IKAANIM NA KABANATA
Kung ang epekto pa nga lang ng presensiya ng lalaking ito ay hirap ko nang makontrol, paano pa kaya ngayon na nakalapat sa likuran ko ang palad niya?
Para na akong mawawalan ng malay sa tindi ng epekto niya sa sistema ko. Ang epekto ng init na nagmumula sa kanyang kamay patungo sa balat ko. Lahat iyon ay ikinakataranta ng isip ko.
Hindi niya ako kailangan na hawakan ng basta-basta!
Ngunit bakit tinutupok ng init niya ang pagpoprotesta sa utak ko? Bakit hinahayaan ko?
“If there's one thing about me which has to be long, sinasabi ko saiyo na hindi ang pasensiya ko ‘yun.”
Hindi ko makuhang magsalita ngunit nagawa kong lumunok ng dalawang beses. Hindi ako katalinuhan pero kay bilis kong naintindihan ang tinutukoy niya.
He was referring about his. . .
Napalunok ako ng isa pa dahil may naramdaman akong matigas na bagay sa tiyan ko nang hapitin pa niya lalo ang katawan ko sa kanya. Tuluyan nang nag-iba ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin sa mga sandaling ito.
“There. Your eyes are telling me you easily got whatever I mean, baby. You're smart.”
Hindi ko na magawang huminga ng maayos. I am feeling his hard on! Sinasadya niya.
At ang titig niya sa mga mata ko, sinasadya niya ring gawing marubdob. Parang kabisado niya na iyon ang paraan para domestikahin ang pagtutol ko.
Parang mas naiintindihan niya ang nangyayari sa sistema ko kaysa sa ‘kin.
Muli niyang idiniin ang matigas niyang pagkalalàki sa akin. Gusto nang maghurumintado ng sistema ko. Papanawan yata ako ng malay dito.
“B—bitaw...” Umalpas ang walang lakas na salitang iyon mula sa aking bibig na maging ako rin ay ikinasorpresa ko.
“If only you tell me you'd listen to me.” He doesn't sound apologetic about his actions. Mas namamayani pa ang paniniil sa malalim niyang boses.
Sa lakas na nararamdaman ko mula sa kanya ay sandali kong nakalimutan na injured siya. Siguro ay kaya niya akong daigin kapag nanlaban ako sa kabila ng kalagayan niya. His hold against me feels sturdy and possessive. He makes me feel weak against his intense stare and hold.
“Kalokohan! Utang-na-loob, lumabas ka na rito!” Sa wakas ay nakabuwelo ang boses ko.
“You are not just smart. You're stubborn, too and I like it. Stubborn girls like you should bear autocratic rules. And if I would give it to you, I swear I will have it the sensual way for you not to forget it.”
Nahigit ko ang aking hininga nang ilapit niya ang mukha sa akin. Hindi siya kumurap.
Bago pa niya maidikit ang matangos na ilong sa mukha ko ay nag-iwas na ako ng mukha kaya nakagawa siya ng malalim na daing.
“Ang dami mong sinasabi. Nahihilo ako sa ka-i-ingles mo. Itigil mo itong laro mo, puwede ba?!” Ikinuyom ko ang mga palad ko atsaka itinaas para itulak ang kanyang dibdib.
“Why don't you just listen to me first? Para sa kapakanan mo itong proposal ko saiyo.” Giit nito. Naroon ang desperation sa tinig n’ya na hindi ko maarok kung saan ba naggagaling.
Dahil nga nakaiwas ang mukha ko kung kaya’t sa malapit sa tainga ko humampas ang kanyang mainit na hininga.
Muntik na akong mapapikit at mapakapit sa tshirts niya. Nanlalambot na rin kasi ang mga tuhod ko. Diyos ko!
“Bitiwan mo muna ako, please. Hindi. . .H—hindi gumagana ang isip ko dahil sa ginagawa mo. Hindi ka dapat lumalapit sa akin ng ganito.”
“Are you scared, then?”
Takot nga ba ako sa kanya? Marahil nga ay oo. Lalo na sa epekto niya sa akin at sa pag-andar ng isip ko kaya kailangan akong matakot sa kanya.
“Please. Please lang, l—lmayo ka na sa akin.” Nang pumiyok ang boses ko ay noon lang siya umatras. Nawala ang kamay niya sa likuran ko.
Hindi ako nagtaas ng tingin sa kanya bagkus ay kinapa ko ang aking pisngi. Hindi ko namamalayan ang luhang umalpas mula sa aking mata. Palatandaan iyon ng takot na nararamdaman ko.
“Hey, listen, listen. I'm not here to scare you. Stop crying for Pete's sake!”
Nasilip ko ang paa nito na muling umatras. Doon na ako nag-angat ng tingin at nahuli ang pag-aalala sa mga mata niya. The emotion I'm seeing in his eyes strangely warmed something inside me.
Imbes na magsalita ay mahinang hikbi ang umalpas sa bibig ko kaya mas lalong nagsalpukan ang makakapal ng kilay ng lalaki. Napamura ito sa ilalim ng mabigat na paghinga.
“I won't harm you. I won't hurt you I promise. Hindi ako kriminal o masamang tao kagaya ng iniisip mo.”
“K—kung gano’n, sino ka? At ano ang dahilan mo para bigyan ako ng proposal na sinasabi mo? Bakit naisip mong tulungan ako?”
Nahuli ko ang pagdaan ng pag-aatubili sa mga mata niya. Ilang sandali rin itong tahimik na nakatitig sa akin hanggang sa nagpakawala ito ng buntong-hininga.
“My reason is that I need you and after knowing your difficult situation, I assume you will be needing me, too.”
“Ano ba’ng sinasabi mo?” Hindi ko talaga siya maintindihan.
Ipinilig niya ang kanyang ulo ng bahagya. Ngayon ay napagmasdan kong maigi ang mga solidong muscle na bumakabat sa t-shirts niya. Ang laki ng katawan niya.
“I need a. . .bride.”
“Ha?” Parang umurong ang takot ko sa kanya at napalapitan ng pagkamangha dahil sa sinabi niya.
“Bride. You know, a woman I can marry and be my wife.”
Kumurap ako hanggang sa hindi ko na mapigilan na taasan siya ng kilay. Sumasagi na sa isip ko ang ideya na baka may sira sa ulo ang lalaking ito kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi sa akin.
“Don’t even think about me being a psycho, woman. Hindi ako nasisiraan ng bait.” Angal nito at bahagyang tumalim ang tingin sa akin na para bang ito ang unang beses na na-offend siya.
“Huwag ako. Please lang, huwag ako. Sobrang gulo na ng buhay ko kaya huwag mo na akong kaladkarin sa sarili mong problema.” Mahinahon kong saad.
“You’re so difficult.” Angil pa nito. “Sumama ka lang sa akin pag-alis ko sa bahay kanlungan na ito at ako ang bahala saiyo. You will be safe with me out of this house. Wala kang dapat na ikabahala sa mga taong humahabol saiyo. I will protect you and your baby at all cost and I truly mean it. At ang kapalit no’n ay papakasalan mo ako dahil kailangan ko ng babaeng ihaharap sa pamilya ko or else my grandfather will disowned me and throw me out of his legacy.”
“Anong klaseng pamilya mayro’n ka? Pang-telenovela?” I taunt him.
Umismid ito na ikinabigla ko. Nagpakawala siya ng hangin na para bang naiinip na siyang magpaliwanag. “I have one week more in this retreat house and I will leave. Pag-isipan mo itong alok ko saiyo.”
Tumalikod na siya para lumabas nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng isang tanong.
“M—mayaman ka ba?”
Sa sinabi niya kanina ay naisip ko nang nagmula siya sa isang alta na pamilya. Halata rin naman iyon sa kanyang pananalita at postura ngunit nais ko pa ring marinig mula sa kanya kung ano ang estado niya sa buhay. At kung totoo bang maililigtas niya ako sa mga taong nais akong ipahamak at ang baby ko.
“If that's your concern then let's just say I have enough resources to financially support you for a lifetime.”
“So, mayaman ka nga talaga? Ano’ng pangalan mo? Negosiyante ka ba? Artista? O pulitiko? Kaya siguro muntik ka nang mautas, ano?” Sunud-sunod na ang pagiging curious ko.
“Businessman.” Pumihit siya at muling ibinalik sa akin ang kanyang mga mata. Nang magtama muli ang aming mga paningin ay kumabog na naman ang dibdib ko. Kakaiba talaga siya tumitig. Nakakapangilabot. “Mayroon lang akong maliit na negosyo.”
Mahina akong tumango. Umaarti akong mahinahon sa harapan niya pero ang totoo ay hindi ko pa maturuan ang dibdib ko na kumalma.
“Seryoso ko ba talaga sa ano. . .diyan sa inaalok mong deal sa ‘kin?” Duduso pa rin ako. “Ang hirap kasing paniwalaan gayong hindi naman tayo magkakilala. At ito pa nga lang ang unang beses na tumagal ng ganito ang pag-uusap natin.”
“Trust me, I hate long discussions but I have to talk to you and convince you dahil wala na akong oras para maghanap ng magpapanggap na asawa ko. Kaya pag-isipan mong mabuti.” May sidhi sa tinig niya nang sabihin iyon na para bang yari sa bakal ang kanyang lalamunan.
Matapos ang pag-uusap naming iyon ay hindi na mawala sa isip ko ang alok ng estranghero na iyon. Kahit sa sumunod na araw ay na-tempt na akong puntahan ang lalaki sa kanyang silid at muling kausapin tungkol sa proposal nito.
Ngunit mabilis din ang pagbabago ng isip ko nang makita kong magkasama ang lalaki at si Carlotta sa kamalig na dati’y inaayos ni Bernadette. Kumakain ang dalawa ng sabay at hindi ko makita ang pagkaasiwa sa mukha ng lalaki. Mukhang nakakasundo na ito ni Carlotta.
Naisip ko na baka si Carlotta na ang inalok nito ngayon sa proposal na una niyang inalok sa akin.
Buong araw ay nakaramdam ako ng panghihinayang. Mukhang seryoso nga talaga si Fire sa proposal nito. Tinanggihan ko pa kaya kay Carlotta tuloy dumapo ang suwerte. O kung totoong suwerte nga ba ang hatid ng lalaking ‘yun.
Ewan ko ba! Ang hirap din talagang magtiwala sa kung sinu-sino lang.
Katatapos lang ng hapunan nang lapitan ako ng isang madre. Si sister Eve. Siya ang isa sa mga madre na nagangasiwa sa bahay kanlungan at masasabi kong siya ang pinaka-istrikto sa lahat.
“May kakilala akong mag-asawa mula Ormoc. May sinabi sa buhay. Beterinaryo ang lalaki. May isang anak, desi-siete años na. Couple of Christ.”
Binati ko si Sister Eve pero iyon ang itinugon niya sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan. Hinihintay ko ang kasunod niyang sasabihin pero roon pa lang ay kinutuban na ako.
“Kung sakali mang magpasya ka na—”
Hindi ko na siya pinatapos at mabilis kong sinalungat ang pinupunto niya. “Sister Eve, wala ho sa isip ko ang ipaampon ang magiging anak ko.” May paninindigan na sabi ko.
“Ito ay ipinapaalam ko lang saiyo sapagkat hindi mo tiyak ang bukas para saiyo at lalo na sa magiging anak mo, hija. This is just a reminder that you have an options. Isipin mo ang kapakanan ng batang isisilang mo.”
“Pasensiya na po kayo pero natitiyak ko pong hindi darating ang araw na ilalayo ko sa akin ang anak ko. Itataguyod ko po ito kahit na anong mangyari.”
May sasabihin pa sana si Sister Eve pero naantala iyon sa pagdating ni Bernadette.
“Paulyn? Paulyn, tingnan mo.” Nabura ang mabigat na ire sa pagitan namin ni Sister Eve nang papalapit ang excited na boses ni Bernadette.
“May nakuha akong litrato ng anak ko sa— narito pa po pala kayo, Sister Eve.”
“Ako’y paalis na rin. Maiwan ko na kayo, Bernadette, Paulyn.” Paalam ni Sister Eve at iniwan kami ni Bernadette sa komedor.
Naiwan ako rito dahil tumulong ako kay Hanna at Lala na maglinis ng pinggan. Mga kasama ko rito sa bahay kanlungan ang dalawa. Pero nauna na ngang umalis ang mga kasama ko kanina dahil nga’y kinausap pa ako ni Sister Eve.
Sumama yata ang pakiramdam ko matapos ang usapan namin ni Sister Eve. Nanghihina ako sa matinding awa sa sarili lalo na sa anak ko. Pakiramdam ko lahat ng tao ang tingin sa akin ay walang kakayanan na magpalaki ng bata.
At ngayon ay hindi ako makatulog sa kakaisip. Inaamin ko na naaapektuhan ako ro’n. Mahirap ang sitwasyon ko dahil nga’y alam kong naghihintay lang si Finn ng pagkakataon na masukol ako sa labas kaya higit na nahihirapan akong magplano na humanap ng trabaho.
Natatakot akong umalis sa bahay kanlungan na ito. Pakiramdam ko ay nasa labas lang ng pader nitong bahay kanlungan ang peligro.
Napaungol ako habang palipat-lipat ako ng posisyon sa higaan. Ayaw akong dapuan ng antok kaya napagdesisyunan kong igawa ng gatas ang aking sarili. Umaasa na makakatulong iyon para antukin ako.
Niyakap ko ang aking sarili nang baybayin ko ang malamlam na pasilyo. Iilang ilaw lang ang nakabukas dahil nga’y nagtitipid sa kuryente ang bahay kanlungan sa kadahilanang limitado nga lang ang pundo.
May kalayuan ang pinanggalingan kong kuwarto sa kusina. Katunayan niyan ay madadaanan ko pa ang silid ni Fire bago ako makarating sa kusina.
Wala naman sana akong balak na magtagal hanggang sa kusang tumigil ang aking mga paa nang hustong tumapat ako sa silid ng lalaking kani-kanina lang ay sumagi sa isip ko.
May naririnig kasi akong ingay mula sa silid ng lalaki. Ingay na tila nababalisang ungol.
Hindi ko na sana iyon papansinin ngunit may kumalabog din. Parang may nahulog na kung ano. Sa pag-aalala ko’y napasugod ako sa silid ng Fire para lamang madatnan siyang nakadapa sa sahig. Tulog ito at mukhang binabangungot pa nga.
“F—fire... Fire, gumising ka. Gumising ka.” Ginamitan ko ng lakas ang pag-alog ko sa kanya. Wala siyang suot na pang-itaas kaya namangha ako saglit sa malapad na tattoo niya sa likod. Hindi ko maklaro ang desinyo niyon dahil malamlam ang ilaw sa silid na ito.
May nakita akong pitsel sa bedside table na puno pa ang laman na tubig. Walang pagdadalawang-isip na isinaboy ko iyon sa kanya. Noon siya natauhan. Hingal at nanlalaki ang kanyang mga mata nang tumihaya siya.
“Damn...” Namamaos at malalim na pagmumura niya nang makaupo siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinapo ang kanyang noo. Tapos napunta sa kanyang tainga ang kanyang kamay.
“Fúck! Just fúck! May pumasok na tubig sa tainga ko.” He grunts.
Napakurap ako. Tumulong lang naman ako pero mukhang nakagawa pa ako ng kasalanan.
“H–hindi ko sinasadya. Narinig lang kitang nag-iingay at pagpasok ko ay nananaginip ka ng masama. Ginising lang kita baka hindi ka na masikatan ng araw bukas.” Katuwiran ko naman.
“Oh, God!” Stress na stress ang mukha niya nang umakyat siya sa papag. Inabot ko ang tuwalya sa likuran ng pinto at initsa sa kanya. Basang-basa kasi siya pati na iyong sahig.
“Sige. Maiwan na kita. Subukan mo nga palang magdasal bago matulog. Baka kaya ka binibisita ng masamang panaginip ay dahil hindi ka nagdadasal. Atsaka maraming multo rito sa bahay kanlungan. Mga babaeng multo. Baka natipuhan ka kaya gusto kang kunin.”
Natigilan siya sa sinabi ko at nakita ko ang bahagyang panlalaki ng kanyang bagong gising na mga mata.
Nagmamadali akong lumabas para tumuloy na sa kusina kung saan ang pakay ko. Ngingiti-ngiti pa ako dahil ibig kong pagtawanan ang reaksiyon ni Fire. Natakot yata sa sinabi ko. Ang laki niyang tao pero mukhang duwag siya sa multo.
Tanaw ko na ang pinto ng kusina nang malakas akong mapasinghap dahil sa malakas na kamay na humagip sa braso ko mula sa likuran. Kung makikita ko lang siguro ang sarili ko sa salamin ay baka putlang-putla na ako.
Maingat akong hinila nang kamay na humawak sa akin hanggang sa napasandal ang likod ko sa malamig na pader. Sa harapan ko ay humantad ang malaking bulto ni Fire. He pins me against the wall using his big and masculine frame.
“Ano’ng—”
“Sasama ako sa k’warto mo. Sa ayaw at sa gusto mo, matutulog ako kasama mo.”