Chapter 9

3071 Words
Wala pang isang araw ay nakalabas na ako ng hospital. Hindi naman malala ang nangyari kay mama. Sumikip lang ang kanyang dibdib dahil sa labis na sama ng loob. "Yna, susunduin ba kita diyan?" Tanong sa akin ni Ace habang magkausap kami sa telepono. Wala kasi akong ibang malalapitan bukod sa kanya kaya kahit ayoko tanggapin ang tulong ay wala na akong nagawa pa. "Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko sa kanya dahil halos buong gabi ko rin siyang nakakatext at pati kaninang umaga. Hinahayaan ba sila ng kanyang guro na humawak siya ng cellphone sa loob ng klase? "Meron, pero mas importante ka. Gusto ko nga pumunta diyan at tulungan ka magbantay kay Tita Hilda." Sagot niya sa akin at napahawak na lang ako sa ulo ko dahil parang sa akin niya na pinaiikot ang mundo niya at hindi ko naman gusto na gawin niya yon sa akin. Hindi ko na rin gusto na palagi kaming magkausap pa. Ang gusto ko ay mag focus siya sa pag - aaral niya at sa buhay niya bilang teenager. Mas gusto ko pang makipag bonding siya sa mga kaibigan niya o kaya ay guamwa siya ng mga project niya. "Wag na. Magtataxi na lang kami." Sagot ko sa kanya at sumang - ayon naman siya sa akin. Pagkatapos kong asikasuhin ang mga papeles ni mama ay pinuntahan ko na siya uli sa kanyang kwarto. "Yna, huwag mong masyadong isipin ang nangyari sa akin. Wala kang kasalanan." Sabi sa akin ni mama ng tabihan ko siya at ayusin ang mga damit niya at gamot. "I'm sorry ma. Ayoko lang kasi na may ipapagawa na naman si Aero sa atin na hindi natin gusto kaya balak kong ibalik ang pera na ibinigay niya. Pero kailangan na natin gastusin iyon." Sagot ko sa kanya at umupo na lang ako sa kama saka hinawakan ang kamay niyang may dextrose. "Hayaan na at tapos na rin naman. Asikasuhin mo na ako at para makauwi na rin." Sabi niya sa akin at tinulungan ko na lang siyang tumayo at binihisan ko na rin. Hindi na kami nagsalita pa ni mama hanggang sa makauwi kami. Ayoko rin kasi na mapagod siya sa kakaisip kung ano ang dapat gawin. Parehas lang naman kasi kaming tumanggap ng pera galing kay Aero pero mas maigi na ako na lang ang makakatanggap at mahirapan kesa naman si mama pa ang hingian ng pabor ni Aero. Paglabas ko ng hospital, nakita ko na doon si Ace at may naghihintay na rin sa aming taxi. Lumapit siya agad at kinuha sa akin ang mga gamit ni mama at inalalayan na rin niya ito pasakay ng taxi. "Kamusta na pakiramdam niyo?" Tanong ni Ace kay mama pero pagtingin ko ay tulog siya kaya sumenyas na lang ako na huwag na lang maingay. Tumango na lang siya at hinawakan ang kamay ko. Magkakatabi kasi kami sa likod at nasa gitna namin si mama. Hinigpitan niya ang kapit niya sa akin at ganon na rin ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa bahay. "Ako na ang magbabayad dahil ako naman ang tumawag sa taxi." Sabi niya sa akin ng kinuha ko ang pitaka ko. Hindi na ako umapila dahil totoo naman ang sinasabi niya at hindi ko naman siya pinilit na magbayad. "Magpapahinga na muna ako. Kayo na muna diyan ni Ace." Pagpapaalam sa amin ni mama at pumasok na siya sa kwarto. Tahimik lang kami ni Ace at nagpapakiramdaman pero gusto ko na siyang mag - aral at wag sa akin lagi ang oras niya. "Wala ka bang mga assignments or projects?" Tanong ko sa kanya at umiling lang siya. "Wala. Pinagawa ko na sa mga kaklase ko." Matipid niyang sagot sa akin at parang naiilang ako. Mayaman ba siya para magpagawa lang sa mga kaklase niya. "Alam mo, ikaw na lang ang gumawa. Wag kang masyadong tamad." Sagot ko sa kanya at tumawa lang siya sa akin. Humarap siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Hindi na kailangan, kung tutuusin, kahit hindi na ako mag - aral ay wala naman problema. Kailangan ko lang kasi ng diploma para makapagtrabaho sa--" Natigil niyang sabi sa akin at agad na siyang tumayo para magpaalam. Ang itsura niya ay parang nagulat at may hindi dapat sabihin pero nabitawan niya pa rin. Hindi ko alam kung ano yon at wala na akong balak alamin pa dahil sikreto naman niya siguro yon. "Sige kung may gagawin ka, pwede mo naman ng gawin at may mga pupuntahan pa ako." Sagot ko sa kanya at hinayaan ko na siyang lumabas ng bahay. Araw ng Prom Night ni Ace at maaga akong nagising kahit wala pa ang dress na inorder ko. "Anong isusuot mong dress mamaya madam?" Tanong sa akin ng inupahan kong Hairdresser at Nail Artist. Kakarating niya lang kasi at naghintay siya ng ilang minuto dahil kakatapos ko lang maligo at pinatutuyo pa namin ang buhok ko. "Mermaid Red Sequins Halter Prom Dress ang nakalagay na description." Sagot ko sa kanya at ipinakita ko na rin ang piraso ng magazine kung saan makikita ang ganoong damit. Nakahugis bilog ang labi niya at manghang mangha rin sa damit na ipinakita ko. "Bongga ka dyan madam. Baka ikaw ang maging center of attraction!" Sabi niya sa akin at inumpisahan niya ng ayusan ako. Alas kwatro na ng hapon ay nag - umpisa na siya. Alas syete pa naman ang simula pero mas maigi na maaga kami matapos at baka matagalan siya sa pag - aayos niya. Pagharap ko sa salamin, parang hindi ko makilala ang sarili ko. Pakiramdam ko ay naging bagong tao talaga ako. "Tao po!" Narinig kong sabi ni Ace pero nakasilip na siya sa pintuan namin. He is the most handsome i've ever met. Kulay blue na suits ang suot niya na parang pupunta sa isang kasal. Ternong terno sa suot kong kulay pulang dress, "Ace, pasok ka!" Bati sa kanya ni mama at agad naman siyang tumuloy at umupo lang sa monoblocks. Pinagtabi na lang nila kami at agad itinapat sa akin ni mama ang camera. Hindi ko alam kung saan niya kinuha iyon. Kung binili niya ba or hiniram niya lang sa kapitbahay. Ilang sandali pa, may bumusina na sa tapat ng bahay namin at mabilis pa sa alas kwarto sa paglabas ni Ace. "Tara na, baka hindi natin maabutan yung kausap natin para makapasok ka." Pagyaya sa akin ni Ace at agad akong sumunod sa kanya. Mabilis kaming nakarating sa venue ng Prom, hawak hawak lang ni Ace ang kamay ko habang naglalakad. Wala siyang pinapansin sa mga tao na bumabati sa kanya dahil abala siyang hanapin ang nag - aasikaso ng entrance. Hindi kasi pwede ang hindi naman nag - aaral sa eskwelahan nila dahil para lang iyon sa lahat ng mag - aaral. Ilang sandali lang ay nauna kami sa pila. Iniwanan muna ako ni Ace at kinausap ang bouncer na nakatayo sa entrance at itinuro niya ako. Kumaway sa akin ang lalaki at ginaya ko lang rin ang ginawa niya. Napansin kong inabutan siya ni Ace ng pera. Napangiti na lang ako sa ginagawa niya kahit mali ang mangsuhol ng kapwa, pero para sa akin ay ginagawa niya. "Halika na." Tawag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero agad siyang napatigil ng tumingin siya sa akin. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang pawis sa noo ko. "Hindi ko pa pala nasasabi na maganda ka ngayong gabi." Bulong niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Para akong nasa alapaap dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi ko na rin napansin na nasa loob na kami at panay na ang pagbati ng iilan kay Ace. Kilala pala siya sa eskwelahan na ito kaya siguro madami rin siyang pwedeng pagawaan ng mga assignments at projects niya. Dagdag pa na may kaya sila sa buhay. Kailangan ko na siguro kilalanin siya ng husto. Madami kami sa table pero ang atensyon ni Ace ay nasa akin lang. Kapag may babaeng gustong kumausap sa kanya ay hindi niya pinapansin. Ngingiti lang siya at tatanggihan ang pag - aalok nilang isayaw si Ace. "Bakit hindi mo sila paunlakan? Isayaw mo sila. Huwag mong sirain ang pangarap ng mga babae na isayaw ang taong gusto nila sa Prom Night." Saway ko sa kanya matapos dumaan ng ika - sampung babae para yayain si Ace. "Pinagtatabuyan mo ba ako?" Tanong niya sa akin at kumunot naman ang noo ko. Totoo naman kasi na ang gabing ito ang isa sa pinaka importanteng gabi ng isang babaeng mag - aaral. Dahil ngayon lang nila makakasama ang taong gusto nila at ilang segundo lang naman iyon. "Hindi naman sa ganon, ang gusto ko lang, magsayaw ka naman kahit isa o dalawang babae." Pagdadahilan ko sa kanya at tumango naman siya. Maraming babae ang nag - ayos ngayong gabi para mapansin ng taong hinahangaan nila. May iba dito na mas maganda at inaalok si Ace ng sayaw pero tinanggihan niya talaga. "Sige, kapag may nagustuhan akong isayaw pero sa ngayon, ikaw lang talaga ang gusto ko." Sagot niya at agad uminit ang pisngi ko kaya ibinalik ko sa iba ang atensyon ko. Saktong paglingon ko ay nakita ko si Aero at kasama si Genesis. Nakapasok rin pala siya at marahil kagaya ng ginawa ni Ace ang kanyang paraan para makapasok. Pero paano kaya nalaman ni Aero ang tungkol sa Prom Night? "Ako ang nagsabi kay Aero na Prom Night namin ngayon dahil malakas ang tama niya kay Genesis." Sabi sa akin ni Ace kahit hindi naman ako nagtatanong sa kanya. Sinundan niya rin ng tingin sila Genesis at Aero. "Mukhang nahanap ko na ang isa sa gusto kong isayaw ngayong gabi." Bulong niya muli sa akin pero kay Genesis lang ang atensyon niya. Hindi kasi mapapagkaila ang ganda ni Genesis ngayon. Halatang pinaghandaan niya rin. Hindi ko maalis sa sarili ko ang insecurities sa loob ko dahil si Genesis ang dahilan kaya hindi ako magustuhan ni Aero. "Sino naman ang natipuhan mo? Si Genesis? Madami naman iba dyan." Matabang kong sagot sa kanya at napansin kong bumungisngis lang siya sa sinabi ko. Sinabi ko ang insecurities ko sa pabirong paraan at alam kong naiintindihan niya naman iyon. Pwede ang kahit sino, huwag lang si Genesis. May posibilidad rin kasi na magselos si Aero at magdulot iyon ng gulo, mapahamak pa sila at pati ang mga taong nagpapasok sa amin dito dahil outsider kami. "Joke lang. Baka bigla akong sapakin ni Aero dahil hinawakan ko ang babaeng gusto niya." Sabi ni Ace sa akin at parang nababasa niya ang nasa isip ko. Parehas kasi silang lalaki ni Aero kaya alam niya ang paraan ng isang lalaki, ako naman, matagal ko nang kilala si Aero kaya alam ko kung paano siya mag - isip. "Mag - uumpisa na ang kotilyon namin. Kasali sana ako diyan pero tumanggi ako dahil gusto ko ikaw unang isasayaw ko at ang mga pinili diyan ay magkakarelasyon talaga para walang selosan na magaganap." Pagpapaliwanag sa akin ni Ace at naisip kong masyado na talagang agresibo ang ilang mga kabataan kaya madami ang nagiging batang ina. Dalawang sayaw ang ginawa nila at pagkatapos nag anunsyo na sila sa kanilang King and Queen of the night. Si Ace ang napiling Prom King at ang Queen naman ay babaeng hindi ko kilala. Akala ko pa naman ay si Genesis ang mapipili pero ng hinahanap ko sila ay hindi ko na makita kahit anino nila. Pagkatapos ibigay ang kanilang award, nagbigayan na nang pagkain. Mabilis lang kaming kumain ni Ace dahil hindi ko gusto ang pagkain na inihanda. Tinapay, kanin at lumpia lang ang nasa loob ng styrofoam tapos ay isang bote ng tubig. Kahit gutom ako ay tiniis ko na lang. Maya maya ay nag - umpisa na ang sayawan para sa lahat. Tumayo si Ace at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon at ipinatong niya sa balikat niya. Hinigit niya ang baywang ko at mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Umaapoy sa pagnanasa ang nakikita ko sa kanyang mga mata habang dinadala niya ang katawan ko sa sayaw na siya lang ang nakakaalam. Matagal niya naman na pagmamay - ari ang katawan ko kaya kahit pigilan ko ang paggalaw ay siya na ang kinikilalang amo nito. Hindi ko inaalis ang mata ko kay Ace at ganon rin siya. Ang nasa isip ko ay kaming dalawa lang ang tao sa entablado at kahit ang tugtog ay hindi ko na rin marinig, bukod sa t***k lang ng puso namin. "So, umattend ka ng Prom, ibig sabihin ba nito ay sinasagot mo na ako?" Tanong niya sa akin nang magpalit kami ng postura. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa batok niya at ang kamay niya ay nasa baywang ko. May sinenyasan si Ace na isang lalaki at lumapit ito sa amin para ibigay ang bouquet. Puro pulang rosas iyon at talagang pinaghandaan. "Lovelyna Meredith Jaime, please be my girl!" Sabi niya sa akin at lumuhod pa siya sa harap ko saka iniaabot ang bulaklak. Namula ako sa kahihiyan dahil sa biglang tumigil sa pagsasayaw ang lahat at tinitigan lang kami. Pinalo ko ang balikat niya para tumayo siya pero ayaw niyang sumunod sa akin kaya wala na akong magagawa. Hinalikan ko ang labi niya saka lang siya tumayo. Niyakap niya ako ng mahigpit at naghiyawan ang iilan sa nakakita ng ginawa namin Unang beses na nakaranas ako ng ganitong pag amin. Noong high school ako ay hindi naman ganito ang ginagawa sa akin. Minsan ay ligaw kalye lang ang paraan ng mga kilala ko at halos hindi tumatagal ay sumusuko rin sila. Pero iba si Ace sa lahat. Grow old with you ang tugtog ng oras na iyon kaya damang dama ko ang lyrics. Gusto niya ba na ako na talaga ang makasama habang buhay? Kasi kung hindi, handa naman ako bitawan siya. "Nirequest ko talaga yang kanta na yan. Please be with me for the rest of my life." Bulong niya sa akin at maluluha na ako dahil sa samu't saring emosyon ang nararamdaman ko. Masaya, malungkot, takot at pangamba dahil sa hindi ko masasabi ang mangyayari sa mga susunod na araw pero ngayon, sarili ko lang ang pipiliin ko. "Yes. I will!" Sagot ko at nag - umpisa na kaming sumayaw ni Ace. Ibinalik ko ang kamay ko sa batok niya at ang kanya ay nasa baywang ko ulit. Damang dama ko ang gabing iyon dahil alam ko sa sarili ko na madami pang gabi ang ipaparamdam sa akin ni Ace kung gaano niya ako kamahal. Natapos ang Prom at talagang ako lang ang isinayaw niya. Paglabas namin, nag - aabang na ang inupahan na sasakyan ni Ace pero nakita kong ang kanyang amain ang nagmamaneho nito. "Isinama ko na si Hilda at ayoko rin naman mag - isa ang kaibigan ko, baka mamaya atakihin na namin. Halina at kumain na muna tayo sa labas." Sabi sa amin ni Armando, ang kanyang amain. Nalaman kong iyon ang kanyang pangalan dahil sa pagtawag ni mama sa kanya. Nasa loob lang ng kotse si mama. "Saan niyo gustong kumain?" Tanong ni Armando sa kanyang anak at may ibinulong iyon sa kanya. Tumango lang ang amain niya saka nagsimulang magmaneho. Magkahawak kamay lang kami ni Ace buong byahe at sila mama at Armando ay nagkekwentuhan naman. "Kamusta Prom Night mo anak?" Tanong ni Armando kay Ace at itinaas niya lang ang kamay namin. Natawa naman si Mama at si Armando ay bumungisngis lang. Natigil kami sa isang mamahaling restaurant. Pagkababa nila, doon ko lang napansin na nakadress rin pala si mama at si Armando ay naka polo naman. Baka magmukha silang katatawanan kapag kaming dalawa ay naka suits at dress tapos sila ay casual lang ang suot. Parehas na parehas ang mag ama sa ginawa nila sa amin ni mama. Pinagbuksan ako ni Ace ng pinto at ganon din si Armando kay mama. Pakiramdam ko ay may nakaraan sila pero dahil sa ugali ng aking ama, hindi sila nagkatuluyan. Kagaya ng kwento ng mga magulang ni Genesis at Aero. Malaking hadlang sa kasiyahan ng tao ang mga Jaime. Isang bigatin na restaurant sa BGC ang pinuntahan namin. Parang pang mayaman talaga ito at ang karamihan ng mga kumakain ay ibang lahi at artista. Hindi ata nababagay ang isang katulad ko sa ganitong klaseng kainan. Pagdating namin, may reservation pala ang mag - ama. Binanggit lang kasi ni Ace ang pangalan niya at may nag guide na sa amin na isang waiter. Inalalayan kami nila Ace sa pag - upo, maya maya pa, dumating ang isang lalaki at binigyan kami ng menu saka nilagyan ng tubig ang baso namin. Wala akong naintindihan sa menu at naisip kong igaya ko na lang sa mga napapanood ko sa mga teledrama na puro steak ang inoorder tapos ay wine. "Excuse me, may reservation na ako." Sabi ni Ace sa waiter at kinuha niya ang menu sa amin. Baka hindi ko magustuhan ang iniorder niya dahil first time ko lang kumain dito. Pero dahil si Ace naman yan, tiwala naman akong masarap ang kakainin namin. Gutom na rin kasi ako, hindi ko na rin mararamdaman ang lasa ng pagkain dahil sa gutom ko. Naghintay lang kami ng ilang minuto at dumating na ang pagkain namin. Appetizer pa lang ang dumating. Salad iyon at tag iisang plato kami. May oras ang pagdating ng pagkain dahil hindi pa ako tapos kumain ay kinuha na agad ang plato ko saka inilagay ang main course. Hindi na ako nakadalawang isip na magpatagal kumain dahil baka hindi pa ako tapos ay kuhain na agad ito. "Relax. Appetizer lang naman kasi yon kaya may oras." Sabi sa akin ni Ace kaya dahan dahan na ulit akong kumain. Pagkatapos iserve ang main course namin, sinunod na ang wine tapos ay dessert. Habang dessert namin ay dumating ang mga musikero ng restaurant. Napakarami talagang pakulo ng mag - amang ito. Hindi naman ako tutol kung sakaling mag - asawa muli si mama pero paano naman kami ni Ace kung sakaling maging sila? Pero kung doon magiging masaya si mama ay hindi ako tutol dahil kung saan magiging masaya si mama ay doon ako susuporta. Hinawakan ni Ace ang kamay ko at buong akala ko ay para kila mama ang pagtugtog pero hindi. Para sa amin pala yon. Itinayo ako ni Ace at dinala sa stage saka kami pinalibutan ng mga musikero at nagsimula na si Ace sa pagsayaw sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD