KABANATA 4

3230 Words
IKAAPAT NA KABANATA “HIJA...” Bakas ang gulat at pag-aalala sa mukha ni Mother Superior nang magkasalubong kami sa pasilyo. Takip-silim na at papatida na ang alas sais y media. Sinilip ko kasi kanina ang malawak na yarda ng bahay kanlungan. Nang makita kong tahimik na at wala nang katao sa labas ay naisipan ko munang lumabas sa aking silid. Tatlong araw na akong nagpapahinga sa silid na inuukupahan ko mula no’ng araw na dinugo ako. Muntik na akong makunan sabi ng doktor na sumuri sa akin. Nagkaroon ako ng fluid discharge na sintomas ng threatened miscarriage dala ng mabibigat na problema na hinarap ko nitong mga nakaraang araw. Akala ko’y bumitaw na ang baby ko pero labis akong nagpapasalamat sa Diyos at sa lahat ng Santo dahil biniyayaan niya ako ng isang matapang na anak. My baby doesn't want to leave me. Ipinaglalaban niya ang buhay niya sa loob ng sinapupunan ko. Alam ng baby ko na mag-isa na lamang ako rito sa mundo, walang kakampi, walang karamay at walang napaghuhugutan ng lakas kaya alam ko na ibig niyang samahan ako kaya hindi niya ako iniwan. “Hindi mo pa kailangan na maggagalaw-galaw, hija baka mapagod ka’t maapektuhan na naman iyang ipinagbubuntis mo.” May dalang basket si Mother Superior na punung-puno ng dahon ng malunggay. Kahit na hindi pa ako nakakahanap ng tiyempo na ipaalam kay Mother Petrina na ako ang anak ng pamangkin nitong si Percilla—na apo niya ako pero ang pag-aalala niya sa akin ay damang-dama ko na sobrang totoo. “Magpapahangin lang po sana ako sa ilalim no’ng punong Katmon, Mother Petrina. Saglit lang ho sana.” Napalingon naman si Mother Superior sa punong tinutukoy ko. Saan ka mang bahagi ng bahay kanlungan naroon ay madaling matatanaw ang naturang punong iyon dahil sa napakalaki niyon at mayabong ang mga sanga’t dahon. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mother superior bago ibinalik sa akin ang kanyang tingin. I saw a sad smile across her lips na para bang may nilingon siyang malungkot na bahagi sa kanyang nakaraan. Her face is timeworn and wrinkled. Sa pagkakatanda ko ay nasa sisenta y otso o mahigit na ang gulang ni Mother Superior. “Ewan ko ba’t hindi ko mawari itong magaan at mainit na pakiramdam ko mula nang dumating ka rito sa bahay kanlungan, hija. At alam mo bang sa lahat ng babaeng kinupkop namin sa bahay kanlungan na ito’y ikaw lamang ang nakaapresiya sa punong iyan. Halos lahat kasi ng naririto ay natatakot sa Katmon na iyan dahil sa iba’t ibang kababalaghan na pinaniniwalaan nila samantalang ikaw...” she paused and looked at me gently. “Naalala ko tuloy saiyo si Percilla.” Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko nang mabanggit ni Mother Superior ang pangalan ng aking ina. Parang may bumara sa aking lalamunan. “Mother Superior, si Per—” “Mother Petrina, dadalhan ko na ng hapunan si Mr. Hunk.” Naudlot ang aking sasabihin nang may magsalita mula sa likuran ko. Kusa akong tumabi sa pasilyo nang bumaling ang atensiyon ni Mother Petrina sa babaeng nagsalita. “Kuu, Carlotta. Nagprisinta ka na namang maghatid ng pagkain kay Fire. Batid ko naman kung ano ang iyong tunay na motibo sa lalaki.” Napatingin ako sa babaeng tinawag na Carlotta ni Mother superior. Morena ang babae, maganda at may katangkaran kumpara sa taas kong nasa limang talampakan at limang sentimetro. May bitbit itong tray na may nakapatong na dalawang wooden salad bowl na may takip. Mayroon ding kubyertos na yari rin sa kahoy at makinis ang pagkakayari. Napansin kong ganoon na ang karaniwang kagamitan dito sa bahay kanlungan. Siguro ay marami nang mga ganoon dito sa bahay kanlungan noon pa man at hindi ko lang talaga maalala dahil sa ilang taon ko rito noon sa bahay kanlungan ay ang lutu-lutuan lang ang naalala kong pinagkakaabalahan ko at ang pag-akyat-akyat sa mga puno sa paligid lalo na sa puno ng Katmon. Minamani ko lang iyon noon na para bang pinaglihi ako kay Spiderman. “Mother Petrina naman o, binubuko niyo naman ho ako, Mother. Pero ikakaila ko pa ba gayong halos lahat ng naririto ay ibig ibigay kay Mr. Hunk ang mga atensiyon. Ganoon din ho ako, Mother Superior. Malay naman ho natin kung ma-in love din sa akin si Mr. Hunk at isama niya ako sa kanyang palasyo sa pag-alis niya rito sa shelter.” Mahabang sabi ni Carlotta na may nangangarap na ngisi sa mga labi. Alam ko naman kung sino ang kanilang pinag-uusapan. Kahit tatlong araw akong nanatili sa silid ko rito sa bahay kanlungan ay hindi nakatakas sa kaalaman ko iyong mga nangyayari sa paligid. “Ibig lang kitang paalalahanan, Carlotta hija na huwag masyadong umasa sa minimithi ng iyong isip. Maglilimang araw nang naririto iyang lalaki ngunit pangalan pa lamang niya ang alam natin tungkol sa kanya. Hindi rin natin maiwasan na magduda kung totoo nga bang Fire iyong pangalan niya.” “Mother Superior, ako naman ay hindi nagdududa roon kasi titigan ko pa lang siya ay nag-aapoy na ang aking buong kalamnan at kaloob-looban.” Napausal ng ‘mahabaging Díos’ si Mother Petrina. “O siya’t ikaw ay tumulak na, Carlotta nang makakain na si Fire. Hindi ganitong inieskandalo mo ang aking isip.” “Masusunod ho, Mother Petrina at makakaasa kayong pakakainin ko siya ng higit pa sa kailangan niya.” Sumilay ang pilyang ngiti ni Carlotta nang magpaalam. Maliit ko itong nginitian ngunit inismiran lamang ako na bahagya kong ikinagulat. Nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya. Inayos ko ang hood ng maroon kong jacket katulad ng paalala sa akin ni Mother Petrina matapos niya akong payagan. Maingat ang ginagawa kong paglakad ngunit naabutan ko pa si Carlotta na nakatayo sa harapan ng silid na inuukupa no’ng pasiyente nilang lalaki rito sa bahay kanlungan. Ibinaba pa nito sa sahig ng pasilyo ang tray at nakita kong naglagay ito ng lipstick bago kumatok. Hindi ako huminto sa paglalakad. Naiwan ni Carlotta na bukas ang pintuan ng silid dahil sa sobrang excitement siguro na makausap ang injured na lalaking nasa loob niyon. Nang halos tumapat na ako sa nakabukas na silid ay naramdaman kong kusang bumigat ang mga paa ko. Tila ba may puwersa na gusto akong itulak papasok sa silid ng estrangherong lalaki. Katulad din noong araw na basta na lamang akong dinala ng mga paa ko sa silid niya noong unang beses na naghugpong ang aming mga mata. Ganitong-ganito ang pakiramdam na iyon. “Kumusta ang pakiramdam mo, Fire? Masarap itong mga pagkain na dala ko. Inihanda ko ito para saiyo. Okay ka lang ba? Gusto mong mag-banyo? Sasamahan kita sa banyo...” “You can leave me now.” My heart pounded strangely when I heard that deep, husky voice coming from the room. Pakiramdam ko ay nagsitayuan ang buhok ko sa batok dahil sa lalim at lamig ng boses ng lalaki. I almost cringe. Wala sa loob akong napalingon sa silid na iyon nang husto na akong tumapat sa nakabukas na pinto niyon at halos mahigit ko ang aking hininga nang makitang nakaupo sa silya ang lalaki at bahagyang nakaharap sa pasilyo. Sa akin. Our gazes locked for badly three seconds. Tatlong segundo ngunit para sa akin ay para na akong nahipnotismo at napunta sa ibang dimension ng mundo. Nalulunod ako sa mga mata niya. Nakakakilabot. At bago pa mapalingon si Carlotta sa akin ay nagmamadali ko nang pinagalaw ang mga paa ko. I feel like panting gayong halos lakad-pagong lang naman iyong ginagawa ko. Nagpatuloy akong lumakad and trying my best to sweep away the strange feeling clawed at my emotion kaninang napatingin na naman ako sa taong iyon. Kakaiba pa rin ang pintig ng puso ko nang makarating ako sa ilalim ng punong Katmon. Umupo ako sa bench na nakapalibot sa katawan ng puno. Naapakan ko ang mga nalaglag na prutas ng Katmon at naglaway ako. Siguro sa susunod na mga araw ay kukuha ako ng preskong prutas ng Katmon o batwan para kainin. Nangangasim kasi ang sikmura ko. Naalala ko noon na kapag may lagnat ako at mapait iyong panlasa ko ay pinapakain ako ng prutas ng Katmon ni Mama. Tapos kapag nagluluto siya ng tinolang isda ay nilalagyan niya rin niyon atsaka talbos ng kamote. Nabasa ko dati na tumitindi iyong cravings ng babaeng nagbubuntis. Nasa ganoong stage na nga ako na ang dami-dami kong naiisip na kainin pero parati ko namang pinapaalalahanan ang sarili ko na bawal akong mag-crave. Kailangan kong kontrolin ang frustration ko. Bukod sa gipit na ako sa pera ay wala rin akong taong paglalambingan ng mga pagkaing gusto ko. Okay lang basta magawa ko lang na kumain ng masustansiya para sa amin ng baby ko. Kinapa ko ang tiyan ko at napangiti. “Kumapit ka lang diyan, anak ko. Magpapalakas si Mama para saiyo. Pangakong hindi mo na maririnig iyong iyak ko, iyong mga hikbi ko baka kasi mahawa ka. Magpapakatatag ako rito kahit na ang totoo ay takot na takot ako. Anak ko, hindi ko pa alam ang gagawin ko. Sorry, baby. Sorry talaga ha kasi mag-isa lang si Mama mo. Sorry, anak dahil muntik na kitang ipahamak. Huwag kang iiyak diyan ha? Ayokong malungkot ka, anak ko.” Hindi ko alam na napahikbi na naman ako habang maingat kong hinahagod ang tiyan ko. “Hindi pa naman iyan iiyak pero lungkot? Mararamdaman niya iyan.” Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Nakita ko ang isang babaeng naghahango ng mga sinampay. Kung kailan takip-silim na, bakit ngayon lang nito inasikaso iyong sinampay niya? Napanood tuloy niya iyong drama ko. “Ilang buwan na ba iyan?” “Magdadalawang buwan na.” Maayos kong sagot at kahit na nakatalikod sa akin ang babae ay nagawa ko pa ring ngumiti kahit na hilam sa luha ang aking mga mata. “Gagō ba ang ama?” Diretsahang tanong ng babae. “Mas masahol pa.” Napakuyom ang isang kamay ko nang maalala si Finn. “Kung alam mong walang maidudulot na mabuti sa inyong mag-ina ang nakabuntis saiyo, puwes huwag kang makakaramdam ng guilt kung magdedesisyon kang ipagkait ang anak mo sa taong iyon. Hindi mo kailangan na isama sa kamiserablehan ng gagōng nakabuntis saiyo ang sarili mo lalo na ang anak mo. Tamang lugar itong tinakbuhan mo but it's not rescuing yourself and your daughter, it's called empowerment. Makakaasa kang makukuha mo ang sapat na emotional support dito sa shelter.” Nang matapos ang babae ay saka lang ito humarap sa akin. “Ako si Bernadette, laking-Cagayan de Oro at anim na taong nakisama sa isang abusive na lalaki. Sa susunod na buwan ay lilipad na ako patungong Israel para mag-caregiver sa tulong ng mga madre.” Napangiti ako sa kanya. “Masaya ako para saiyo, Bernadette. Good luck sa pag-a-abroad. Paulyn Marie. Tawagin mo na lang akong Paulyn.” Tumayo ako at inilahad sa kanya ang kamay ko para sa shake hands ngunit imbes na abutin iyon ni Bernadette ay inilagay niya sa kamay ko ang isang paris na pantulog at underwear ng lalaki. Lito akong napatingin kay Bernadette. “Bumalik ka na sa silid mo at lumalamig na rito sa labas. Iyang mga damit, pasuyo na lang ako na idaan mo sa silid ni Fire. Gagamitin niya iyan ngayong gabi. Salamat.” THIRD PERSON’S POV “SIGURADO KA BANG hindi ka naiihi o ano pa man? Sabihin mo lang, Fire dahil handa naman kitang alalayan hanggang sa loob ng banyo.” Fire let out his frustration towards the stubborn woman through a sharp sighing. Mula nang magising siya sa bahay kanlungan ay napapansin niyang napapadalas ang pagpunta ng naturang babae sa kanyang silid. “I am alright. Please, leave.” He said lowly, his voice was as cold as ice. Cold yet dangerous. “Okay lang. Wala naman na akong gagawin. Papakainin na lang kita, Mr. Hunk. Susubuan kita pero kung gusto mong subuan din ako ay siyempre, ayos na ayos lang. Magsubuan na lang tayo. Alam mo, mag-iisang taon na ako rito sa shelter. Ibig sabihin mag-iisang taon na ring walang pumapasok sa kepyas ko. Makipot na ito at naalagaan ng mabuti. Sabihin mo lang kung gusto mo—” “Miss, I am not interested in you. I'm not interested to anyone.” Fire diverted his gaze outside the slightly open window of the room. Kahit hindi gaanong maliwanag sa parteng iyon ay natanaw pa rin niya ang babaeng umupo sa ilalim ng puno ng Katmon. Then he totally forgotten about the stubborn and flirtatious woman inside his room. It made him feel mad that the woman openly offering him s*x gayong nakikita naman nito na masama ang kalagayan niya. And it made him feel sicker to know that this woman could even bring up lustful doings inside the nuns shelter. Hindi man lang nag-aalangan. “Sige baka hindi ka pa handa. Siya nga pala, ipinapaabot saiyo ni Linda itong cellphone niya. May load na raw iyan at puwede mo raw gamitin hangga’t gusto mo.” Inilapag ni Carlotta ang cellular phone sa bedside table na hiniram niya. “Salamat.” “Okay lang basta para saiyo, Fire. Nga pala, sino ang nais mong tawagan? Pamilya mo? Asawa? May asawa ka na ba?” “Friends. I'm calling my friends so please, excuse yourself now. Thank you.” “Diyos ko! So, wala ka ngang asawa. Ang saya!” The woman exclaimed. “Manatili ka pa ng ilang araw dito, Fire. Sana naman bago ka umalis ay pumayag kang matabihan kita rito sa gabi. Pangako, gagalingan ko. Ano pala, kumakain ka ba? Gusto ko kasi iyon atsaka...” Fire didn't help it anymore and he cussed the woman as intensely as he could. Napatahimik niya rin ito at napaalis sa kanyang silid. Hindi muna ginalaw ni Fire ang kanyang pagkain at naisipang tawagan ang mga taong alam niyang nababaliw na sa kahahanap sa kanya. Sa anim na saulo niyang numero ng kanyang mga kaibigan ay isa lang doon ang sumagot sa kanyang tawag. At iyon pa iyong taong alam niyang makakadagdag lamang ng stress niya. “Bagong numero na naman? Ano! Para-paraan talaga?! Hoy, babae, kahit na iba’t ibang number ang gamitin mo para tawagan ako ay hindi talaga kita kakausapin. Ano ka, Gold? Psh. Busy ako kaya huwag kang istorbo riyan ha? May kasama akong mga babae. Magaganda, madami tapos ang sasarap pa. O, bakit hindi ka makapagsalita riyan? Ano ka ngayon? Akala mo ha! Istorbo. Ano, kumain ka na ba?” “Motherfūcker! Dinaig mo pa ang babae sa kadaldalan, inamoka talaga Unorazio!” Fire hissed at the crazy man from the other line. “It’s Fire.” “Ay anak ng tigang na sawa! Ikaw lang pala hayup ka, Faulton. We're damn looking for you. Namimiss kitang gagō ka. Hindi ako sanay dito na kulang ang basher ko. Na-bo-bored na ako makipag-bonding kay Wind at Kajima. Pūta! Ang tagal matutong mag-tagalog ng mga ulupong na ito! Nagiging anemic na ako kaka-ingles. Hayop! Nasaan ka na ba?” “Is it Fire?” Narinig ni Fire ang boses ng isa pa niyang fratmate na tinuring na niyang kapatid na si Sergius. He doesn't have to guess kung nasaan ang mga ito ngayon. “Hello, dude. Nasaan ka?” Humalili sa linya si Sergius—one of his fratmates in Delta Kappa Order who owned the prestigious strip joints called El Sacramento. “Serge, tell the jerks that I am in trouble. My mother hired men para idispatsa ako.” He told his friend while his eyes didn't leave the woman sitting alone under the katmon tree. She is sad, ramdam iyon ni Fire. “Fūcking what? Your mother is damn insane!” Mabigat na nagmura si Sergius. Ibinuod ni Fire ang nangyari sa kanya kung bakit nagkaganoon ang kanyang kalagayan. That there were men who obstructed his car while he was on his way home from jail where his grandfather is locked up. Nakatakbo pa si Fire sa madamong gilid ng kalsada matapos matamo ang dalawang saksak at isang gunshot sa kanyang braso. He acted dead and the hired gunmen left him. Bago siya matakasan ng buhay ay nakita na siya ng dalawang madre na nanggaling sa paroquia. “Kausapin mo si Tank na pabantayan ang mga kilos ni Mommy Fareena, Serge. I am sure she won't stop hunting me unless I'm already in my death bed.” “Noon pa namin iyan gustong gawin ngunit ikaw lang rin naman ang palaging kumokontra. Now you already believed us how dangerous and cruel of a woman your mother is, Fire. She's insane for trying to kill her own son!” Napabuntong-hininga si Fire. He knew for a fact what evilness his mother is capable of doing ngunit ina niya pa rin si Fareena. Kaya kahit na naging masama itong ina sa kanya ay hindi niya kailanman naisip na makakaya nitong ipapatay ang sarili nitong anak dahil lang sa hindi sang-ayon si Fire sa mga plano ng kanyang ina laban kay Don Falcon De Blasio na siyang ama nito. Fire is siding on his grandfather who is convicted to a crime he didn't even do. Nagagalit ang kanyang ina na si Fareena dahil naniniwala si Fire na inosenti ang Don Falcon at nang malaman ng kanyang ina na tinutulungan niyang makalabas sa piitan ang Don ay nagtangka nga itong ipapatay siya. “I am in a safe shelter. Track this number down and you'll know where I am. But, Serge tell everyone that you cannot visit me here yet. Hindi ko pa puwedeng ipaalam sa shelter kung sino ako.” “Sasabihan ko si Creed na maglagay ng tao sa paligid niyang shelter to make you all safe from Fareena’s claws.” “Fareena? Iyong mudra ni Fire iyon ‘di ba? Ang sungit no’n, naalala ko lang. Ipakagat ko na iyon kay Hazky, Smug at Aklas sa susunod.” May sumabat na babae sa kabilang linya. Fire frowned upon hearing the tipsy voice of Hydrus Hugo’s wife. “Wife, stop it. That's bad.” Suway ni Hugo sa asawa. “Bad? Kaysa naman ipakulam ko aber?” “Kaya nga. Ang lupit mo talaga Sheeva. Anak ka talaga ng tatay mo.” Si Uno. “Napansin mo pala? Papansin ka!” Naisipan na ni Fire na tapusin ang tawag. “Thanks, man. I'll end the call now.” Mag-uumpisa na sanang kumain si Fire nang may kumatok sa kanyang silid. Naipilig ni Fire ang kanyang ulo nang mabungaran ang nahihiyang babae sa labas. Ang good God! She looked more beautiful and gentle up close. Para lamang siyang nakatunghay sa female version ng portrait ni Don Falcon De Blasio na naroon sa mansion noong binata pa ang Don. “P—pantulog mo raw. Ipinahatid sa akin ni Bernadette.” “You’re fidgeting. Are you alright?” Pinanliitan ng mata ni Fire si Paulyn. She looked... scared. Damn it! Does he look scary to her? “Hawakan mo na nga lang itong mga damit at babalik na ako sa silid ko.” Kay bilis na nagbago ng tono at ekspresiyon nito. Sinusupladahan na nito si Fire which earned a smirk from him. “Well, as you can see. I can't change my clothes all by myself, Miss. I'd like to ask you if you have the heart and courage to help me then? Bihisan mo ‘ko, Paulyn Marie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD