Alas nuebe na ng gabi matapos kami ni Ace. Medyo lasing pa ko pero kinaya kong bumangon para asikasuhin siya kahit pagod pa ako.
"Dito ka na kumain ng hapunan." Bulong ko kay Ace pero ang paghinga niya lang ng malalim ang narinig ko. Nakadantay ako sa kanyang dibdib kaya dinig na dinig ko ang pagtibok ng puso niya.
"Huwag na, sa bahay na ako kakain. Wala pa ba si Tita Hilda?" Tanong niya sa akin at doon lang sumagi sa isip ko ang pag - uwi ni mama. Ang alam ko ay madaling araw ang uwi ni mama ayon sa iniwan niyang sulat sa akin at hindi ko masyadong iniintindi kung uuwi si mama o hindi dahil mas importante ang kasama ko si Ace.
"Hindi siya uuwi ngayon. Nasa Cavite siya at may pinuntahang kaibigan." Sagot ko sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit at matagal.
"Sige, dito na lang ako kakain at matutulog. Kung ok lang sayo pero uuwi pa rin ako para magpaalam." Sagot niya sa akin at napangiti na lang ako. Gusto ko rin sanang hilingin sa kanya na dito na siya matulog pero inunahan na ako ng hiya.
"Magpahinga ka na muna. Magluluto lang ako." Sabi ko kay Ace at agad na akong bumangon saka nagbihis. Hindi ko na pinabangon pa at dadalhin ko na lang dito sa sa kwarto ang pagkain namin. I really want to spend my time with him.
Mahapdi pa rin ang p********e ko pero tiniis ko na lang dahil ako ang babae, kaya ako ang kailangang mag - asikaso sa amin. Pero nang palabas na ako ng pinto, nakita ko siyang bumangon din at nagbihis.
"Sasamahan na kita magluto. Nakakahiya naman at baka napagod ka ng sobra." Sabi niya sa akin at hinintay ko na lang siya matapos sa pagbibihis. Magkasunod na kang lumabas.
"Ikaw ang magpahinga. Mukhang masakit pa sayo eh." Nakangising sabi niya sa akin at inumpisahan niya na ang pagluluto. Umupo na lang ako at pinanood ko siya magluto kahit pritong hotdog lang naman ang uulamin namin.
"Ngayong may nangyari na sa atin, ano na ba tayo?" Tanong sa akin ni Ace at napatigil ako sa pagkain ng hapunan. Ngayon na rin ba dapat ay sagutin ko siya? Pero tama naman ang punto niya dahil sa may namagitan na sa amin. Pero hindi pa ako handang pumasok sa relasyon. Ang gusto ko lang ay maging masaya.
"Hindi ko pa alam. Pwede bang sa susunod na natin yan pag - usapan. Sobrang napagod talaga ako ngayon, gusto ko na magpahinga." Sagot ko sa kanya at nagligpit na ako ng pinagkainan. Nauna na siyang umalis at pumunta sa kwarto. Ang akala ko ay uuwi siya sa kanila pero nagbago ata ang kanyang isip dahil sa sinabi ko.
Naguguluhan pa rin ako sa kung ano ang pwedeng mamagitan sa amin ni Ace pero ang nangyari sa amin ngayong gabi ay malinaw na dala lang ng alak at bugso ng damdamin. Pakiramdam ko ay napagsamantalahan ako dahil mahina ako ngayong gabi at ayoko na maulit ang pagiging mahina ko.
Pagbalik ko sa kwarto, nakahiga na siya pero tila malalim ang iniisip. Ginawa niyang unan ang kanyang braso kaya dahan dahan akong humiga sa dibdib niya at pinakinggan muli ang t***k ng puso niya. Hindi naman siya gumalaw ng ginawa ko iyon pero dama ko ang malalim niyang hininga.
"Ang akala ko ay uuwi ka para magpaalam?" Tanong ko sa kanya pero nakita ko siyang nakapikit na at parang bata na mahimbing ang tulog. Hindi ko na lang siya ginising pa. Lumayo na lang ako sa kanya at nakaramdam na rin ako ng antok dahil sa sobrang pagod ko.
Pagkagising ko, hindi ko na namalayang wala na si Ace sa tabi ko. Kinapa ko pa ang tabi pero wala na talagang tao kaya agad na akong napabangon kahit masakit pa rin ang likod ko at p********e ko. Nagtungo na muna ako sa kusina dahil may naamoy akong bagong saing. Dumating na si mama at wala na si Ace sa bahay.
Maayos na rin ang unan at kumot na ginamit ni Ace pati ang ilang gamit ko na nalaglag dahil sa ginawa namin. Malinis na rin ang kwarto. Inayos na muna siguro ni Ace ang bahay bago siya umalis.
"Madaling araw na ako nakauwi. " Sabi sa akin ni mama at nginitian lang ako. Ngumiti rin ako sa kanya at nanahimik na lang dahil alam kong wala siyang alam sa amin ni Ace. Umalis ng madaling araw si Ace o baka hinintay niya lang akong makatulog ng mahimbing at umalis na agad.
"Kumain ka na. Mamaya ay pupunta dito si Aero." Sabi sa akin ni mama at tumango lang ako. Huwag sanang mabanggit ni Aero ang tungkol sa sagutan namin kahapon dahil alam niya namang hindi alam ni mama na tumatanggap pa rin ako ng trabaho sa kanya.
lakad kami ni Ace mamaya." Matabang kong sagot sa kanya at umalis na ako sa kusina pagkatapos kong kumain. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero tiniis ko na lang kumain.
"May gagawin ka ngayon? Diyan ako magmimiryenda sa inyo, ano gusto mong kainin?" Text sa akin ni Ace. Bugtong hininga na lang ang nagawa ko at ayoko nang sagutin pa ang tanong niya. Hindi ko rin gusto na pupunta pa siya dito dahil ayoko na rin maging sunod sunuran kami sa kanya ni mama.
"May lakad ako. Huwag mo muna akong kausapin." Sagot ko na lang sa kanya at pinatay ko na ang cellphone ko. Nag - ayos ako ng gamit ko at walang paalam na umalis. Gusto ko maglabas ng sama ng loob.
Agad akong nagtungo sa kung saan namin tinatago ang magkapatid na Mary at John. Namili na muna ako ng damit sa palengke para sa kanila at papaliguan ko sila muli. Kapag kaming dalawa ni Aero ang pumupunta doon, kailangan kong ipakita na hindi ko inaasikaso ng maayos sila Mary at John pero kapag ako lang mag - isa, maayos ang ginagawa kong pag - aalaga.
Isang oras din ang tinahak ko bago ako makarating doon. Pagkabukas ko ng pinto, agad kong tinungo ang magkapatid at tulog na tulog pa sila. Dala ko ang mga binili kong damit at tuwalya at inilapag ko na agad sa lamesa. May pagkain pa sila ng ilang araw kaya hindi ko na muna sila binilhan ng makakain.
"Pasensya na kayo, alam niyo naman kapag nandyan si Aero." Bati ko sa kanila tapos ay inayos ko na ang mga gamit pangpaligo pati ang hose. Inilagay ko ang timba sa gitna kung saan maabot nila parehas ito tapos ay agad ko ng inalis ang kadena nila sa kamay. Humarap na lang ako kay Mary dahil walang saplot si John kung maligo.
"Hanggang kailan kami magiging ganito?" Tanong sa akin ni Mary pero nakita kong nakatingin siya sa likod niya. Hindi naman ako maabot ni John pero bigla na lang ako itinulak ni Mary, dahilan para masakal ako ni John.
"Mamatay ka na!" Sigaw niya sa akin at mas humigpit ang kapit niya sa leeg ko. Malapit na akong malagutan ng hininga at dumidilim na ang paningin ko pero pinilit kong abutin ang bulsa ko.
"Ahh!!" Hiyaw ni John dahil sinaksak ko siya ng dala kong balisong at pilit niya pa akong hinihila pero hindi niya na magawa dahil sa ginawa ko sa kanya. Sinuntok ko pa ng isang beses ang kanyang mukha at agad siyang napayuko. Hindi ko inaalis sa aking katawan ang balisong lalo kapag paparito ako para asikasuhin sila. Ito ang unang beses na mangyari ito sa akin.
"Gusto mo ikaw na ang maunang mamatay ha?!" Sigaw ko sa kanya at sinabunutan ko ang kanyang buhok. Bakas sa kanya ang sakit pati ang galit niya dahil sa wala siyang magawa para makaganti sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya at diniinan ko ito. Nakita ko ring bumaon na ang aking kuko sa kanyang pisngi.
"Sa susunod na ulitin mo yan sa akin, papatayin ko sa harapan mo ang kapatid mo." Sigaw ko sa kanya at dinuraan ko pa ang kanyang mukha. Agad kong nilagay ang posas sa kanyang kamay at nilapitan ko si Mary para lagyan din siya ng posas.
"Kasalanan ng kapatid mo." Sabi ko kay Mary at sinampal ko siya ng kaliwa't kanan. Agad namula ang pisngi niya at para hindi siya makapagsalita, nilagyan ko ng busal ang kanyang bibig.
Walang pagdadalawang - isip ay sinaksak ko uli ang braso ni John at agad naman uli siyang namilipit sa sakit. Tinutok ko ang balisong kay Mary para mapakita kay John na kayang kaya kong gawin ang sinabi ko. SInipa ko ang mukha ni John saka lumayo na sa kanilang dalawa.
"Hintayin niyo lang, makakalaya rin kayo, ihahatid ko pa kayo sa impyerno." Singhal ko sa kanila. Kitang ko ang sakit na nararamdaman ni John pero wala na akong nararamdaman na awa para sa kanilang dalawa. Tuloy tuloy lang ang pag daloy ng dugo ni John habang masama ang tingin sa akin.
"Napakawalanghiya mo talaga." Sigaw niya sa akin at nilagyan ko na rin ng busal ang kanyang bibig dahil baka may magawa lang akong masama sa kanya kapag nakapagsalita pa siya. Nilinis ko ang balisong ko saka ko itinago agad. Tinitigan ko pa sila bago ako tuluyang umalis.
Pagkalabas ko ng kwarto nila, sumandal muna ako sa pinto at saka ko inilabas ang sama ng loob ko. Sunod sunod ang pagpupunas ko ng luha hanggang sa gumaan ang nararamdaman ko.
"Kaya mo yan, Love." Bulong ko na lang sa sarili ko at inayos ko na ang itsura ko tsaka naglagay ng lipstick at umalis na sa bahay na iyon. Gulong gulo pa rin ang isip ko hanggang makauwi ako. Pagpasok ko, nag - uusap sila mama at Ace. Magkasabay pa silang napatingin sa akin. Biglang tumayo si Ace at inialok ang upuan niya.
"Akala ko ba, may lakad kayo ni Ace? Dalawang oras na siyang naghihintay sayo. Pakainin mo na muna siya." Utos sa akin ni mama at para akong bata na hindi alam ang gagawin kapag may bisita ako.
Pagkatingin ko kay Ace, sobrang maaliwalas ang kanyang mukha at parang napapasa sa akin iyon. Huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa kamay tapos ay ngumiti kay mama.
"Mama naman! Parang bata ako kung utusan," Pabiro kong sabi sa kanya at humarap din ako kay Ace. "Ikaw naman, pasensya na kung natagalan ako. Halika na at kumain na tayo. Ma, sumabay ka na sa amin." Sabi ko ulit kay mama at nagpunta na kami ni Ace sa kusina.
"Mamaya na ako. Kumain na ako kanina. Ayaw kasi ni Ace na ako ang kasabay kumain." Masiglang sabi ni mama. Nang lingunin ko siya, sumesenyas ang kanyang kamay na pinapaalis kami. Ngumiti na lang ako kay mama tsaka siya tumalikod.
Kahit hindi pa maayos ang bahay, nahati naman na ang kusina at may harang lang na kurtina. Gusto ko sanang ipaayos ang bahay pero baka magtaka si mama kung saan ko kinukuha ang pera. Ayoko naman sabihin na galing kay Aero dahil may usapan na kami na hindi na tatanggap ng kahit ano galing kay Aero.
"Kala ko ba, aalis tayo?" Tanong sa akin ni Ace pagkaharap ko sa kanya. Nakaupo na siya sa harap ng lamesa namin na maliit lang naman.
"Nakalimutan ko, may biglaan kasi akong lakad." Sagot ko sa kanya at hindi na siya muli pang sumagot sa sinabi ko dahil agad na ako naghanda ng makakain namin. Adobo lang ang biniling ulam ni mama at baka hindi magkasya sa amin.
"Busog ako, ikaw na lang ang kumain." Sabi ko sa kanya ng ilapag ko plato para sa kanya at agad naman kumunot ang noo niya. Hinila niya ako at iniupo sa kanyang hita. Agad akong kumawala pero ikinulong niya ako sa kanyang bisig kaya hindi na ako nakakilos pa.
"Eat with me. Simula ngayon, masanay ka na dahil kasama mo na ako sa pagkain." Malambing na sabi niya sa akin at agad niya akong sinubuan ng kanin at ulam. Hindi na ako nakatanggi pa dahil baka magkalat pa ang pagkain. Sinubo ko na lang iyon at agad siyang ngumiti.
"Good girl." Sunod niya pang sabi sa akin at sarsa na lang ang inuulam niya pero lahat ng manok ay sa akin niya pinakakain. Natapos kami na nasa ganoong posisyon lang at kahit kukuha na ako ng tubig namin ay ayaw niya.
"Miss na miss kita." Bulong niya sa akin at dinampian niya maraming halik ang braso ko. Bumubugso na ang nararamdaman ko para sa kanya pero hinding hindi pa rin ako magpapatinag sa panunuyo niya.
"Wala pang isang araw simula ng hindi tayo magkita, miss mo na agad?" Sagot ko sa kanya at may halong pang kailang dahil sa hindi ko pa naman kinukumpirma kung anong meron sa amin pero baka sa isip niya ay kami na.
"Ace.." Naputol na sasabihin ko dahil sa bigla niyang idinikit ang hintuturo niya sa labi ko. Napatitig na lang ako dahil bigla na lang sumeryoso ang mukha niya. Kinabahan na naman ako dahil baka traydurin na naman ako ng sarili kong katawan.
"May nangyari na sa atin at handa akong panagutan ang lahat." Sagot niya at sobra sobra ang kuryenteng dumaloy sa akin dahil sa sinabi niya. Ang salita niya na parang may awtoridad sa sarili kong katawan. Simula ng makilala ko siya ay parang pagmamay - ari niya na ang katawan ko.
"No. Ako ang magdedesisyon kung ano ang mangyayari sa atin." Matikas kong sabi sa kanya at agad naman akong lumayo sa kanya dahil naiinis na naman ako. Para kasi akong minamanduhan kahit alam ko sa sarili ko na ako ang dapat masusunod.
Hinawakan agad ni Ace ang aking kamay at walang pasubali niya akong hinila papunta kay mama. Hinalikan niya pa ang kamay ko saka lumuhod sa harap ni mama.
"Tita, gusto ko pong ipaalam sa inyo na nililigawan ko na po ang anak niyo." Sabi niya sa akin at hinila ko agad ang kamay ko saka hinawakan ang balikat niya.
"Ace, ano ba! Tumayo ka nga diyan. Nasisiraan ka na talaga." Saway ko sa kanya at agad akong pumasok sa kwarto at inilock iyon. Sumandal lang ako sa pinto habang kumakatok sila Ace at mama.
"Love, papasukin mo ako." Sabi ni mama at agad kong binuksan ang pinto. Tinapunan ko lang ng tingin si Ace habang pumapasok si mama at hindi ko na siya binigyan ng kahit anong emosyon.
"Mahal mo na ba si Ace? Nararamdaman kong may pagtingin ka na sa kanya, anak, kung sa kanya ka magiging masaya ay walang problema sa akin. Pasensya na sa sinabi ko noon. Kung talagang gusto mo siya ay hindi na ako tutol pa." Sabi sa akin ni mama at agad dumaloy ang luha ko.
Lahat ng sama ng loob at mga pagpipigil na makasama si Ace ay nailabas ko ng oras na iyon dahil para sa akin, tutol sila sa lahat ng mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Ngayon sa kauna - unahang pagkakataon, nakakilala ako ng taong makakapagpasaya sa akin at gusto akong makasama.
"Opo, mama. Kung sakaling hindi niya ako matatanggap ay walang problema sa akin. Ang mahalaga naman, nakilala ko siya at naging parte siya ng buhay ko." Sagot ko kay mama at niyakap niya ako ng mahigpit.
Kung pwede lang ay alisin na lang namin sa buhay namin si Aero dahil sa kanya nagsimula ang lahat ng kamalasan naming mag - ina. Nabayaran naman na namin ang lahat ng tulong na nagawa niya para sa amin dahil sa tuwing may ibibigay siyang tulong, pagkatapos ng ilang araw ay may ipapagawa siya sa amin ni mama.
Kaya ngayon, wala na kaming kahit anong utang pa kay Aero at pwede na namin siyang hindi kausapin at bigyan ng atensyon.
"Tanggapin mo na ang inaalok ni Ace, kung hindi baka magbago pa ang isip niya at hindi ka na makahanap ng kagaya niya." Utos sa akin ni mama kaya agad akong lumabas ng kwarto pero wala na siya. Maliban sa iisang papel at may nakasulat doon.
"Biyernes sa susunod na linggo, Prom Night na namin. Alas syete ng gabi. Attending means you want me too, - Ace." Napangiti na lang ako sa pinagsasabi niya. Hindi na kailangan ng ganito pero gusto ko pa rin na habulin ako ni Ace kahit na may nangyari na sa amin.
Lumabas din si mama sa kwarto at tumayo sa tabi ko. Tiningnan niya na rin ang sulat at agad akong tinapik sa balikat.
"Kailangan mo ata magpaganda at bumili ng gown. May budget ka ba dyan?" Suwestiyon sa akin ni mama at natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Mama, hindi ko kailangan yan. Natural beauty lang, ayos na kay Ace." Sagot ko pero umiling iling lang siya.
"Mas maganda kung mag - aayos ka para mapakita mo kay Ace na pinaghandaan mo ang okasyon na to. Huwag kang mag - alala, binigyan ako ni Aero ng pera." Sabi sa akin ni mama at agad akong nakaramdam ng pagkairita.
"Ma, alam mo naman ang ugali ni Aero. Sana ay hindi mo tinanggap." Sagot ko sa kanya at may halong pagkainis dahil alam naman niya na may kapalit na naman ang pag bibigay ni Aero.
"Anak, alam mong kailangan natin ng pera. Bago ko kinuha ito kay Aero, siniguro ko munang walang kapalit. Tinanong ko siya kung anong kelangan niya. Ang sabi niya ay wala. Alam niya kasing humihiwalay na tayo sa kanya." Pagpapaliwanag ni mama at nakita ko ang mga pawis niya sa noo. Kilala ko si mama, alam kong may itinatago na naman siya sa akin.
Hinanap ko sa loob ng bahay ang pera at nakasisiksik sa ilalim ng lababo. Kinuha ko ito at kahit pinipigilan ako ni mama dahil balak kong ibalik kay Aero, hanggang sa bigla siyang mapahiga sa sahig at nakahawak sa kanyang dibdib. Nabitawan ko ang bag na dala ko at agad kong nilapitan si mama. Binaliwala ko na ang pagkalat ng pera sa sahig.
"Ma!"Sigaw ko at agad ko siyang nilapitan. Habol habol niya ang kanyang hininga habang nakakapit sa kamay ko. Tumayo ako para kunin ang cellphone ko at tawagan si Ace dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
"Ace, si mama. Inaatake sa puso." Sigaw ko sa kanya at tuluyan na naman akong naluha dahil sa nangyayari. Ilang sandali pa ay dumating na si Ace at binuhat si mama pasakay ng sasakyan. Habang nasa labas si Ace, itinago ko rin agad ang pera dahil baka magtaka siya kung saan galing ang mga iyon.