bc

The Tycoon And His Obsession R-18

book_age16+
4.7K
FOLLOW
22.5K
READ
billionaire
revenge
dominant
aloof
powerful
dare to love and hate
mafia
comedy
twisted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING!! SPG SPG SPG

CONTAIN MATURED SCENES

Natitiyak ni Paulyn Marie Medina na ang kinahuhumalingan niyang guest sa exclusive resort na pinagtatrabuhan niya ang kasama niya no’ng gabing naialay niya ang kanyang pagkababáe ngunit nang makilala niya ang ubod ng guwapong estranghero na kinupkop sa isang bahay-kanlungan ay unti-unti nang nagduda si Paulyn. Sapagkat ang estranghero ay katakang-takang kabisado ang buong nangyari sa naturang gabi na iyon na malabo sa alaala ni Paulyn. The man even insisted on recreating that one wildest night of her life. Ipapaalala raw nito kung paano siya mahibang sa ilalim nito.

Ngunit hindi niya ito kilala! Pero kung haplusin nito ang balat niya ay kay dali ngang nag-iiba ng reaksiyon ng katawan niya. Bakit ganoon ang epekto nito sa kanya?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
UNANG KABANATA “IBEBENTA MO TALAGA ‘YAN, PAULYN?” Hindi makapaniwalang sambit ng kaibigan at kaklase ko dating si Irma. Nagtatrabaho na siya ngayon sa isang sikat na jewelry pawnshop dito sa kabilang bayan. Ngumiti ako sa kanya para hindi niya mahalata na ngayon pa lang ay sobrang nanghihinayang na ako sa kuwintas na iyon na gusto kong ibenta. Bukambibig ko noon sa mga kaklase ko kung gaano ko pinakaiingatan ang kuwintas ko na iyon kaya hindi na nakapagtataka na ganoon ang reaksiyon ni Irma ngayong pinapakawalan ko iyon. Kailangan e. “Kailangan ko lang talaga ng pera.” Hindi ko na magawang tingnan o sulyapan man lang ang alahas na iyon na siya lamang natitirang alahas na mayroon ako. Pinakaiingat-ingatan ko ang kuwintas na iyon. Never kong naisangla iyon buhat nang ibinigay iyon sa akin ni Mama noong thirteen years old ako. Kahit no’ng nagpursige akong mag-enroll sa kolehiyo ay hindi ko kailanman naisipan na isanla iyon para sa tuition fee ko. Instead I looked for another way to look for money. Nagtrabaho ako nang nagtrabaho ngunit kahit ano pang pagbabanat ko ng buto ay nahinto pa rin ako sa pag-aaral. “Nasa sixteen thousand ang sagad nito kung mortgage. Isangla mo na lang, Pau para kapag may pera ka na, kahit anong oras ay mabawi mo.” “S–sixteen thousand?” “Oo. Huwag mo nang ibenta. Sangla na lang ‘to. Sayang nga kasi baka ma-auction. Ang rare pa naman nitong necklace, o. Mukhang heirloom ng mga maharlika.” “Loka! Simple lang iyan pero mayaman sa memories kasi nga galing sa Mama ko iyan. Pero sige, Irms. Isasangla ko.” Ngumiti ako. “Luluwas kasi ako ng Maynila. Napag-usapan kasi namin ni Finn na gusto na raw niya akong ipakilala sa pamilya niya. Irms, baka sa pagbalik ko rito ay married na ako. Sana naman hindi maremata ito at kung sakali man ay sana makaabot man lang ako sa auction sale ninyo at makuha ko pabalik itong kuwintas ko. I'm hoping.” I'm sure my eyes are glinting dreamily right now kahit na iyong sinabi ko kay Irma ay kathang-isip ko pa lang. Well, those were barely lies. Pero hindi naman ako nag-aalala dahil oras na magsama ulit kami ni Finn ay natitiyak kong doon din naman ang ending namin. “Oh my God, Paulyn Marie! Seryoso? Si Finn na super hunk at saksakan ng guwapo’t macho na scort mo noong reunion natin?” Hindi mapigilan ni Irma ang kilig niya kahit na medyo naistorbo na niya iyong tatlo pa niyang katrabaho sa loob ng pawnshop. “Siya nga, Irms at wala nang iba.” Walang pag-aalinlangan na sabi ko. Kapag si Finn ang pinag-uusapan ay hindi ko mapigil na ipagyabang siya. He's a big catch kaya napakasuwerte ko. Isa si Irma sa nakakakilala na kay Finn—ang nobyo ko. True to Irma’s words, my boyfriend is undeniably a hunk and a head turner man. Dinala ng tadhana sa buhay ko si Finn nang maging isang guest siya sa private resort na pinagtatrabahuan ko. Housekeeper ako roon. Unang pagtatagpo pa lamang ng aming mga mata ni Finn sa loob ng suite niya habang nag-ro-room service ako ay alam ko nang siya na ang lalaking mamahalin at sasambahin ko. It was like a love at first sight. At hindi lang ubod ng guwapo si Finn, halatang mayaman din ito. Parang isang panaginip nga iyong nagising na lang ako isang araw at palaging nasa tabi ko na si Finn. Kahit ako ay ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko. Tumagal ang stay niya sa resort dahil sa akin. Sabi niya ay dapat tatlong gabi lang siya roon pero tumagal siya ng halos isang buwan. Kung hindi iyon mayaman ay tiyak pangalawang gabi pa lamang sa resort ay aaray na iyon sa gastos but he really stayed. Hindi ko na nga iniisip kung may ligawan pa bang naganap sa amin ni Finn because we just instantly clicked. We got intimate with each other without even knowing ourselves deeper. Aniya ay marami naman kaming panahon sa isa’t isa para kilalanin ang bawat isa. Sa loob ng halos isang buwan na magkasama kami ni Finn ay wala siyang ipinakitang ugali niya sa akin na hindi ko nagustuhan. He's sweet, romantic and a bit aggressive. Kay bilis kong nahulog sa kanya. Sa maikling panahon na iyon ay tahasan nang sinasabi sa akin ni Finn na gusto na niya akong isama sa future niya. He wants to build a future with me. A family with me. He promised me marriage and a home for us. Naniwala ako. Maniniwala pa rin ako kasi mahal ko siya. And now I'm going to chase that beautiful future with him. I am coming to see him. To be with him. Handa akong isugal ang kuwintas na pamana sa akin ni Mama at ang buhay ko rito sa probinsya para lang magkasama kami ng tunay. We need to be together. We need to tie a knot and I'm very happy to bring a beautiful news to him. “Pero akala ko ba ay pangarap mong maikasal sa atin, Paulyn? Paano iyong beach wedding?” May pinapirmahan sa aking mga papeles si Irma. “Siyempre matutupad iyon, Irms. Isasama namin iyon sa plano namin ni Finn. Isa ka sa unang makaalam kapag dito na kami ikinasal.” “Hay naku! Ipapamukha ko talaga iyan sa mga mayayabang nating mga kaklase dati na nagsabing hindi seryoso saiyo si Finn. Kakainin nila iyong mga maling judgement nila sa relasyon ninyo.” Kahit hindi pa tumatagal ang pagsasama namin ni Finn ay hindi ako natatakot na mangarap. Hindi ako natatakot na magbigay. I want no one but him. Sigurado na ako sa kanya. “Pero nanghihinayang ako sa kuwintas mo na ‘to. Bakit kasi hindi ka na lang sunduin dito ni Finn para hindi ka na gumastos? Ang mahal kaya ng plane ticket.” “Uhm, hindi niya kasi alam na mapapaaga ang pagluwas ko ng Maynila, Irms. Ang usapan kasi namin sa huling linggo pa ng buwan niya ako susunduin dito pero hindi ko na matiis na hindi siya makita.” Dalawang beses na binilang ni Irma ang labing-anim na one thousand peso bill bago inabot sa akin. Mula sa pera ay tumaas sa mukha ni Irma ang paningin ko. Mula kasi sa maliit na bilog na butas ng teller space ay nagawang hawakan ni Irma ang kamay ko. “Paano, Paulyn? Mag-iingat ka na lang sa biyahe mo and I'm wishing you and Finn a long and happy marriage.” Gusto kong biruin si Irma na magiging opisyal na kaming magkumare. Na magiging ninang na siya pero katulad nga ng sabi ko sa sarili ko ay gusto kong si Finn ang unang makakaalalam ng napakagandang balita tungkol doon. Napasarap man ang kuwentuhan namin ni Irma ay kinailangan ko nang umalis dahil kukuha pa ako ng plane ticket. Ngayong araw din ang flight ko patungong Maynila. Bale five thousand and thirty five pesos ang binayad ko sa ticket. Economy. Masyado yatang mahal iyon pero hindi na ako nagreklamo. Ayaw ko namang maghintay pa kung kailan maglalabas ng promo ang airlines na available sa airport sa bayan na malapit sa amin. 5:45PM pa ang departure time ng eroplano. Sinipat ko ang oras sa cellphone ko at mayroon pa akong fifteen minutes bago mag-board ang mga pasahero. Siyempre ginamit ko ang oras na iyon para tawagan si Finn. Walang ideya ang nobyo ko na ilang oras na lamang ay magkakasama na ulit kami. Gaano kaya kasaya si Finn oras na makita niya akong nasa Maynila na? Na tuluyan na akong nagdesisyon na makisama sa kanya? Siguro ay tatalon iyon sa labis na tuwa. Hindi sinagot ni Finn ang first attempt call ko kaya I redial his number. Six weeks na mula nang umuwi sa Maynila si Finn ngunit kahit na ganoon ay hindi naputol ang communication naming dalawa. Medyo naging maikli lang ang oras ng pagtatawagan namin nitong nakaraang dalawang linggo dahil ayon kay Finn ay busy daw ito sa kanilang family business. Hindi ko alam kung gaano kayaman talaga ang pamilya ni Finn pero malakas ang kutob ko na hindi lang ordinaryong pamilya ang mayroon ito. Mabilis ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko nang sa wakas ay sinagot ni Finn ang tawag ko. “Finn, hel—” “Take away that fúcking phone and listen to me, you sonofabítch! I'm still talking here kaya huwag kang magkakamali na ibaling sa telepono mo ang atensiyon mo, Finn!” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko at napakurap ako sa mabagsik na tinig na nagmula sa kabilang linya imbes na ang boses ni Finn ang marinig ko. Sandaling napaawang ang aking bibig. “Hello, Finn. Ano ang mangyayari r’yan? Sino iyang naninigaw saiyo? Finn, hello. Hello?” Bumangon ang pag-aalala sa boses ko. Hindi ko mapigilan dahil maging ako ay kinilabutan sa boses ng lalaking narinig ko mula sa linya ni Finn. Galit na galit ito. “Bro, just a sec. I'm just gonna answer this babe—” Boses na iyon ni Finn ngunit mabilis na naputol ang sasabihin ng nobyo ko. Nag-uumpisa na akong mainis sa kung sino mang iyong bumubulyaw sa boyfriend ko! “Díckhead! When are you going to tuck some senses and decency inside that stupid head of yours? Kailan ka ba magsasawang mag-akyat ng problema sa pamamahay na ‘to?! Kailan ka ba titino? Even my frat mates, they're tempted to skin you alive for being such a jerk! Grow up, Finn! Grow up and stop manwhoring!” Manwhore— ano raw? Parang nagpantig yata ang tenga ko sa salita na iyon. Manwhoring? Who was that furious man? Gusto kong sungalngalin ang bunganga ng taong iyon. Ano bang pinagsasabi niya na manwhore si Finn? He's loyal to me. Hindi ganoon si Finn. Hindi siya palikero! Sino ba ang mabagsik na taong iyon? Tatay ba ni Finn? Kung tatay iyon ng boyfriend ko, bakit ko ba naisip na sungalngalin ang bunganga niya? Diyos ko! Hindi ko pa man nakakaharap ang pamilya ni Finn ay may kasalanan kaagad ako. Napagpasyahan kong ako na ang puputol ng tawag dahil nag-anunsiyo nang kailangan na naming mag-board. I wear my denim jacket inside the plane. Ipinatong ko iyon sa paborito kong bestida na floral. Gustung-gusto ko ang yellow carnation na bulaklak. Marami kasi no’n sa shelter at si Mama ay hindi nakakatulog kapag walang fresh carnation flower sa maliit naming silid sa shelter. Nakita ko lang itong bestida na may yellow carnation print sa naluluging boutique sa bayan namin na malapit nang magsara at binargain na ang mga paninda. Four hundred eighty pesos lang ang bili ko nito at sobrang ganda. Dahil special itong araw na ito sa akin kaya ito ang isinuot ko. The plane trip just lasted for about an hour and fifty minutes. Nag-taxi na ako papunta sa address na sinabi sa akin ni Finn kung saan siya nakatira sa Maynila. Dala ko nang lahat ang mga importanteng gamit ko. Muntik pa akong makipagdiskusyon sa taxi driver dahil halatang ginagantso ako. Ang laki ng sinisingil pero sa huli ay nagdesisyon akong pabayaan na at ibigay na lang iyong pamasaheng hinihingi. Sana naman kapag nagsama na kami ni Finn ay hindi niya ako hahayaan na sunakay ng taxi. Bukod kasi sa wala akong kamuwang-muwang dito sa Maynila ay natatakot din akong maka-encounter ng disloyal at mapagsamantala na mga taxi driver. Extra-modern na bahay pala ang nakalagay doon sa address tapos masyado pang strict iyong security ng village ngunit pinatuloy naman kami nang banggitin ko ang pangalan ni Finn. Tatlong palapag ang bahay. Malawak ang lawn. Kita ko iyon kahit hindi pa ako nakakalapit sa gate dahil mababa lang ang concrete fence ng paligid niyon. Parang ayaw kong ikurap ang mga mata ko habang nakatunghay sa napakagarang bahay ng boyfriend ko. Ibig sabihin nito na ito na rin ang magiging tahanan ko. “Sino sila?” Isang babae ang nagbukas ng gate nang mag-doorbell ako. Tantiya ko ay nasa kuwarenta ang edad nito. Naka-uniporme ito ng parang scrub suit pero may suot itong apron. Parang katulad din ng housekeeping uniform ko ang suot ng babae. “Magandang gabi ho. Ako ho si Paulyn. Paulyn Medina. Hinahanap ko po si Finn. Nandiyan ho ba siya?” Magalang na tanong ko. Umasim ang ekspresiyon ng babae nang sinabi kong hinahanap ko si Finn. “Ano ho... Girlfriend niya po pala ako.” I smiled brightly. “Baka ang ibig mong sabihin ay parausan, hija at hindi girlfriend.” Dagling nalaglag ang ngiti ko at nagsalpukan ang mga kilay ko nang pakawalan ng kausap ko ang linya na iyon nang wala man lang pagdadalawang-isip. “H—ho? Ano ‘kamo?” “Umalis ka na, hija at baka malaman pa ng fiancée ni Sir Finn na may isa na namang babae ang naghahabol kay Sir Finn. Pagmumulan ka lang ng gulo. Nakakasawa na ang ganoong eksena kaya utang-na-loob, umalis ka na lang, okay?” Mataray pang litanya nito. Tinataboy ako na para bang isa akong nakakakilabot na hayop. “Teka ho. Sandali.” Awat ko nang isasara na sana niya pabalik ang gate. “Ano nga po ulit iyong sabi ninyo? Fiancée? Si Finn, may fiancee siya?” I'm confused. Pakiramdam ko ay sandaling huminto sa pag-andar ang isip ko o siguro ay namali lang ako ng dinig. O marahil ay hindi lang kami nagkaintindihan ng kawaksi nina Finn. “Sinabi ko nang umalis ka—” “Susana, sino ba ang nariyan?” Napatitig ako sa mga mata ng katulong nang may babaeng nagsalita mula sa loob. Narinig ko ang pagbuga ng hininga ng katulong dahil sa inis. “Senyora Alora, babae na naman ho ni Sir Finn.” “What the hell?” Padaskol na bumukas ang gate at nagtagpo ang mga mata namin ng magandang babae. Ganitong-ganito ang mga mayayaman na babaeng guest sa resort na pinagtatrabahuan ko. Mala-donya ang aura. Nakakailang. Gusto kong umatras dahil sa uri ng titig na ipinupukol sa akin ng babaeng tinawag na Senyora Alora ng katulong. “Just how many times does my son-in-law bedded you for you to show your face here? And sweet Christ! You don't even look like those types of w***e who had an awful affair with Finn! You look... poor.” Puno ng disgusto ang mga mata ng ginang habang sinusuri ang kabuuan ko. Harap-harapan akong kinukutya ng babae sa harapan ko pero ngayon pa ba ako magpapaapekto sa mga ganoong panunuya? “Girlfriend po ako ni Finn. Nandito po ako para sa kanya at para makausap siya tungkol sa isang napakahalagang bagay sa pagitan naming dalawa. At mawalang-galang na ho, ma'am. Ako po ang magdedesisyon kung sino ang invited sa usapan namin at kung sino ang puwedeng kumausap sa akin. Gusto kong malaman ninyo na hindi kayo kasali roon.” “Holy!” Gilalas nito dahil sa pagsagot ko. Napasinghap ako nang biglang umabante papunta sa akin si Senyosa Alora at walang ingat akong hinatak patungo sa loob ng bahay. “Si Finn nga ba ang gusto mong makita. Puwes, look at him! Look at him together with my daughter, you roguish skank!” Huminto sa paghatak sa akin ang senyora ilang metro ang layo mula sa swimming pool. Pakiramdam ko ay parang pinunit ang puso ko nang makita ko roon sa swimming pool ang lalaking pakay ko. Ang lalaking ginawa kong perpekto sa isip at sa paningin ko. He was there, making out with a woman in the water. And they're laughing. Tumigil ang mundo ko sa tagpong pinapanood ko. Parang namamanhid ang katawan ko. Nagbalik lang ang aking huwisyo nang sinampal ako ni Senyora Alora. “Now leave! Lumayas ka! I feel so disgusted having someone like you around and I couldn't imagine na pumatol sa isang dukha ang lalaking papakasalan ng anak ko!” Slowly, hurtfully I withdraw my gaze from Finn and from that woman— his fiancee! Matapang kong sinalubong ang mga mata ni Senyora Alora. “Buntis ho ako.” “Que horror!” “At oo, aalis ako at pakisabi na lang ho sa magaling ninyong son-in-law na kung gusto niyang pag-usapan ang tungkol sa magiging anak namin ay tawagan niya ako.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

The Sex Web

read
151.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook