Chapter 2

3008 Words
Hapon na nang makabalik kami sa bahay at lumabas agad si mama para bumili ng miryenda namin ni Ace. Tiningnan ko lang si Ace at iniisip kung papaano makukuha ng buo ang kanyang loob. Mukha naman siyang mabait. Alam kong hindi niya naman ako pag - iisipan ng kung ano ano kapag lagi ko siyang kinakausap. Abala siyang magdikit sa sahig ng mga dyaryo na binili ko sa junkshop kaya nilapitan ko na siya at tinulungan maghati ng scotch tape. "Mamaya na yan. Magmiryenda ka na muna, Ace." Tawag ko sa kanya at agad naman siyang sumunod sa akin. Tinuro ko na lang sa kanya ang lababo saka ako nagtungo doon para maghugas ng kamay. Sumunod naman siya sa akin at naghugas rin ng kamay niya. "Matagal mo na bang kilala si Genesis?" Tanong ko sa kanya habang nilalagyan niya ng liver spread ang biniling hot monay ni mama. "Oo, pero hindi nakikihalobilo si Genesis sa iba. Wala ngang kinakausap yon. Puro pag - aaral at uuwi sa bahay ang gawain niya." Sagot niya sakin at kumain. Hinayaan ko na lang siyang mag miryenda at mamaya ay may gagawin na rin naman siya. Apat na monay ang nakain niya at uminom lang ng isang baso ng juice tsaka isa isang binuksan ang lata ng pintura. "Anong kulay ba ang gusto mo?" Tanong sa akin ni Ace habang nakatitig lang at hawak ang roller. "I want something... Dirty." Sagot ko sa kanya at napakagat ako sa labi ko dahil yung titig niya ay kagaya kay Aero habang magkasalo kami sa dilim. Napalunok na lang ako at umiwas ng tingin dahil sa nararamdaman kong hindi tama. Ngayon ko lang siya nakilala pero sobra sobra na ang pagka - akit na naramdaman ko sa kanya. Inabala ko na lang anf sarili ko sa pag cellphone at maglaro na lang ng snake habang si Ace ay abala sa paghahalo ng pintura. Maya maya pa ay naghubad na siya ng pang itaas niya at inilpag sa upuan na ginamit niya kanina. Tumingala lang ako dahil kumikinang ang apat niyang abs sa harap ko. "Magsisimula na ako. Dito na lang muna sa parte na ito." Sagot niya sa akin at tinuro ang isan haligi ng bahay. Tumango na lang ako saka siya naglakad papunta doon. Pinagmamasdan ko siya hindi dahil para bantayan ang gawa pero dahil sa mga muscle at bicep niyang pilit akong tinatawag. "Mukhang may aagaw na sa trono ni Aero. Pakisara yang bibig mo, papasukan ng langaw yan." Sabi sa akin ni mama at habang kumukuha din ng tinapay at naglalagay ng palaman. Napatingin lang ako sa kanya at mabilis kong isinara ang bibig ko. "Hindi pala pinalalabas nila Fernan si Genesis. Ingat na ingat sa anak." Sabi ko kay mama at tumango lan siya. "Walang magulang ang gustong mapahamak ang anak nila. Mas pinili kong ilayo ka sa papa mo kahit kapalit ay ang paghahanap mo ng kalinga ng isang ama. Mas nanaisin ko ng ilayo ka sa papa mo kesa ang makitang sinasaktan ka niya noon." Seryosong sagot ni mama sa akin at sobrang layo na ng kanyang tingin. Batid ko na naman ang lungkot sa kanyang mga mata kaya sinalinan ko siya ng juice at iniabot iyon. Totoo naman na naghahanap ako ng kalinga ng isang ama pero lumaki akong nakuntento na si mama lang ang kasama ko. Pinunan na ni mama ang lahat ng pagkukulang ni papa at lumaki naman akong maayos. Minsan, naiisip kong mainggit sa mga taong kumpleto ang magulang pero may mga kumpleto ang pamilya na hindi naman masaya. Para sakin, ok na kasama ko si mama at Aero sa paglaki ko. "Malapit na mag gabi, pauwiin mo na si Ace at mamaya maya ay uuwi na rin tayo." Utos sakin ni mama at pagpasok ko, tagaktak na ng pawis si Ace dahil walang electric fan sa loob. "Naku, pawis na pawis ka na. Hala at kukuha ako ng extrang damit. Magbihis ka." Gulat na sabi ni mama pero umiling lang si Ace. Binitawan niya ang roller na hawak niya tsaka itinabi ang mga nabuksan na pintura tapos ay kinuha ang kanyang t-shirt saka sinabit sa balikat niya at tumayo sa harap ko. "Anong oras po ako babalik bukas para ipagpatuloy ang pagpipintura?" Tanong sakin ni Ace at tumango lang ako sa kanya. "Ah, itetext na lang kita. Baka sa susunod na araw na siguro. Wala ka bang pasok?" Tanong ko at umiling lang siya muli. Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi sa akin dahil tinitigan ko lang siya hanggang makalabas ng gate namin. "Mama, kilala mo ba yong may - ari siguro ng hardware dyan sa kanto? Kilala kasi ako." Sabi ko kay mama habang nasa tapat lang ako ng pinto at isinasara niya ang gate namin. Pagtingin niya ay may kasamang pagtataka. Baka hindi niya na natatandaan ang hardware na iyon. "Buhay pa pala ang negosyo ni Mang Totong. Kakilala namin yon ni Tita Aeriella mo. Madalas yon nagdadala ng pagkain sa amin dati." Sagot ni mama at tumango na lang ako. Hindi pa kami makakatulog dito sa bahay dahil hindi pa malinis ang kwarto. Sala at kusina pa lang ang nalilinis. "Maghanap na muna tayo ng hotel at bukas ay babalik tayo dito." Suwestyon ko kay mama pero umiling lang siya sa akin. "Hindi mo ba dinala ang electric fan, kumot at mga unan? Diba sabi ko ilagay mo sa sasakyan mo?" Tanong sa akin ni mama. At umiling lang ako. Mga damit lang ang iniutos niyang dalhin ko. Kinuha ko na ang susi at nagtungo na sa kotse. Hindi ko talaga matandaan kung nailagay ko ba o hindi, titingnan ko na lang. Pagkadating ko sa kotse, nakalagay ang mga ito at may nakadikit na sticky notes. "Call or text me. Aero." Napangiti ako dahil naisip kong siya na ang nagligpit ng mga ito. Isa isa kong ibinaba ang mga electric fan tapos ay ipinasok sa loob. Lumabas din si mama at nagtungo sa kotse. Sumunod na rin ako dahil ayoko siyang magdala ng mabibigat. Kinuha niya ang apat na kumot at ako naman ay mga unan ang binitbit ko. Isa isa nang iniayos ni mama ang higaan namin at nag - otder na lang ako ng makakain namin dahil wala pang gas ang bahay. Kinabukasan, maaga ako nagising at nag - ayos para bumili ng makakain namin. Naka jacket pa ako at naka shorts lang dahil malamig pa ang simoy ng hangin. Mga pansit bihon at lugaw lang ang nabili ko at bagong luto pa. Pagkabalik ko ng bahay, nakatayo na si mama sa labas at nagwawalis. "Ma, kumain ka na muna." Bati ko sa kanya at mabilis niyang inayos ang nawalis niyang kalat. Tahimik lang kaming kumain ng umagang iyon at naisip kong mamili na rin ng mga iba pang gamit sa bahay. Habang nag - aayos ako ng pinagkainan ay nag ring ang phone ko. Unknown caller pa ang nasa screen pero sinagot ko na rin. "Hello, ate. Nandito po ako sa labas ng bahay niyo. Nakuha ko cellphone number niyo sa resibo." Sabi sa akin ni Ace at agad na akong lumabas. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali akong lumabas kahit si Ace lang naman ito. Agad ko siyang pinatuloy sa bahay at inalok na rin ni mama ng pagkain pero nagtungo siya sa mga pintura. "Mamaya mo na gawin yan, Ace." Bungad sa kanya ni mama at agad naman siya sumunod. Tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin pero hindi masabi. Tumikhim ako at umiwas na din ng tingin sa kanya. Para kasi siyang bata umasta. "Sa susunod na linggo, Foundation day namin. Gusto mi ba sumama?" Tanong niya sa akin at walang pagdadalawang isip akong tumango. Hindi ko pa man din nakikita si Genesis sa buongbuhay ko dahil hindi ako interesado noon. Pero ngayon, nagkaroon na ako ng pagkakataon. Makikita ko na rin ang babaeng kinababaliwan ni Aero. "Ma, aalis muna kami ni Ace ha. Pupunta kaming mall. Bibili ako ng mga gamit." Paalam ko kay mama at hindi ko na hiningi ang pag sang - ayon ni Ace. Kung ayaw niya naman sumama, ayos lang. Kung sasama ay mas maigi. "Pero, ate hindi pa ako nakakapag paalam sa tatay ko. Baka hanapin ako non." Pag aalalang sabi niya. "Huwag ka na mag - alala, ako na ang magsasabi kay Totong. Hala sige at baka abutin kayo ng gabi." Sabi sa amin ni mama at agad na kaming lumabas. Hindi pa ako nakaligo pero hindi pa naman ako mabaho ng oras na yon. Pagsakay namin ng kotse, binuksan ko agad ang aircon para hindi mainitan si Ace. "Yosi muna tayo. Palamigin lang natin sasakyan." Sabi ko sa kanya at nagdadalawang isip pa pero kinuha din ang inaalok kong yosi. "Hindi mo brand?" Sabi ko sa kanya at tumango lang siya saka humawak sa tiyan. Baka hindi pa siya kumakain bago nagpunta dito. Tinapos ko na lang ang pagyoyosi ko saka na kami sumakay sa kotse. Nagtungo na muna kami sa pinakamalapit na fast food at pinakain ko siya. Tumatanggi pa nung una pero dahil nandito na rin lang kami, kumain na rin ako. Tahimik lang kaming kumakain ng burger at fries. Wala ako maisip na maging topic namin. Bukod kay Gemesis ay wala na ako ibang kailangan sa kanya. Pagkatapos namin kumain ay namili lang kami ng mga plato at iba pang gamit sa bahay. Pagkauwi, wala si mama sa bahay. Ipinasok na ni Ace ang mga pinamili at agad niyang inumpisahan ang pagpipintura habang ako, inayos ko na ang lahat ng pinamili namin. Nagpapatugtog lang siya habang nagtatrabaho. Dalawang araw din siyang nagpintura sa amin at inayos niya rin ang mga tubo at kable sa bahay tapos ay wala na kaming pagkikita pero panay ang pag - uusap namin sa text. "Goodnight, ate. Maraming salamat po sa lahat." Sabi sa akin ni Ace thru text at di na ako nag reply. Kailangan ko mag focus sa agenda ko na mapalapit si Aero at Genesis. "Mangliligaw ko noon si Antonio, yung may - ari ng hardware. Pero hindi ko sinagot dahil inaalala ko siya." Sabi sa akin ni mama habang nakahiga at nakatitig lang sa akin. "Sa susunod na linggo na ang Foundation Day nila Genesis. Kung gusto mo, papasukin kita." Text ko kay Aero at agad naman siyang sumagot. "Sige, magkita na lang tayo sa tapat ng school nila." Sagot sa akin ni Aero at tinago ko na ang cellphone ko. Ayoko kasi malaman ni mama na tinutulungan ko pa rin si Aero. Hindi niya na pinagpatuloy ang kwento niya pero nanatili akong interesado sa isipan ko. Foundation day nila ngayon at sinundo ako ni Ace ng maaga. Kaunti pa lang ang mga estudyante pagdating namin dahil hindi naman required iyon. Nasa court area lang kami ni Ace at nakaupo lang kami sa sementong bench. "Ate, gusto mo ba ng makakain?" Tanong sa akin ni Ace at tumango lang ako. Umalis na lang siya sa harap ko at hinanap ko agad si Aero. Lumabas ako aandali ng school nila at nakita ko agad si Aero. Naka pantalon lang siya at white t - shirt. Napakasimpleng tao lang manamit talaga ni Aero hindi gaya ng iba na sobrang ma porma. "Mauuna na ako, hahanapin ko lang si Genesis." Paalam sa akin ni Aero at tumango na lang ako sa kanya dahil baka hinahanap na ako ni Ace. Kahit hindi ko pa nakikita si Genesis ay gusto ko na rin siyang makita ng personal dahil interesado ako malaman kung ano ba ang kinababaliwan ni Aero sa kanya. Pagkabalik ko sa court, nandoon na si Ace at hawak hawak ang binili niyang pagkain para sakin. Kumaway lang siya sa akin at initaas ang pagkain. Fishball at kikiam na nasa plastic cup ang bibili niya at may softdrinks na kasama. "Salamat sa pagkain." Sabi ko kay Ace pagkaabot niya sakin ng pagkain. Panay ang pag linga linga ko dahil hinahanap ko si Aero pero hindi ko pa nakikita maski ang anino niya. Baka sa mga oras na to ay kasama niya na si Genesis. Nakatalikod si Genesis at kausap si Aero kaya hindi ko pa rin makita ang itsura niya. Saktong nakatingin ako ng lumingon siya sa gawi ko at halos matumba na ako sa kinauupuan ko. Maganda si Genesis. Morena at pantay na pantay ang balat. Mahaba ang buhok na kulot sa dulo. Wala siyang make up pero kumikinang ang kanyang balat sa sinag ng araw. Nakita kong hawak ni Aero ang kamay niya at ayaw pakawalan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito pala kaganda si Genesis. Akala ko ay common lang ang kanyang mukha. Kitang kita ko rin ang hubog ng kanyang katawan dahil nakapantalon lang din siya at puting tshirt. Kagayang kagaya ng porma ni Aero. Kung hindi ko sila kilala ay mapapagkamalan kong may relasyon sila pero ngayon, alam ko na kung bakit hulog na hulog si Aero sa kanya. Habang inaagaw ni Aero ang kamay ni Genesis ay hinihila niya pabalik ang kamay niya. Sumusunod sa bawat galaw ni Genesis ang kanyang buhok. Hanggang sa lapitan sila ng isa pang estudyante at nilagyan ng posas. Nakita kong may iniabot si Aero sa bata na patago at hinahawakan niyang pilit ang kamay ni Genesis na nakaposas. Pero iba ang sinisigaw ng mga mata ni Genesis. Unti unti ko ng tatanggapin na hinding hindi na magiging akin si Aero at kailangan ko ng ituon sa iba ang atensyon ko. Binalik ko ang tingin ko kay Ace na tahimik lan kumakain habang tinititigan rin pala si Aero at Genesis. "Crush na crush ko yang si Genesis, ate Yna. Kaso masyadong mailap. Third year na kami pero hindi pa namin nababalitaan na may boyfriend yan. Strikto rin kasi ang mga magulang niya." Sabi sa akin ni Ace at tumango lang ako. "Ganon ba? Ayos lang naman yon dahil bata pa siya. Importante mag - aral muna." Sagot ko kay Ace at hindi ko na dinugtungan iyon. "Napakaseryoso mo naman pala ate. Aayain ka sana namin mag - inom mamaya." Sabi sa akin ni Ace at napangiti na lang ako. Dahil kailangan ko rin ilabas ang sama ng loob ko. "Hindi naman porket seryoso ako, hindi na ako nag - iinom. Saan ba?" Tanong ko sa kanya at ngumiti na siya muli. Hindi niya na sinagot ang tanong ko kung saan dahil ipinakilala niya na muna ako sa mga makakasama namin mamaya. Basta ngayong araw lang rin naman ako iinom na kasama siya. Bago magtanghali ay umalis na kami kasama ang mga kaibigan ni Ace at nagtungo sa isang bahay. Walang tao doon pero sobrang linis. Nalaman ko na lang na si Ace ang may - ari noon dahil nabanggit ng isang babae. Panay ang dikit niya kay Ace pero iniiwasan siya nito. Kaya hinawakan ko ang kamay ni Ace sa harap ng babaeng ito pero umismid lang siya. Minsan hindi mo rin talaga malaman ang takbo ng magiging buhay pag - ibig mo. May gusto tayo na hindi natin gusto at gusto natin na hindi naman tayo gusto. Pero kapag sinuwerte, magugustuhan ka rin ng taong gusto mo. Sa sitwasyon ko, gusto ko si Aero pero hindi niya ako gusto ko samantalang abala siya sa kakahabol kay Genesis dahil kitang kita naman na iisa ang nararamdaman nila. Kahit wala ako karapatan masaktan dahil hindi ko naman pagmamay - ari si Aero ay nasasaktan pa rin ako. Ang tunay na nagmamahal ay tunay ding nasasaktan. Tahimik lang ako sa isang sulok habang masaya ang grupo nila Ace na nag - iinom. Dinidibdib ko talaga ang sama ng loob ko. Masakit dahil alam kong tuluyan ng mawawala sa akin si Aero. Panahon na rin para buksan ko ang pinto para sa ibang tao. Kailangan ko rin magkaroon ng kaibigan kagaya ni Ace. Masaya ang grupo nila at puro mga tawanan lang ang nangyayari. Hindi ako nagkaroon ng ganitonfg buhay pero tingin ko ay may pangalawa pa akong pagkakataon para sa masayang buhay na inaasam ko. Pagkatapos ng inuman ay saktong tumawag si Aero at sinagot ko rin naman. "Hello?" Sagot ko sa kanya at nakakaramdam na ako ng pagkalasing pero tuwid pa naman ang paningin ko. Agad akong tumayo at aktong lalabas dahil mahina ang signal sa loob. Tinutlungan ako ni Ace na tumayo kaya napatay ko ulit ang cellphone ko at napakapit na lang ako sa leeg niya. He smells nice. Mas matangkad siya kay Aero at mas may dating rin pala. Sana ay kaedad ko rin talaga si Ace at siya na lang ang nagustuhan ko. Hanggang sa labas ay hinahawakan niya pa rin ako. Pagkatingin ko sa kanya ay sobrang lapit na ng mga mukha namin at hindi ko mapigilan na mapalapit sa kanya dahil si Aero pa rin ang nakikita ko. Hinila ko ang damit niya at tuluyan ko na siyang dinampian ng halik. Tumagal din ng ilang segundo ang halik na iyon dahil alam kong gusto rin ako ni Ace. Hindi man gumalaw ang mga labi namin ay alam kong may kuryenteng dumaloy sa lanya. "I'm sorry. Baka magalit ang girlfriend mo." Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at ngumiti sa akin. "Wala akong girlfriend. Hindi pa niya ako sinasagot pero nahalikan ko na." Matipid niyang sagot at uminit ng todo ang pisngi ko. Hinawakan ko na kang ito at yumuko na dahil naramdaman kong nag vibrate na naman ang cellphone ko. Si Aero uli ang tumawag sa akin. Inayos ko na muna ang sarili ko bago ko sinagot ang tawag niya. Lumayo na rin ako kay Ace dahil baka marinig niya ang usapan namin. May tama pa rin ako pero hindi na kagaya kanina. Salat na para malaman ko ang ilang pangyayari. Nakatingin lang ako kay Ace habang hinihintay kong magsalita si Aero dahil dinig ko sa kabilang linya ang mga tunog ng kalye. Alam kong nagdadrive siya ng oras na to. "Nasaan ka? Susunduin na kita. Nag - aalala si Manang Hilda sayo." Matigas na sabi ni Aero at hindi ko naman sinabi sa kanya kung nasaan ako pero nasundo niya pa rin ako. Tuloy tuloy lang akong sumakay sa kotse nya at wala na sa isip ko ang mga sumunod na pangyayari bukod sa paghalik ko kay Ace.  Panibagong pakiramdam na naman dahil ngayon lang sa buong buhay ko na may isang lalaku ang nakaagaw ng atensyon ko at pakiramdam ko ay magtatagal pa ang nararamdaman kong ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD