Nandito ako sa luma naming bahay dahil sa pinag - uusapan namin kagabi ni mama na gusto niya ng lumayo kay Aero matapos namin gawin ang lahat ng gusto niya.
Nagawa namin siyang matulungan na makapaghiganti sa lahat ng Jaime at hanggang doon na lang ang kaya naming gawin para sa kanya.
Gusto na lang namin lumagay sa tahimik dahil unti - unti na rin napapansin ni Uno ang paglapit namin sa kanya. Gusto ko rin naman mabigyan ng maganda at tahimik na buhay si mama at sa tingin ko ngayon niya na ito makakamtam.
Tinanggap ko na sa sarili ko na hinding hindi ako magagawang mahalin ni Aero kahit ibinigay ko na noon ang lahat sa kanya.
Hindi niya alam noon na buhay pa rin ang kanyang ina. Nagtatago lang ito sa bahay na ito dahil sa kagustuhan ni Don Harold at tinatakot niya rin si Aeriella noon na sasaktan niya si Aero kapag nagsalita ito at tuluyan nang ilalayo sa kanya ang anak.
Limang taon gulang ako noon ng pinatuloy kami doon ni Aeriella dahil sa halos patayin na ni John si mama sa sobrang pananakit at pati ako ay sinasaktan niya.
Pinakiusapan niya si Don Harold noon na ihiwalay na rin si Uno sa kanila dahil ayaw niyang mamatay sa pananakit ito. Ayos lang kay mama na mahiwalay kay Uno kung magiging ligtas naman ito at lalaking hindi nasasaktan at magkakaroon ng trauma.
Yon ang dahilan kung bakit hindi kami kinikilala ni Uno na kapatid at magulang niya pero malaki ang pasalamat namin kay Aero dahil ginagawaan niya ng paraan na mapalapit kami kay Uno.
Nalaman ni Aero na matagal ng buhay ang kanyang ina pero sa mismong pagkakasugod namin ito sa hospital. Kinse anyos lang siya noon ng malaman niyang buhay pa ang kanyang ina at nasa hospital na ito. Hindi niya na ito nagawa pang makausap dahil agaw buhay na ito at mismong sa harap niya nawala ang buhay ng kanyang ina.
Isinugod siya noon ni mama dahil pinasok siya sa bahay habang wala kami. Wala ring nawalang gamit o kahit anong bahid ng pagnakakaw pero ang pananakit lang kay Aeriella ang nangyari kaya sinabi noon ng mga pulis na ang pananakit talaga ang pakay ng mga taong nang loob.
Simula noon binalak na ni Aero ang gantihan ang kanyang lahi pero hanggang sa isip lang niya ito. Tiniis namin lahat ang pananakit nila. Lahat kami ay nakaranas ng ganoon sa mismong mga magulang pa namin.
Lahat ng plano niya ay nagkaroon ng buhay simula ng nasalinan siya ng dugo ay nagbago na ang kanyang ugali. Mainitin na ang kanyang ulo at mapanakit na rin siya, ibang iba sa mahinahon niyang ugali noon. Biktima rin siya ng pananaksak noon kagaya ng kanyang ina at mas lalong nagkaroon ng galit sa puso niya.
Araw pagkatapos namin gawin ang lahat ng gusto niya ay labis na natatakot si mama. Dito kami sa bahay na ito namalagi. Pagkadating namin ay sobrang dumi na nito. Marami ng alikabok sa paligid at ang agiw ay mistulang bahay na rin.
"Yna, tingnan mo nga muna ang mga gripo at kung may kuryente pa, kapag wala ay pumunta ka sa hardware malapit sa school," utos sa akin ni mama habang inaalis na muna ang mga agiw. Inuna niya ng linisan ang nasa taas para hindi na babalikan pa.
Sumunod na lang ako sa kanya at kahit naka mini dress ako ay ginawa ko na lang ang gusto niya. Naglakad na lang ako patungo sa hardware at kahit pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa naka dress at sandals pa ako ay hindi ko na lang pinapansin. Mainit pa dahil tanghaling tapat pero hindi naman ako agad mangingitim dahil isang beses lang naman akong lalabas.
Puro lalaki ang nasa tapat ng hardware pagdating ko at nagtitinginan din sa akin. Di na lang ako kumibo ng pumunta ako sa counter at sa akin agad dumiretso ang tindero.
"Basta babae talaga, si Jun, mabilis," pang aalaska sa kanya ng ibang bumibili at tinawanan lang niya ang mga ito. Pero biglang lumabas ang isang binata galing sa likod ng hardware at tinitigan lang ako na parang nagtataka at anong ginagawa ko sa ganitong tindahan pero tinitigan ko rin siya dahil sa sobrang laki ng pagkakahawig niya kay Aero. Para silang biniyak na bunga ng buko dahil sa itsura. Malamig ang titig niya sa akin pero unti unti siyang lumapit sa akin.
"Kuya, ako na ang bahala sa kanya," malamig niyang intrada at may halong pag - uutos sa kanyang tono na hindi ka pwedeng humindi sa sinabi niya. Tumango lang ang nakakatanda sa kanya at pinuntahan na ang mga nang - aasar sa kanya kanina.
"Kailangan ko ng pinturang puti at roller brush, doorknob na rin," sabi ko sa kanya habang parehas kaming nakatitig sa isa't isa bago niya ako tinalikuran, sinundan ko pa rin siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa madilim na parte ng hardware.
"Hindi ka nag - iisa, miss. Madaming tagahanga yang si Ace dito pero bihira niyang pansinin. Ikaw pa lang ang napansin niya. Taga saan ka? Ngayon ka lang namin nakita," sabi sa akin nung Jun habang naglilista ng pinamili ng ibang mga lalaki.
"Bago lang ako dito," sagot ko na lang at nagtingin na rin ako ng ibang paninda sa hardware. Maalikabok na ang iba sa mga nakadisplay pero parang hindi naman nila iniintindi na linisin ang mga ito.
Biglang dumating muli sa harap si Ace at parang masama na ang timpla. Bumaling na ako sa kanya at kukkunin na sana ang pintura para ibaba at ilagay sa tabi ko pero hinawi ni Ace ang kamay ko.
"Ako na magdadala dyan. Ano pa kailangan mo? May sasakyan ka ba?" sunod sunod niyang tanong sa akin at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang titigan ba siya o ang sagutin ang mga tanong niya?
"Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan ko sa bahay dahil mag rerenovate ako.
Babalik na lang ako mamaya para bumili pa ng ibang kailangan," sagot ko sa kanya at tumango lang siya. Mas pinili ko na lang na huwag siyang tingnan dahil ito lang naman ang humahatak sa akin para titigan siya ng matagal. Si Aero ang nakikita ko sa kanya at ngayon ko lang siguro napansin na common ang facial features ni Aero?
Agad na akong nagbayad kay Jun at sinundan ko lang siya ng tingin habang bitbit ang pinturang binili ko. Kita ko rin ang mga muscles niya na lumitaw dahil sa bigat ng pintura.
"Saan ang bahay niyo?" tanong ko sa kanya at itinuro ko lang sa kanya ang daan patungo sa bahay namin. Sinundan niya rin ito ng tingin at tumango na lang saka nag - umpisang maglakad sa katirikan ng araw.
"Ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko ba gustong malaman ang edad niya. Hindi niya ako pinansin sa tanong ko at agad akong nakaramdam ng pagkailang dahil doon kaya hindi ko na sinubukang kausapin siya uli.
Bigla siyang huminto sa isang tindahan malapit sa eskwelahan nila Genesis at may hinanap sa loob ng tindahan. Panay ang silip niya ng biglang dumungaw ang dalagang tindera.
"Nandiyan ba kuya mo? Kailangan ko ng tulong," sabi niya sa dalaga pero nagpapacute lang ito sa lalaking kasama ko. Inabutan niya rin ng sigarilyo ito at tumingin sakin ng masama bago pumasok. Agad naman sinindihan ng lalaki ang sigarilyo at umupo na muna sa sementong bakod ng tindahan.
"Bente anyos lang ako pero high school pa rin. Dyan ako nag - aaral," sagot sa akin ng lalaki at humithit agad ng yosi niya. Tinitigan niya ako na para akong hinuhubaran kaya tumalikod ako sa kanya dahil mukha pa rin ni Aero ang nakikita ko.
Naaalala ko pa rin ang una at huling beses na binigay ko ang lahat kay Aero. Siya ang nakakuha ng akin at wala akong pinagsisisihan doon.
"How about you, ngayon lang kita nakita dito sa lugar namin, bagong lipat ba kayo?" tanong niya sa akin at umiling lang ako.
Ayoko na siyang harapin pa. Hindi na ako muli pang nagsalita habang tinatapos niya ang kanyang paninigarilyo. Maya maya pa ay lumabas na ang mas bata pang binata sa kanya at inakbayan niya ito.
"Pre, gusto mo bang magkapera?" narinig kong bulong niya at agad akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Nagmadali na akong maglakad papunta sa amin at ng nasa tapat na kami ng gate ay agad ko ng kinuha ang pintura at nakita ko ang gulat sa ginawa kong iyon.
"Salamat," sabi ko sa kanya at saktong pagbukas ko ng gate ay siya namang pagkabukas ng pinto ni mama at winalis ang madaming alikabok.
"Dito pala kayo nakatira. Kayo ba may - ari nito? Kailangan niyo ba ng tulong sa paglilinis? Kailangan kasi namin ng sideline, kahit magkano lang ang iabot niyo sa amin," sabi ni Ace at nakangiting aso na siya kumpara kanina na sobrang lamig ng ekspresyon ng kanyang mukha at hindi maipinta.
Nakaramdam ako ng pagkainis dahil parang alam na alam niya na kakarating lang namin dito sa bahay at nagawa niya pang magsama ng isang lalaki.
"No. Hindi namin kayo kilala. Kaya na namain ito," sagot ko sa kanila at agad na akong pumasok saka sinara ang gate namin. Nakita ko na lang sa ibaba na naglalakad na sila paalis kaya pumasok na ako kahit tinititigan ako ni mama.
"Bakit mo naman pinaalis ang mga iyon?" tanong niya sa akin habang inaayos ko ang mga pinamili ko at pinupunasan ko ang pawis ko.
"Wala naman, ma. Kaya naman natin to, huwag na muna tayo linisin. Tsaka na tayo magbuhat ng mga gamit," sagot ko kay mama at tumango na lang siya. Dumiretso na ako sa loob at nabawasan na talaga ang agiw sa bahay, kahit papaano makakahinga na ng kaunti.
"Iche - check ko na lang muna ang mga ilaw at ripo kung gumagana pa," sabi ko uli sa kanya at isa isa kong binuksan na ang ilaw.
Matagal bago nag bukas ang ilang mga ilaw pero kailangan na rin palitan ang mga kable nito. Pagdating ko ng cr, mapanghe na at maitim na rin ang ilang mga tiles. Kailangan ko na pala bumili ng panglinis, pangkuskos.
Mukhang kailangan kong bumalik muli sa hardware para bumili ng ilan pang gamit pero ayokong maabutan doon si Ace at ang isa pa niyang isinama dito.
"Madami pa palang dapat gawin dito, ang mga ilaw at ang daluyan ng tubig, hindi na maganda. Ipapaayos ko na lang muna ito bago tayo tumira dito ulit," bungad ko kay mama habang naka dungaw lang siya sa labas na parang may hinihintay dumaan.
Sa tagal na naming umalis dito, wala na rin siguro ang mga dati naming kapitbahay kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"May mga kapitbahay pa kaya tayo dito? Yung mga nakakakilala kay Aeriella? Sana ay wala dahil gusto ko na lang magsimula ng panibago," bulong sa akin ni mama at hinigpitan ang kapit sa kamay ko. Yun din ang gusto ko mangyari pero hindi ko kayang iwanan si Aero dahil alam kong kami na lang ang maaasahan niya.
Lahat ng mga tao dito ay bagong mukha na at ibang iba na rin ang mga itsura ng bahay dito kaya mas maganda na rin at bagong mga tao na ang nandito para hindi na rin maungkat pa ang nakaraan namin.
"Ano nga uli ang sinabi mo kanina? Ano ano pa ba ang kailangang ayusin dito sa bahay? Wala pa tayong sapat na budget para doon, pwede kaya tayong humiram kay Aero ng pera kahit walang kapalit?" tanong sa akin ni mama at hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya dahil kahit ako, ayokong humiram ng pera kahit kanino. Kung ano lang ang meron ako ay siyang pinagkakasya ko.
"May ipon naman ako dito ma, kahit papaano. Kung hindi kasya, magtatrabaho na lang ako," sagot ko kay mama at umiling lang siya dahil alam niyang hindi ako tapos ng kolehiyo sa edad kong ito at kung may ipagawa lang na trabaho sa akin si Aero ay saka lang ako nagkakaroon ng pera.
Kung sakaling may ipapagawa siya ay tatanggapin ko na lang basta hindi iyon hiram sa kanya at hindi utang. Puro na lang utang ng loob ang meron kami sa kanya at napagbayaran na namin iyon kahit may posibilidad na makulong kami ay ginawa namin.
Pumasok na ako sa loob at kinuhaan ko ng picture ang switch ng ilaw namin at ang gripo para maipakita iyon sa tindero ng hardware. Sana ay wala na doon si Ace at ayokong mawala na naman ako sa sarili ko.
ilang libo na lang ang natitira sa pera ko para makapagpaayos ang iilan dito sa bahay. Kahit bayaran ko na lang ang gagawa ng switch ay sapat naman na siguro ito.
Ilang minuto lang na paglalakad ang layo sa akin ng hardware at saktong wala ng tao doon kung hindi ang tindero lang.
"Ano uli kailangan mo miss?" tanong sa akin at ipinakita ko na lang ang switch ng ilaw at ang gripo. Tumango lang siya at pumunta na sa likod ng hardware nila.
Inilapag niya naman ang kaparehas ng gusto ko sa salamin nilang cabinet at inilagay niya na agad sa plastik ito.
Tumingin siya na parang may gustong sabihin pero umiwas din agad siya sa akin.
"Ipapaayos mo ba ang bahay niyo? Baka pati ang mga tubo at kable, gusto mo na rin bang ipaayos?" tanong sa akin ng matandang lalaki at agad akong tumango. Bago uli ang tindero kahit sandaling oras lang ang pag - alis ko kanina?
"May kilala ka bang pwedeng mag - ayos? Kailangan ko rin talaga," sagot ko sa kanya at itinuro lang ang lalaki sa likod ko.
Pagkalingon ko, Akala ko ay si Aero pero nang ngumiti siya ay agad nagbago ang itsura at naging si Ace ito.
Mata at korte lang ng panga ang pinagkaiba nilang dalawa pero kapag walang reaksyon ang mukha nila ay magkamukhang magkamukha sila.
"Marunong ba talaga siya? Batang bata pa kasi," sagot ko at tinalikuran na lang ako ng lalaki saka tinawag si Ace. May sinabi siyang mga gamit at isa isa naman itong kinuha ng lalaki. Hindi ko alam kung may ibabayad ba ako sa kanya dahil hindi ko rin naman sigurado kung ano ano ang mga kailangan kong gamit.
"Wait, marami ka bang kukuhain? Wala kasi akong masyadong dalang pera dito," sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin kaya hinayaan ko na lang sila sa ginagawa nila. Hawak hawak ko ang pera ko ng bumalik sila sa counter at may dala ng ilang kable at bombilya. Switch lang kasi ang balak kong bilhin.
"Mura lang naman ang materyales ko dito. Di naman ako nagpepresyo ng mahal lalo at sa kakilala. Hindi mo na siguro ako natatandaan, Yna pero isa ako sa mga tumulong noon kay Aeriella," sabi sa akin ng matanda at kahit tutol ako ay hindi na lang ako nagsalita pa sa kung ano man ang sinabi ng matanda dahil hindi naman siya pamilyar sa akin at ayoko rin ungkatin pa ang nangyari noon. Kinuha ko na lang ang sukli ko at saka lumakad papalayo sa hardware na iyon.
"Saan ba may mabibilhan dito ng panglinis ng cr?" tanong ko kay Ace at itinuro niya lang ang daan saka kinuha sa akin ang mga pinamili ko. Gentleman din naman talaga kagaya ni Aero. Sumunod na lang ako sa kanya at tinitigan lang ang likod niya habang naglalakad kami.
"Gusto mo ba ako na lang umayos ng kable niyo sa bahay? Kailangan ko kasi ng pera at may gusto akong bilhin na gadget. Kulang ang baon ko sa school," sabi niya sa akin at tumango na lang ako, kesa mahirapan pa ako sa paghahanap ng gagawa.
"Yes. Salamat ate. Dito nga pala ako nag - aaral," sabi niya sa akin pagkadaan namin sa school kung saan din nag - aaral si Genesis. Pakiramdam ko gumaan lalo ang pakiramdam ko. Magkakaroon na ng daan si Aero para mapalapit kay Genesis sa pamamagitan ni Ace. Sana lang sa gagawin ko ay hindi ko ito pagsisihan dahil alam na alam ko sa sarili ko kung gaano ka gusto ni Aero na mapalapit kay Genesis.
"May kilala ka bang Genesis Monticello?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa sa akin. Huminto ako sandali at agad binuksan ang cellphone ko.
"Sandali lang," sabi ko sa kanya at lumayo na ako para tawagan si Aero. Sigurado akong matutuwa siya sa sasabihin kong ito.
"Aero, nakahanap na ako ng paraan para mapalapit ka na kay Genesis. May nakilala akong pwedeng maging daan," sabi ko sa kanya at narinig ko sa kabilang linya na nagpaalam siya sa mga kasama niya. Nasa isang meeting siya siguro.
"Wait, anong ibig mong sabihin? Papaano? Makakauwi ba kayo ni Manang ngayon? Gusto kong malaman kung papaano," natutuwa niyang sagot at sinabi ko na lang na pag - uwi namin saka niya malalaman ang lahat. Kukuhain ko na muna ang loob ni Ace at sisiguraduhin kong makakalapit kami kay Genesis.
Binalikan ko na si Ace at nagtungo na kami sa bilihan ng mga bathroom cleaner. Kumuha na rin ako ng isang brush at ilang mga basahan, isang timba at tabo. Lahat ng iyon ay si Ace ang nagbitbit kaya naman sobrang natutuwa ako sa batang ito. Bukod sa mabait ay magagamit pa namin para sa plano ni Aero.
Pagdating namin sa bahay, nakaupo lang si mama at nagpapahinga. Mukhang naglinis pa siya uli. Pinatuloy ko na lang si Ace kahit wala pa siyang mauupuan sa loob ng bahay.
Kumuha na lang ako ng isang monoblocks at pinatungan ko ng basahan na binili ko para maupuan ni Ace.
"Wala pa kaming masyadong gamit dito sa bahay kaya pagpasensyahan mo na," sabi ko sa kanya at agad tumayo si mama sa kinauupuan niya.
"Aalis na muna ako at bibili ako ng miryenda," paalam sa akin ni mama at agad na siyang lumabas. Agad uminit ang pisngi ko sa reaksyon ni mama ng makita si Ace. Malamang ay si Aero rin ang na iimagine niya pero mas positibo ang aura ni Ace kumpara kay Aero.