaw. Pero alam ko sa sarili ko na gusto namin ang bawat isa. Hindi ko na itinatanggi pa iyon.
Lumakad na kami papasok muli sa may parking lot at binuksan ko ang compartment tsaka kinuha ang bagpack ko kung nasaan ang ilang mga damit. Balak kong maligo lang at makasama lang siya na hindi kami nakikita ng ibang tao at walang halong maselang bagay na gagawin.
"Hayaan mo sana akong panindigan kung gaano kita kagusto. Huwag mo sana ako husgahan dahil sa bata pa ako. Matured ako mag - isip. Kaya kitang hintayin kung kailan ka handa." Sabi niya sa akin pagkapasok namin sa kwarto. Umismid na lang ako at dumiretso na sa cr. Kinakabahan pa rin ako na baka pagtaksilan ako ng katawan ko pero alam kong hindi gagawin sakin ni Ace iyon.
Gusto ko na ring sumugal sa kung ano magiging takbo ng kwento namin. Dadahan dahanin ko lang ang pagkilala sa kanya.
Pagkalabas ko ng cr, nakita ko siyang naka boxer lang at walang pang itaas. Hindi na lang ako kumibo at pibatuyo ko na lang ang buhok ko. Umupo ako sa kama kung saan siya nakahiga habang kinakabahan na rin talaga ako. Isang lalaki lang ang nakakita ng lahat sa akin.
"Pero nandito na rin naman tayo? Bakit hindi na natin gawin?" Sabi niya sa akin na may halong biro at natawa na lang ako habang papasok kami. Hindi pa sa ngayon. Sa tamang panahon ay ibibigay ko rin sa kanya ang lahat.
Hinampas ko lang siya at humiga na sa tabi niya. Naramdaman kong yumakap siya sa akin at inamoy ang buhok ko pero hanggang doon lang ang nangyari ng araw na yon.