IKALIMANG KABANATA
RAMDAM ko ang bahagyang panlalaki ng aking mga mata dahil sa pagbanggit niya sa buong pangalan ko.
“B—bakit alam mo ang pangalan ko?” Nauutal na tanong ko sa lalaki. Matapang kong sinalubong ang kanyang titig na may naglalarong kapilyuhan kasama pa ng isang emosyon na hirap kong mapangalanan.
Masasabi kong ito ang unang pagkakataon na natitigan ko ng malapitan ang mukha ng injured na lalaking ito.
Hindi ko alam kung dala lang ng sobrang atraksiyon ko kay Finn dati pero pakiwari ko ay hawig ang hitsura ng kaharap ko kay Finn. Ngunit ang ideya na iyon ay kaagad kong sinupil. Baka ako lang ‘yun.
May sugat ito malapit sa kanang kilay nito at hindi pa iyon naghihilom kaya naipagpalagay ko na ilang araw pa lamang mula nang madisgrasya ito.
Subalit bukod sa sugat at iba pang pinsala sa katawan nito ay ang mismong mukha ng lalaki ang ibig kong pakatitigan pa ng mas matagal. Ngunit batid kong hindi ko iyon puwedeng gawin ng lantaran at baka kung ano pa ang isipin nito.
“I heard your name from the nuns,” anito.
Tila ayaw kong ikurap ang mga mata ko at parang gusto ko na lamang na bantayan ang bawat pagbuka ng kanyang mga labi. I find it hard to tear my gaze from the man in front of me. Aaminin ko na na-starstruck ako sa mukha niya, sa tangkad niya at sa kanyang tindig.
Gusto ko na ngang isipin na baka siya ay isang modelo o aktor. Hindi iyon imposible dahil bagay na bagay ito sa ganoong propesyon. Kikita ito ng salapi kung ang mukha nito ang puhunan.
“Pinag-usapan ka nila no’ng dinugo ka. Since then your name never slipped off my mind, Paulyn Marie.”
The way he says my name, it feels so satisfying. Mas nagugustuhan ko ang pangalan ko kapag naririnig ko ito mula sa kanya. Siguro ay dahil nagiging tunog-sosyal ang pangalan ko dahil sa fancy niyang accent.
Lumunok ako. “Gano’n ba? S—sige. Pakay ko lang talaga na idaan sa’yo itong pantulog mo. Kunin mo na.”
“You didn't hear me, babe. Did you?” Imbes na kunin nito sa akin ang mga damit ay nakuha nitong ngitian ako sa mapanuksong paraan.
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko mapigilan ang sarili. “Narinig ko, Sir pero ayaw kong sundin ang sinabi mo. Hindi magandang tingnan na papasok ako riyan sa silid at b—bibihisan ang estranghero na kagaya mo.” Katwiran ko.
“Oh. Conservative lady. I like it. But I like the way you call me ‘Sir’ more.”
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha sa panunukso niyang muli at lalo pang lumakas ang pintig ng aking puso dahil pinasadahan niya ako ng mabagal na titig mula itaas pababa.
Nalunok ko ang sariling laway ng wala sa oras. Kinakabahan ako sa lalaking ito. Ngunit mas kinakabahan ako sa nangyayari sa akin dahil naramdaman kong may pumintig sa kaibuturan ko dahil ang sexy pakinggan ng kanyang boses. Animo’y nang-aakit.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang epekto niya sa akin.
“Kung ayaw mong kunin ‘to,”
I take two steps backward. Kumuha ako ng hangin atsaka ko inihagis sa itaas niya ang mga damit. Napangisi ako nang saktong nalaglag ang mga iyon sa pang-isahang katre na may kutson.
Pakiramdam ko achievement ko iyon dahil walang nalaglag ni isa sa sahig. Mababaw na mga bagay lang talaga ang nakakapagpaligaya sa akin.
Nang magtagpong muli ang aming mga mata ay wala na ang ngisi sa mga labi niya. May linya na rin sa noo niya.
Pero sa tingin ko ay higit na mas gum'wapo siya kapag seryoso ang ekspresiyon.
“Don’t you have even an ounce of sympathy in your heart and help me changing my clothes? Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ko—”
Hindi ko na siya pinatapos at nagsimula na akong maglakad palayo. “Tatawagin ko na lang si Carlotta, Sir. Tiyak na matutulungan ka niya na makapagbihis.”
“No thanks.” Masungit na sabi pa niya.
Napalingon ako sa pinto ng silid ng lalaki nang marinig ko iyong bumagsak. Bahagya pa ngang umawang ang aking bibig dahil sa pagalit niyang pagsara ng pinto. Parang kulog na gumuhit sa aking pandinig ang ginawang ingay nito.
Naipilig ko ng bahagya ang aking ulo.
Hindi niya kayang magbihis ng mag-isa pero nakaya niyang ipinid ng ganoon kalakas ang pinto?
Hindi siya mahina. Umaarti lang ba ang lalaking iyon?
Ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa aking harapan. Ibig kong ipagkibit-balikat ang naging pag-uusap namin ng lalaking iyon subalit hindi ko namamalayan na may sumilay na palang ngiti sa aking mga labi.
Ang guwapo n’ya. Hindi ko iyon itatanggi kahit bayaran pa ako ng limpak-limpak na salapi. He's undeniably handsome. And he called me ‘babe’. Ang baritono niya ay nakakapanghina.
Para akong kiniliti. Nagmamadali akong bumalik sa aking silid para kastiguhin ang aking sarili.
Tatlong araw ang mabilis na lumipas sa bahay kanlungan. Umaayos na rin ang aking pakiramdam subalit walang palya ang pagpapaalala sa akin ng mga madre na ingatan ko ang aking sarili at ang bata sa aking sinapupunan.
“Diyos ko! Ako na n’yan, Paulyn.”
Nagulat ako nang marinig ang bulalas ni Bernadette mula sa aking likuran.
“Bernadette, ikaw pala.”
Naabutan niya ako rito sa area kung saan ginagawa ang paglalaba. Pinuslit ko ang ilang nasuot ko na’ng mga damit na kailangan nang malabhan.
Naalala ko pa ang isa sa mga patakaran sa bahay kanlungan na ito na obligasyon ng bawat isa ang pagsilbihan ang kanilang sarili. Sa ibang gawain ay tulung-tulong. Ang paglalaba ay kanya-kanya.
“Ako na ang maglalaba n’yan. Bitawan mo na ang mga ‘yan. Alam mo namang hindi ka pa puwedeng maggagalaw-galaw sabi ng doktor.”
“Hindi na, Bernadette. Ako na ‘to. Sanay ako sa mga gawaing-bahay. Madali lang ito para sa akin.” Maagap na pagtanggi ko. Medyo nahihiya. Hindi ako sanay na may nag-aalok ng tulong sa akin.
“Kung hindi maselan ang kalagayan mo ay hahayaan kita. Kahit gabundok pa ang labhan mo, wala akong paki pero iba ngayon. Maselan ang pagbubuntis mo kaya makinig ka.”
Masama akong tinitigan ni Bernadette nang akma ko pang ibubuka ang bibig ko para magprotesta. Pinagbabawalan niya akong kontrahin ang gusto n’ya.
“Isang tanggi mo pa, sinasabi ko talaga saiyo na hindi na kita kikibuin.” Banta niya sa akin.
Binitawan ko na ang damit na pipigain ko sana mula sa washing machine at umatras. Napansin ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni Bernadette.
“Kakaiba kang nilalang.” Natatawang sambit ni Bernadette sa mahinang boses. Mabilis siyang pumalit sa puwesto ko sa harapan ng washing machine na sa tingin ko’y taon o higit pa ang serbisyo na ibinigay sa mga tao rito sa bahay kanlungan.
“Ha? Bakit mo naman nasabi? Mukha ba akong manananggal o tikbalang sa paningin mo?” Biro ko.
“Kakaiba ka kasi ikaw lang ang taong nakilala ko na takot na ayaw kong kausapin o maging kaibigan. Halos lahat ilag sa ‘kin e, lalo na rito sa bahay kanlungan kung mapapansin mo.” Balewala niyang salaysay habang minamani ang pagpiga sa mga damit.
“Hindi mo naman ako sinusungitan kagaya ng turing mo sa ibang babae rito kaya walang rason para hindi kita kaibiganin.”
Sa ilang araw ko rito ay isa sa napapansin at napagtuunan ko ng atensiyon ay itong si Bernadette.
Masungit si Bernadette sa ibang kasama namin dito sa bahay kanlungan. Kung sa mga preso pa ay siya ang tinaguriang hari ng selda. Nakakatikim ng salita mula sa kanya ang mga tatamad-tamad katulad ni Carlotta.
Madalas ko rin siyang makita sa labas at mag-isang kumikilos at ginagawa ang mga gawain kagaya ng pananampay, paglilinis. Tapos kahapon ay nakita ko pa siyang mag-isang niyayari ang upuan sa cottage malapit sa balon.
Naalala ko kay Bernadette ang Mama ko. Na kahit trabahong pang-maton ay hindi inaatrasan ni Mama. Si Mama ang superhero ko. Ang ultimate idol ko. Siya ang hinahangaan ko sa lahat dahil sa sobrang kasipagan niya hanggang sa maaga siyang binawian ng buhay gawa rin ng sobrang pang-aabuso niya sa kanyang katawan at lakas.
No’ng mawala ang Mama ko ay madalas akong atakihin ng guilt. Iniisip ko kasi na ako ang may kasalanan sa maaga niyang pagkawala. Kinailangan niyang magbanat ng buto para itaguyod ako. Nakokonsensiya ako at nagtatampo kung bakit ipinanganak kaming mahirap.
Minsan nga para na akong praning na kinakausap ang nasa Itaas dahil kaya naman pala niyang lumikha ng mayayaman, bakit hindi pa kami idinamay?
“Magaan ang loob ko saiyo. Siguro ay dahil tahimik ka at nagdadalang-tao. Nakikita ko saiyo ang sarili ko no’ng unang salta pa lang ako rito.”
“B–buntis ka rin no’ng dumating ka rito?” Hindi ko mapigilan na maitanong.
Ang alam ko lang kasi tungkol kay Bernadette ay nakaranas siya ng domestic violence mula sa kanyang asawa.
“Buntis ako nang ikanlong ako ng bahay na ito.” Tahimik na kumpirma ni Rebecca.
“N—nasaan ang anak mo?”
Sandaling lumingon sa akin si Bernadette at nakita ko ang simpatya sa mga mata niya. Hindi ko matiyak kung para sa akin iyon o para sa kanyang sarili.
Huminga siya ng malalim. “Pinaampon siya.”
Hindi ko napigilan ang pagkasorpresa ng reaksiyon ko ngunit hindi ako umimik. Nakatitig lang ako kay Bernadette na ngayon ay nasa nilalabhan ko ang mga mata.
Marami akong katanungan sa kanya lalo na ang tungkol sa pinagdaanan niya ngunit mas minabuti kong hayaan siya na kusang ibahagi sa akin ang kuwento ng buhay niya. Iyon ay kung pagkakatiwalaan niya ako.
“Survivor ang anak ko. Malakas ‘yun, matatag kaya ko ipinaglaban ang kalayaan ko mula sa mapang-abuso kong asawa para mailigtas ang anak ko sa kapahamakan.”
Wala sa loob na hinawakan ko ang aking tiyan at itinikom ko ang aking mga labi dahil nararamdaman ko na may bumabara sa lalamunan ko. Nagsisimula nang uminit ang gilid ng aking mga mata.
“Walang kasalanan ang anak ko sa mga maling desisyon ko sa buhay. At mas lalong hindi niya kailangan ng iresponsableng ama. Sa una’y wala sa isip ko na ipaampon ang anak ko ngunit dumating ako sa punto na natatalo ako ng depression at nagkasakit ako. Napabayaan ko ang sanggol at ang mga madre na ang halos nag-aalaga sa anak ko. Inamin ko na sa sarili ko na wala akong kapas na mabigyan ng magandang buhay ang anak ko kaya nakiusap ako sa mga madre na hanapan ng adoptive parents ang anak ko.”
“H–hanga ako saiyo, Bernadette at hindi mo naisipan na ipa-abort ang anak mo. Doon pa lang ay hinahangaan na kita,” sabi ko.
Nasa parehong sitwasyon nga kami. Nauunawaan ko na ang pinanggagalingan ni Bernadette. Ang pinagkaiba lang namin ay wala talaga sa isip ko ang ipaampon ang anak ko.
Nakaya ng Mama ko na buhayin akong mag-isa sa kabila ng malalakas na dagok ng mundo sa buhay niya kaya alam kong kakayanin ko rin.
“Hindi ako relihiyoso pero takot ako sa Diyos. Maraming mag-asawa ang humihiling ng anak kaya bakit ako papatay ng isa? Atsaka naging lunas sa akin ang katiyakan na mabibigyan ng maalwang buhay ang anak ko dahil mayamang mag-asawa ang nakaampon sa kanya. Kampante na ako ro’n kahit na alam kong may dadalhin akong guilt at pangungulila sa pagkatao ko habangbuhay.”
Natahimik ako. Nakaramdam ako ng matinding awa para kay Bernadette. Ramdam ko ang lungkot sa mga rebelasyon niya. Ramdam ko iyon bilang isang magiging ina na rin.
“Ikaw? Ano ang balak mo sa inyong mag-ina?” Seryosong tanong sa akin ni Bernadette.
Ang sagot ko sa tanong na iyon ni Bernadette ay sinabi ko rin kay Mother Superior nang bisitahin ko siya sa kanyang silid kinahapunan.
“Nakapagdesisyon na po ako na manatili rito hanggang sa pagkapanganak ko, Mother Petrina. Sana po ay kupkupin n’yo pa ako pati na ang anak ko. Pinapangako kong aalis kami rito oras na makahanap ako ng lugar kung saan kami puwedeng tumirang mag-ina.” Mangiyak-ngiyak akong nagsusumamo sa matandang madre. Hindi na lingid sa kaalaman ni Mother Superior ang banta sa buhay ko.
Madali lang sana ang umuwi sa probinsiya na pinanggalingan ko kung hindi lang sa takot kong masusundan ako roon ni Finn at ng nanay niya.
“Kung sakali man, hija ay saan mo naman ititira ang anak mo? Alam mo naman na may patakaran din sa bahay kanlungan na ito. Kung ako lang ang masusunod ay kupkupin kita rito hanggang kailan mo gustuhin. Ngunit iyon nga ay mayroon din kaming patakaran na sinusunod dito. Na hindi kami maaaring kumupkop ng bata sa mahabang panahon gawa ng limitado lamang ang pundo nitong bahay kanlungan.”
Wala akong naibigay na sagot doon kay Mother Superior kaya lumabas akong nanghihina mula sa kanyang silid. Malalim ang kaisipan ko habang pabalik ako sa aking silid na halos nasa dulo ng pasilyo.
“I’ll take you away from here. You and your child.”
Ang baritonong boses na iyon ay husto nang nagpatalon sa akin sa gulat.
Ramdam ko ang malakas na pagtalon ng puso ko nang lingunin ko ang lalaki na nakasunod pala sa aking likuran.
“Walanghiya ka! G—ginulat mo ‘ko.”
“I didn't mean to startle you, darling. Pero aaminin ko, mas lalo ka palang gumaganda kapag nagugulat at nagmumura.” Malumanay na sabi niya. Ang kanyang labi ay may nakapaskil na mumunting ngisi.
“B—bakit mo ako nilalapitan?” Nahimigan ko ang pagkataranta sa sarili kong boses.
“Hindi kita nilalapitan. Nagkataon lang na papunta ako kay Mother Superior to discuss about important matters at naroon ka. Narinig ko ang usapan ninyo.”
Naningkit ang aking mga mata. “Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng iba.” Sita ko sa kanya at binirahan na siya ng talikod ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hinabol niya ako.
“I will left this retreat house soon enough. I have a proposal for you.”
“Hindi ako interesado.” Masungit na sabi ko. Nagtataray na nga siguro ako. Hindi ko lang mapigilan dahil kinakabahan ako sa lalaking ito. Kinakabahan ako sa paglapit-lapit niya sa akin.
“Would you still not be interested in my proposal kahit na sabihin ko saiyo na isasama kita paalis sa bahay kanlungan na ito at titiyakin ko na ligtas ka kasama ko? I have the safest place for you and our— and your child.”
“Ano’ng sinasabi mo?” Nagpreno na ang aking mga paa upang harapin siya.
“Let’s have a deal here. You should take my offer. Sumama ka sa akin. You have to trust me.”
Mapakla akong natawa. “Trust? Trust a total stranger like you? Naloloko ka na ba? Bakit ako sasama saiyo? Malay ko ba kung kriminal ka pala at kaya may gustong mag-salvage saiyo ay dahil may tinatakasan kang kasalanan.”
Inakala ko na mao-offend siya sa sinabi ko pero nakuha pa niya akong ngisihan.
“I would show you physical evidences to prove that I am not what you think I am.”
“Puwes bakit ka may p—proposal sa akin? B—bakit ako? Crush mo ba ako?” Huli na para itutop ko ang aking madaldal na bibig. Minsan talaga ay reckless at childish akong magsalita.
“Crush? Hmm...” He mimicks and he makes a humming sound na ang tikas pakinggan.
“Let’s just say that I am sent from above to help a princess in distress. Treat me as your saviour. Your knight in shining armor.”
“Pinaprank mo yata ako. May tama ka ba sa ulo dahil sa nangyari saiyo? Bahala ka na nga r’yan.” I just couldn't take his words seriously. Iyon nga ay mahirap na ang magtiwala. I've learned my lesson in the hardest way. Ayoko nang madapa pang muli dahil lang sa madali akong magtiwala sa tao.
Nagimbal ang pagkatao ko nang pagpasok ko sa aking silid ay tuluy-tuloy lang din na sumunod ang lalaki sa loob sabay pinid ng pinto.
“H—hoy, anong— lumabas ka rito!”
Kung kanina ay nakangisi pa siya, ngayon ay para na siyang mangangain ng buhay sa intensidad ng mga mata niya.
“You know what I'd do to the people who rudely turn their back on me while I'm still talking?”
Nalunok ko yata ang dila ko dahil nawalan ako ng kapasidad na magsalita lalo na nang lapitan niya ako at hinagip niya ang bewang ko. Pakiramdam ko ay luluwa na ang puso ko mula sa aking bibig sa matinding kaba na dinadala niya sa sistema ko.
“I punish them and since you made a mistake, I guess I have to punish you right here and right now, baby.”